0

I’m Her Daughter and he’s the Last Heirs KABANATA IKA-LAWA


Report

ALEXANDREIA HAYASEIN
Hindi ko inalintana ang mga pawis na dumadaloy mula sa noo ko pababa hanggang sa leeg ko ang mas mahalaga ay makalayo ako sa lalaking iyon.
Mabilis kong natanaw ang pamilyar na pigura sa di kalayuan, Iyong lalakeng nag ngangalang RAIZEN
nakasandal iyon sa pader malapit sa naka sarang pinto nakababa ang paningin nya sa black shoes na suot nya habang ang isang kamay nya ay naka suksok sa bulsa ng itim niyang pantalon at ang isang kamay nya naman ang syang may hawak sa sigarilyo na ngayo’y hinihithit nya.
‘Pag tapos nito dapat ay lumayo na’ko sa mga lalaking ito. ‘
nag lakad ako palapit at hindi inalis ang paningin sa kanya kaya naman kitang kita ko ang bawat detalye nang kilos nya.
pumikit sya at kinuha ang sigarilyo sa bibig gamit ang dalawang daliri kasabay nang pag buga ng usok sa kawalan.
“ahhhhhhrrrrgg!”
rinig kong daing sa malapit kaya luminga-linga ako para mahanap iyon ngunit bumalik lang ang mata ko kay Raizen na kunot noong nakatingin sa’kin.
Nag tama ang mata namin at kaagad akong binalot nang takot dahil sa madilim na mata ito.
iba ang itsura nya kumpara kanina na masayahin at masigla ngayon ay mabigat at puno ng Galit ang makikita sa mukha nya.
‘pakiramdam ko ay iba’t-ibang tao ang nakilala ko ngayong araw kahit pa dalawa lang naman sila ni Eight ang nasa isip ko.
Naglakad ako, palapit dito kahit nanginginig pa ang tuhod ko.
“Ahhhhh~” daing ng boses sa loob ng nakasarang pinto.
“Umalis ka…” kalmadong utos nya tsaka muling humithit ng sigarilyo.
“AHHHHGGGG! “lalo pang lumakas ang daing mula na naman doon, malamang na iyong Primotivo iyon. nanlaki ang mata ko sa sarili kong naisip.
“sabihin mo, nasan iyong primotivo? ” lakas loob na tanong ko. “nandyan ba sya sa loob?” ulit ko pa.
“pwede ba? Hwag mong isali ang sarili mo dahil kahit anong tanong mo hindi kita.. sasagutin. ” masungit na anito tsaka pumwesto sa harap ng pinto.
Sinubukan ko syang hawiin gamit ang buong lakas ko pero tila pader ito na hindi ko manlang napagalaw.
“Ahhhhhhhhgrrrrrr!” lalo akong nag alala nang tumriple ang lakas ng hiyaw sa loob.
“Hoy Ivo! Hinaan mo nga ang bunganga mo! ” sigaw ni Raizen kaya ginamit ko ang pag kakataon na iyon para ibigay ang pinaka malakas na suntok ko na halos idaing ko dahil sa pamamanhid noon kasunod noon ang pag tuhod ko sa pagitan ng hita nya.
“What the f*ck!” hiyaw nito tsaka namaluktot sa sahig.
“naku! Sorry… Sorry! ” paulit -ulit na saad ko tsaka ko kinabig ang door knob papasok sa kwarto.
Pero ang kaninang pag aalala ko ay napalitan ng walumpung porsyento ng Takot nang bumungad ang duguang lalaki na naka tali ng mga makakapal na kadena ang magkabilang braso at punong-puno puno ng sugat ang katawan nito.
bukod sa kanya ay naroon ang dalawang lalaki na naka black suit hawak ang dalawang latigo na nababalutan ng mga patalim syang ginamit tyak sa lalaking naka tali.
Dahan-dahang iniangat ng sugatang lalaki ang paningin nya para tignan kung sino ang narito. Kulot ang itim nyang buhok na medyo may kahabaan na din dahilan para matabingan ng kaunti ang mata nya.
Ngumisi ito sakin.” may mali ba sa mukha ko?.” inosenteng tanong nya sakin na tila normal ang lahat na tila wala syang iniindang sugat. ” hoy kayong dalawa! ” tukoy nya sa dalawang lalaki na may hawak ng latigo. ” di ba sabi ko sa katawan nyo...


