2

INTERNET LOVE


Report

INTERNET LOVE”
(A Short Sad Story)
~Sofiah’s PoV.~
“Bhe, may boyfriend kana ba?” Tanong sakin ng Best Friend kong si Jenny.
“Nako bhe, alam mo namang wala akong oras para d’yan,” walang ganang sagot ko naman sa kanya.
Wala kase akong panahon para sa jowa-jowa nayan dahil gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ko ang mga mgulang ko na maka-ahon sa hirap.
Naghinto kase ako ng pag-aaral para mag trabaho muna at matulungan ang mga magulang ko sa gastusin sa bahay at nag-iipon nadin ako dahil balak Kong bumalik ng pag-aaral sa college.
“Bakit Hindi mo subukan bhe para naman sumaya ka Hindi yung puro nalang trabaho ang nasa isip mo, may alam ako na dating apps para makahanap ka agad ng magugustuhan mo,” suggest nya.
“Bakit bhe, masaya naman ako sa ginagawa ko. Okay lang ako na puro trabaho para naman kumita ako ng pera para matulungan sila Mama,” nakangusung sabi ko sa kanya.
“Wala ka talagang alam tungkol sa pag-ibig, oo alam Kong masaya ka dahil natutulungan mo sila tita pero iba yung saya na mararamdaman mo kapag nagmahal ka,” huling sabi nya at nagpaalam na upang umalis.
Naiwan akong tulala at nacu-curious sa sanabi nya.
Iba yung saya kapag nag mahal ka.
Curiosity kill’s a cat.
Aishh.
Okay lang naman siguro kung mag-laan naman ako nang kahit konting oras para sa sarili ko. Gusto ko din maramdaman yung saya kapag nagmahal ka.
Matapos nang isiping ‘yon ay agad kong kinuha ang cell phone ko sa bulsa ko at ti-next si Jenny upang sabihing pumapayag na ako at tanungin kung anong dating apps yung sinasabi nya.
Agad naman syang nag reply at nang-aasar na sinabi ang dating app na sinasabi nya.
Agad ko itong dinownload at nang madownload na ay agad kong in-open.
Gumawa ako nang acount ko at inilagay ang public info ko at inilagay ang picture ko sa profile.
Lumipas ang isang minuto ay may nag message sa akin.
(A/N: Pasenayahan nyu na kung ganyan ang Dating app haha, wala kase akong alam dyan, isipin nyu nalang na Dating app nga yan hehe)
Anime lang ang profile nya pero nireplyan ko parin.
From: Kiel Alvarez
“Hi?”
Me: Hello?
Isang saglit lang ay nagreply sya agad.
Kiel: “Taga Saan ka?”
Me: “Taga Bulacan po, ikaw?
At sinagot ko naman ang mga tanong nya. Nagpalitan kami ng info sa isa’t isa. Masasabi kong masaya sya kausap at talagang Hindi ka ma-boboringan sa kanya.
Kiel: “Pwedeng mahingi FB account mo?”
Me: Sure
At ibinigay ko sa kanya ang Fb account ko.
Agad namang may nag notif sa taas ng screen ng cp ko at may nag Friend Request.
In-open ko ang FB ko at in-stalk sya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang profile nya.
Ang gwapo nya. Ang hot pa nya sa mga picture sa album nya.
Napaisip ako dahil wala akong alam sa pag-jojowa kaya ti-next ko si Jenny at sinend sa kanya ang pic ni Kiel.
Jenny: “Ang Gwapo bhe, Kaso baka Rp yan”
Me: “Ano yung Rp?”
Jenny: “Role Play. Para mas madaling i-explain, Hindi sya yung nasa picture.”
Bigla akong kinabahan at baka tama sya.
Me: “Anong gagawin ko bhe para malaman kung sya ba talaga yon o Hindi?”
Jenny: ” Makipag-Vc ka bhe.”
Me: “Sige, sige salamat.”
Matapos non ay agad kong chinat si Kiel.
Me: “Pwedeng mag-vc tayo?”
Kiel: “Sure.”
Matapos nyang sabihin yun ay agad na nag-vibrate ang phone ko.
Ako yung nag-yaya na makipag vc pero sya yung tumawag.
‘Don palang nawala na yung paghihinala Kong ‘rp’ sya.
Pero bago ko sinagot ang tawag ay inayos ko muna ang sarili ko at nag suklay.
