0

I’M THE ONLY ONE WHO CAN STOP HIM


Report

I’M THE ONLY ONE WHO CAN STOP HIM
Tahimik akong nagbabasa sa library for advance reading ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko si CJ na palinga-linga na parang may hinahanap at ng nagtama ang mga mata namin ay agad s’yang tumakbo papunta sa direksyon ko
“JANELLA, JANELLA!”
“Ano ba ‘yon? Bawal maingay dito, huy, papagalitan tayo nung Librarian” Sabi ko dahil ang sama ng tingin sa ‘min ni ma’am deguzman
“Si Ranier nakikipag away” Sabi niya.
”Bakit daw? Sinong kaaway?” Sunod sunod kong tanong habang tinatahak ang pinto papalabas ng library. Jusko! Buti nalang pumasok ako, wala pamanding sinasanto ‘yon kahit teacher sinasapak n’on
“Si Arnold” Sabi niya. Lakad takbo kaming pumunta sa covered court dahil baka kung anong mangyari sa kaaway ni Ranier
pag dating ko ay nakita ko si Ranier na sinusuntok si Arnold, ‘yung grade 11. Walang sumubok awatin kahit mga kaklase namin hindi siya magawang lapitan, kahit ‘yung mga maton naming P.E teacher ay hindi makalapit
Nag crossed arm ako at dahan dahan lumapit sa galit na...


galit na si Ranier.
“Bugbugin mo ‘yang bestfriend mo Janella! HAHA! Ayaw makinig sa ‘min”
“GO JANELLA!”
Parang t*ngang cheer ng mga kaklase ko na akala mo lalaban ako sa isang international contest. Walang alinlangang hinablot ko ang polo ni Ranier at kinaladkad. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko pero ng nakilala n’ya ang kamay ko ay nagpahila na lang siya.
“Bitwan mo ‘ko pre hindi pa ako tapos sa mokong na ‘yan” Reklamo niya. Kinaladkad ko siya at dinala sa likod ng school
“Ano ‘yon? Hindi moba alam na p’wede kang makulong at makapatay?!” Sigaw ko sa kaniya pero nginisian n’ya lang ako
“Sabi niya kase bagay na bagay daw tayo parehas daw tayong bobo” Agad nag-init ang tainga ko
“P*tang *na Ranier bitawan mo ako, ako bubugbog sa kaniya” Sigaw ko habang yakap yakap niya ako mula sa likod dahil ako talaga ang sasapak sa taong ‘yon
“HAHAHA!” Tawa n’ya
Author’s note: Part 1 (Pre pansinin mo na ako) Hanapin n’yo nalang sa timeline o sa pinned post ko. Enjoy!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.