2

Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 7


Report

Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 7
.
Patuloy ang kaladyaan ng dalawa, nagkikilitian, naghahabulan sa paligid ng kubo, nagulat na lang si Mary Ann ng maabutan siya ni Ariel, binuhat siya ni Ariel at iniikot siya ng inikot..
.
Mary Ann : ayy ano ka ba Ariel, ibaba mo nga ako, nahihilo na ako.
.
Natatawa naman ang dalawang bata sa ginagawang kaladyaan nila Ariel at mary ann.
.
Marielle : uyyyy..si kuya at si Ate, ang sweet nila!!(biro niya sa dalawa)
Mary Ann : si kuya mo kasi eh.kakainis!!
Ariel : anong ako. ikaw kaya.
Mary Ann : ako talaga!!hmp..ibaba mo na nga ako!
Ariel : oh sige na.
.
Nang maibaba ni Ariel si Mary Ann ay agad na siyang lumayo kay Ariel, dahil kumakaldabog ang puso ni Mary Ann.
.
Ariel : sorry na, huwag kang magalit.
Mary Ann : ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan.
Ariel : saan ka pupunta hindi mo pa tapos yong kinakain mo?
Mary Ann : ayaw ko na, nabusog na ako, maliligo na ako.
Ariel : maliligo na din ako!!
.
At sinundan niya si Mary Ann iniwanan na din niya ang kanyang kinakain..
.
Ariel : nandiyan na ako..
Annabelle : yehey maliligo na din sila tita at tito.
Ariel : oo, naiinggit ako sa inyo eh..
.
Nakipaglaro si Ariel sa mga bata, sinasabuyan niya ito ng tubig, at sinabuyan niya din ng tubig si Mary Ann, hanggang sa hindi na makadilat si Mary Ann sa pagsaboy ni Ariel, sigaw ng sigaw si Mary Ann, tawang tawa naman si Annabelle sa reaksiyon ng tita niya, dahil sa pagsaboy ni Ariel kay Mary Ann..at ng makabawi si Mary Ann ay gumanti siya kay Ariel, sinabuyan na din niya, at si Ariel na din ay hindi makadilat, ang ginawa ni Ariel ay lumapit siya sa dalaga at saka niya ito hinapit, natigilan naman si Mary Ann sa ginagawa niya kay Ariel dahil nga nakayakap na si Ariel sa kanya, nawalan ng panimbang ang dalawa kaya natumba silang parehas sa tubig, tuwang tuwa naman yong dalawang bata sa nangyari sa kanila, at hanggang sa nakaramdam na nanaman si Mary Ann ng pagbilis ng tibok ng puso, hindi siya agad makatayo sa pagkakadapa niya kay Ariel dahil sa sobrang pagkabigla..natuwa naman ang puso ni Ariel dahil yakap niya ngayon ang dalaga.at hanggang sa nakatayo na nga si Mary Ann
.
Mary Ann : nakakainis ka talaga!!
Ariel : hindi ko sinasadya!
.
nagpunta si Mary Ann sa medyo malalim, dahil gusto niyang malayo kay Ariel, dahil baka mapansin ni Ariel ang pagkailang niya, pero ang hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Ariel, nagulat pa siya ng may humawak sa bewang niya kaya napasigaw talaga siya ng malakas.
.
Mary Ann : ayy…ano ka ba lagi ka na lang nanggugulat!!
Ariel : sorry, sinundan kita kasi baka pulikatin uli yang mga binti mo,baka hindi kita agad mapansin eh malunod ka..hindi ko talaga mapapatawad yong sarili ko kapag may nangyayari sa iyong masama.
Mary Ann : wala naman mangyayaring masama sakin, natakot lang kasi ako kahapon,nabigla dahil ang akala ko kung ano na ang nagyari sayo.
Ariel : nag-alala ka talaga sakin?
Mary Ann ; o naman!
Ariel : eh bakit?
Mary Ann : anong bakit? Syempre mahalaga ka sakin kaya natakot ako.
Ariel : Mahalaga?
Mary Ann : oo mahalaga ka sakin!
Ariel : ah akala ko mahal mo,ako!
Mary Ann : syempre mahal kita,(nabigla niyang sabi)..Ang ibig kong sabihin mahal kita kasi kaibigan kita..buti pa magkarera na lang tayo uli!!
Ariel : mahal kita Mary Ann!
.
Pero hindi na narinig ni Mary Ann ang sinabi ni Ariel dahil sumisid agad ang dalaga..sumisid din si Ariel, matagal sa pagsisid si Ariel, kaya ng lumitaw si Mary Ann ay hindi niya nakita ang binata, luminga-linga si Mary Ann sa paligid ngunit di niya makita ang binata, at hanggang sa nagulat na lang si Mary Ann at biglang lumitaw si Ariel sa tabi niya..napasigaw pa siya ng malakas dahil sa gulat,at bumibilis na,naman ang pintig ng kanyang puso.
.