Matapos Kong ayusin ang aking sarili ay sinagot kona ang call.
“Hi?” Nakangiting bati ni Kiel sakin.
Hindi agad ako nakasagot dahil napanganga ako dahil totoo ngang ang gwapo nya. Nakasando lang sya at medyo gulo-gulo pa ang buhok pero yun yung mas nagpa-attract sa kaniya.
Napatulala ako sa taglay nyang kagwapuha.
“Hey, Sofiah!? Okay ka lang?” Sabi nya habang ikinakaway sa screen ang kamay nya.
Agad akong bumalik sa aking katinuan at nginitian sya.
“Uhmm.. S-sorry may iniisip lang,” utal na palusot ko sa kanya.
Ngumiti naman sya na ikinatulala ko ulit. Napaka-charming ng ngiti nya. Matutunaw na ata ako.
“Pasensya kana pala sa buhok ko, masyadong magulo haha kakatapos ko lang kasing mag workout.” Halata ang pagkailang sa boses nya.
“Okay lang. Ang gwapo mo nga eh,” medyo hininaan ko ang pagkakasabi ko sa huling salita.
Biglang lumaki ang tama nya sa ‘di ko malamang dahilan.
“Anong sabi mo? Gwapo ako?” Pag-uulit nya sa sinabi ko. Halata ang pamumula ng muka nya. Gwapo na kyut pa. Aishh…
At nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. Nagkwentuhan kami ng maraming bagay. Masasabi Kong napakasarap nya kausap at hinding Hindi ka ma boboring sa kanya.
Tumagal nang dalawang oras ang pag-uusap namin hanggang sa magpaalam na ako dahil kailangan ko nang pumasok sa work.
Nagta-trabaho ako sa isang coffee shop dito sa lugar namin. Hindi masyadong kalakihan ang sahod pero sapat na para sa aming pamilya.
Ang papa ko ay isang tricycle driver at ang mama ko naman ay isang katulong. May dalawa akong kapatid at ako ang panganay sa kanila. Gusto Kong makapag-tapos din sila ng pag-aaral kaya ko tinutulungan sila mama sa gastusin sa bahay.
*****
Lumipas ang isang lingo at palagi kaming nag-uusap sa vc ni Kiel.
Sa isang lingo nayun ay nagkaroon na ako ng nararamdaman para sa kanya.
Napakasaya nya kausap.
Napaka-sweet pa.
Tulad nalang kahapon na sinabi nyang “I’m the Prettiest Girl” na nakilala nya.
Namula ang muka ko ‘non nang sabihin nya yun. Parang kamatis na ang aking muka nang mga oras nayun.
Ngayun ko napatunayang Pwede talagang ma-inlove kahit sa Internet.
••||
Kasalukuyang nakahiga ako sa aking kama. Kaka-uwe ko lang galing Trabaho kaya eto, pagod na pagod ako.
Balak ko na sanang ipikit ang aking mata para matulog nang biglang mag-vibrate ang aking phone kaya kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Kiel.
Agad na inayos ko ang aking sarili bago sinagot ang tawag.
Pagkasagot ko ay bumungad sakin ang nakangiting muka nya. Parang biglang nawala ang pagod ko.
“Good Evening Baby.” Nanlaki ang mata ko at namula ang muka ko dahil sa sinabi nya.
Did I heard it right?
Tinawag nya akong baby?…
“G-good Evening Kiel,” utal na bati ko sa kanya.
“Kumain kana Baby ko?” What the…
Gusto ko nang tumili sa mga oras nato.
Ang sarap pakinggang mula sa kanya ang salitang ‘Baby ko’.
“H-hindi pa, nagluluto pa si Mama. Ikaw ba?” Utal na sagot at balik na tanong ko sa kanya.
“Tapos na akong kumain. Pagkaluto ng mama mo, kumain kana ah. Wag kang magpapagutom baby ko,” napaka-sweet na sabi nya dahilan para mas lalong pumula ang muka ko.
Nag-usap pa kami at nagkwentuhan ng mga kung anong nangyare samin sa araw na ‘to.
Tawa ako ng tawa dahil sa mga joke nya pero biglang natahimik ako nang bigla nyang sabihin ang katagang….
“Pwede ba kitang ligawan?”
Nag-init ang muka ko at ramdam kong namumula nanaman ito.
Ilang beses umulit sa isip ko ang sinabi nya.
‘Pwede ba kitang ligawan?’
‘Pwede ba kitang ligawan?’
