1

Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 9


Report

Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 9
.
Ariel : si Katherine po?
Katherine : surprise!!!(sabay yakap kay Ariel)
.
Nagulat na lang si Ariel at sinugod siya ng yakap ni Katherine..napatingin si Ariel kay Mary Ann na nooy nakita niyang may lungkot sa mga mata..kumalas si Ariel sa pagyakap ni Katherine, nag-alala si Ariel na baka kung ano ang isipin ni Mary Ann.
.
Ariel : bakit nandito ka?
Katherine : ay grabe ka naman, parang hindi ka masaya na dumating ako.
Ariel : dapat nagpasabi ka na pupunta ka dito.
Katherine : gusto kasi kitang surpresahin.
Elena : ah katherine mabuti pa ay kumain ka muna, ah Mary Ann halika sa baba at kumain ka din.
.
Noon lang napansin ni Katherine ang presensiya ni Mary Ann.at nagtaka si Katherine kung sino ang babae na kasama ni Ariel sa kwartong iyon..may poot sa mga mata ni Katherine nang tingnan niya si Mary Ann.
.
Katherine : sino siya tita?
Elena : ah. Si Mary Ann, kababata ni Ariel, Mary Ann, eto nga pala si Katherine kaibigan ni Ariel.
Mary Ann : hi katherine (bati niya kay katherine)
.
Ngunit di na siya pinansin ni katherine.
.
Katherine : ah tita, saan ako pwedeng mag-room dito.
Elena : ah, sandali iha, pasasamahan kita kay yaya, pero kumain ka muna, Mary Ann halika kumain.
Mary Ann : ah. H-hindi na po, uuwi na din po ako, kasi hinihintay din po ako ng mga tita ko..sige salamat na lang po.
Elena : ganun ba. Sayang naman di pa tayo nakakapagkwentuhan.
Mary Ann : pasensiya na po talaga, sabi po kasi ng mga tita ko, hihintayin nila ako, bago sila umuwi kaya tutuloy na din po ako.
Elena : ganun ba, okay iha, salamat sa pagpunta mo.
Mary Ann : salamat din po.
Ariel : ma. Ihahatid ko lang po si Mary Ann.
Mary Ann : ah, huwag na Ariel, magta- tricycle na lang ako, may paradahan naman ng mga tricycle diyan sa kanto eh.
Ariel : please, Mary Ann, ihahatid na kita.
Katherine : sabi nga niya magta-tricycle na siya, bakit kasi pipilitin mong ihatid siya kung ayaw nga niyang magpahatid.
Elena : sige na iha, ihahatid ka na ni Ariel, sinundo ka niya sa inyo, dapat lang na ihatid ka niya uli papauwi..siya nga pala iha, hintayin mo ako at may ipapauwi din ako kila Mang Andres at Aleng Marissa..
.
hindi alam ni Mary Ann ang nararamdaman, halo halong emosyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Ariel, nakaramdam si Mary Ann ng hiya kay Ariel dahil sa mga halikan nila ng binata, sa isip ni Mary Ann na ano na lang daw ang iisipin ni Ariel at nagpapahalik siya, lalo na at hindi naman sila magkasintahan ni Ariel, kaya inis na inis si Mary Ann sabsarili ipinagkanulo siya ng kanyamg puso..nadala siya sa halik ni Ariel sa kanya na muntik ng may mangyari sa kanila ni Ariel..at ang isa pang iniisip niya si Katherine, nakita ni Mary Ann kung paano siya tingnan ni Katherine na parang may galit ang mga mata nito, kapag tinitingnan siya.
.
Elena : Mary Ann, maupo ka muna dito sa sala at iaayos ko lang yong iuuwi mo.
Mary Ann : opo.
Elena : ah yaya, paki-akyat mo naman yong mga gamit ni Katherine sa guessroom.
Yaya : okay po, ah saan po bang guessroom ang gagamitin niya?
Elena : ah sa katabi ng kwarto ni Ariel yaya!
Yaya : sige po doña Elena.
.
Nakaramdam ng kakaiba si Mary Ann kay Katherine, sa pakiramdam niya ay inis sa kanya si Katherine..na ngayoy nga ay kausap ito ni Ariel, na parang close na close talaga ang dalawa, ah. Parang nakaramdam siya ng panibugho, kay katherine..at hindi nagtagal ay naroon na si Elena, na may dala dalang pa-takehome kay Mary Ann.