Hinampas ni Mary Ann sa balikat si Ariel.para mabawasan ang tensiyon na nararamdaman. Para hindi mahalata ng binata na natataranta siya.
.
Mary Ann : ginulat mo na naman ako eh.
Ariel : bakit ka ba kasi laging nagugulat?
Mary Ann : magugulatin nga ako eh, anong magagawa ko..mabuti pa tayo na doon sa mga bata, kailangan ng umahon sa tubig si Annabelle dahil nababad na siya ng husto.
Ariel : oo nga baka lagnatin, baka sabihin ni ate Evelyn pinabayaan natin.
Mary Ann : oo nga eh..
.
Kaya nagpunta na sila kila Marielle at Annabelle.
.
Mary Ann : baby ahon na..masyado ka ng nababad sa tubig.
Annabelle : tita sandali nalang po..gusto ko pa po dito.
Ariel : baby baka lagnatin ka, mahirap ang lagnatin, sige ka hindi ka makakapaglaro kapag nilagnat ka.
Annabelle : tito Ariel gusto ko pa po kalaro si Ate Marielle.
Marielle : doon na lang tayo maglaro sa may kubo, magduyan tayo..
Annabelle : sige po ate, magduyan tayo ha.
.
nakumbinsi ni Marielle si Annbelle na umahon, nalibang si Annabelle sa pakikipaglaro niya kay Marielle, natutuwa namang pinagmamasdan ng dalawa ang mga bata.lumipas ang mga oras ay. Nagpasya ng umuwi ang apat, hinatid ng magkapatid na ang magtita.
.
Mary Ann : salamat Ariel ha.
Ariel : wala yun..
Annabelle : nanay, lola!(bati niya)
Marissa : nasiyahan bang maligo yong apo ko?
Annabelle : masarap pong maligo lola.
Evelyn : salamat señorito ha, dahil sinamahan nio ni señorita Marielle ang magtita sa ilog.
Ariel : wala yun ate, nag-enjoy din si Marielle sa pakikipaglaro kay Annabelle.
Evelyn : halika na sa loob anak at magbanlaw ka na.
Marissa : pasok muna kayong magkapatid.
Ariel : ay hindi na po siguro aling Marissa. Uuwi na po kami, at may pupuntahan pa po kasi ako.
Marissa : ganun ba.,sige salamat ha!
Ariel : opo, sige po tuloy na kami Aling Marissa, sige Mary Ann.
Mary Ann : sige, Ingat!
Ariel : salamat..tayo na Marielle.
Marielle : sige po aling Marissa, ate Mary Ann.
Marissa : sige, señorita.
Mary Ann : salamat Marielle.
Marielle : walang anuman ate, sige uwi na po kami.
.
Samantalang si Mary Ann ay nananatiling nakatayo sa may labas ng bahay, at hinihintay niyang makaalis ang magkapatid, at ng makaalis na ang magkapatid, ay hind pa din siya pumapasok dahil sinusundan pa niya ng tingin ang papalayong sasakyan ng mag-kuya..at iniisip ni Mary Ann kung saan daw kaya pupunta si Ariel..parang nalungkot si Mary Ann dahil hindi niya alam kung pupuntahan pa kaya siya ni Ariel, lumipas ang mga oras, naroon siya sa duyan upang magpahinga, at nalulungkot siya, kasi wala na silang usapan na magkikita ulit sila, ilang oras pa lang silang nagkahiwalay ni Ariel ay parang napakatagal na niya itong hindi nakikita..at sa pag-iisip niya kay Ariel ay nakatulog siya sa duyan..napasarap ang tulog niya, nagising siya dahil narinig niya ang boses ng tatay niya..at nagulat pa siya ng magmulat siya ay madilim na pala kaya bumangon na siya, sobra yatang napasarap ang tulog niya, at hanggang sa laking gulat niya ng marinig ang pamangkin na nagsalita.
.
Annabelle : tito Ariel, salamat po sa chocolate po.
.
At bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses ni Ariel.
.
Mary Ann : oh my God, nandito siya!..(mahinang bigkas niya)
.
natuwa na naman ang puso niya sa saya..pinakalma muna niya ang puso niya bago siya tumayo ng duyan, dahil parang naliliyo siya dahil nga sa tagal ng tulog niya, at isa pa ay dahil sa saya dahil naroon ulit si Ariel sa bahay nila.
.
Andres : anak, napasarap ang tulog mo ah.
Mary Ann : opo nga tay.
Annabelle : tita, binigyan po ako ni Tito Ariel ng chocolate.
Mary Ann : wow sarap naman niyan, ako ba wala ba akong ganyan?
Annabelle : meron po tita, tito Ariel bigay mo na po kay tita!
Ariel : ah okay, Mary Ann para sayo!
.
Nun lang niya pansin na may bulaklak na hawak si Ariel, na itinatago sa likudan nito. nanlaki ang mga mata ni Mary Ann ng makita ang hawak ni Ariel isang boquet ng Red Roses..nasurpresa talaga si Mary Ann..nanginginig pa siya ng abutin niya ang binibigay na bulaklak ni Ariel.
