0

Ikaw lang ang nasa puso ko Chapter 2


Report

Ikaw lang ang nasa puso ko
Chapter 2
.
Nasa kolehiyo na si Mary Ann, nakitira si Mary Ann sa kanyang tita sa kabayanan, upang hindi siya mahirapan sa pagbyahe pagpasok ng eskwelahan, hinatid siya ng mga magulang sa bahay ng kanyang tita.
.
Marissa : o paano anak, maiiwan ka na namin dito sa tita mo.mag-iingat ka dito.
Andres : basta kung ano man ang kailangan mo ay huwag kang mahihiyang magsabi sa tita mo.
Rosalie : kuya, ate huwag kayong mag-alala at hindi ko pababayaan ang pamangkin ko.
Marissa : salamat Rosalie
Andres : sige anak, uuwi na kami ni nanay mo.
Mary Ann : opo.,mag-iingat po kayo, at huwag po kayong mag-alala at mag-aaral po akong mabuti.
.
Habang hinihintay ni Mary Ann ang pasukan ay tumutulong muna siya na tumao sa Grocery ng tita niya.At samantala naman si Elena ay hindi siya payag sa kursong kinuha ng anak niyang si Ariel.
.
Elena : hindi ka mag-pupulis Ariel, ibang kurso na lang ang kuhanin mo.
Ariel : ma. Ano naman ang masama kung pulis ang kuhanin ko.
Arman : hayaan mo na yong anak mo, kung ano ang gusto niya.
Elena : pero Arman, alam mo namang may takot na ako, diyan sa ganyan, katulad mo, ng nasa serbisyo ka wala akong kapanatagan.
Ariel : mama naman, bata pa lang ako ay pangarap ko ng maging pulis na katulad ni papa, kaya payagan mo na ako.
Arman : oo nga sweetheart payagan mo na yong anak mo.
Elena : bahala nga kayo.
Marielle : mama, ako po paglaki ko ang gusto ko po maging doktor.
Arman : ay ang baby girl namin, magdodoktor.
Elena : mabuti anak, uminom ka na ng milk mo para lumaki ka kaagad.
Arman : bakit naman gusto mong maging doktor baby!
Marielle : e, kasi po papa. Kaya gusto ko po maging doktor e para po kapag nabaril si kuya gagamutin ko po siya..
Elena : Diyos na mahabagin!! Halika na nga mag milk ka na, kung ano ano ang sinasabi mong bata ka!!
.
Napakamot na lang sa ulo si Ariel sa sinabi ng kapatid, lalo pa yatang natakot ang mama niya sa narinig sa nakababatang kapatid, palibhasa matalino,ang kapatid kaya kung ano ano ang nasasabi, bata palang kasi si Ariel ay gusto na niya talagang maging pulis, dahil nong bata palang sila ay madalas nilang nilalaro ang baril barilan..bigla na naman niyang naalala ang kababatang si Mary Ann, dahil isa sa mga nilalaro nila ni Mary Ann ay baril barilan, at naaalala pa din ni Ariel ang tambayan nila ng kaibigan, tinatanong na lang niya sa sarili kung kumusta na kaya ang kaibigan, at pati na ang kanilang kubong tambayan, kung maayos pa kaya, at kung nagpupunta pa kaya si Mary Ann doon, matagal na silang hindi nagkikita ng kababata, at sinasabi ni Ariel sa sarili na balang araw ay babalik siya sa pilipinas, sa ngayon ay ang pag-aaral muna ang aatupagin niya, at nag-aral ngang mabuti si Ariel…at lumipas ang mga araw at mga buwan, at mga taon, ay sa wakas, ay isa na siyang ganap na pulis, kahit na may takot sa puso ni Elena na maging pulis ang anak, ay masaya pa din siya dahil natupad nga ng anak ang pangarap, ngunit balak ni Ariel ay sa pilipinas siya magtatrabaho, sa Pilipinas niya balak gamitin ang lahat ng kanyang natutunan, at samantalang si Mary Ann naman ay nakapagtapos na siya bilang isang guro, nagtapos ulit siya ng may mataas na karangalan, siya ay nagkamit ng Magna cum laude.
.
