0

JANNA THE YOUNG CEO❤ CHAPTER 11


Report

Jovie11
(Aurhor)💛

CHAPTER 11

Di parin mawala wala sa isip ni janna ang nakita niya sa fast food kanina
Close na Close pala si trisha na secretary niya sa girlfriend ng kuya Ryan niya.Iba kasi ang pakiramdam niya lalo at siya na ang hahawak sa company nila kinakabahan siya sa mga susunod na mangyayari,kaya dapat siyang mag handa.Dahil alam niyang tutol ang dalawang kuya niya na siya ang magpatakbo sa company nila.
Napatigil siya sa pagmumuni muni niya ng nagsalita si brix
“Kanina ka pa walang kibo at ang lalim ata ng iniisip mo love”
Pagtatanong ng binata sa dalaga.
“Alam mo naman na tutol saakin ang dalawang kuya ko na ako ang magpatakbo ng company namin diba kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyari love,”
“Don’t worry love I always here by your side,hindi kita pababayaan”
Sabay halik ng binata sa noo ng dalaga Di nalang umimik si janna pero kabado talaga siya.

Habang sa fast food naman busy sina Mary at trisha sa pagkukwentuhan.
“Oh trisha alam mona ang gagawin mo sa susunod na araw ha,maglagay ka ng malakas na pabango sa loob ng opisina ni janna,ng mahimatay ang babaeng yan,ayaw ko na maagawan niya si Ryan ng position.”
“Masusunod best,kaya lang wag muna ngayon best, mag hintay lang ako ng tiyempo,kasi minsan nandun ang don,at ang boyfriend niyang si brix”
Paalala naman ni trisha kay Mary.
“Gawan mo ng parang best,akitin mo kaya si brix,gusto kong makita ang mukha ng babaeng yan na luluha”
Galit na sabi ni Mary
“Hindi ganun kadali ang gustoong mangyari Mary alam mong suplado sa ibang babae si brix mahirap yang gusto mo.”
“Basta gawan mo ng paraan yan trisha,para di naman masayang ang ibabayad ko sayo”
Sabay abot sa parang naka envelop
Pagtingin ni trisha sa enlevop
Napanganga siya ang laking halaga ng pera sa loob ng envelop.
Makakaipon na siya para sa pag aaral ng bunsong kapatid.
Nasa probinsya ang pamilya ni trisha,pagkababa sila ni Mary.
Si Mary naman ay anak ng may kaya sa kanilang probinsya.Matagal na silang magkaibigan ni trsiha,at sobrang close sila
Isang taon palang si trisha sa kanilang company ang kuya Ryan niya ang hire dito at ginawang secretary niya.
“Ang laking pera nito Mary,pero salamat para sa kapatid ko sa probinsya itong pera na to,para sa pagkokolehiyo niya”
Dagdag pang sabi ni trisha kay Mary.
“Dadagdagan ko pa yan pag nagawa mona ang unang misyon mo trisha”
Sabay tapik ni Mary sa kamay ni trsiha
“Mauuna na ako sayo at may lakad kami ni Ryan ngayon,bayad na iyang pagkain,kaya wag ka ng magbayad mamaya”
Paalala pa ni mary kay trsiha
“Salamat best”
At naiwan na si trisha sa loob ng fast food agad namang umalis si Mary.

