0

I’M THE MASTER OF THE CEO


Report

Maingay ang paligid, nakakarindi!! Mga sasakyan na kala moy nagmamadali lagi, mga taong nagpapaka busy sa perang bagay lamang ang kayang mabili, panay ang tunog ng cellphone ko na hindi pinalilipas ang segundo. Nasa isang malawak akong lugar pero pakiramdam ko masikip parin.
(Aya POV)
” Miss wag kang tatalon! ”
+ sino ba tong nagmamarunong nato?
“Hindi ko pa nasubukan, pero alam kong hindi maganda yang iniisip mo. ”
Aya- gano ka kasigurado sa sinasabi mo?
+ iniabot nya ang mga kamay nya.
” walang basehan kung gano ako kasigurado, pero magtiwala ka. ”
Aya- pano kung sigurado nako?
“Hindi deserve ng tulay nato ang buhay ng kahit na sino.
+ Ako si Zendaya Cantre, Aya for short. Oo I was a suicidal person before at yun na sana ang pinakahuling desisyon ko na mawala sa mundo, pero tingnan mo nga naman ang buhay, pag oras mo na, oras mo na, at hindi ko pa nga siguro oras.
Steff- Aya, tapos ka na ba dyan?
Aya- ah oo sandali.
+ may inayos at kinuha akong gamit sabay lumabas na ng tent.
Steff- bilisan mo tapos na sila.
Aya- sige, sya nga pala ikaw na bahala dun sa naiwang mga plastic bottles ha, di ko na malilinis eh.
Steff- oo ako na bahala.
+ nagtatakbo nako papunta sa set, at sa kasamaang palad, nadapa pa nga.
Primo- tsk tsk tsk. Tayo bilis!
Aya- Sorry po.
Primo- bag ko.
+ iniabot ko agad sa kanya.
Director- Primo, good job. 2 weeks na lang ang taping natin pero you always do your best, salamat.
Primo- walang problema direk.
Director- kami na bahala dito you can go now.
+ Sya si Primo De Chavez, Sikat na artista
Nagtatarabaho ako sa kanya ng mahigit isang taon bilang Personal Assistant nya slash Secretary, Mabait naman to mainitin lang ang ulo minsan tsaka masyado ang bilib sa sarili, pero sanay nako.
Aya- Dadaan po ba tayo ng Zentro o ihahatid ko na po kayo sa Condo?
Primo- bat ako ang tinatanong mo?
Aya- po?
Primo- Aya nasayo ang schedule ko.
Aya- Oo nga po.
Primo- ha?
Aya- I mean, according sa schedule nyo po, pwede na kayo umuwe.
Primo- good, dahil dyan daan tayo sa Zentro.
+ sabi ko nga. Hindi naman ako yung typical PA na naka formal or maigsi ang palda at naka coat tulad ng iba, mabuti na yung t-shirt at pantalon na lang. 26 years old na ako at si Primo 25, opo, mas matanda ako sa kanya pero syempre PA nyako kaya mas ako ang dapat gumalang sa kanya. Nasa kotse kami ngayun papunta ng Zentro Agency kung san sya nagtatrabaho bilang artista.
Primo- Aya anong oras na?
Aya- 4 Pm po. May dadaanan po ba kayo?
Primo- wala.
Aya- ahh.
Primo- kumain ka na?
+ naku buti natanong nya. Bihira lang yan eh.
Aya- hindi pa po.
Primo- itigil mo sa plaza.
Aya- okay po.
+ pagdating don, mabilis akong bumaba, hindi nako humihingi sa kanya ng pambili, binabayaran nya din naman lahat after a month kasabay ng sweldo ko. Pagbalik ko, tatlong putahe ang dala ko.
Aya- Isaw, Barbecue at kwekkwek. Tapos tubig.
+ alam ko na ang mga paborito nya eh. Nakangiti lang ako sa kanya. Sumubo na sya ng sumubo, sus kala ko naman bibigyan nyako, bat tinanong pa nya kung gutom ako, tss di ka pa nasanay talaga Aya.
Primo- o.
Aya- po?
Primo- patapon.
+ kala ko naman tinirhan ako. After kong itapon, nag drive na uli ako papuntang Agency. A usual ang daming fans na naka abang. At tuwing bababa kami nagiging bodyguard na din, o diba tatlo ang role ko.
