0

Incompatible Part 30


Report

Author: Ren Salazar
Sinalubong agad sina Rhea at Schiyev ng ka trabaho ni Rhea pagdating sa may gate ng bahay nito.
” Hi ….”
” Schiyev,right?”
” Ah..yes.” nagtatakang sagot nito sa ka trabaho ni Rhea. Hindi niya alam kung bakit alam nito ang kanyang pangalan.
” Ah. Pasensya na at inunahan kita. Aksidente ko kasing napakinggan ang pinag usapan niyo ni Rhea kaya wala siyang nagawa kundi magkwento sakin tungkol sayo.”
” Ahh….” Tiningnan nya si Rhea na nasa kanyang tabi.
” Oo,Aning. Naging ka kwentuhan ko na siya simula non.” Sabat naman ni Rhea.
Lumapit ng kaunti si Schiyev kay Rhea at may binulong.
” Lahat ba ng tungkol sakin? Naikwento mo sa kanya?”
Tumingin si Rhea sa kanya saka tumango ng marahan.
” Pati ba yung tungkol samin ni…”tinanguan siyang muli ni Rhea.” Ano?”
” Huwag kang mag alala. Mabait siya.”
” Ehermm…ahmm…pasok na tayo.” Yaya ni Hanz sa dalawa.
” Ah! Oo. Sige. Tara pasok tayo. ” Sabi ni Rhea at hinila na si Schiyev papasok.
Puro katrabaho ni Rhea ang naroon. Tanging si Schiyev lang ang hindi. Pero ayon naman kay Rhea, mabait ang mga ka trabaho niya kaya ok lang na andon siya. At totoo naman ang sinabi ni Rhea. Walang suplada at suplado sa mga ito. Lahat kinakausap si Schiyev.
” May boyfriend ka na ba? ” Tanong ng isang babae.
” Ahh…wala. Pero asawa meron.”
” What?! Asawa? Talaga? Ang bata mo pa para magkaroon ng asawa.” Sabi naman ng isa na nginitian lang ni Schiyev.
” Magkwento ka nga. Gwapo ba asawa mo? ” Tila na eexcite naman ang mga ito.
” Ah..kailangan ba? ”
” Ay naku. Sige na. Huwag ka ng mahiya.”
” Ah..amm..gwapo?Naman! Ang gwapo ng asawa ko.!”
” Mayaman ba?”
” Ha?”
” Ahh…hin..di masyado. Sakto lang naman.” Pagsisinungaling niya. Hindi niya sinabi na napakayaman ni Zu dahil baka kasi pag sinabi niya sa mga ito,pati kayamanan ni Zu itatanong pa.
” Anong pangalan niya? ”
” Ah..”
” Oo nga. Anong name ng hubby mo?”
” Ah .ahhha..secret!” Saka tumawa siya ng malakas.
” Hay…bakit secret?”panlulumo ng isa.
“Natural! Baka kasi pag sabihin ko sa inyo,hahanapin niyo sa Fb tapos aagawin sakin.hahaha…akin lang yon no!”Walang preno niyang saad.
Natigilan ang mga kausap at seryosong tumingin sa kanya.
” Ah. Heheh..biro lang. Biro…lang.” natigilan siya sa pagtawa nang mapansing iba ang naging reaksyon ng mga ka trabaho ni Rhea sa sinabi niya.
” Haay naku…bakit naman yung kaibigan ko ang binibigyan nyo ng pansin. Si Hanz kaya kausapin nyo.” Mabuti na lang at dumating si Rhea para isalba siya sa mga pagtatanong ng mga ito. ” Aning …..may sasabihin ako sayo. Halika..sumama ka sakin.”
” Mm.” Sabay tango niya kay Rhea.
At nang makalayo na sila….
” Haaayy..grabe naman yang mga ka trabaho mo Rheang, personal yung tinatanong.”
” Bakit kasi sinagot mo pa? Eh,pwede mo na mang iwasan.”
” Anong gagawin ko? Iiwan sila. Magiging bastos ang papel ko non.”
” Hindi mo naman kailangan iwanan sila. Pwede mo namang sabihin na…past.”
” Eh….huli na. Sinagot ko na sila pero hindi naman lahat sinagot ko ng totoo. ”
” Mabuti naman. Kapag nalaman nila na nag mamay ari ng isang malaking kompanya ang asawa mo..hindi ka nila titigilan. Kukulitin ka ng mga iyon para ipasok mo sila sa kompanya ni Zuriel.”
” Bakit ko naman gagawin iyon? Eh,ako nga na asawa niya…hindi ko tinanggap ang offer ni Zu. ”
” Talaga? Ang ibig mong sabihin…inalok ka ng trabaho ni Zu sa kanyang kompanya?”
” Oo. Pero..tinanggihan ko.”
” Bakit naman? ”
” Rheang…ayokong gamitin ang pagiging asawa ko ni Zu para makapasok sa kompanya niya. Kailangan ko munang patunayan na derserving ako sa pwestong inaalok niya. Hindi dahil sa asawa niya ko. Ayoko non.”
” Ano bang pwestong iyon?”
“Assistant niya.”
” Yun lang naman pala. Kayang kaya mo yon.”
” Ayoko pa rin. At tsaka..mataas na posisyon na ang meron ako ngayon.”
” Ha?! Sa ibang kompanya ba?!” Gulat na gulat na turan ni Rhea.
” Hindi ah. ”
” Eh,saan?”
” Sa puso ni Zu syempre! Ako na reyna don...