Hanggang sa Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako at pumayag na magpaligaw sa kanya.
*****


/> Isang buwan na ang nakakalipas Simula nung tanungin ako ni Kiel kung pwede nya ba akong ligawan.
Totoo nga sya sa mga salita nya dahil sa isang buwan ng panliligaw nya ay mas lalo pa syang naging sweet, caring, at pinaramdam nya sakin na mahal nya talaga ako.
Ngayun araw na ito ko sya balak sagutin.
Bakit ko pa lolokohin ang sarili ko diba?
Mahal ko din naman sya.
Nandito ako ngayun sa terrace namin nagpapahangin at balak kong kausapin si Kiel at sabihing ‘Sinasagot ko na sya’.
Nakailang ring na ngunit Hindi parin sya sumasagot.
Siguro ay busy lang or may ginagawa kaya Hindi ko na muna sya inabala.
*Kinabukasan*
Pagkagising na pagkagising ko ay agad Kong tinignan ang phone ko. In-open ko ang fb ko para tignan kung may message naba si kiel.
Nanlumo ako dahil walang kahit isang message mula sa kanya.
Dati naman ay palaging may ‘good morning baby ko’ na akong nababasa.
Kahit reply sa mga chat ko ay wala.
Hindi nya pa din ito nasi-seen.
Bigla akong kinabahan. Bakit ganto? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi koapigilang Hindi mag-overthink sa mga oras nato.
Naisipan Kong tawagan si Jenny at ayain syang lumabas.
Napakaraming katanungan sa isip ko ma Hindi ko masagot.
Maya maya’y dumating na si Jenny at niyakap ako.
“Good morning bhe, namiss kita,” masayang bati nya sakin matapos nya akong yakapin.
Hindi ako nakasagot dahil sa nararamdaman ko.
Paano kung gi-nost nya ako?
“Oh? Bakit ganyan ang hitsura mo bhe? Ka-aga aga nakasibangot ka,” magkahalong pag-aalala at pang-aasar na sabi nya.
Nang mapansin nyang Hindi ako kumikibo ay sumeryoso na ang kanyang muka.
“Sabihin mo nga sakin? Anong nangyare?” Seryosong tanong nya habang nakatitig sa aking mga mata.
Dahan dahan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.
Ayoko mag-overthink pero Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Agad Kong niyakap ang kaibigan Kong si Jenny at sinabi sa kanya ang totoo habang tumutulo ang mga luha ko sa magkabila Kong mata.
Naramdaman ko ang paghimas nya sa likod ko.
“Shhhh.. Tahan na bhe, baka busy lang sya or may ginagawa. Wag mo nang alalahanin yun. Magpaparamdam din yun sayo,” pagpapatahan nya sakin.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya ngunit patuloy parin ang luha ko sa pagtulo.
“P-paano kung Hindi nya talaga ako mahal? Paano kung balak nya lang talagang i-ghost ako?” Humahagulhol na sabi ko sa kanya.
“Sige, ganto nalang. Isang lingo, makalipas ng isang lingo at Hindi parin sya nagpaparamdam sayo ay ibig sabihin ay gi-nost ka talaga nya,” seryoaong sabi nya.
Ikinalma ko ang aking sarili bago magpasalamat sa kanya.
Matapos non ay lumabas muna kami para magsaya at kalimutan ang Hindi magandang bagay.
Medyo nakalimutan ko yung paghihinalang nararamdaman ko.
Buti Nalang at may kaibigan akong katulad ni jenny.
•••••
*Makalipas ang isang lingo*
Araw-araw ko syang chinachat at tinatawagan ngunit walang sumasagot.
Ganto pala yung pakiramdam nang na-ghost. Ang sakit.
Bakit ganto? Wala na ba talagang matinong lalaki ngayun?
Parang isang libong kutsilyo ang sumaksak sa puso ko.
Unti-unting nagflash back ang mga ala-ala naming dalawa ni Kiel.
Yung masayang pagchachatan namin.
Yung pagkukwentuhan namin.
Yung masasayang pag-uusap namin.
Lahat ng bagay sa kanya ay naalala ko habang tumutulo ang malalamig na Luha mula sa mga mata ko. Sumabay pa ang malamig na ihip ng hangin na tumatama sa aking muka.
Kasalukuyang nandito ako sa terrace namin. Umiiyak mag-isa habang nakatingala sa kalangitan.