.
Mary Ann : S-salamat!!(nauutal na sabi)
.
Sa isip ni Mary Ann nun lang sia nakatanggap ng bulaklak na kilig na kilig ang puso niya, madalas din namn siyang makatanggap ng mga bulaklak sa mga nanliligaw sa kanya, pero walang kilig. Pero yong galing kay Ariel, ay parang nasa langit na daw siya, at napa isip din ang dalaga, bakit ba siya binibigyan ni Ariel ng bulaklak, manliligaw ba ito..pero ang katanongan niya ay itinanong ni Annabelle.
.
Annabelle : tito Ariel liligaw po ikaw sa tita ko?
.
Nasamid si Ariel sa tanong ni Annabelle nahiya pa si Ariel dahil naroon si Mang Andres.
.
Andres : naku, pasensiya ka na sa apo ko, sobrang daldal.
Ariel : ayos lang po yun mang Andres..ah Baby(baling niya sa bata)..diba sabi mo bigyan ko din ng bulaklak si Tita mo. Ayan sinunud ko yong request mo.
Annabelle : salamat po tito Ariel!(natutuwang sabi)
Ariel : welcome baby!
Andres : apo tayo na sa loob ng bahay, manuod tayo ng TV, tapos bigyan mo ako ng tsokolate mo ha, kasi hindi mo pwedeng ubusin yan, sasakit lang yong ipin mo.
Annabelle : bibigyan po kita lolo pero konti lang po. Kasi po baka po mabawasan po yong ipin niong dalawa wala na po kayong ipin.
.
Napakamot ng ulo si Mang Andres, nagtawanan naman sina Mary Ann at Ariel sa usapan ng mag-lolo
.
Andres : may pustiso naman ako apo.
Annabelle.: ano pong pustiso?
Andres : ipin yon apo, isinusuot yun para maging kumpleto na ang ipin ko.
Annabelle : eh nasan po?
Andres ; nasa garapon apo..halika na nga lang sa loob..kung ano ano yong tinatanong mo..maiwan namin kayong dalawa diyan ha, dito ka na uli mag-hapunan Ariel.
Ariel : ah opo mang andres gustong gusto po yun, salamat po.
.
naiwan sina Mary Ann at Ariel sa may Terrace..natatawa pa sila sa naging usapan ng maglolo…pero si Mary Ann ay nakakaramdam ng kaba, at excite din dahil naroon uli ang presensiya ng binata..masaya siya sa twing nakikita ang binata, sympre ganun din si Ariel kay Mary Ann.
.
Ariel : sarap ng tulog mo ah!!
Mary Ann : oo nga eh, napagod yata ako!
Ariel : ganun ba. Sayang naman yayain pa nama sana kitang lumabas.
Mary Ann : ha! Bakit, san tayo pupunta?
Ariel : sa plaza sana! Maglilibot libot.
Mary Ann : pwede naman.
Ariel : ha talaga!!payag kang lumibot tayo.
Ariel : oo sabi eh. Kulit!!baka mamaya magbago yong isip ko sige ka.
Ariel : wag naman, payag ka na eh, wala ng bawian!
Mary Ann : thank you nga pala uli dito sa bulaklak ha.
Ariel : nagustuhan mo ba?
Mary Ann : oo, naman galing sayo ito eh.
.
Natuwa naman ang kalooban ni Ariel sa sinabi ni Mary Ann.
.
Mary Ann ; kaya pala sabi mo may pupuntahan ka kanina, ito pala yong sinadya mo!
Ariel : oo, kasi nga request ni Annabelle nabigyan ka ng bulaklak ayaw ko naman biguin si Annabelle.
Mary Ann : aray ko!!
Ariel : o bakit? Anong nagyari sayo, may masakit ba sayo?
Mary Ann : parang medyo sumakit lang yong ulo ko.
Ariel : uminom ka kaya ng gamot..
Mary Ann : nagugutom lang siguro ako.
.
Ang totoo nalungkot si Mary Ann dahil sa sinabi ni Ariel, ng dahil lang pala kay Annabelle kaya siya binigyan nito ng bulaklak.pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil masyado na siyang umasa na kaya siya binigyan ng bulaklak ay dahil gusto na siya ni Ariel..at hindi nga nagtagal at tinawag na sila ni Aling Marissa..dahil kakain na daw sila, at dumulog na nga sila sa hapagkainan, masaya silang kumain na sabay sabay. At tulad ng dati bida si Annabelle sa masaya niyang kwento, tungkol sa paliligo niya sa ilog.,at hanggang sa natapos na silang kumain. Ang mag-amang sina Benjie at annabelle ay lumipat na sa kanilang bahay..ang nagligpit ng pinagkainan ay sina Marissa at Evelyn.
.
Marissa : Mary Ann kami na ni ate mo ang magliligpit ng pinagkainan natin, gumayak ka na at yong pagpunta nio sa plaza ni Ariel.