Benjie : bunso congrats, napakagaling talaga ng kapatid ko.masayang masaya ako para sayo bunso sa wakas ay natupad mo na ang pangarap mong maging isang guro, grabe hindi ko alam kung talagang anak ka ni nanay at tatay, bakit napakatalino mo.
Andres : Benjie, anong gusto mong palabasin?
Marissa : oo nga benjie, gusto mo bang mapukpok ng payong ha?
Benjie : Biro lang po!!
Mary Ann : si kuya talaga pati ang nanay at tatay, binibiro mo, mamaya mapukpok ka nga ng payong…….hindi pa kuya, kailangang maipasa ko pa ang board exam ko..
Andres : naku, mani-mani na lang sayo anak yun..
Marissa ; oo nga anak, kampante kami na maipapasa mo ang board exam..
Benjie : oo bunso, kayang kaya mo yun.
Mary Ann : ganyan po kayo kabilib sakin..
Andres : oo naman anak..magaling ka kaya..
Mary Ann : maraming salamat po sa,inyo tatay nanay at sayo kuya salamat ha, sa mga suporta ninyo sakin..
Marissa : mahal ka namin anak. Kaya ano man ang kailangan mo ay susuportahan namin, lalo na yong kuya mo mahal na mahal ka ng kuya mo.
Mary Ann : salamat kuya ha..
Benjie : wala yun bunso..
Andres : kaya nagpapasalamat din kami sayo Benjie anak, napakalaking tulong mo sa amin, sa mga gastos sa pag-aaral ng kapatid mo, dahil kung kami lang ng nanay mo di namin kakayanin..
Benjie : wala po yun,, ah tay, nay, may sasabihin po sana ako sa inyo!.
Andres : ano ba yun anak?
.
Matagal bago nagsalita si Benjie, humugot muna siya ng hangin at binuga,…
.
Marissa : ano ba yong sasabihin mo anak, sabihin mo na!!
Mary Ann : ah, mukhang alam ko na yong sasabihin ni kuya. (Nakangiti niyang sabi)..sige lang kuya sabihin mo na, huwag kang mahiya..ikaw naman ang susuportahan namin..
.
Napangiti naman si Benjie sa sinabi ng kapatid, talagang matalino ang kapatid niya, alam na agad kung ano ang ibig niyang sabihin…
.
Andres : sabihin mo na anak.ano na yun?
Benjie : tay, nay, gusto ko na po kasing pakasalan si Evelyn baka maaari na po..
Andres : oo naman anak, pwedeng pwede na.
Marissa : mabuti naman anak, at naisipan mo ng mag-asawa, matagal na naming hinihintay ni tatay mo na sabihin yan.
Benjie : talaga nay, tay payag na po kayo..
Andres : oo anak!!
.
Yumakap si Benjie sa mga magulang. At sumali naman sa yakapan si Mary Ann, at niyaya na ngang magpakasal ni Benjie ang kasintahang si Evelyn, at pumayag naman si Evelyn.,at pinamanhikan na nila si Evelyn, wala namang tutol ang mga magulang ni Evelyn, dahil alam nilang mabuting tao si Benjie, at alam din nilang mapagmahal sa magulang at kapatid si Benjie kaya alam nilang magiging mabuting asawa at mabuting ama si Benjie, at higit sa lahat ay magiging mabuting manugang, kaya pumayag agad ang magulang ni Evelyn..at hanggang sa nag-take na ng board exam si Mary Ann, at sa awa ng Diyos nang malaman na ang resulta ay sa wakas at nakapasa si Mary Ann at hindi lang nakapasa, kasama siya sa Top 5, kaya sobrang tuwang tuwa ang mga kaanak ni Mary Ann at lalong lalo na ang mga magulang ni Mary Ann at ang kuya nito, at hanggang sa nagpakasal na nga ang kuya niya at ang kasintahan nito, kaya naging masaya na sila sa kanilang buhay, dahil hindi na sila masyadong magkakapos sa pera dahil may trabaho na si Mary Ann. At samantala ang mag-anak na Arman at Elena ay nagpasyang umuwi ng pilipinas, doon sila tumuloy sa bahay ng papa ni Arman.
.
Carina : welcome home, kuya, ate, at sayo marielle, ang gandang bata..
Marielle : hello tita..kumusta po?