.
Elena : iha pakibigay mo nalang sa nanay mo, at pakisabi maraming salamat sa maja na binigay niya.
Mary Ann : maraming salamat din po dito, mukhang napakadami naman po nitong pina-uwi nio.
Elena : konti nga lang yan eh.
Mary Ann : tuloy na din po ako.
Elena : sige anak. Ihatid mo na si Mary Ann.
.
nagpaalam na si Mary Ann sa papa ni Ariel, at hanggang sa sakay na sila ng kotse ng binata, at habang sa daan ay wala naman silang imikan..walang alam sabihin ang binata, nahihiya si Ariel kay Mary Ann dahil sa nangyari sa pagitan nila, at si Mary Ann naman ay hindi maalis sa isip niya kung paano hindi pinansin ni Katherine ng binati niya ito, at naiisip ni Mary Ann, na baka kaya si katherine ay may gusto kay Ariel at dahil nga kung makatingin sa kanya si Katherine ay ubod ng talim ang mga sulyap nito sa kanya, samantalang natakot si Ariel na baka galit si Mary Ann sa kanya. Pero sa kabilang banda naman tinatanong ng isip nia bakit daw ba hinayaan siya ni Mary Ann na halikan niya ito, at ang isa pa ay bakit tinutugon ni Mary Ann ang mga halik niya.ano daw ba kaya ang ibig nitonh sabihin..at hanggang sa hindi na nakatiis si Ariel, binasag na niya ang katahimikan nila sa isat isa.
.
Ariel : Mary Ann, tungkol sa nangyari kanina..sorry kung—
.
Nalungkot si Mary Ann ng sabihin palang ni Ariel na sorry, kaya pinutol niya agad ang pagsasalita ni Ariel.
.
Mary Ann : kalimutan mo na yung nangyari kanina.
.
Ang gusto sana niyang marinig ay sabihin sa kanya ni Ariel na kaya siya hinalikan nito ay dahil mahal siya. Pero hindi iyon ang pambungad na salita ni Ariel.
.
Ariel : ayokong magalit ka sakin MaryAnn.
Mary Ann : hind ako galit!
Ariel : Mary Ann–
Mary Ann : please Ariel, kalimutan mo nalang yong nangyari kanina, hindi ako galit sayo!
.
Nagpasalamat si Mary Ann dahil naroon na sila sa tapat ng bahay nila..kaya hindi na sila nakapag-usap, binuksan agad ni Mary Ann ang pinto pero hindi siya naka-baba agad dahil nakalimutan niyang tanggalin ang seatbelt niya, nagmadali siyang tanggalin iyon pero hindi niya matanggal tanggal kaya tinulungan siya ni Ariel, at dahil doon ay bumilis nanaman ang tibok ng puso niya, dahil sa simpleng pagsagi ni Ariel sa kanya ay nagiging abnormal ang tibok ng puso niya. At ng matanggal na ang seatbelt ay agad na din siyang bumaba.bumaba din si Ariel dahil nakalimutan ni Mary Ann ang pinauwi sa kanya ni Elena.
.
Ariel : magandang hapon po Mang Andres.
Andres : magandang hapon din naman.
Ariel : pasensiya na po kayo at hinapon po kami.
Annabelle : tito Ariel, libot po tayo sa plasa ngayon.
Ariel : sige baby mag—
Mary Ann : ah Annabelle hindi pwede si Tito Ariel, kailangan na niyang umuwi kasi may Bisita siya.
.
Nakaramdam ng lungkot si Ariel dahil parang pinagtatabuyan na siya ni Mary Ann.
.
Andres : oo nga apo, may bisita pala si Tito Ariel mo.
Mary Ann : sige na Ariel baka hinihintay ka na ni Katherine.
.
Ayaw pa sanang umuwi ni Ariel, kaso pinapauwi na siya ni Mary Ann, na para bang naibana ang mood ng dalaga, at hanggang sa may dumating na di inaasahang bisita si Mary Ann..iyon ay si Franco na may dala dalang boquet ng bulaklak..nangunot ang noo ni Ariel ng makita si Franco, si Mary Ann naman ay nalukot naman ang mukha dahil gusto na sana niyang magkulong ng kwarto..pero hindi naman niya magagawa agad ng dahil nga naroon na naman si Franco, ayaw naman niyang hiyain si Franco kaya mapipilitan siyang harapin si Franco.