“Bakit? May nagawa ba akong Mali? Bakit kailangang masaktan ako nang ganto?!!!” Sigaw na katanungan ko sa kalangitan.
Hindi parin nawawala ang matatamis na ngiti ni Kiel sa aking isipan. Sino mag-aakalang sa matatamis na ngiti nayon at may balak pala syang saktan ako.
Maya-maya’y naisipan Kong kunin sa aking bulsa ang cell phone ko.
Agad Kong chinat si Kiel.
“T*ang ina mo. Paano mo na gawa sakin yon? Diba sabi mo mahal moko? Napaka-dem*nyo mo”
Isa lang yan sa mga galit na chat ko sa kanya. Kung ano-anong Mura pa ang sinabi ko kahit na Hindi naman ako sigurado kung babasahin nga nya.
“Napaka walang hiya mo!! Sinungaling”
Habang nagta-type sa aking cellphone ay dahan dahan paring tumutulo ang malalamig na luha mula sa aking mata.
Napakasama nya. Manloloko. Sinungaling!!!
•••
Kinabukasan ay niyaya ko si Jenny na uminom. Gusto Kong mailabas ang sama ng loob ko. Para kaseng ang bigat ng dibdib ko.
“Sa mga kagaya nyang walang puso, dapat sa kanila inililibing ng buhay. Masahol pa sila sa mga hayop kung manakit ng damdamin ng mga babae,” nanlilisik ang mata ni Jenny habang sinasabi yon sabay tungga ng hawak myang red horse.
Bakit kase may mga taong kagaya ni Kiel. Magpapaibig ng babae tapos pagnahulog na Hindi na magpaparamdam. Napaka sama nila.
Matapos ng paglalabas ng sama ng loob ko Kay Jenny ay dahan dahan namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko.
Siguro’y dahil mahal ko na nga dalaga ang d*monyong Kiel nayun.
*******
*Makalipas ang dalawang araw*
Ayokong magsinungaling sa sarili ko.
Oo masasaktan parin ako dahil gi-nost ako ng taong mahal ko pero kailangan tuloy lang ang buhay. Hindi naman kase hihinto ang oras kapag nagmukmok lang ako diba?
Matapos ng trabaho ay agad na akong umiwe sa bahay.
Agad akong pumasok sa kwarto ko matapos kong mag-mano Kay mama.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama at ipinikit ang aking mata.
Sa pagpikit ko ng aking mata ay ang imahe ni Kiel ang aking nakita.
Nakita ko syang nakangiti sakin nang napakatamis.
“Mahal na mahal kita baby ko.”
Agad akong napamulat ng mata at unti-unting tumulo ang luha pabagsak sa aking muka.
Sinungaling!!!!
Napatigil ako sa aking pag-iyak at pinunasan ang aking luha nang marinig Kong tumunog ang aking cell phone.
Ewan ko pero parang inaasahan Kong si Kiel ang tumatawag.
Kahit naman galit ako sa kanya ay mahal ko parin sya.
Pagkuha ko ng cell phone ko ay may kakaiba akong naramdaman ng makitang si Kiel nga ang tumatawag.
Napakarami Kong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko syang murahin at napakarami Kong katanungan sa kanya.
“Ano masaya kana? Napakasama mo! Sabi mo mahal moko pero anong ginawa mo? Pinaasa mo lang ako!” Galit na sigaw ko sa kanya matapos Kong sagutin ang tawag.
“Hello?” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya. Agad na napakunot ang noo ko.
Tinignan ko ulit ang screen ng cell phone ko para i-check kung tama bang si Kiel ang tumatawag.
Nang makita ko ay mas lalong kumunot ang noo ko dahil si Kiel nga.
“H-hello? Sino ka? Bakit nasayo ang cell phone ni Kiel?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Ako ang ate ni Kiel, sorry Hindi namin alam na may jowa sya. Nasakin ang cellphone nya dahil nasa hospital sya ngayun.” Halata mo sa boses nya ang kalungkutan at halatang umiiyak sya.
Unti-unti namang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero parang naramdaman ko na parang may tumusok na kung ano sa puso ko.
“N-nasa Hospital po sya? Bakit po? Ano pong nangyare sa kanya?” Hindi ko na napigilan ang mga luhang tumutulo sa mata ko.
Narinig ko ang pag-iyak ng ate ni Kiel sa kabilang linya at sinabing….
“Nagpositive sya sa Covid.”
~The End ~


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.