15

I’M SORRY MAHAL

Report

I’M SORRY MAHAL
Written By: Bert Igop Zorxio Writes
I’m Xio and I have a girlfriend she’s Liza. Malayo ang distansya nang bahay nila saamin. Kung iisipin ay nasa limang oras bago makarating sa kanila.
Mahal na mahal ko siya to the point na ayaw ko na siyang mawala sakin.
“Mahal? Bakit palagi ka na lang busy?” Chat ko sa kanya dahil bihira siya mag online at kung minsan ay nakaonline naman siya pero hindi siya nag cha-chat sakin.
“Sorry Mahal, babawi na lang ako. I love you. Busy lang talaga ako.” Ang reply niya at bigla na lang nag out.
Hindi ko alam ang iisipin ko dahil baka mayroon na siyang iba. Hindi ko makakaya yon.
“Mahal kung may iba kana? Sabihin mo lang sakin ha? Handa akong magparaya.” Ang chat ko sa kanya.
“Mahal na mahal kita at kung saan ka masaya ay masaya na rin ako.” Sabi ko at saka tumulo ang luha saking mata. Nakakabakla man sabihin pero mahal ko e? Nasasaktan ako.
“Palagi ka na lang busy. Hindi mo na ako pinapansin minsan. Mahal, miss na miss na kita. Sana naman kausapin mo na ako ng maayos.” Muling chat ko kay Liza.
“Oy! Pre? Gala tayo?” Katok nang barkada ko. Pinahid ko ang luha saking mata at saka nag hilamos.
“Pre, pwede ba samahan mo ako sa bahay nang girlfriend ko?” Pakiusap ko dito. Mabuti na lang at pumayag naman agad.
Agad kaming pumunta sa bahay ni Liza at naabutan namin ang mama nito at ang iba pang kapatid ni Liza na lalaki.
Nag iisang babae si Liza sa magkakapatid. Maganda siya at maputi. Kaya siguro marami ang nagkakagusto sa kanya.
“Mano po, Ma? Si Liza po nasaan?” Tanong ko sa Ina ni Liza. Mama na rin kasi ang tawag ko sa Mama ni Liza dahil gusto ko lang at hindi naman ito nagalit.
“Nasa kwarto niya. Iwan ko ba diyan, palagi na lang nasa kwarto niya. Hindi man lang lumalabas. Minsan naman kung gabi ay nakikita ko siyang hawak ang cellphone at hindi natutulog. Nangangayayat na nga e.” Mahabang sabi ni Mama kaya naman kinabahan ako don.
Hindi kasi nag oopen si Liza sakin nang problema niya.
Agad akong pumunta sa labas nang kwarto ni Liza at kinatok ang pintuan nito.
Bumukas naman agad ito at agad niya akong dinamba nang mahigpit na yakap.
Ramdam ko rin bumasa ang balikat ko kaya alam kung umiiyak siya.
“Mahal? Anong problema?” Nag aalalang sabi ko rito. Umiling ito at ngumiti nang mapait.
“Wala Mahal miss lang kita. Pasyensya kana ha?” Ngumiti ako at yinakap ulit siya nang mahigpit. Hinawakan niya ang likod ko nang mahigpit na tila ba ayaw niya nang bumitaw.
Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman itong tiningan.
“Xio? Punta ka dito sa bahay, please kailangan kita ngayon.” Text ni Myra. Ang girl best friend ko.
Tiningnan iyon ni Liza at makikita sa mukha nito ang sakit at lungkot.
“Mahal? Pano ba yan? Magkita na lang tayo sa susunod ha? Aalis na ako.” Paalam ko sa kanya. Ngumiti siya at saka tumango.
Hindi ko rin alam kung namamalikmata ako dahil nakita ko ang pag tulo nang isang butil na luha sa kanyang mata.
Umalis nga...


ako nang mga sandaling iyon. Ilang beses ko rin nakita ang pag ngiti nang mapait sakin ni Liza.
Pumunta ako sa bahay ni Myra. Kasama ko parin noon ang barkada ko.
“Pre? Nakita ko girlfriend mo kanina? Umiiyak ba yon nang umalis tayo?” Sabi Jomar. Ang barkada ko.
“Di ko alam pre. Siguro miss niya lang talaga ako ng sobra.” Sabi ko.
“Hindi pre. May kakaiba kanina e? Di mo ba pansin yung galit na tingin sayo nang mga kapatid ni Liza?” Sabi nito.
“Hindi naman pre. Hayaan mo na, baka namamalik-mata ka lang.” Sabi ko kaya nanahimik na lang siya.
Dumating kami sa bahay ni Myra at nakita ko itong nakangiting kumakaway sakin.
“Hi, Xio? I miss you.” Ngiting sabi nito at sinalubong ako nang yakap.
“Ano bang problema Myra? Bakit mo ako pinapunta dito?” Serysosong tanong ko.
“Gusto ko lang pumunta ka dito. Miss na kasi kita Xio, alam ko naman kasi na di ka pupunta dito pag di ko sinabi na kailangan kita.” Paglalambing nito. Inis akong lumayo sa kanya.
“Pwede ba? Myra may girlfriend na ako at huwag kang desperada. Oo kaibigan kita pero hanggang doon lang yon.” Inis na sabi ko.
Agad kaming umuwi ni Jomar at pag dating ko sa bahay ay hindi mawala sa isip ko si Liza.
Nag online ako at nakita ko rin siyang online.
“Hi Mahal? I miss you, sorry kung umalis agad kami. Babawi na lang ako sa susunod Mahal.” Chat ko dito na agad naman nitong sineen.
“It’s Okay Mahal, naiintindihan ko. Ang mahalaga okay ka lang palagi. Wag mo kong isipin dito. Okay lang ako.” Chat nito.
Matagal tagal kaming nag usap nang mag desisyon akong matulog na lang. Kinabukasan ay tadtad nang chat ang messenger ko at lahat yun galing kay Liza.
First Message: Mahal, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw lang hanggang huli ang mamahalin ko. Pangako.
Second Message: Mahal, natatakot ako. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang lahat pero sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para malaman mo ang lahat.
Third Message: Mahal, sorry. Pero hindi ako ang nararapat na babae para sayo. Iwan mo na lang ako Mahal.
Fourth Message: Mahal matagal na akong ginagahasa nang mga kapatid ko. Hindi yon alam ni Mama at natatakot akong sabihin dahil baka mawala sakin si Mama.
Fifth Message: Nung oras na pumunta ka dito. Nangungusap ang mga mata ko sayo na wag mo muna akong iiwan. Pero mas inuna mo yung girl best friend mo.
Sixth Message: Mahal, masakit para sakin yon pero alam ko ito na yung kapalaran ko. Ang masaktan. Hindi ako ang babaeng nararapat sayo Mahal.
I’m sorry.
Seventh Message: Kapag nabasa mo to Mahal, baka wala na ako. Sorry hindi ko na kayang magtiis Mahal. Ikaw na ang bahala ha. Please ingatan mo ang sarili mo.
Para akong sinaksak nang paulit ulit dahil don. Sunod sunod na pag tulo nang luha saking mata ang naramdaman ko. Ang sakit.
Kaya pala.
Kaya pala. Ganon na lang ang yakap niya sakin. Kaya pala nakita kung umiyak sa nang yakapin niya ako.
Kaya pala ang sabi ni Jomar umiiyak ang girlfriend ko.
Sorry Mahal nag kulang ako. Hindi ko alam.


15 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.