0

Incompatible Part 35


Report

Author: Ren Salazar
Inayos ni Schiyev ang pagkahiga ni Zu. Mabigat man ang huli para sa kanya pero nagawa pa rin niya.
” Ummp!” Pinalo niya ng mahina sa legs si Zu. ” Pasaway ka. Nagpakalasing ka at umuwi ng gabi ng hindi man lang nagpapaalam. Hmmp!” Muli niya itong pinalo. Pati magkabilang pisngi nito pinagtatapik tapik niya rin. ” Hmmp!! Yan ganyan lang. Matulog ka lang ha at nang maaliw ako sa kakapalo sayo.”
Nasiyahan yata siya sa pagpalo palo kay Zu kasi hindi na niya napigilan ito. Naaliw sa bawat alog ng mukha ni Zu dulot ng pagtapik tapik niya.
” Hmm…nakakainis yang mukha mo. Ang gwapo gwapo. ” sabay kurot.
Maya maya ay tumigil saglit saka nagpatuloy muli. Pero nagulat siya nang biglang pinigilan ni Zu ang kanyang kamay.
” O?” Gulat na sambit niya.
” Nasisiyahan ka ata sa ginagawa mo ah. ” Sabi ni Zu na nakatitig kay Schiyev.
” Ehhhe..sory. Nagising kita. Ok na ba pakiramdam mo?”
” Kanina pako gising. Hinayaan ko lang kayo ni Dome na iakyat ako rito. ”
” Ano?!”
” Mm..” tango ni Zu.” Nahihiya kasi ako sayo kaya nagkunwari akong lasing na lasing. Pero ang totoo,kaya ko pa naman.”pag aamin nito. Simula kanina ay gising pala siya at nakikinig lang.
” Eh,bakit ka ba nahihiya sakin? May kasalanan ka ba? Maliit ba o malaki?” Sunod sunod na tanong ni Schiyev sa kanya.
Walang imik na ginanap ni Zu ang mga kamay ni Schiyev at seryosong tinitigan.
” Sorry….” Isang salita pa lang at napaluha na si Zu. ” Ahhmm…sorry.”
” Nag sosorry ka ba kasi may bagay akong tungkol sayo na hindi ko alam?”
” Schiyev…..” Nagsunuran sa pagpatak ang mga luha ni Zu.
” Uy! Ano ka ba? Tinatanong lang naman kita ah. ” Ngumiti siya kay Zu.
” Si..si Hanz….” Panimula ni Zu. Handa na yata siyang ipagtapat sa asawa ang tungkol sa kanila ni Hanz.
” Si Hanz….siya ba yong ex mo?”
Nagulat si Zu nang itanong ni Schiyev iyon sa kanya. Paano niya nalaman?
” Zu…alam ko na yan. Narinig kong lahat kanina. ”
” Ka..kanina? Sa bar? Wala ka naman don ah?”taka ni Zu.
” Uy…andon ako. Nasa telepono nga lang ni Dome. ”
” Whaatt?!”
” Yes! Pinarinig sakin ni Dome ang lahat habang nasa linya ako. I didnt tell him to do that. Naawa siguro si Dome sayo. Marahil nakita niya na nahihirapan kang talaga kaya ginawa niya iyon.”
” Ga…galit ka ba?”nag aalala si Zu sa magiging reaksyon ni Schiyev.
” Sa tingin mo?” Nakapameywang pang turan ni Schiyev na halong seryoso ang mukha.
Bumangon si Zu at nilapitan ng maigi si Schiyev.
” Yoebo…so…”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang sinakop ni Schiyev ang labi niya ng walang anu ano.
” Hindi naman ako galit,Zu. Bahagi na lang siya ng nakaraan mo kaya wala ng kaso sakin yon. Sabi ko nga sa iyo diba? Ako yung kinabukasan at hinaharap mo. Kaya bakit pa natin balikan ang isang bahaging yon. Kalimutan mo na lang siya.”
” Pero,Yeobo…pilit niya kong inaagaw sayo. Anong gagawin ko?” Parang bata naman siya sa kanyang itsura ngayon. Labis na nag aalala sa maaaring gawin ni Hanz.
” Magpapaagaw ka naman ba?”
” Hindi.” Sabi niya.” Ikaw na ang mahal ko ngayon. Ikaw lang. At ikaw lang.”
” Eh,di tapos na ang usapan. ” Umayos si Schiyev sa pagkakahiga at hinila si Zu palapit sa kanya. ” Ah..Zu.”
” Hmm?” Pinaunan niya si Schiyev sa kanyang braso.
” Pwede mo ba akong samahan bukas?”
” Saan?”
” Basta….may kukumpormahin lang ako.”
” Kukumpormahin?” Gulat na napatingin si Zu sa kanya. ” Yeobo….huwag mong sabihing….kakausapin mo si Hanz bukas.”
” Hahaha..hindi no. ”
” Eh,saan?”
” Basta. Malalaman mo bukas. Good night na,Yeobo kong maganda na…gwapo pa.”
” Ano? Anong maganda na at gwapo pa? Nagbago nako ah. At dahil yon sayo.”
” Alam ko. Ang ibig kong sabihin…maganda na ang katawan,gwapo pa. Diba? Tama naman ako.”
” Ah..kala ko..”
” Hmm! Matulog na nga tayo.”
Kinabukasan…..Maagang nagising si Schiyev. Maaga ring naligo. Inunahan pa niya si Zu sa paggising. Excited kasi siya sa pupuntahan nila ng huli. Mag papa check up siya sa isang kilalang OB ng kanyang katrabaho. Nirekomenda ito sa kanya dahil dito rin ito nagpatingin.
” Zu….gising na. ”
” Umm…maaga pa ah.”
” Sige na. Maligo...