Primo- bakit ba lagi ka na lang humaharang dun sa mga fans?
Aya- po? Eh, pinoprotektahan po kita diba.
Primo- ano pang saysay ng Bodyguards dun, sa susunod, pumirme ka sa likod ko.
+ tumango na lang ako. Kanina pa ring ng ring ang cellphone nya na nasa akin. Kaya nung pumasok kami sa elevator sinabi ko sa kanya.
Aya- Ang Mommy mo Sir, kanina pa tawag ng tawag.
Primo- hayaan mo sya.
Aya- baka emergency na po ito.
Primo- Patayin mo na.
+ yun lang ang hindi okay sa side nya, never sya naging mabait sa Mommy nya. Well alam ko naman ang dahilan pero, masyado ng matagal yun. Paglabas namin ng elevator diretso kami sa office ng CEO ng Agency. Syempre sya ang pinakasikat sa lahat ng talent na hawak ng kompanya kaya okay lang na maglabas pasok sya sa opisina nito.
Diretso sya sa pag upo sa Sofa. Napatingin naman ang busy na si Sir Troy.
Troy- Maaga ata natapos ang taping mo.
Primo- syempre.
+ nakatayo lang ako sa likod, napatingin naman sakin si Sir Troy at bumuntong hininga. Ngumiti na lang ako.
Primo- ipapaalala ko lang yung usapan nating ticket papuntang Hawaii.
+ tumawa na lang si Sir Troy.
Troy- basta siguraduhin mo na walang magiging problema hanggang matapos ang kontrata mo sa Movie na yun.
Primo- ewan ko ba kung bat hinihintay mo pa matapos, basta by the end of the month kaylangan nasakin na.
Troy- ganun ka na ba kapagod? Gustong gusto mo na magbakasyon?
Primo- obvious ba?
+ tumayo na ito.
Primo- Sya nga pala, yung balak mong ipromote si Aya, wag mo na ituloy. Marami na syang ginagawa.
Troy- hahaha, ikaw talaga.
Primo- pano, alis nako.
+ tumango na lang si Sir. Lumabas na kami.
Aya- itutuloy mo ang pagpunta sa Hawaii?
+ tiningnan nya lang ako pero hindi na nya sinagot.
Primo- papagod nako, hatid mo na ako sa Condo.
Aya- yes po.
+ at tulad nga ng sabi nya inihatid ko na sya, tahimik lang syang nakatingin sa labas na parang nag iisip.
Primo- Aya.
Aya- po?
+ pero hindi na uli sya sumagot at bumuntong hininga na lang. Ano ba yun. Ng makarating kami sa harap ng Condo nya, sinamahan ko na sya paakyat para dalhin ang mga damit ng Sponsors nya. Pagdating namin don, nagulat kami pareho.
Primo- Anong nangyayare? Anong ginagawa nyo?!!
+ nadatnan kasi namin ang mga lalakeng binubuhat ang mga gamit ng Condo nya.
Aya- Sandali lang po, bakit nyo po kinukuha ang gamit?
Lalake- pasensya na po, utos lang po ito.
Primo- ibalik nyo yan ngayun din.
Lalake- pasensya na po talaga.
+ mabilis akong pumasok sa loob at halos lahat ay wala na, siguro kanina pa sila naghahakot, tumingin na lang ako sa kanya.
Primo- Kapag hindi nyo binalik lahat yan, kakasuhan ko kayo.
Lalake- kausapin nyo na lang po si Madam Loida De Chavez.
+ sabi ko na nga ba. Hayyyy. Umalis agad si Primo, at sumunod naman ako agad, naku, heto na naman tayo.
Aya- Sir. Sir. Sir. Wait lang bat hindi nyo na lang po tawagan.
Primo- bilisan mo.
+ alam ko na ang mangyayare eh, ano pa bang magagawa ko, tulad ng utos mabilis kong pina takbo ang sasakyan papunta sa bahay nila, I mean bahay nya dati, kaso matagal na syang di umuuwi dun. Pagdating, bumaba agad sya at pumasok sa gate ng Mansion nila. Parang torong umuusok ng bait ng lalakeng ito, ako naman tamang sunod at pigil lang sa kanya. Nakapasok agad sya sa loob ng bahay dahil bukas ito.