Carina : aba, talagang tuwid na tuwid magtagalog ah, akala ko hindi ka marunong magtagalog eh..
Elena : tagalog naman kasi ang usapan namin dun.
Carina : nasaan si Ariel?
Arman : hindi namin kasama, pero susunod daw na uuwi..
Elena : kumusta kayo dito Carina?
Carina : okay lang ate..uuwe ba kayo sa Ascienda?
Arman : oo, bibisita kami dun..
.
Naiwan si Ariel sa America dahil, inaayos pa niya ang mga papers niya roon at mga Transcript of record mga diploma, dahil uuwi na siya ng pilipinas at para doon magtrabaho, dahil mas gusto niyang magsilbi sa sariling bansa, at isa pa, ipagpapatuloy niya ang paglutas ng hustisya para sa lolo niya..at ang mag-asawang Elena at Arman naman ay umuwe na sa kanilang Ascienda..laking tuwa naman ni Zander ng maka-uwe na ang kapatid niya..
.
Arman : o kuya, kumusta naman na dito..
Zander : maayos naman, mabuti at umuwi na kayo.
Elena : oo kuya,napagpasyahan namin dumito na sa pilipinas.
Zander : mabuti kung ganun.
Marielle : hi tito Zander.. (bati niya sa amain)
Zander : hello marielle!! Ang laki na niya ah..kelan lang nasa tiyan ka pa lang ng mama mo. Ngayon halos dalagita na..eh si Ariel pala?
Arman : Sa susunod na buwan pa ang uwe dito nun..
Zander : paano ikaw na ang bahala dito sa Asyenda, at yong iba ko namang negosyo sa manila ay maasikaso ko ng mabuti.
Arman : sige kuya, kelan ba ang balak mong pumunta ng Manila?
Zander : sa makalawa.
.
Natuwa ang mga kasugpon at tauhan ni Arman sa bukid ng malaman na bumalik na sila, lalo na si Mang Andres..
.
Arman : mang Andres, kumusta na?
Andres : mabuti naman po señor Arman.
Arman : mukhang maganda po ang aanihi, natin ngayong anihan ah.
Andres : opo sa awa po ng Diyos..
Arman : mamaya po pakisabi sa ibang tauhan na may salo salo sa bahay mamayang gabi ah. At may pasalubong kami para po sa inyong lahat..
Andres : ay naku, maraming salamat po señor at sasabihin ko po sa iba..
Arman : sige po, asahan po namin kayo sa bahay mamaya.
Andres ; opo.
.
At ibinalita nga ni Andres na magkakaroon ng salo salo sa mansion.at mga nagpuntahan na nga ang mga magsasaka, sa bahay ng kanilang amo, at masaya silang nagsalo salo ng hapunan. At nang makamain ay, ibinigay na ng mag-asawa ang mga pasalubong nila sa mga tauhan nila..at labis namang nagpasalamat ang mga magsasaka sa mag-asawa..at ganun din si Andres.
.
Andres : salamat po sa inyong mag-asawa, kaya po pinagpapala kayo dahil sobrang bait nio samin..
Arman : mababait din po kasi kayo, at kami din po ay nagpapasalamat sa inyo dahil hindi nio pinabayaan ang asyenda, ang sabi ni kuya, ay napaka alaga nio daw sa bukid, at hindi nagpabaya, kaya laging madami ang mga ani..kaya nagpapasalamat kami sa inyo..at natapos ang kasiyahan, ay kanya kanya na ng uwe ang mga magsasaka na dala dala ang mga kanilang pasalubong, at may mga pauwe pang mga pagkain para sa kani-kanilang mga pamilya..
.
Carmela : Mary Ann, bakit ba hindi mo pa sinasagot si Franco, matagal na din nanliligaw sayo yong tao ah, second year college palang tayo nanliligaw na sayo si franco.,wala ba talagang pag-asa? O baka naman may hinihintay ka..at si Ariel yun hano?
Mary Ann : ano ka ba, wala pa sa isip ko yang pag-boboyfriend. Gusto ko pang tulungan sila tatay at nanay, pati na din si kuya..at saka sinabi ko naman kay Franco na huwag na niya akong pag-aksayahan ng oras niya dahil wala pa sa isip ko yang mga pag-ibig na yan..
