1

It’s a Choice Not an Option Chapter 1


Report

It’s a Choice Not an Option
by: Jamzrellejan
Chapter 1
Bata pa si Monique ng iwan sila ng ama at sumama ito sa ibang babae. Wala na silang naging balita dito mula noon. Silang dalawa na lamang ng kanyang ina sa buhay. Umalis sila ng probinsya upang makipagsapalaran sa Manila. Kahit walang kakilala, matapang nyang hinarap ang bagong buhay.
May tinapos naman sya kaya agad nakahanap ng trabaho. Dahil maliit na halaga lang ang napagbentahan ng bahay nila sa probinsya. Nangupahan sila sa Manila na malapit sa pinapasukang kompanya.
Dahil walking distance lang ang trabaho at bahay, naglalakad na lang sya pagpasok.
Narinig nya ng sumigaw ang lalaki ng hablutan ito ng bag habang nagbubukas ng pinto ng kotse. Sakto namang masasalubong nya ang snatcher. Kaya tinalisod nya ang lalaki na agad naman nahuli ng mga guard.
“Salamat ha! Ang tapang mo, hindi ka man lang natakot don sa snatcher.”
“Okay lang. Ito palang bag mo!” napapangiting pinagmasdan ni Monique ang kaharap.
“Tirso Delmundo.” pakilala nito.
“Monique Alcantara.” pakilala din niya. Gwapo, baritone ang boses at matipuno ito. Lalaking-lalaki ito pero ramdam nyang may iba itong pagkatao.
Hindi nagtagal naging close sila. Napagkamalan pa nga syang girlfriend ng mga magulang ni Tirso ng minsang isama sya nito sa kanilang bahay.
“Pasensya na Monique. Akala ko talaga ay girlfriend ka nitong aking unico iho.” hinging paumanhin ng ina nito.
Isa sa mayayamang angkan ang pamilya ng kaibigan. Mataas din ang katungkulan ng ama nito sa military. Kaya napagtanto nyang ito ang dahilan kung bakit hindi inilalabas ng lalaki ang tunay na pagkatao.
“Bakit hindi ka magpakatotoo?” prangkang tanong ni Monique kay Tirso.
Nag-iwas ang lalaki. “Ano bang sinasabi mo?” pagkakaila nito sa tinutukoy ng dalaga.
25th birthday noon ni Tirso. Pero imbes na mag celebrate kasama ang mga kakilalang mayayaman na laging ginagawa ng magulang, pinili nitong silang dalawa lang sa condo ng lalaki.
“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!”
Napahagulgol si Tirso at lumabas ang pagiging bakla nito. “Kung alam mo lang kung gaano kahirap!” maarteng sabi nito sa malambot na boses.
“Gusto mong samahan kita?” Niyakap nya ang kaibigang tuloy lang sa pag-iyak.
“Baka kasi itakwil ako ng pamilya ko.” malungkot nitong pahayag. “Kung ikahiya ni Papa na may anak syang bakla. What if….”
“What if! Pero paano mo malalaman ang mga sagot dyan sa tanong mo kung hindi mo susubukan?” mariin nyang pinisil ang kamay...


nito.
Nasa labas sila noon ng mansion nina Tirso. Kinabukas ng kanyang birthday. Nagpasya si Tirsong aminin na sa mga magulang ang totoo.
“Hindi kita iiwan kahit itakwil ka o ikahiya ng mundo!” nakangiti nyang pangungumbinsi dito.
Tumango si Tirso. Nabuhayan sya ng loob at pag-asa. “Umilag ka na lang pag sasapakin na ako ni Papa!” biro ni Tirso sa kanya.
“Sa tingin ko hindi!”
“Paano mo nasabi?”
“Kasi mahal na mahal ka ng mga magulang mo!”
“Bahala na! Tara pumasok na tayo.”
“Happy Birthday Anak!” masayang salubong ng Mama ni Tirso.
Pagkatapos syang halikan ng ina, mabuti syang pinagmasdan nito. Sadyang naglagay si Tirso ng konting make-up.
Pagkatapos kumain, niyaya ni Tirso ang mga magulang sa tabi ng pool. “May gusto po sana akong sabihin.” kinakabahang umpisa ni Tirso.
“Bakit anak! Handa ka na bang ilabas ang totoong ikaw?” agaw ng kanyang ama.
Nagkatinginan silang magkaibigan.
Nakangiting inakbayan ng ama nya si Tirso. Inaya ito sa pool at naupo doon habang nakasawsaw ang paa sa malamig na tubig. Naiwan naman sila ng ina nito sa lamesa.
“Hinihintay ka lang namin anak!”
“Ang ibig nyo bang sabihin…!” hindi na naituloy ni Tirso ang sasabihin dahil nag unahan ng tumulo ang kanyang mga luha.
“Syempre naman. Anak ka namin! Noon pa alam na namin ang tungkol dyan.” masayang sabi ng kanyang ina na tumabi sa kanila.
“Papa, hindi kayo galit?”
“Bakit ako magagalit. Anak kita! Kahit ano ka pa! Mahal ka namin ng Mama mo.” Tumayo ito at lumapit kay Monique. “Pero baka naman makaya pa ni Monique gawin kang lalaki.
“Papa naman eh.”
At nagkatawan sila.
“Thank you ha! Buti andyan ka. Kundi patuloy pa rin akong nagtatago.”
“Magkaibigan tayo diba!”
Masaya sya para sa kaibigan. Kaya pinalitan na nila ng Trisha ang Tirso. At mabuti na lang din ang lipunan ay tanggap na ang gaya nya. Ganon pa man, hindi pa rin ito ngbihis babae. Pero mas pinag-igi ang fashion nito sa pagma-make up at pagsali sa ganitong mga contest sa loob at labas ng bansa. Kaya lalo syang naging proud sa kaibigan pati na rin ang mga magulang nito ng makilala ito sa larangan pinili.
“Ano ba yang ginagawa mo kanina ka pa sa laptop mo?” tanong ni Monique kay Trisha.
“Naghahanap ako ng wedding coordinator. Yung pinsan ko kakasalan.”
Napangiti si Monique. “Gusto mo akong subukan?”
And rest was history.
Happy reading po 🥰❤️🥰❤️🥰


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.