Alas syete ng gabi nag paalis na sina janna at brix papuntang venue kung saan gaganapin ang bday ni Tyler simpleng floral dress lang ang sinuot ni janna at wedge sandal ang gamit niya Samantalang naka polo naman si brix at naka pants ng maong.
Pagdating nila sa venue nandun na din pala ang pinsan niya and look who’s here it’s nathalie ang babaeng patay na patay kay brix.
Nakipag beso beso ako sa pinsan ko at sa gf ni Tyler.at ganun na din kay nathalie na sobrang sama ng tingin saakin.magkatabi kami ni brix at magkatabi naman sila ni Bryan.at magkatabi naman ang pinsan ko at Joseph si Arnold at Joshua naman ang magkatabi at magkatapat lang si brix ay nathalie katapat ko naman si Bryan.bago kami kumain ay ipinakilala naman ni Tyler ang kanyang girlfriend na si grace,I like her beauty she’s morena at matangkad at isa itong modela.
Nakipag kamay kami sakanya,at binati ng Happy birthday si Tyler,ipinakilala rin saamin ni Tyler si nathalie pero kilala ko na siya ganun din si carmela kakwento ko kasi sa pinsan ko ang nangyari sa sinehan noon kaya kilala na namin siya.
“Janna and carmela meet my cousin,Nathalie.
Nath,this is janna and carmela they are cousin girlfriend ni brix si janna and soon to be naman si carmela para kay joseph”
Mahabang linya ni Tyler agad naman sumagot si nathalie
“No need to mention Tyler,na meet kona sila”
Sarkastikang sabi ni nathalie,tinignan naman ako no carmela at nagkibit balikat nalang siya.hinawakan naman ni brix ang kamay ni janna na siyang kinainis ni nathalie parang nag aalburuto sa galit.
“OK then shall we eat,”
Kinantahan pa nila si Tyler ng happy birthday ulit makukulit pala tong mga to pag nagsama sama sila,si brix na ang kumuha ng pagkain para kay janna nagkantyawan pa ang tropa nila dahil sobrang sweet daw nila sa isat isa ganun din sina Joseph at carmela na nagsusubuan pa.habang ang itsura naman ni nathalie parang di maipinta,gentle man naman si Bryan kaya lang kay brix siya nakatitig.selos na selos siya sa dalawa At bwisit na bwisit siya kay janna matapos ang kainain ay nag inuman naman sila.nagpaalam si janna na mag ccr lang sinundan agad siya ni nathalie,habang si carmela naman ay nakaabang lang kung ilang minuto babalik si janna sa kinauupuan niya.
Sa si cr...


palabas na si janna ng makasalubong niya si nathalie naka ngisi ito sakanya,deretso lang siya sa lakad ng harangan siya ni nathalie,
Palinga linga si brix ang tagal naman ata nag cr ni janna at nag paalam siya na mag ccr din tumayo na din si carmela kinakabahan na kasi siya eh wala pa ang pinsan niya alam niyang selos na selos si nathalie kay janna at masama ang kutob niya
Sa cr naman napahinto si janna dahil nakaharang si nathalie sa daan kaya nag excuse siya