Carmela : eh, patay na patay sayo yun eh kaya, syempre di susuko yun hanggat di niya nakukuha yong matamis mong oo, at saka, ano naman kasi kung tutulong ka pa, bakit hindi ka pa naman mag-aasawa boyfriend pa lang naman ah..
Mary Ann : ehh.,basta ayoko pang magboyfriend..bata pa naman ako ah.
Carmela : sus. Eh kasi nga talagang may hinihintay kang tao.
Mary Ann : eh kung ikaw nga wala ka pa din boyfriend.
Carmela : sus.,paano naman ako magbo boyfriend kung ang mga manliligaw ko ay puro lasenggo, huwag na lang!!eh kung katulad lang ni Franco ang manliligaw sakin, ay sasagutin ko agad siya, ano pa ba ang hahanapin mo dun, gwapo na mayaman pa..
Mary Ann : sa wala pa nga sa isip ko yung pagbo-boyfriend eh..sige na punta ka na sa mga estudyante mo at tapos na ang vaccant pupunta na din ako sa room ko at baka nagkakagulo na yong mga estudyante ko.
.
Nangingiti na lang si Carmela sa kaibigan..kapag si Ariel na ang tutukuyin niya eh, umiiwas na ang kaibigan, alam naman niya na ang laman ng puso ng kaibigan ay si Ariel, dahil buhat pa nun bata pa sila ng kaibigan niyang si Mary Ann ay walang bukang bibig kundi si Ariel, ngayon na lang hindi nagkukwento si Mary Ann, dahil nga siguro mas lalong nalulungkot ito kapag naaalala ang binata..samantalang si Mary Ann ay may lungkot nanamang sumiwang sa puso niya ng maalala niya si Ariel..maraming nanliligaw sa kanya kaya lang ay tinatapat na niya agad ang mga ito, na walang maaasahan sa kanya, kung ano man ang dahilan ay siya na lang ang nakaka-alam..kahit kay Carmela ay hindi niya ipinagtatapat ang nararamdaman niya para kay Ariel, sa kakaisip niya sa kababata, na halos araw araw at gabi gabing kaulayaw sa isip ang kababata, kaya ngayon tuloy, natutunan ng puso niyang umibig sa kababata.kaya tuloy yong mga nais na makamit ang pag-ibig niya ay nawalan ng pag-asa, at biglang naalala na naman ni Mary Ann ang araw na magkasama sila ng kaibigan, at ganun din ang paborito nilang tambayan, taon na siyang hindi nakapupunta roon, madalang na din siyang mauwi sa kanila. Halos 3 bwan bago siya kung umuwi, dahil sa ibang bayan siya napasok ng trabaho, kasama niya ang kanyang kaibigang si Carmela, kaya wala siyang alam na umuwi na ang mga magulang ni Ariel, at samantalang si Ariel ay umuwi na din ng pilipinas, sinundo siya sa airport ng mama at papa niya.
Masaya si Ariel dahil nakabalik na siya ng pilipinas, at hindi nag-aksaya si Ariel ng panahon, nagtrabaho agad siya, at hanggang sa nagkaroon na siya ng pagkakataon na lutasin ang kaso ng kanyang lolo, binuhay na niya agad ang imbistigasyon para sa pagkamatay ng lolo niya, ginawa niya ang lahat ng paraang makakaya niya, at sa awa ng Diyos ay nakamit na nila ang hustisya, ganun na lang ang tuwa ng kaniyang mga magulang at mga tito at tita niya., at lumipas uli ang mga taon, ay madami ng nakakabangga si Ariel dahil sa trabaho niya, at hanggang sa bigla na lang siyang nakatanggap ng sulat na nagbabanta sa kanyang buhay.
.
Sa sulat….
(ARIEL TORRES, BILANG NA ANG MGA ARAW MO, HINDI MO KAYA YONG BINABANGGA MO, HAYOP KA!!!!!)
.
Ariel : shit!!!!
Alexander : pinsan bakit? Anong problema?
Ariel : because of this!!(at inabot ang sulat)
.
Natakot ang pinsan niyang si Alexander na anak ng tito Zander niya..
.
Alexander : pinsan, mag-iingat ka, kanino kaya galing ito?