Primo-...


Loidaaaa!!!!!
Aya- Sir. Mama nyo yan.
Primo- pag hindi ka lumabas babasagin ko tong mga figurin mo!!!
Loida- Anaaak? Oh, anong ginagawa mo dito? Uuwe ka na ba?
Primo- tinatanong mo pa.
+ nginitian ko na lang si Madam. Awkward na ngiti.
Loida- ano bang sinasabi mo anak?
Primo- kapag hindi mo pinabalik lahat ng gamit ko sa Condo.
+ bigla nyang binunot ang lighter nya sa bulsa at pinasindi ito, sabay lapit sa kurtina at akmang sisindihan ito.
Loida- Primo!
Primo- ipabalik mo o susunugin ko bahay nato?
Loida- patayin mo yan.
Primo- Isa!!
Aya- Sir, Sir tama na.
Primo- Dalawaaa!!
Loida- ahhhh!! Oo na oo na, my ghad!!!!
Primo- ano?!!
Loida- oo na, ipapablik ko na!
+ ibinaba nya ang lighter.
Primo- bilis.
+ inis na inis na tumawag sa cellphone nya si Madam.
Loida- icancell nyo na, ibalik nyo na lang.
+ at binaba nya din agad.
Primo- good, tayo na Aya.
+ hinila nya nako agad,
Aya- Madam pasensya na po kayo, pasensya na po talaga.
+ hayyy ako ang hihimatayin sa mag inang ito. Sa totoo lang buwan buwan silang ganito at ako ang na sstress. Bumalik na kami sa Condo nya at naiwan na mga nakakahon pa ang ilang gamit nya kaya sinimulan ko ng ayusin yon, ganun din sya.
Aya- bakit ba ayaw nyo pa pong umuwe sa inyo, hindi ba kayo napapagod na laging ganto?
Primo- ako na bahala dyan. Umuwe ka na.
+ tiningnan ko na lang sya. Sinunod ko na lang ata baka uminit pa ang ulo, iniabot ko na sa kanya ang cellphone nya.
Aya- pag nagutom ka, nag iwan ako ng Pizza at beverages sa Ref. Tawagan nyo po ako agad pag may kaylangan kayo.
+ ngumiti na lang sya at tumango.
Aya- una na po ako.
+ at lumabas na nga ako, mejo lantutay sya ngayun, siguro dahil nakokonsensya sya minsan pero hindi ko din naman sya masisi.
(PRIMO POV)
+ inaayos ko ngayun ang mga gamit, pero mukang aabutin ako ng anas dito, tinawagan ko si Alex, kaibigan ko.
[bro]
Primo- asan ka?
[katatapos lng magtaping ng commercial bro]
Primo- dumaan ka sa Condo.
[sige sige]
+ after 30 mins, nandyan a nga sya.
Alex- oh, anyare dito?
Primo- wag ka na magtanong, tulungan mo na lang ako
Alex- wag mong sabihing galing ka na naman sa gyera.
Primo- tumigil ka na.
Alex- by the way, bat nga ba ako ang tinawagan mo, nasan PA mo?
Primo- umuwe na.
Alex- asus, pinauwe mo na agad? Masyado ka namang mabait bro. Palibhasa ini stress mo eh, buti na lang may konsensya ka hahaha.
Primo- alam mo tapusin mo na lang yan at umuwi ka na din.
Alex- ito nman di na mabiro eh, chill ka lang, saglit tatawag lng ako ng food delivery ha.
Primo- wag na, may pizza dyan pati alcohol.
Alex- aba handa ah. Sya nga pala, alam mo ba tong Jewelry shop nato?
+ may pinakita sya saking picture.
Primo- bakit?
Alex- wala gusto ko kasing bilhan si Mommy ng kwintas sa Valentines eh, dito nireccomend ng co star ko.
Primo- search mo na lang.
Alex- ikaw ba? Wala kang balak regaluhan mommy mo?
Primo- magugunaw na ba ang mundo?
Alex- nagtatanong lang eh. Si Carmen di mo ba reregaluhan sa Valentines. Feeling ko talaga bet ka nun.