.
Sa isip ni Mary Ann ay nakapag-paalam na pala si Ariel sa mga magulang niya, naroon si Ariel sa may terrace ng bahay kasama ni Ariel si Mang Andres..nagkukwentuhan sila tungkol sa bukid..at hanggang sa lumabas na si Mary Ann at siya ay nakagayak na.
.
Andres : sige punta na kayo, at akoy matutulog na, napagod kasi ako kaya maaga akong inaantok..magdala ka ng susi Mary Ann para kapag umuwi ka eh, ikaw na ang magbubukas.
Mary Ann : opo tatay!
Ariel : sige po mang Andres punta na po kami.
Mary Ann : sige ingat kayo.
Ariel : opo, salamat po!
.
At umalis na nga sila Ariel at Mary Ann, sakay na sila ng kotse ni Ariel.
.
Mary Ann : bilib naman ako talaga ako sayo, mas nauna ka pang nagpaalam kila tatay na pupunta tayo ng plasa.
Ariel : oo naman alam ko naman na hindi mo ako tatanggihan eh.
Mary Ann : talaga lang ha!!
Ariel : oo, kaya nga kasama na kita ngayon kasi hindi mo ako kayang tiisin eh.
Mary Ann : hehehe!!(ngumiti na parang nanloloko)
.
Hindi nga nagtagal ay narating na nila ang plasa marami ng tao kasi kinabukasan ay araw na ng Fiesta sa Barrio nila.
.
Ariel : maghahanap muna tayo ng pagpaparadahan natin.
.
At nakahanap na nga sila ng mapagpaparadahan ng sasakyan, naunang bumaba si Ariel at ipinagbukas siya ng ng pinto ni Ariel..at ng makababa na siya ay sinara na ni Ariel ang pinto, pag-baba palang ni Mary Ann sa kotse ni Ariel ay maraming mga mata ang nakatingin sa kanila, ang iba ay natutuwa na makitang magkasama sila, at meron naman na inis na inis kay Mary Ann dahil may inggit na nadarama sa kanya, dahil ang iba ay nangarap na maging boyfriend si Ariel, dahil yong iba ay malaki ang pagkagusto sa balikbayang binata.
.
Mary Ann : mukhang madaming tao ah..
Ariel : oo nga! Kasi may singing contest ngayon.
Mary Ann : ganun ba, kaya pala, madaming tao ngayon.
Ariel : Mas masaya na ngayon ang fiesta dito ah, kesa noong bata pa tayo ano!
Mary Ann : oo nga eh, ngayon lang ako nagpupunta dito sa plasa, noong mga nakakaraang fiesta di ako nagpupunta, buhat ng umalis ka noon, hindi na din ako naglilibot dito.
Ariel : ganun ba..bakit naman?
Mary Ann : kasi nga, kapag bakasyon ay nagtatrabaho ako sa tita ko, sa grocery nila, siya pa kasi yong kikitain ko, pandagdag sa tuition fee ko.
Ariel : ang sipag mo naman!
Mary Ann : syempre kailangan eh.at medyo malaki din ang matrikula ko noon.
Ariel : pero nalagpasan mo naman ang mga hirap na iyon, tingnan mo kung ano ka ngayon, isa ka ng guro, at natupad mo na yong pangarap mo nong bata ka kapa..
Mary Ann : oo nga eh..
Ariel : alam mo bilib na bilib sayo si Mama.
Mary Ann : ha, bakit naman?
Ariel : eh kasi nga hindi ka lang daw maganda matalino ka pa, at saka mabait ka pa daw!
Mary Ann : nakakataba naman ng puso, sabihin mo salamat..pero ang totoo, talino at kabaitan lang ang meron sakin, yong kagandahan, di ako sigurado sa sarili ko.
Ariel : maganda ka kaya!
Mary Ann : syempre sinasabi mo yan kasi kaibigan mo ako.
Ariel : totoo maganda ka!
Mary Ann : talaga ba?
Ariel : oo naman!
Mary Ann : mabuti pa kaya mag-perya na lang tayo kesa binobola mo ako!
Ariel : hindi kita binobola, totoo talaga.
.
Sa sinabi ni Ariel na maganda ang dalaga ay nag-init na ang pisngi ni Mary Ann, mabuti na lang at hindi masyadong maliwanag ang ilaw kundi nakita ni Ariel na namula ang pisngi niya.
.
Mary Ann : halika na nga manood na lang tayo ng mga kantahan.
Ariel : buti pa nga, nariyan sila papa at mama, isa kasi si Papa sa hurado.
Mary Ann : ganun ba!
Ariel : oo.
.
nagpunta na sila sa pinagdadausan ng labanan, may mga nakreserve na upuan para sa kanilang dalawa na kung saan ay naroon nga ang mama at kapatid ni Ariel, at ang papa ni Ariel ay naroon na sa harapan ng entablado, at kasama na ang iba pang mga hurado, madami na ding tao ang...