Ariel : i dont know! Basta nakita ko lang ito sa ibabaw ng table ko..
Alexander : baka kaya, may gusto lang magbiro sayo.
Ariel : siraulo siya!!! kung sino man ang hayop na yan, malalagot siya sakin, hindi magandang biro ito..(saka nilamukot ang sulat)
Alexander : o baka naman talagang may nagbabanta na sa buhay mo?
Ariel : Alex, huwag mo sanang sasabihin kay mama na nakatanggap ako ng sulat na ganito, kundi mag-aalala yun..
Alexander : so anong balak mong gawin, ngayon na nakatanggap ka ng banta sa buhay?
Ariel : anong gagawin ko, di wala, hindi ako natatakot kung sino man ang may kagagawan niyan.,
Alexander : sino naman kaya ang may kagagawan niyan?
.
Hindi na kumibo si Alex, dahil alam naman niya ang pinsan, wala itong kinatatakutan.
.
Alex : well pinsan, ang masasabi ko lang lagi kang mag-iingat, dahil sa trabaho mo, ay may nasasagasaan kang tao na lumalabag sa batas..
Ariel : salamat..hindi nila ako kayang sindakin!!
Alexander : mahirap din pinsan kung masyado kang kampante, paano kung talikuran ka nilang tirahin..
Ariel : magkakasubukan kami!!
.
Hindi na muling kumibo si Alexander, kabisado niya ang pinsan, na lalong nag-iinit ito kapag nagagatungan.
At hanggang sa lumipas nga ang mga araw at linggo, habang nasa byahe si Ariel at pauwi na ng bahay, galing siya sa birthday party ng isa sa kaibigan at kasamahan niya sa trabaho, kampanteng nagmamaneho si Ariel, hating gabi na noon, at medyo tinamaan na siya ng alak na ininum niya, kaya medyo nakakaramdam na siya ng antok, pero patuloy pa din ang pagmamaneho niya, at hanggang sa nagulat siya ng may biglang bumangga sa kotse niya, nayanig siya sa kanyang kotse dahil sa lakas ng pagbangga ng isa ding kotse sa likuran niya,
.
Ariel : shit.
.
Mabuti na lang...


at nagawa niyang kabigin ang manibela, upang huwag mabangga sa kasunod na sasakyan, truck pa man din ito..at nagulat na naman siya at binangga nanaman siya, natigilan siya ng makita sa salamin na papadikit uli sa kanya ang bumangga.sa isip niya ah sinasadya na daw talaga siyang banggain ng kasunod niya…at hanggang sa naalala niya ang sulat na natanggap.
.
Ariel : Kung sino ka mang hayop ka, hindi mo ako kaya!
.
Dumiin ang tapak niya, sa silinyador, at omover-take siya sa truck na sinusundan niya, at kinuha ang baril sa bewang, at hanggang sa lumaki ang agwat ni Ariel sa sasakyang bumangga sa kanya, pero hindi naman papayag ang bumangga sa kanya na makalayo siya, bumilis din ang takbo ng sasakyan at nakabuntot na sa kanyang likuran, pero nakahanda naman si Ariel ano mang oras..at hanggang sa pinapuputukan na siya ng baril ng kasunod niya, mabuti na lang at nalihis ang bala sa kanya, lalo niyang binilisan pagpapatakbo ng sasakyan niya, at pinapaulanan naman siya ng bala ng gustong pumatay sa kanya. At hanggang sa nagkaroon naman siya ng pagkakataon, medyo inalalayan niya ang pagmamaneho niya nagkunwareng nadali siya, at ng natantiya na niyang magkatapat na ang sasakyan nila ng gustong pumatay sa kanya, saka siya lumitaw sa bintana at pinutirya niyang una ang sa passenger’s seat, at saka sinunod agad ang driver, sa sintido niya napuruhan ang driver kaya nawalan ng buhay agad, gumewang ang sasakyan, at minsan pa niyang pinutukan ang sasakyan, at tumama sa gulong, at tuluyan ng tumagilid ang sasakyan hanggang sa nabangga pa ng truck ang kotseng tumagilid..at napahiyaw sa tuwa si Ariel dahil ayon siya at buhay pa..!!! Tinawagan niya ang mga kasamahan niyang pulis at inireport ang mga nangyari..at hanggang sa umaga na siyang naka-uwi..hindi niya alam na naroon ang mga magulang niya..nag-alala siya dahil makikita ng mama niya ang kotse niya na puro tama ng bala…..papasok na sana siya ng kwarto niya ng biglang nagbukas naman ang kabilang kwarto at papalabas ang kanyang mama.