Primo- wag mo nga ako igaya sayo, lahat ng nakakapartner mo pinapatos mo.
Alex- alam, that is how I enjoy my life, hindi nirerecommend pero hindi din naman boring hahaha.
+ binato ko sya ng karton. Valentines, Valentines, simula na naman ng mga anay sa paligid.
(TROY POV)
+ I am James Troy Vega, Co founder ng Zentro Agency, the former CEO, I am handling the biggest Social Media Personalities sa bansa, Kauuwi ko lng galing office pagkatapos kumausap ng mga Directors, at una ko laging pinupuntahan sa loob ng bahay ko ay ang paborito kong kwart, puno ng Monitors, at sakto nandyan na sya, binaba ang bag nya at naginat ng katawan. Kinuha ko ang Cellphone ko at dinial ang number nya. At kita kong sinagot nya agad.
Troy- Zendaya Cantre. Pagod na pagod ah.
+tumingin sya sa Monitor mula sa bahay nya.
[Aya- Binantayan mo na naman ako]
Troy- naninigurado lang na ligtas ka nakauwe.
+ tumawa sya sa kabilang linya.
Troy- I have wine, punta ako dyan.
+ tumango na lng sya hang nakatingin sa monitor at binaba na ang cellphone. Nagbihis muna ako bago pumunta sa bahay nya, nasa isang Condomenium lang kami, magkadikit lang ang kwarto, alam ko rin ang password ng Pinto nya kaya nakakapasok ako agad. Pagod na pagod na nakahiga lang sya sa sofa nya. Umupo ako sa kaharap na bangko.
Troy- pinahirapan ka na naman?
Aya- you cant say na pinahirapan, cause it is my job.
Troy- ewan ko ba sayo kung bat mo ginagawa yan. Ewan ko kung boring ka lang, out of all the things na pwede mong paglibangan, yan pa ang napili mo.
+ umupo sya mula sa pagkakahiga. Kumuha ng wine.
Aya- gusto mo bang bumalik ako sa dati?
Troy- Alam mong hindi yan ang ibig sabihin ko
Aya- you know what this is better. At alam natin pareho, na kung hindi kay Primo, wala na ko dito ngayun.
+ napatawa na lang ako
Troy- haha you always say that
+ nginitian nya na lang ako.
Troy- wala ka ba talagang balak magpakilala sa Agency.
+ umiling iming sya.
Troy- Co Founder kita, you are also the CEO, nag aalala lang ako na baka dumating ang time kaylanganin mo. Atsaka mejo hindi okay sakin na nakikita kang napapagod ng dahil kay Primo.
Aya- Sus, bakit napapagod ka na ba mag handle mag isa?
Troy- alam mong hindi.
Aya- look, lagi lang naman ako naka suporta sayo eh, decisions, plans, lagi moko maasahan, its just that, hindi pa lang ako handa para dyan. And one more thing…
+ tinuro nya ang CCTV sa taas.
Aya- Its been 2 Years, hindi ka ba nagsasawang bantayan ako lagi. I also need Privacy hello!!
Troy- No hanggang sa pinto na nga lang ang nakikita ko eh, ang ibang parte ng kwartong to privacy mo na, I just want to make sure na safe kang nakakauwe.
+ bumuntong hininga na lang sya. Simula nung mawalan sya ng magulang, at nagiisang anak sya, nagtabaho na sya sakin bilang Singer sa maliit kong Agency dati, hindi ko pa sya napapag debut sa career nya, na bankrupt ang agency ko, pero hindi nyako iniwan, maybe because minsan she depends her life to me, suicidal sya dati at hindi ganto thats why hinimok ko sya na tulungan ako na magtayo ng bagong agency at yun na nga ang Centro, most ng ideas, galing talaga sa kanya, but the name, ako na ang nag decide, at galing yun sa pangalan naming dalawa. After Months ng maitayo ang Agency lalo syang nagpabaya sa sarili hanggang sa isang araw bigla nagbago ang lahat, at sinab in nya na lang sakin na, magtatrabaho sya sa isang Actor, yun nga si Primo, that why, wala ako nagawa kundi papirmahin din ito sa Agency ko para lang masubaybayan si Aya
Itutuloy…..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.