naroon at ngayon nga ay papunta na sila kung saan ay naroon ang mama ni Ariel, medyo nakaramdam ng panlalamig ng kamay si Mary Ann dahil nahihiya siya sa mama ni Ariel, at isa pa naiilang siya sa mga ibang babae na mukhang masama ang tingin sa kanya.
.
Ariel : oh bakit huminto ka sa paglalakad?
Mary Ann : parang ayokong manood.
Ariel : ha, eh bakit naman? Inaasahan ni mama na pupunta tayo ngayon, may nakareserve na ngang upuan natin doon oh, ayun na sila mama oh, kinakawayan na tayo..tayo na doon.
Mary Ann : S-sige!!
.
At nang makarating sila sa kinaroroonan ni Elena at Marielle ay tumayo si Elena at bumeso kay Mary Ann.
.
Elena : iha, mabuti at sumama ka kay Ariel.
Mary Ann : O-opo Doña Elena.
Elena : tita na lang iha!!sige maupo na kayo.
Mary Ann : salamat po.
Marielle : hi ate Mary Ann!(bati ni Marielle)
Mary Ann : hi.
Marielle : ate, kuya, mamaya mag-perya tayo!
Ariel : ha, marunong ka ba?
Marielle : opo kuya, alam kong mag-taya sa perya.
Ariel : sige mamaya mag-perya tayo.
Marielle : yes!!
.
Nanlalamig talaga si Mary Ann kasi hiyang hiya siya sa mama ni Ariel, lalo na katabi pa niya ito sa upuan.
.
Elena : iha, kumusta ka?
Mary Ann : okay lang po!
Elena : mabuti at bakasyon ka din ngayon, at nagkita kayo ni Ariel.
Mary Ann : opo nga.
Elena : tagal nio ding hindi nagkitang magkaibigan ano?
Mary Ann : opo, buti nga po kilala pa ako ni Ariel.
Elena : hindi ka naman kinalimutan ng bata na yan eh, lagi ka niyang ikinukwento noong nasa America kami.
.
Nagagalak ng sobra ang puso ni Mary Ann ng malaman niyang lagi siyang ikinukwento ni Ariel.
.
Ariel : syempre naman ma, hindi ko kakalimutan ang pinakamamahal kong kaibigan.
Elena : katagal kayang nagmukmuk yan ng dumating kami sa America, lungkot na lungkot, namimis ka nga daw.
Ariel : mama, preno ka ng konti at baka mamaya kung ano ang sabihin mo..(nakangiti niyang sabi)
.
Parang gustong maluha ni Mary ann sa labis na saya niya ng sandaling iyon, masaya siyang malaman na ikinalungkot di ni Ariel ang paghihiwalay nila.Matagal ding nagkakwentuhan sina Elena at Mary Ann hanggang sa mag-umpisa na ang patimpalak sa pagkanta, medyo naalis na din ang hiya ni Mary Ann kay Elena, dahil mabait naman ang mama ni Ariel, medyo matagal na din kasi na hindi niya nakausap ito, huli niyang makausap ang mama ni Ariel ay bata pa siya, ngayon na lang kasi niya uli nakausap ng matagal ito..kaya medyo nahiya siya, pero ngayon nabawasan na ang nadaramang hiya, at inanyayahan din si Mary Ann ni Elena sa Mansion..nahiya siyang tumanggi kaya pauunlakan niya ang inbitasyon ni Elena, lihim namang natuwa si Ariel dahil sa pagimbita ng mama niya kay Mary Ann, at natuwa siya ng pumayag si Mary Ann..at nahinto lang ang usapan nila ng mag-umpisa ng kumanta ang mga kalahok..nakatuon na lang ang atensiyon nilang lahat sa kumakanta..pero hindi rin maiwasan ni Mary Ann ang kaba dahil nagiging abnormal ang tibok ng puso niya dahil sa sobrang nakadikit sa kanya si Ariel, kaya nagkikiskisan ang kanilang mga balat at ang isa pa ay nakapagitan siya sa mag-ina, kapag naguusap ang mag-ina ay halos nailalapit ang pisngi ng binata sa mukha niya, dahil sa hindi masyadong magkarinigan ang mag-ina kaya kinailangang ilapit ni Ariel ang mukha..na halos madikit naman sa mukha ni Mary Ann, at ramdam pa ni Mary Ann na nakahawak si Ariel sa may sandalan ng upuan niya at dahil ramdam niya ang mga braso ng binata sa likudan niya, lalo tuloy nanlalamig ang mga kamay niya, kasi halos amoy niya ang mabangong pabango ng binata.at medyo nalalanghap pa niya ang mabangong hininga ng binata. sasabihin niya sana kay Ariel na magpalit na lang sila ng upuan ngunit hindi naman niya masabi at nahihiya naman siya, pilit pinapakalma ni Mary Ann ang kanyang puso, dahil nagwawala ito, na parang gustong abutin ang tinatangi nito, at ang lalaking nilalaman nito.itinuon nalang niya ng pansin ang mga kumakanta na kahit papano ay medyo naiibsan ang kabang nadarama dahil magagaling ang mga kalahok.