.
Franco : magandang hapon po tatay Andres.
Andres : magandang hapon din.
Franco : magandang hapon Mary Ann.
Mary Ann : magandang hapon.
Franco : para sayo nga pala Mary Ann(binigay ang bulaklak na hawak)
.
Inabot naman ni Mary Ann ang bulaklak.
.
Mary Ann : salamat Franco, pasok ka!! Ah Ariel sige salamat uli ha, ingat ka sa pag-uwi.
Ariel : ah, Mary Ann, eto nga pala yong binigay ni mama.
Mary Ann : ay oo nga pala, tay paki kuha naman yun, pauwi ni Doña Elena.
.
Hindi makuha ni Mary Ann ang inaabot na mga pinauwi ni Elena gawa ng may hawak siyang bulaklak isang malaking bugkos na mga bulaklak ang ibinigay sa kanya ni Franco, kaya si Mang Andres ang umabot sa hawak ni Ariel.
.
Andres : naku, napakadami naman nito, paki sabi Kay doña Elena, salamat.
Ariel : opo, sige po mang Andres tuloy na po ako.
Andres : oo sige, ingat ka.
Ariel : salamat po, sige Mary Ann uwi na ako.
Mary Ann : s-sige!
.
Nakadama ng lungkot si Mary Ann ng maka-alis na si Ariel, nainis siya sa sarili niya na kung bakit kasi parang pinagtabuyan niya si Ariel na umuwi, may usapan pa naman sila ni Ariel na mamamasyal sila sa plasa pero nagbago ang isip niya dahil nga sa naisip niya ang pagdating ni Katherine, nakaramdam pa siya ng sakit ng makitang yumakap pa ang babae kay Ariel, nakaramdam siya ng selos..kaya lang nabago ang mood niya dahil doon..nakalimutan na niyang naghihintay pala sa kanya si Franco sa may Terrace.
.
Mary Ann : tay, pasok na po sa kwarto ko at gusto kong mahiga.
Andres : aba anak, paano si Franco.?
.
Nakaramdam ng inis si Mary Ann, hindi pa nga pala siya makakapasok sa kwarto niya para mahiga, dahil naroon nga pala si Franco..kaya nagpunta na siya kay Franco.
.
Mary Ann : ah sandali lang franco at ikukuha kita ng mamimeryenda mo.
Franco : huwag na Mary Ann busog naman ako.
Mary Ann : ganun ba..eh bakit ka ba nagpunta dito?
Franco : gusto lang kitang makita at maka-usap Mary Ann.
.
Noon lang napansin ni Mary Ann na mapupungay ang mga mata ni Franco na parang galing lang ito sa pag-inom ng alak.
.
Franco : Mary Ann mahal kita, sana tugunin mo naman ang pagmamahal ko sayo.
Mary Ann : Franco eto na naman ba tayo, una pa lang sinabi ko na sayo na wala kang maaasahan sakin..hindi kita pinaasa, sinabi ko kaagad na wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend.
Franco : oo noon, dahil nag-aaral pa lang tayo nun, kaya kahit na madami nang babae ang naging girlfriend ko, ikaw pa din ang hanap ng puso ko.
Mary Ann : Franco sana maintindihan mo na hindi ko kayang tugunin ang pagmamahal mo sakin dahil may mahal akong iba.
.
Nabigla si Franco sa narinig kay Mary Ann, at si Mary Ann ay nadulas ang dila niya sa sinabi. Pero sa isip ni Mary Ann na mas mainam na din na sinabi nia kay Franco na may mahal siyang iba, para tantanan na siya.
.
Mary Ann : kaya una palang sinabi ko na sayo na wala kang maaasahan sakin, dahil may mahal akong iba.
Franco : sino? Si Ariel ba?
Mary Ann : please Franco, huwag mo ng alamin kung sino.
.
Hindi na nakapagsalita pa si Franco, dahil wala na talaga siyang pag-asang makamit ang pag-ibig ni Mary Ann dahil may mahal naman palang iba ito..wala ng imikan ang dalawa, si Mary Ann lang ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila.
