0

Isang Tula Sa Katunayan


Report

Isang Tula Sa Katunayan….
Written By:Mailyn M. Cebuco
“Makamundong gawain”
Ito ay nakatatak sa bibliya
Isa sa gawaing para lamang sa mag-asawa
Ingatan mo ang pinakamahalagang bagay
Sapagkat nasa huli ang pagsisisi
Relasyon ay dapat gawin’g inspirasyon
At pag-aaral ay unahin
Itatak mo sa iyong isipan ang kahalagahan
Ng bagay na iyong iniingatan
Pangarap mong humarap sa altar
Suot ang pinakamaputing trahe de boda
Magsikap ka’t harapin ang bawat pagsubok
Ng sa ganun ay...


ikakasaya ng iyong pamilya
Bumawi ka sa mga paghihirap ng iyong Ina’t Ama
Nung ikaw ay bata pa
Kaya isama mo ang iyong inspirasyon
Sa bawat pangarap mo ng makapagtapos ka
Makamundong gawain
Ang magiging hadlang sa bawat pangarap
Kaya lubayan mo ito
Wag kang magpadala sa tentasyon na sisira
Sa lahat mong haharapin
Magulang mo’t magulang nyay nangangamba sa inyong pagsasama
Ngunit
tanging TIWALA at PAG-ASA
Ang kailangan mong IPATUNAY sa kanila…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.