.
Ariel : ang gagaling nilang kumanta ano!!
Mary Ann : oo nga, kaka-inggit yong mga boses nila.
Ariel : huwag kang mainggit kasi may maganda ka namang mukha.
Mary Ann : hay, grabe ka, naisingit mo talaga yun!
Ariel : bumili tayo ng makakain natin, para habang nanunuod tayo ngumangata tayo.
Mary Ann : sige.
Ariel : ma, anong gusto mong pagkain bibili kami ni Mary Ann.
Elena : Pop corn anak.
Marielle : kuya sama ako.
Mary Ann : sige Marielle halika sumama ka!
.
At nagpunta ngang bumili ang tatlo, sari saring sitsirya ang binili ni Ariel, bumili din sila ng burger dahil request naman ni Marielle, at bumili din sila ng Pop corn..at bumili din sila ng buko shake.
.
Mary Ann : hala, kadami mong binili, parang diyan na tayo magtitira ah.
Ariel : okay lang na diyan tayo magtira, basta ikaw ang kasama ko na maninirahan diyan!
Mary Ann : grabe siya, nakakainis ka Ariel kung alam mo lang na gustong gusto kitang makasama habang buhay!!(sabi sa isip)
.
Parang teenager si Mary Ann na kinikilig, sa twing kasama niya si Ariel ay nagiging abnormal ang tibok ng puso niya..at hindi nagtagal ay nasorpresa si Mary Ann dahil nakita niya ang kaibigan niyang si Carmela na kasama si Alexander.
.
Mary Ann : Carmela!
Carmela : hi bestfriend, naging busy ka yata ngayon ah.
Mary Ann : oo busy ako, lagi ko kasing kasama si Ariel eh..ikaw mukhang lagi ka ding busy ah.(bulong niya sa kaibigan)
Carmela : hindi naman.
Mary Ann : lagi mo din daw kasama si Alexander eh.
Carmela : oo eh..
Alexander : hi Mary Ann!
Mary Ann : hi. Buti naglibot din kayo ni Carmela.
Alexander : ayaw nga nia, pinilit ko lang, ang sabi ko pupunta ka din kaya sumama na din siya.
Mary Ann : ganun ba.
Alexander : ah. Carmel halika muna bumili muna tayo ng makakain din natin.
Carmela : naku, wag na Alexander busog pa naman ako eh.
Alexander : eh hindi naman nakakabusog yong bibilin natin, parang libangan lang ng bunganga natin habang nanunuod tayo..
Ariel : madami naman yong binili namin pinsan eh.
Alexander : ah. Okay, bibili nalang ako ng buko shake.
Ariel : sige hintayin ka namin dito.
.
Bumili si Alexander ng buko shake, at habang hinihintay nila ay nag-kukumustahan ang magkaibigan..para kasing matagal silang hindi nagkitang magkaibigan, at hanggang sa nagulat na lang sila nang makita rin ang presensiya roon ni Franco..pagkakita ni Ariel kay Franco ay inaya na ni Ariel ang mga babae sa loob ng Gym, sinigawan na lang niya ang pinsan na sumunod nalang sa kanila kapag nakabili na..at agad na silang pumunta kung saan ang kanilang upuan..mabuti na lang at meron pang upuan na bakante para kila Alexander at Carmela..bumati muna si Carmela sa mama ni Ariel, at naupo na sila sa kani-kanilang upuan, ibinigay ni Ariel sa mama niya ang isang supot ng pop corn at ang isang bote ng bukoshake, at hanggang sa dumating na din si Alexander na may dala-dala ding buko shake at nilagang sweetcorn..
.
Elena : iho. Alexander yan ang gusto ko anak..
Alexander : eto po tita, masarap yan, may kainitan lang.
.