.
Mary Ann : im sorry franco, makakakilala ka pa ng mas higit sakin, yong tutugunin ang pag-ibig mo..madami namang ibang babae diyan, hindi lang ako franco. Kaya huwag kang magalit sakin, kung pwede ko nga lang turuan ang puso ko na mahalin ka kaso hindi eh, may isang tao lang ang nilalaman nito, matagal na panahon na.
.
Wala ng nasabi pa si Franco, dahil sa mga pahayag ni Mary Ann sa kanya, kaya nagpaalam na lang ito.
.
Franco : kung ganun Mary Ann, baka pwede na lang tayong maging magkaibigan.
Mary Ann : oo naman, bakit hindi.
Franco : hiling ko na sana ay, maging maligaya ka sa taong nilalaman ng iyong puso.
.
Pero may kurot sa puso ni Mary Ann dahil wala pang kalinawan sa isip niya kung magiging masaya siya, dahil nga malabong mahal siya ng lalaking nilalaman ng puso niya..pero hindi siya nagpakita ng lungkot sa harap ni Franco.
.
Mary Ann : salamat, ikaw din hiling ko na sana ay makatagpo ka ng babae na magmamahal sayo ng higit sa pagmamahal mo sa kanya.
Franco : salamat..paano Mary Ann tuloy na ako.
Mary Ann : sige Franco, ingat ka!
Franco : salamat, kaibigan!!(sabay lahad ng kamay kay Mary Ann)
Mary Ann : salamat din sa pang unawa mo Kaibigan(nakipag kamay naman siya)
.
umalis na si Franco, at naging maluwag naman sa dibdib ni Mary Ann ang pagtapat niya kay Franco na may mahal siyang iba, kaya hindi na aasa pa si Franco, hindi na ito manliligaw sa kanya. hanggang sa sumapit na ang gabi, ang mga bisita nila Mary Ann ay nagsipag-alisan na ang mga ito, at tahimik na ang kanilang bahay dahil nag-iisa na lang si Mary Ann sa bahay nila, sa kadahilanang mga namasyal sa plasa ang mga magulang niya at ang mga ate at kuya niya kasama ang kanyang pamangkin..napaka-lungkot ng kalooban ni Mary Ann hinahanap ng puso niya si Ariel, na sana kasama niya ngayon dahil nga sa may usapan sila, pero itinaboy niya si Ariel ng dahil sa isang babae na si Katherine..hindi mawala sa isip ni Mary Ann ang mga nangyari sa kanila ni Ariel, sa isip niya na ganun pala kapag nagmamahal, hindi mo kayang pigilin ang dinidikta ng puso kapag ang nilalaman nito ang mag-gagawad ng halik, kaya kanina lang ay napakasaya ng puso niya ng magkahinang ang mga labi nila ni Ariel, pero ayun siya ngayon, nalulungkot dahil sa hinahanap nanaman ng puso niya si Ariel..sa pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay parang mahirap huminga parang mabigat sa dibdib dahil sa isiping baka si Ariel at katherine ay masayang magkasama ngayon, at masayang nanunuod sa entertainment room at magkatabi pa sa sofabed na gaya nila kanina ni Ariel, ah naiinis na siya sa sarili niya, kung ano ano na yong pumapasok sa isipan niya, at isa pang tinatanong niya sa sarili niya, bakit ba siya hinalikan ni Ariel, iyon ba ay ginusto lang ni Ariel dahil naakit lang ito sa ganda niya, o dahil daw ba kaya na mahal siya nito kung bakit siya hinalikan, kailangan niyang malaman ang totoong dahilan, pero paano naman daw niya malalaman yun, kaya daw ba kaya niyang itanong kay Ariel yun, nagsisisi tuloy siya nang itinaboy na niyang umuwi si Ariel kanina, sana daw ay kasama niya ngayon si Ariel at namamasyal sila sa plasa ngayon.. at hanggang sa pag-iisip niya ay may narinig siyang sasakyan na huminto sa tapat ng tarangkahan nila at sumilip sya...