kaya walang binatbat ang mga posisyong iyon sa kung saan ako ngayon.”
” Haaytss ..ang mais! Ang mais talaga.”
” O! Paanong nasama ang mais sa usapan natin?”
” Ano ba ingles ng mais?”
” Corn?” Sagot niya.
” Yun! Ang mais mo!”
” Uy! Rheang..corny kasi iyon.”pagtatama niya.
” Huu…pareho lang yon. Corn o corny,magkatunog pa rin. ” Hirit pa nito.
Alas 9:30 na ng gabing iyon. Nag aya ng umuwi si Schiyev kay Rhea. Tinawagan na niya si Zu para sunduin na silang dalawa.
” Nay..susunduin ko na po sina Aning.” Pagpaalam ni Zu sa nanay ni Schiyev.
” Ah..sige. mag ingat ka.”
” Opo. ” Yun lang at umalis na siya.
Eksaktong alas diyes na ng makarating sya sa kinaroroonan ng magkaibigan. Nanatili muna sa loob ng kotse habang wala pa ang dalawang babae.
” Bekket?!”
Napatingin si Zu sa gawing kaliwa niya nang marinig ang taong tumawag sa kanyang isa pang pangalan. Laking gulat niya nang makilala ito.
” No.” Bulong niya.
Lumapit ito sa kanya.
” Ikaw nga! What a small world!” Gulat na gulat ito.
” Ha …..Hanz?!” Maging si Zu ay nagulat rin sa taong kaharap niya ngayon.
Lumabas ng kotse si Zu sa kotse upang siguraduhing tama ang kanyang nakikita.
” Wow. At long last,nagkita rin tayo ulit.” Lumapit siya kay Zu saka niyakap ng mahigpit.” I really miss you.” Sabi pa nito.
Si Zu naman ay natulala at tila hindi na makagalaw. Ngunit natauhan nang bigla siyang halikan sa pisngi nito.
” Hey! ” Bulyaw niya rito matapos matauhan.” Lumayo ka sakin.”
” Bekket..alam kong galit ka pa sakin. Pero God knows how much i miss you.” Pahiwatig nito sa kanyang nararamdaman.
” No! ” Matigas niyang tanggi.
Tinalikuran niya si Hanz at akmang sasakay muli sa kotse pero bigla syang niyakap nito sa likod.
” Bekket please….mag usap tayo.”
Natigilan si Bekket. Aminado siyang na miss niya rin ito pero hindi na tama pang balikan ang kanyang nakaraan dahil sa may asawa na siya. At si Schiyev yon.
” Yeobo….please.”patuloy sa pakiusap ni Hanz sa kanya.
” Ha…Hanz..please.Huwag mo kong tawagin ng ganyan. Matagal na tayong tapos.” Pilit niyang kumalma.
Bumitaw siya sa pagkakayakap ni Hanz at bahagya niya itong tinulak palayo.
” Hindi pa tayo tapos,Bekket. Hindi kailanman.”
” Hibang ka ,Hanz. Tinapos mo na nung minsang nakita kitang may kayakap at kahalikang iba.”
” Yes..kasalanan ko. Pero ,please let me explaine.”
” No need,Hanz. Actions speak louder than words. Sinayang mo ang pinagsamahan natin. Isang taon rin yon. Pero anong ginawa mo?”
” Yeobo….” Tawag nitong muli sa kanya.
” Stop it!” Sigaw niya. ” Stop it.” Ulit niya pero nasa mahina ng tono. ” Umalis ka na sa harap ko.”
” Bekket…”
” Alis!” Nanlilisik na ang kanyang mga mata.
Wala na ring nagawa si Hanz kundi ang umalis sa kanyang harapan. Pa iling iling pa ito habang paatras na humahakbang.
Pagka alis ni Hanz ay siya namang hinga ng malalim ni Zu. Of all places,dito pa talaga sa lugar kung saan naroon si Schiyev.
” Wait. Magkakilala ba sila? “Tanong niya na ang magkabilang kilay ay magkasalubong.
” Zu!”
Biglang napalingon si Zu nang tawagin siya ni Schiyev. Nagulat at lumakas naman kaba niya. Mabuti na lang at sampung minuto nang naka alis si Hanz.
” O! Yeobo….”
” Kanina ka pa?”
” Ha?”
” Sorry. Hindi kasi namin nahanap agad yung ka trabaho ni Rhea para makapagpaalam ng maayos.” Pagpaumanhin nito na kasama rin si Rhea.
” Its ok. ” Wala sa sarili niyang sagot.
” Salamat,Zu. ” Si Rhea.
” O..ok lang…” Ngumiti pa siya. Pilit na tinatago ang inis at galit na naramdaman kanina. ” Sakay na. Uwi na tayo.”
Sinundan pa ni Zu si Schiyev sa kabila para ipagbukas ng pinto at alalayan ang ulo nito sa pagpasok sa loob.
” Thank u.”
Ginawaran siya ng matamis na ngiti ni Schiyev.
” Kiss me. Instead of thanking me. “Hirit niya.
” Dito talaga?”
” No. Biro lang,Yeobo.”
” Ay sus. Nahiya pa kayo. Just pretend na wala ako dito. ” Sabat ni Rhea.
Sabay silang napalingon kay Rhea at nag ngitian.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.