ka na rin. Kailangang maaga tayo. Marami kasing tao don.”
” Ha? Saan ba kasi iyon?”
” Gising na..” Hindi niya ito sinagot sa halip,kiniliti niya si Zu para magising talaga.
” Ahh .hahhaha ano ba?” Sabay tawa ni Zu. Na pwersa siyang bumangon.
” Ligo na….”
” Oo na. Tatayo nako.” Mabigat na bumangon si Zu.
Umalis si Zu sa kama at tumayo na. Si Schiyev naman ay akmang lalabas ng silid para ihanda sana ang kanilang almusal. Pero huminto rin dahil binagsak ni Zu ang katawan sa kama. Matutulog itong muli. Bakit ba tamad na tamad siyang bumangon ngayon?
“Zu naman eh. Tayo na.” Dinaganan pa niya ito at pilit na binubuka ang mga mata. ” Zu….”
” O!hahaa..sige na nga.” Saka tumayo ulit.
Sinigurado pa ni Schiyev na pumasok si Zu sa banyo nila.
” Sabay tayo…..”
” Tapos na ko. Diyan ka na. Ihahanda ko lang almusal natin.”
” Psst..Yeobo..sige na. Sabay tayo.” Kinindatan pa niya si Schiyev.
” Ayoko….” Tumalikod na siya kay Zu.
” Psst..Yeobo….yoebo…” Pero hindi na siya pinansin ni Schiyev.
Saka umusad na ang oras….
Matapos makapag almusal nina Zu at Schiyev,naghanda ng umalis. At ilang sandali lang ,nasa loob na sila ng kotse at binabagtas ang daan patungong clinic ng isang magaling na OB.
” Saan ba talaga tayo pupunta?” Usisa ni Zu kay Schiyev habang nagmamaneho.
” Basta…magmaneho ka lang. ”
” Baka maligaw tayo. Dapat alam ko kung saan kaya sabihin mo na.”
” Ok. Dahil mapilit ka…” Sasabihin na rin ni Schiyev kung saan sila sasadya ni Zu. ” Ipapatingin kita sa Ob. Baka kasi buntis ka..” sabi niya.
” Hahaha…ano? Ako? Buntis? Ginising mo ko ng maaga para ipa check up ako sa isang OB…” Sabi ni Zu pero bigla ring natigilan.” Teka…” Hininto nya ang kotse at hinarap si Schiyev na ibig matawa sa naging reaksyon ni Zu. ” Hindi nga? Buntis ka?” Ang tanong nito na nanlaki pa ang mga mata.
” Mmm..” kunway nag isip muna si Schiyev.
” Yeobo…sabihin mo…buntis ka? Talaga?” Atat na siyang malaman ang isasagot ni Schiyev.
” Eh.. kaya nga pupunta tayo ng OB para malaman ko kung buntis ba ako o hindi. Mahigit isang buwan na rin akong hindi dinadatnan,eh”
” Woow…magiging papa nako!Sa wakas!lalaking lalaki na ko!hahahhaa.” hindi maipaliwanag ni Zu ang kanyang nararamdaman ngayon. Masaya na kabang kaba kahit hindi pa kumpirmado ang pagdadalantao ni Schiyev.” Tara na.” Saka sabi niya at pinaandar muli ang kotse.
Nakalimutan ata ni Schiyev ang address ng Clinic kung saan naroon ang nirekomendang OB sa kanya. Kaya para matagpuan,tinawagan niya ang kanyang katrabaho at itanong ulit kung saan ang eksaktong lugar. Isinulat pa niya sa maliit na kapirasong papel ito at ipinakita kay Zu. Pero biglang nabitawan ni Schiyev at napunta sa likuran.
” Uy..anong ginagawa mo? Umupo ka nga ng maayos.” Saway ni Zu sa kanya. Pupunta kasi siya sa likod ng kotse para hanapin ang nahulog na kapirasong papel. Nakasulat doon ang lugar ng Clinic.
” Sandali…kukunin ko lang. Napunta yata sa ilalim ng upuan. ”
” Ihinto ko muna ang sasakyan.”
” Huwag na. ”
Nagpumilit si Schiyev na pumunta sa likod ng kotse. Kukunin niya ang nahulog na maliit na papel na nasa ilalim ng upuan.
” Nakuha mo na ba?” Nilingon pa niya ng bahagya si Schiyev.
” Oo. Nakuha ko na. ” Akmang babalik ulit sa harapan.
” O..o..diyan ka na lang umupo. Sabihin mo na lang sakin kung saan. ”
” Ok. ” Mabuti naman at sumunod si Schiyev sa kanya.
Pero hindi nila akalain na mangyayari ang hindi nila inaasahan. Isang kotse ang biglang bumangga sa kotseng lulan nila. Nawalan ng kontrol si Zu at tuloy tuloy hanggang mabangga sa isang malaking poste.
Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay nayupi ang harapan ng kotse ni Zu. At ang resulta..nasaktan si Zu. Nawalan rin ng malay si Schiyev.
Mula sa kakaunting tao ang sumisilip sa kanila,unti unting nadagdanan. Inaalala ang kanilang sitwasyon sa loob.
” Tumawag kayo ng ambulansya! Dali! Kawawa naman ang mga nasa kotse!” Sigaw ng isa.
Ilang minuto bago dumating ang ambulansya matapos maitawag ng isang nag aalalang tao. Medyo nahirapan sa paglabas kay Zu dahil sa naipit ito. At si Schiyev….dinugo ng walang malay.
” Yeoboo…..Schi….” Nahihirapan na sambit ni Zu habang ang isang kamay ay pilit na inaabot kay Schiyev.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.