sa may bintana upang alamin kung sino at kanino ang sasakyang huminto sa tapat ng gate nila, at bumilis ang tibok ng puso niya ng makita kung kanino ang sasakyan na naroon iyon ay pagmamay-ari nila Ariel, at hanggang sa hindi niya malaman ang gagawin dahil sa na-eexcite siya namakita si Ariel, natuwa siya dahil nagbalik si Ariel.. umalis siya sa may bintana at nagmadali siyang nagpunta sa may harap ng salamin at tiningnan ang sarili kung maayosang itsura niya, at nagwisik pa siya ng pabango, at saka siya lumabas ng kanyang kwarto at hanggang sa narinig na nga niya na may kumakatok na sa gate nila. Nagmadali siyang lumabas ng bahay, at dahil sa medyo may kadiliman sa may gate nila dahil napundi ang ilaw sa may poste ay hindi niya agad nakilala ang nasa may gate, na ang akala niya ay si Ariel ngunit hindi pala, iyon pala ay si Mang Pedring na driver nila Ariel, sobrang nalungkot si Mary Ann dahil ang akala niya ay si Ariel ang dumating.
.
Pedring : Mary Ann, magandang gabi sayo iha.
Mary Ann : m-magandang gabi din naman po mang pedring..ano po ang sadya ninyo?
Pedring : ah. May ipinabibigay si Señorito Ariel, Mary Ann.
Mary Ann : ano po iyon?
Pedring : ito oh bulaklak,
Mary Ann : bulaklak po?
Pedring : oo.
Mary Ann : nasaan po siya? Bakit po hindi siya ang nagdala niyan?
Pedring : hindi ko alam iha,basta inutusan niya lang ako na ibigay ko sa iyo ito.
Mary Ann : pasok po muna kayo mang pedring.
Pedring : hindi na siguro iha, aalis na din ako at hinihintay na ako ni señor Arman.kuhanin mo na itong bulaklak Mary Ann.
Mary Ann : sige po (inabot ang bulaklak)..pakisabi po kay Ariel salamat.
Pedring : oo sige sasabihin ko, ah tuloy na ako Mary Ann ha,
Mary Ann : opo mang pedring, salamat po.
.
Hinintay niyang maka-alis si Mang pedring, at nakatitig lang siya sa may bulaklak na ibinigay ni Ariel, masaya na din si Mary Ann kahit hindi si Ariel ang dumating, masaya siya dahil may bulaklak na ibinigay sa kanya si Ariel, napapangiti siya habang nakatitig sa bulaklak, at hindi na nga niya namalayan na naka-alis na doon si Mang pedring dahil ang atensyon niya ay nasa bulaklak na..inaamoy amoy pa niya ang mga bulaklak, iyon ay pangalawang bigay na ni Ariel sa kanya, napayakap pa siya sa bulaklak na hawak, masayang masaya siya sa mga sandaling iyon, dahil sa padalang bulaklak sa kanya ni Ariel at hanggang sa nagulat na lang siya ng may biglang nagsalita..
.
Ariel : nagustuhan mo ba?
Mary Ann : Ariel???
.
Hindi akalain ni Mary Ann na naroon si Ariel, dahil nga ang sabi ni Mang Pedring sa kanya ay ipinadala ni Ariel ang bulaklak, hindi kasi alam ni Ariel ang sasabihin kay Mary Ann kanina noong hinatid siya, natakot si Ariel dahil ang akala ni Ariel ay nagalit sa kanya si Mary Ann, dahil nga sa pakiramdam ni Ariel ay itinaboy siya ng dalaga, kaya napag-pasyahan ni Ariel na kausapin si Mang Andres, humingi siya ng pahintulot dito na kung pwedeng ligawan niya si Mary Ann, kinakaba-kabahan pa nga si Ariel ng kausapin niya si Mang Andres, natakot kasi si Ariel ng makita niya si Franco dahil baka daw biglang magkaroon na ng pag-asa si Franco dahil sa pagkakataong iyon..kaya kahit na hiyang hiya siya kay Mang Andres at takot na takot ay sinabi pa din niya ang balak niya na ligawan ang babaeng minamahal..at sobrang napakasaya niya nang pumayag si Mang Andres, at natuwa naman si Mang Andres kay Ariel dahil ipinagpaalam ni Ariel ang balak niya na ligawan ang anak nito.
.
Ariel : huy okay ka lang ba!, tinatanong kita kung nagustuhan mo, natulala ka na diyan.
Mary Ann : ah oo, ang ganda nga eh..ang ganda!!!
