0

I’LL NEVER GO CHAPTER 18


Report

Every weekend ay nandun si Markus sa bahay nila Xandie.
Kahit di sya nito pinapansin,pero wala syang pakialam dahil ang magulang at kapatid muna ang nililigawan ng binata.
Kagaya ngayong araw,abala sila sa pagluto dahil every sunday ay nag bobonding silang pamilya.
Nandito rin ang Kuya nya at mga pamangkin nya.
Pagkatapos ay sa me pool area sila lahat kakain.Kaya naisipan ni Xandie na magswimming sila ng mga bata at kanyang hipag.
“Wow ang sexy mo naman dyan sa suot mo Sis.”
“Salamat Ate.Ikaw din naman ganda mo pa din kahit me junakis ka na.”
“Hmmp binola mo pa ako.”
Habang nasa pool sila ay dumating si Markus at marami na naman itong dala.As usual me bulaklak na naman.
“Kelan mo ba yan patatawarin Sis,aba’y matagal tagal na rin yang pabalik balik dito.”
“Hayaan mo sya Ate.Kita mo nga sina Papa at Kuya ang laging kaharap.”
“Syempre kasi nga ayaw mo pansinin.Baka sina Papa muna ang liligawan nya.”
“Bahala sya.Magsasawa din yan kakapunta dito.”
“Tingnan natin.Tara na ligo na tayo.”
Habang nagkakatuwaan sila sa pool ay nakatingin naman ng palihim si Markus sa dalaga.
“Grabe nag two piece pa talaga sya,kung di lang dito sa bahay nila ay baka napagalitan ko na sya.” aniya sa sarili.
“Oh natulala ka na dyan Mark,tara tagay na tayo.”
Mula ng nagpunta sya dito sa bahay nina Xandie ay naging kaibigan na din nya ang Kuya nito.
“Hayaan mo na yang kapatid ko,mapapatawad ka rin nyan.Mabait yan kaya wag ka mag alala.”
“Sana nga Kuya.”
Hanggang sa kumain na sila ay di pa rin sya pansin ng dalaga.Abala ito sa pagpapakain ng pamangkin nito.
Ganoon lagi ang sitwasyon nila.Kapag magsisimula pa lang syang kausapin ito ay iiwan lang sya.Buti na lang to the rescue ang ama nito.
Hanggang sa di na muna sya nagpunta sa bahay ng dalaga.
Sabi kasi ng ama nito na kapag di sya makita ng dalaga ay baka sakaling hanap hanapin na sya nito.Ika nga ay magpa miss daw.
Okay din ang Tatay ng dalaga me mga teknik pang nalalaman.
Nang minsan na mag hang out muli ang barkada ay inaya sya ulit ni...


Cassy na sumama.
“Sige na Beb sama ka na,wala naman siguro dun si Markus.Wala ka namang iiwasan.”
“Sinong me sabi sayo na umiiwas ako? Bakit ako iiwas wala akong kasalanan sa kanya.”
“Oh yun naman pala eh,di sumama ka na kahit ngayon lang.”
“Wala talaga akong takas sa yo.”
“Kung ayaw mo na talaga sa kanya di dapat di ka na apektado sa presensya nya.”
“Talaga lang ha.Sige sasama na ako sa inyo just to prove it.”
Natuloy nga sila sa gimik nila.Habang nagkakatuwaan ay dumating si Markus.May kasama itong magandang babae.
Natigilan silang lahat at napatingin sa magiging reaksyon ni Xandie.
Pero naka poker face lang ito,deadma sa nangyayari sa paligid.
Nang makita nya si Markus na me kasamang babae ay biglang kumirot ang puso nya.Nagseselos nga ba sya?
“Bakit naman ako magseselos ay wala na kami.Bahala sya kung ano ang gusto nyang gawin sa buhay nya.Baka nagsawa na kakasuyo sa akin.Sabi ko na nga ba.Sa tagal nyang di dumalaw sa amin ay baka sumuko na rin sya. “aniya sa sarili.
Si Markus naman ay di mapakali,nakita nya kasi itong klasmeyt nung high school.Me crush ito dati sa kanya noon,kaya ng magkita sila sa labas ng bar ay ayaw na nitong humiwalay sa binata.
Lagot sya nito sa mga kaibigan lalo na kay Xandie baka tuluyan na itong lumayo sa kanya.Hindi nya naman pwedeng paalisin ang babae dahil mag isa lang ito.
Kahit hindi sya komportable ay pinanindigan nya sa mga kaibigan ang sinabi nya kanina.Tutal mukhang naka move on naman ang binata.
Kaya nag pakasaya na sya ngayong gabi.Pinangako nya sa sarili na tuluyan na nyang kakalimutan si Markus.
“Ok ka lang Beb,sabihin mo lang at lilipat tyo ng ibang bar o sa bahay na lang tayo?”
“Sige ubusin ko lang ito at uuwi na tayo.”
Napag desisyunan nilang mga girls na sa condo na lang ni Celine ituloy ang kasiyahan.Nawalan na din kasi ng gana ang mga kaibigan sa pagdating ni Markus.
Kaya ng magyaya si Cassy na mag cr ay yun na ang cue para umalis na sila doon.Nagtext na lamang sila sa mga boys na mauuna na sila.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.