“Excuse me,don’t block the way”
Mahinahong sabi ni janna
“Eh kung ayaw kong umalis at haharangan talaga kita may magagawa ka ba.”
“May problema ka ba saakin nathalie”
Tanong ni janna kay nathalie
“Oo malaki aangal ka”
Sabay lingon ni nathalie sa pintuan at sabay iyong nilock,saktong papasok sana si carmela ng nailock na ni nathalie ang cr dinig na dinig nila ang sagutan ng dalawa sa loob ng cr,pilit binubuksan ni brix ang pintuan ng cr kaya lang mahirap itong buksan.
“Higad kang babae ka,”
Sabay sabunot ni nathalie sa mahabang buhok ni janna
“Aray bitawan mo nga ang buhok ko,ang sakit ng hila mo,ano bang pinagsasabi mo”
Pagpupumiglas ni janna kay nathalie
” nag mamang maangan ka pa.”
Sasampalin sana ni nathalie si janna ng sinipa ito ni janna at tumilapon si nathali na siyang kinagalit niya nakita niya ang timba at mop sa gilid agad itong pinulot at ibinato una ang timba kay janna agad namang nakailag si janna hindi alam ni nathalie na nag aral ng martial.art si janna
Kada hampas niya sa mop ay agad na nakakailag ang dalaga at nasisipa ito sa sobrang galit ni nathalie kung anong makita siyang Ibinabato kay janna.
Habang sa labas naman nagkakagulo na ang tao habang tumakbo si brix sa may cashier para kunin ang susi ng cr agad namang inabot ito kay brix dali dali siyang tumakbo para buksan ang pintuan ng cr,nandun na din lahat ng tropa niya.galit nangalit na din si Tyler sa ginawa ng pinsan niya.
Habang sa loob naman ng cr basa na ang damit ni janna dahil initapon ni nathalie ang isang timbang tubig sakanya sa sobrang galit naman ni janna at di na siya nakapag timpi pinatulan na niya ito agad niyang naabot ang buhok ni nathalie at hinila ito at iningudngud niya ito sa lababo at binuksan ang tubig,nasiko naman siya ni nathalie na siyang ikinatumba ni janna sa sahig akmang sasabunutan ni nathalie si janna ng bumukas na ang pintuan agad na pinatayo ni brix si janna sa sobrang galit naman ni carmela hinila niya so nathalie sa loob ng cr ipinasok sa may inidoro tsaka niya iningudngud doon si nathali nagsisigaw naman si nathalie inawat naman ni Joseph si carmela.
“Stop it carmela wag mo ng palutan yan”
Nagpupumiglas parin si carmela,kay binuhan na siya ni Joseph
“Ano ba ibaba mo ako”
Tumakbo naman sina Tyler at Bryan sa loob ng cr at inilabas na si nathalie.
Akay away naman ni brix si janna agad tinanggal ni brix ang coat niya at tsaka ibinalot kay janna.habang si carmela naman ay nagpupumiglas sa pagkakabuhat sakanya ni Joseph ibinaba na siya ng binata at lumapit kay janna naka upo na kasi si janna at pinupunasan ni brix ang buhok niyang basa nagtitinginan na sakanila ang mga tao.pinahatid na ni Tyler si nathalie kay Bryan pag balik ni Tyler sa mesa nila agad siyang humingi ng paumanhin kay janna at brix ganun na din kay carmela.

“OK lang yun Tyler,nasira pa tuloy ang kaarawan mo”
Sagot ni janna kay Tyler
“I’m really sorry janna,sorry talaga sa inasal ng pinsan ko”,
“OK Lang Tyler ano ka ba” sabay bahing ni janna.
“Ty mauuna na kami,pagsabihan mo nalang si nathalie ayaw kona sanang maulit pa to,pasensya kana nasira tuloy birthday mo.”
Pag papalam no brix kay Tyler.
“Ano ka ba pre ok lang ,ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil sa inasal at ginawa ng pinsan ko kay janna.”
Hinging paumanhin ulit ni Tyler kay brix
“Sige pre mauuna na kami”
Sabay na din nagpaalam sina carmela at Joseph,nagbayad na din si Tyler at umalis na sila doon hinatid niya ang nobya tsaka siya umuwi ng bahay nila at agad tumawag sa pinsan niya.

“Nahihibang kana ba nathalie hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan.”
Bulyaw ni Tyler kay nathalie sa kabilang linya
“Sorry na ty hindi na mauulit pa”
Tanging yan lang ang nasabi ni nathalie sa pinsan niya.
“Talagang hindi na mauulit yan dahil pag ginawa mo pa yan kakalimutan na kita bilang pinsan ko,alalahanin mo marami ka ng atraso saakin ng dahil kay lang kay brix,may girlfriend na Yong tao nathalie,kaya pwede ba”
Bulyaw ulit ni Tyler kay nathalie,binabaan lang siya ng tawag.

Sa kampo naman nina Eva reyes,Tumawag ang tauhan niya at agad banality ang naganap sa restaurant,
“Naku madama parang ang laki ng galit ng babae kay miss janna”
Anang lalaki sa kabilang linya
“Sinong babae yan lando,hanapin at kunin mo ang impormasyon niya magagamit natin yan laban kay janna”
Bilin naman ni eva kay lando
“Masusunod boss”
Sabay baba sa telepono

Itutuloy…
Thank you reader


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.