Ariel : pwede ba akong tumuloy?
Mary Ann : oo naman, halika pasok ka.
.
At tuluyan ng pumasok si Ariel sa loob ng bakuran.
.
Mary Ann : ikaw talaga, may padala dala ka pa ng bulaklak kay mang pedring eh, pupunta ka din naman pala dito.
Ariel : eh gusto nga kitang surpresahin.
Mary Ann : ganun!
Ariel : at nagtagumpay naman ako dahil nasurpresa ka.
Mary Ann : ha, ako nasorpresa??
Ariel : oo. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko na nasorpresa ka.
Mary Ann : talaga lang ha!!
Ariel : ay hindi ba?(malungkot niyang sabi)..akala ko pa naman nasorpresa ka..
.
Sa isip ni Mary Ann ay kilig na kilig siya, nangingiti siya sa kanyang isip dahil masaya na ang kanyang puso dahil naroon si Ariel ngayon at kasama niya,pinakalma niya ang nagwawalang puso dahil mabilis na naman sa pagtibok ito, dahil naroon uli ang presensiya ng lalaki na laman nito.
.
Mary Ann : paano kang uuwi niyan, wala kang sasakyan.
Ariel : dito na ako matutulog.
Mary Ann : ha, talaga ba!!
Ariel : oo, kung iyon ay pahihintulutan mo ako na dito ako matulog.
Mary Ann : pwede naman, kaso nga lang wala kaming guessroom eh.
Ariel : ah ganun ba,, diyan na lang pala ako matutulog sa p-puso m-mo!
Mary Ann : ano? kung ano ano yong sinasabi mo jan, halika na nga sa loob.
.
Kinakabahan at kinikilig si Mary Ann dahil sa sinabi ni Ariel, sa isip ni Mary Ann ay mukhang nagpapahiwatig na si Ariel.
.
Ariel : sandali ipapasok ko lang yong motor ko.
Mary Ann : nasaan ba kasi yong motor mo?
Ariel : ayon oh..(sabay turo sa kinaroonan ng motor)
Mary Ann : eh bakit kalayo kasi ng pinagparadahan mo?.)
Ariel : wala lang, kasi nga____
Mary Ann : kasi nga gusto mo akong surpresahin!
Ariel : oo tama!!(nakangiti niyang sabi)
Mary Ann : sige kuhanin mo na, nasorpresa naman talaga ako ng sobra!
Ariel ; totoo ba?
Mary Ann : oo na, kaya kuhanin mo na yong motor mo.
Ariel : okay!
.
At kinuha nga ni Ariel ang motor nito na nakaparada sa kalayuan..lumulundag naman ang puso ni Mary Ann sa tuwa dahil naroon nanaman ang lalaking nilalaman ng puso niya..at hanggang sa naipasok na ni Ariel ang motor niya sa bakuran nila Mary Ann.
.
Ariel : napagod ako medyo malayo kasi yong napagparadahan ko ng motor.
Mary Ann : dami mo kasing drama, may pasurprise-surprise ka pa, ayan napagod ka tuloy.
Ariel : aruu… i’m sure kinilig ka nong nakita mo ko!
Mary Ann : hala, kinilig daw, di kaya.
Ariel : ay nakita ko kaya yong reaksiyon mo.
Mary Ann : hmp..halika na nga sa loob.
Ariel : sige tayo na sa loob (sabay akbay sa dalaga)
.
Nagpasalamat si Mary Ann at konti lang ang liwanag sa lugar nila, dahil naikubli niya ang pamumula ng mukha niya..dahil para siyang isang kabataan na kinikilig..halos mahigpit ang hawak niya sa may tangkay ng bulaklak dahil nagwawala ang puso niya, nanginginig siya ng mga sandaling iyon dahil sa naghalo-halong emosyon dahil sa naka-akbay sa kanya ang binata, at hanggang sa nakarating na sila sa loob ng bahay, pagkapasok nilang dalawa sa bahay ay isinara ni Ariel ang pinto ng bahay.
.
Mary Ann : maupo ka muna, anong gusto mong–
Ariel : ikaw! Ikaw ang gusto ko Mary Ann.
Mary Ann : sira ka talaga, ang sabi ko anong gusto mong maiinom?