lang ako sugatan hindi sa mukha? ” galit na anito.
‘Normal pa ba sila? ‘
‘paano sila nakakapag usap ng ganian? ‘
“kapag dumating si Eight at nakawala ako dito bunugbugin ko kayo! ” galit na anito sa dalawa. ” Anyway kung makikipag date ka tsaka na may ginagawa pa ko eh….sige na ituloy nyo na. ”
Muli ay hinataw sya ng latigo sa harap ko kaya’t napaatras ako pero hindi na nasundan ang atras na iyon nang bumangga ang likod.
“Eight, ano.. Ilalabas ko na sya. ” rinig kong saad ni Raizen mula sa likuran.
Unti-unti akong humarap at hindi ako nag kamali, si Eight ang nasa likod ko matalim ang mga titig na ibinigay nya sa’kin.
“Minamadali mo ba talaga ang buhay mo? “Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ko. Nakakatakot ang boses nya, hindi ko manlang nagawang makagalaw sa kinatatayuan ko.
Lumunok ako ng ilang beses. “Tao ka pa ba? ” natatakot ma’y pinilit kong isatinig.
“Get out!.”naroon na naman ang makapangyarihang boses na ilang beses ko ng narinig mula kanina.
Hinawakan ni Raizen ang pulsuhan ko at akmang kakaladkadin ako palabas ngunit marahas ko iyong binawi dahilan upang mabilis na nagtakbuhan ang apat na nakaitim na lalake at akmang hahawakan ang magkabilang kamay ko kaya’t kinuha ko iyong Id sa bulsa ko at hinagis iyon sa harap niyong Eight hanggang sa bumagsak iyon sa sahig.
“do stupid things makes you happy? “sarkastiko ang naging bawat bitaw ko.
“what’s your name?”tanong ni Eight tila walang narinig mula sa’kin.
“Stupid!”inis na saad ko para patungkulan sya. “Tinrato nyo syang hayop para lang dyan? ” patungkol ko sa Id.
“Ayan ang- – – -” saad nung Raizen.
“Ba-badge ID ko ba yan? ” rinig kong tanong nung primotivo.
Akmang hahablutin ni Eight ang braso ko pero mabilis akong umikot para bigyan sya ng malakas na sipa at naging matagumpay iyon na dumapo sa panga nya pero tulad ni Raizen ay hindi manlang sya natinag sa kinatatayuan nya.
“What’s Your name.. “malamig na pag ulit nung Eight sa kaninanh tanong nya….hindi, hindi iyon tanong! kundi Utos, kinakailangan ba talagang sabihin ko ang pangalan ko?
“Hwag mong hahayaang mag salubong muli ang landas natin dahil tinitiyak kong Mawawalan ka ng buhay sa sandaling iyon…Stupid. ” banta nya bago ko makalabas ng kwarto.
‘kung ganun.. di hindi na ko mag eenroll’
“d-don’t mind him, welcome to west bridge”hirap ma’y pilit ni primotivo na itinayo ang sarili.”it’s just a…..prank?” pangungumbinsi nya sa’kin. “but, thank you for saving me”nakangiti nyang saad habang sinusuot ang branded nyang damit palapit sa’kin.
“let’s go..”anyaya sa’kin ni Raizen pabalik sa line up.”your amazing..” na mamangha talagang saad nito “i hope we will be friends.cutie” san nya naman Nakuha ang pangalang iyon.
“i’m always be with you..promise.”iyon ang huli kong narinig mula dun sa Ivo ngunit hindi na’ko lumingon pa.
Pag balik ko sa line up ay patapos na ang pila, natanaw ko si Yana sa gilid at kumakaway sa’kin.
“akala ko ay kinain kana ng Boul..”natatawang biro nya. “tada~~” ipinakita nya ang dalawang Id na hawak
“a-ano yan? ” tanong ko.
“Enroll na tayo.. ” nakangiting saad nya, gusto ko syang sapakin sa balita nya pero hindi ko iyon na gawa nang yakapin nya ko. ” sana ay dito tayo gumraduate. ” bulong pa nya sa tenga ko.
Napabuntong hininga na lamang ako, Mukhang wala na kong choice.
(To Be CoNTiNue)
A/N:
ANONG MASASABI NYO HAHAHA SORRY KUNG PANGET YUNG STORY KO BAGO LANG KASI

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.