0

I’LL NEVER GO CHAPTER 2


Report

Wow grabe naman maas*r ng babaeng yun.Sya na nga ang di tumitingin sa daan sya pa yung galit.Binato pa ako ng sapatos.
Siguro kasalanan ko din kasi parehas kaming nagmamadali,tumawag kasi ang kasambahay namin si tita daw ay sinumpong ng high blood ayaw padala sa hospital.Kaya nagmamadali din akong umuwi.
Sa akin lang kasi yun nakikinig si Tita,halos sya na ang nagpalaki sa akin mula ng di ako sumama sa parents ko manirahan sa ibang bansa.
Ako nga pala si Markus,isang mechanical engineer.Kaibigan ko sina Lance at Xander ako ang keyboardist ng grupo nila.Matagal ko na silang kaibigan pero sa mga gig lang ako sumasama sa kanila.Sa grupo halos lahat sila ay meron ng mga kasintahan pero ako ayaw ko muna magseryoso sa isang relasyon.
Nag eenjoy pa ako sa pagkabinata.
Naalala ko na naman ang babae kanina
Balak ko sanang humingi ng sorry pero natameme ako kanina pagkakita ko sa kanya na napaupo sya sa kalsada.
Pero infairness maganda sya masung*t nga lang.
Samantalang si Xandra ay ngayon lang nakarating sa shop.Nagtaka ang mga katrabaho nya dahil hindi sya kasabay ni Maam Pia.
“Oh bakit ngayon ka lang at bakit ganyan ka maglakad?”
“Kasi Ate me nakabangga ako sa daan,ayun napaupo ako kaya ayan masakit ang puw*t ko.”
“Kaya pala,buti wala namang nabaling buto sa yo?”
“Grabe naman ate bali agad,masakit lang.”
Grabe kasi ang lalaking yun walang...


modo,kapag nakita ko ulit sya lag*t talaga sya sakin.
“Hayaan mo na yun,pero teka gwapo ba?”
“Ewan ko sa yo Ate.”
Hindi nya makakalimutan ang mukha ng antipatik*ng yun.
Guwapo talaga sya pero masungit din.
Kahit me iniindang sakit ay patuloy pa rin sya sa trabaho,madami kasing orders ngayon.
Kelangan nya pagbutihin ang trabaho dahil balak nya pag sumahod na sya ay maghahanap sya ng matitirhan kahit bed space lang.
Nakakahiya naman kasi kay Maam Pia kung doon pa sya titira.
Balak ko sanang ipagpatuloy ang pag aaral ko,sabi kasi sakin ni Nanay ay kahit wag na ako magpadala ng pera sa kanila dahil me regular ng trabaho ang Kuya ko.
Sabagay di naman ako pinapaalis sa kanila pero ayaw nila ako patulungin sa gawaing bahay.
Di ako sanay sa ganun na pinagsisilbihan.Kahit naman maarte ako ay alam ko lahat ng gawaing bahay dahil lumaki ako sa hirap.
Isang araw wala akong pasok dahil me day off din kami.Balak ko magdilig ng halaman sa labas ng gate,kahit ito man lang ay makatulong ako.
Habang hila ko ang hose ay me biglang bumusina sa tapat kaya nagulat ako.
At bumaba na nga ang sakay ditong mga nag guguwapohang nilalang me dala sila mga instrumento siguro nagbabanda ang mga ito.
Nakatulala ako sa kanila dahil ang cute nila pagmasdan.
Hanggang bumaba ang isang lalaki na hindi ko makakalimutan ang pagmumukha.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.