Ariel : ay ganun ba, akala ko—-
Mary Ann : ikaw talaga sige ikukuha muna kita ng makakain.
.
Tumalikod na si Mary Ann para sana kumuha ng makakain nila, ngunit pagtalikod niya ay pinigilan siya ni Ariel, hinila siya pabalik ng binata, at napasubsub siya sa dibdib ng binata, sa pagkabigla ni Mary ann ay hindi na niya alam ang gagawin dahil hinapit na siya ni Ariel hindi siya makagalaw sa mga sandaling iyon dahil sa pagkabigla, at hanggang sa dahan dahang inilapit ni Ariel ang mukha niya kay Mary Ann, at ginawaran niya ng halik ang dalaga, at gaya ng dati hindi nanaman naka-iwas si Mary Ann dahil nakakulong siya sa mga bisig ni Ariel, matagal ang mga halikan nilang iyon, at hanggang sa natauhan si Mary Ann at kumalas ang mga labi niya sa mga halik ni Ariel.
.
Mary Ann : Ariel, bakit mo ginagawa sakin to?
Ariel : dahil gusto kita!
Mary Ann : g-gusto mo ako?
Ariel : oo, at hindi lang kita gusto mahal kita Mary Ann!
.
Hinila muli palapit ni Ariel si Mary Ann at Hinalikan muli niya ang dalaga, sa una banayad na may puno ng pagmamahal, at ang mga halik niya ay nagiging mapusok, mainit, na tumutupok Kay Ariel at nadadala na din si Mary Ann sa mga mapupusok na halik ng binata, at dahil sa sinabi ni Ariel kay Mary Ann na mahal siya ng binata ay wala na siyang paki-alam pa, at kahit ano pa daw ang kahahantungan ng mapupusok na halikan nilang iyon. mahigpit ang yakap ni Ariel sa dalaga habang sakop ng binata ang mga labi ni Mary Ann, at ganun din si Mary Ann, mahigpit din ang mga yakap niya kay Ariel, masayang masaya ang dalawang pusong nagmamahalan, dahil natagpuan nila ang isat isa,, sa kanilang halikan ay walang gustong kumawala, dahil para silang mga sabik sa matatamis na halikan nilang iyon.
.
Ariel : sabihin mong mahal mo din ako Mary Ann..alam ko ramdam ko na mahal mo din ako, pero gusto kong marinig mula sa iyo na Mahal mo ako!(pagsusumamo niya)
.
Nanginginig ang boses ni Mary Ann, at dahil sa sobrang kasiyahan ng puso niya, dahil nalaman niya na mahal din pala siya ng lalaking nilalaman ng puso niya ay hindi niya napigil ang luha, luha ng kaligayahan dahil sa ang lalaking pinapangarap at inaasam niya ay mahal din pala siya.
.
Ariel : please..Mary Ann sabihin mong mahal mo din ako.(pagsusumamo niya)
Mary Ann : oo Ariel, mahal din kita, mahal na mahal, noon pa!!simula ng umalis ka dito noon lagi ka ng hinahanap ng puso ko, nalulungkot ako noon sa isiping hindi na kita makikita, buong buhay ko wala akong inisip kundi ikaw, ikaw ang naging inspirasyon ko, hindi ko pinapansin ang mga nanliligaw sakin, dahil may isang tao na nilalaman nito(sabay turo sa dibdib sa tapat ng puso)..Ariel ikaw yun, ikaw lang ang laman ng puso ko Ariel ikaw lang ang nasa puso ko..(umiiyak niyang sabi)
.