binigyan niya ang tita Elena niya..wala na silang ginawa kundi kumain, lalo na sila Mary Ann, sigurado si Mary Ann na nadagdagan na ang timbang niya..dahil wala silang ginawa ni Ariel kundi kumain ng kumain!! At nang matapos na ang paligsahan ay naubos na din ang lahat ng kanilang biniling pagkain, at nalaman nadin kung sino ang nagkamit ng titulo..at hanggang sa natapos na ang programa sa entablado, ay mga nag-alisan na ang mga ibang tao na naunuod, ang iba naman ay nanatili pa din sa plasa dahil mag-peperya ang iba, ang iba naman ay mga nagsisakay sa mga rides. At dahil nga request ni Marielle na magpeperya sila ay naroon na nga sila sa peryaan..si Arman at Elena ang kasama ni Marielle, ang napagdiskitahan ni Marielle ay ang dart ball doon niya inaya ang ama, hindi tinitigilan ni Marielle hanggat hindi niya nakukuha ang gusto na teddy bear..at laking tuwa naman ng makuha na nila ito..at nagpunta pa sila uli sa iba.,at samantalang si Alexander at Carmela ay may ibang mundo naman..at ganun din sina Ariel at Mary Ann, nakisik-sik si Ariel sa mga taong nagkakalipunpunan sa isang pwesto at nakita ni Ariel na isang sugal pala ito, at tinatawag nila itong drop ball..napakadaming tumataya na tao, mapa lalake man o mapababae, at meron ding bata..si Mary Ann ay nakiusyoso din, naingganyo naman si Ariel kaya sinubukan niyang tumaya, nagtanong siya sa peryantes kung paano bang tumaya duon, at ipinaliwanag kay Ariel, at tumaya nga si Ariel tumaya siya ng 500, inilagay niya ang taya niyang 500 sa Ace na Heart, at hanggang sa inihulog na nga ang unang bola, at napapitik pa siya dahil ang unang bola ay napunta nga sa Ace na heart, at sinunod naman ang pagalawang bola, natuwa siya at doon uli sa Ace na Heart, at hanggang sa inihulog na ang huling bola, at napalundag siya dahil doon uli Sa Ace na heart, naglulundag siya sa tuwa..at yong 500 niya ay nagtriple..at sumunod ay tumaya siya uli, at dahil maswerte siya nang gabing iyon, ay malaki ang napanalunan niya..at ang ginawa niya sa napanalunan niya ay pinagtatawag niya lahat ng mga bata, at pati na ang mga matatanda na halos uugod ugod na ay nagpupunta pa din sa plasa..tinawag niya ang lahat ng mga iyon, at lahat ng napanalunan niya ay ipinamahagi niya sa mga ito..laking tuwa naman ng mga matatanda at mga bata, pero may kundisyon siya sa mga bata na ibibili nila iyon ng pagkain at hindi ipangsusugal, tuwang tuwa ang mga bata, may bumili ng mga laruan, may bumili ng damit, at yong iba ay mga pagkain, humanga naman si Mary Ann sa ginawa ni Ariel, napakabait na tao talaga.
.
Mary Ann : alam mo bagay mo palang maging Mayor ng bayan natin..(biro niya)
Ariel : hindi naman, aanuhin ko naman yong pera na napanalunan ko eh, kaya lang ako tumawa dahil nakatuwaan ko lang, para lang ba maranasan ko kung ano yong nararamdamang kasiyahan ng iba, masaya pala, pero wala na sigurong mas sasaya kung ang mapapanalunan mo ay ang puso ng mahal ko.
.
Nangunot ang noo ni Mary Ann dahil, nasabi ni Ariel yun, sa isip niya ano bang ibig sabihin ng binata, bakit daw ba napasok yong usaping puso..at Hanggang sa nagpunta naman sina Mary Ann at Ariel sa Running light na kung saan ang mapapanalunan ay mga pagkain, grocery, at mayroon ding mga laruan at mga stuffed toys, at mga gamit sa kusina..si Mary Ann naman ang naengganyong tumaya, nagpapalit siya sa peryantes ng mga barya, at tumaya siya sa number na 29, birthday niya kasi ay May 29, kaya doon siya tumatapat, at nagbabakasakali na huminto ang ilaw sa number na tinayaan niya,pero hindi siya swerte dahil hindi huminto sa tinayaan niya..lumagpas ito, kaya tumaya uli siya, doon uli sa 29, hindi uli huminto sa 29 dahil sa 28 huminto at umulit uli siyang tumaya, at ayaw talagang huminto sa tintayaan niya.
.
Mary Ann. : hindi talaga ako maswerte sa ganito.
Ariel : okay lang na hindi ka swerte sa ganyan. Basta sa pag-ibig ay swertehen ka.
Mary Ann ; ano ka ba, kanina ka pa pumapag-ibig, subukan mo kayang tumaya baka sakaling manalo ka uli.
Ariel : sige ba. Tataya ako sayo..
Mary Ann : ano? Kung ano ano yang sinasabi mo!
Ariel : totoo Mary Ann, sayo ako tataya, baka sakaling mapanalunan ko ang puso mo(pero sa isip niya lang iyon dahil umuurong pa ang dila niya)
.
At hanggang sa si Ariel nga ang tumaya, at talagang swerte naman dahil nanalo ang tinayaan niya, ang kapalit ay isang malaking sitsirya..at tumaya uli, at dahil swerte si Ariel, huminto uli ang ilaw sa tinayaan niya, at dahil sa nalilibang si Ariel sa running light ay nagtagal sila roon ni Mary Ann, marami na silang napanalunang pagkain, halos dalawang supot na malalaki na ang bitbit nila na mga sari-saring pagkain..at hanggang sa tumaya si Ariel na ang mapapanalunan ay Stuffed toy, at laking tuwa ni Ariel dahil nakuha naman niya ito, at ibinigay niya kay Mary Ann.
.
Ariel : eto para sayo ito.
Mary Ann : eh bakit mo ibibigay sakin yan!
Ariel : alangan naman na ako ang mag-stuffed toy eh lalaki naman ako..at saka tinayaan ko ito, dahil para sa iyo talaga, kaya kuhanin mo na please, malulungkot ako kapag tatanggihan mo yong bigay ko..
Mary Ann : sige na nga!! (At kinuha ang ibaabot na stuffed toys)
.
Hindi nagtagal ay nagkita kita na sila, ang mga magulang ni Ariel at kapatid at pati na sina Alexander at Carmela..nagpaalam na ang mag-anak na Armna at Elena, na mauuna na silang umuwi na tatlo..
.
Elena : Mary Ann, huwag mong kalimutan na pumunta sa bahay bukas ah, lunch..isama mo na din sina mang Andres at aling Marissa, pati na ang mag-anak na Benjie.
Arman : oo nga Mary Ann aasahan namin kayo bukas.
Ariel : o narinig mo yun..aasahan ka nila bukas sa bahay,(pag-uulit ni Ariel kay Mary Ann)
Mary Ann : opo.
Elena : ikaw din Carmela, punta ka sa bahay bukas ha.
Carmela : opo Doña Elena.
Elena : asahan namin kayo bukas. Sige mauuna na kaming umuwi, boys wag masyadong magpagabi dahil yong mga girls baka hindi na payagan ng mga magulang nila yan kapag masyado ng gabi nio ihahatid sa mga bahay nila.
Alex&Ariel : opo (sabayan nilang sabi)
.
Nagtawanan naman ang magkaibigan.
.
Alexander : ihahatid ko na din si Carmela Mary Ann, pinsan..kasi nakakahiya sa bibiyananin ko balang araw.
Carmela : hala siya, bibiyananin daw ah!
.
Tuwang tuwa naman si Mary Ann sa sinabi ni Alexander sa kaibigan niyang si Carmela..si Carmela naman ay kinikilig sa isip, parang gusto niyang magtitili sa kilig, pero pinigil niya, si Ariel naman ay napapangiti na napapa-iling na buti pa si Alexander ay may lakas ng loob na magsabi ng ganun, sana daw siya ay ganun din..at hanggang sa naiwan na silang dalawa roon, di nagtagal ay nagpasya na din na ihatid si Mary Ann..
.
Ariel : ihatid na din kita, para makapagpahinga ka na.
Mary Ann : sige.
.
naglakad na sila papunta sa pinagparadahan ng Kotse ni Ariel..yakap yakap ni Mary Ann ang bigay ni Ariel na teddy bear, at bitbit naman ni Ariel ang dalawang plastic bag, na mga pagkain..at hanggang sa nakarating na sila sa kotse. At ipinagbukas niya uli ng pinto si Mary Ann, nagpasalamat naman si Mary Ann, at hanggang sa nasa byahe sila, wala silang imikan sa, naliligayahan naman si Ariel dahil, mahigpit ang pagkakayakap ni Mary Ann sa teddy bear na bigay niya, at hanggang sa nakarating na nga sila sa bahay nila Mary Ann..gaya ng dati ay ipinagbukas niya ng pinto si Mary Ann.
.
Mary Ann : salamat Ariel, sobra akong nag-enjoy, at salamat dito sa cute na teddybear na ito(niyakap ng mahigpit)
Ariel : ah Mary Ann, pwede bang payakap?
.
Nabigla si Mary Ann sa sinabi ni Ariel na payakap!!bumilis nanaman ang tibok ng puso niya..natataranta siya.
.
Mary Ann : h-ha!!
Ariel : ang ibig kong sabihin, payakap naman sa teddybear mo..
Mary Ann : ahh…okay eto oh(ibinigay ang teddybear)
.
Kinuha ni Ariel ang teddybear at saka niya niyakap din ng mahigpit..
.
Ariel : hhmmm..sarap pala talagang yakapin ito.
.
Niyakap din ng mahigpit ni Ariel ang teddybear at hinalikan pa niya ito, at nalanghap pa ni Ariel ang pabango ni Mary Ann na dumikit sa teddy bear.at hanggang sa nabigla si Mary Ann sa ginawa ni Ariel.
.
Ariel : group hug daw sabi ni teddybear!!
.
Niyakap siya agad ni Ariel, wala na siyang nagawa dahil nakakulong na siya sa mga bisig ng binata, kasama ang teddybear, sobrang bilis talaga ng pintig ng puso niya sa ginawa ni Ariel na pagyakap sa kanya. At parang may sariling pag-iisip naman ang kanyang mga braso, dahil kumawit na din ang mga braso niya sa katawan ni Ariel, at nakayakap na din siya, dahil nga sa dikta na din ng kanyang puso na yakapin din ang binata..yakap siya ng mahigpit ni Ariel, ramdam na ramdam niya ang init ng mga yakap ni Ariel, na sobrang nagpaligaya sa kanyang puso, dahil si Ariel lamang ang laman ng kanyang puso..
.
Itutuloy…
Salamat po sa inyong lahat na sumusubaybay sa kwento ko.


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.