Basang basa sa luha ang pisngi ni Mary Ann, at nahawa na din sa pag-iyak si Ariel dahil sa kaligayahan din niya, napakasaya din ng puso ni Ariel dahil sa mga sinabi ni Mary Ann, pinupunasan ni Ariel ang mga luha ni Mary Ann na hindi naman maubos ubos ang mga luhang iyon dahil sa sobrang ligaya ng puso niya..at hanggang sa muling sinakop ni Ariel ang mga labi ni Mary Ann, at muli naman din na tinugon ng dalaga ang mga halik ni Ariel, at habang nagtatagal ang mga halikan nilang iyon ay lumalalim at hanggang sa nakabuo ng apoy sa kanilang pagkatao at hanggang sa dumating na sa punto na hindi na nila napigilan ang mga sarili dahil na din sa mga nararamdaman nilang pagmamahal sa isat isa, binuhat ni Ariel si Mary Ann habang magkahinang ang kanilang mga labi at pumunta sila sa kwarto ni Mary Ann mahigpit naman na nakakapit si Mary Ann kay Ariel, at kapwa nakakadama ng sabik sa kanilang puso, si Mary Ann naman ay naghalohalong emosyon ang nararamdaman sa mga sandaling iyon, dahil alam na niya ang kahahantungan nila ni Ariel dahil nga sa mga tinitibok ng kanilang mga puso dahil sa dikta ng kanilang mga puso, at hanggang sa naroon na sila sa loob kwarto ni Mary Ann, wala na silang inisip kundi ang mga dinidikta na lang ng kanilang mga puso, at isipan, mahal nila ang isat isa kaya dumating sa punto na handa na si Mary Ann sa anumang mangyari sa kanila ni Ariel, isa isa ng natatanggal ang mga damit nila sa katawan, at dahil wala na talagang paki-alam pa si Mary Ann, basta ang nasa isip na lang niya ngayon ay mahal niya si Ariel, at handa niyang ipagkaloob kay Ariel ang buong sarili, Ang pagkatao niya, ang pagkababae niya ng buong-buo, dahil buong buhay niya, ang pusot isip niya ay walang laman kundi si Ariel lamang..at hanggang sa sinimulan na nga ni Ariel ang pag-angkin kay Mary Ann, wala ni isang pagtutol kay Mary Ann, at dahil sa unang karanasan iyon ni Mary Ann at kahit na nakakaramdam ng sakit ay hindi niya pansin ang sakit sa unang pagkakataon na pag-angkin sa kanya ni Ariel, dahil ang tanging nararamdaman lang niya sa mga sandaling iyon ay kaligayan sa piling ng lalaki na laman ng puso niya, at dahil doon ay napakaligaya din ng puso ni Ariel dahil totoong mahal nga siya ng dalaga, at mahal na mahal niya din niya ito at handa niyang panagutan ang dalaga, kaya ipinagpatuloy na niya ang pag-angkin sa dalaga, inangkin niya ito ng may pag-iingat at may pagmamahal at ngayon nga ay magkasanib na ang kanilang mga katawan, at si Mary Ann naman ay walang kasing ligaya ng mga sandaling iyon, at hinding hindi daw niya pagsisisihan kailanman na ipinagkaloob niya ang pagkababae niya sa lalakeng nilalaman ng puso niya, at hanggang sa naabot nila ng sabay ang walang kasing sarap at kasing ligaya na dulot ng kanilang pagmamahalan, walang pagsidlan ang kagalakan ni Ariel sa mga sandaling iyon, mula daw sa gabing iyon ay hindi na sila maghihiwalay ni Mary Ann, at muli niyang niyakap ang babaeng minamahal, ikinulong niya ito sa mga bisig niya na parang ayaw na niyang bitawan ang dalaga, nakayakap naman din si Mary Ann sa kanya, sobrang ligaya ng mga puso nila sa mga sandaling iyon, dinadama nila ang init ng mga yakap nila, at maligayang maligaya ang dalawang pusong nagmamahalan.
.
Ariel : I love you!!(bulong niya)
Mary Ann : I love you too..(naiiyak niyang sabi)
Ariel : nagsisisi ka ba?
Mary Ann : hindi, kailanman ay di ko pagsisisihan ito, dahil mahal na mahal kita.
Ariel : pinaligaya mo ako mahal ko. Mahal na mahal din kita.
.
Hinalikan muli ni Ariel si Mary Ann ng buong pagmamahal, at buong pagmamahal din naman na tinugon ni Mary Ann ang mga matatamis na halik ni Ariel, at hanggang sa di nila inaasahan na dumating na ang mga magulang ni Mary Ann, galing sa plasa.at dahil din sa kasabikan nila sa isat isa ay hindi nila nailock ang pinto ng kwarto ni Mary Ann at biglang binuksan ng tatay ni Mary Ann ang pinto, at nakita silang magkatabi sa kama at wala pa silang mga saplot sa katawan.
.
Andres : Anong ibig sabihin nito????(galit na tanong niya)…..
Itutuloy


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.