.
Elena : anak, bakit inumaga ka, kagabi ka pa namin hinihintay, ang pagkakaalam ko ngayon pa lang ang duty mo ah.
Ariel : opo nga ma ngayon nga po.papasok na nga po ako eh. Sige ma pasok na po ako..(pagsisinungaling niya)
.
Kahit pakiramdam niya ay pagod na pagod at gusto na niyang mahiga at matulog, minabuti niyang umalis muna para itago ang kotse niya na puro tama ng bala sa mama niya, ayaw niyang malaman ng mama niya na muntik na siyang napahamak kagabi.
.
Elena : agad agad, hindi ka ba man lang mag-aalmusal..
Ariel : hindi na ma, doon nalang po, may almusal po kami doon sa station.sige ma punta na po ako.
Elena : o sige anak. Ingat ka, anong oras nga pala ang balik mo.
Ariel : babalik din po ako agad, magpapaalam lang po ako na hindi muna ako du-duty ngayon, para makapag-bonding tayo.
Elena : ah, maganda yan anak, sige pumunta ka na, pero balik ka kaagad ha, magluluto ako ng lunch natin.
Ariel : sige ma, punta na po ako.
Elena : sige anak. Ingat ka.
.
Bago umalis si Ariel ay humalik muna siya sa mama niya, at nagmadali na siyang lumabas at tinungo ang garahe, idadala niya ang kotse niya sa pinsan niyang si Alexander, ngunit di niya akalain na sinundan pala siya ng mama niya hanggang sa labas, nakasakay na siya sa kotse niya, ng bigla niyang nakita yong mukha ng mama niya na may pagtataka habang pinapasadahan ng tingin ang kotse niyang puro tama ng bala..
.
Ariel : M-ma!!
Elena : anak,anong nangyari sa kotse mo?(nagtatakang tanong sa anak)
Ariel : M-ma w-wala!!
Elena : anong wala??tama ng baril to ah!! Bumaba ka,diyan at mag-usap tayo Ariel!!
.
Bumaba si Ariel sa kotse, wala na siyang kawala sa mama niya, nakita na ang dapat niyang itago sa mama niya..
.
Elena : mag-usap tayo Ariel, doon tayo sa loob.
.
Walang nagawa si Ariel kundi sundan ang mama niya.
.
Elena : magsabi ka ng totoo Ariel, anong nangyari sayo?
Ariel : wala po ma!
Elena : Anong wala, eh bakit puro tama ng baril yong kotse mo? (Sigaw niya)
Arman : Elena, ano bang nangyayari at sumisigaw ka.
Elena : ayan ang sinasabi ko Arman, pinayagan mong mag-pulis yang anak mo, tingnan mo kung ano ang nangyari sa kanya.
Arman : bakit anak. Anong nangyari sayo?
Ariel : wala po pa!
Arman : wala naman pala. Eh ano yong pinag—–
Elena : anong wala, puro tama ng baril yong kotse ng anak mo. At puro kupi pa yong likuran ng kotse niya, anong tawag mo dun, hindi ba malapit ng napahamak yang bata na yan.(pag-hihestirical niya)
Ariel : Ma, i’m all right!! Nakita mo oh, di naman ako napano, di nila ako kayang patayin!!
Elena : anak, wag kang mayabang. Eh paano na kung may nangyari sayo, anak, ikamamatay ko kapag may nangyaring masama sayo!!
Arman : ano ba talaga ang nangyari anak?
Ariel : pa, may biglang bumunggo sakin, tapos pinagbabaril nalang ako, pero naunahan ko naman sila eh..
Elena : kita mo na, eh paano kung tinamaan ka nila!(umiiyak na niyang sabi)
Ariel : ma wag ka nang mag-alala wala naman nangyare sakin oh!!
Elena : anak hindi mo maiaalis sakin na hindi mag-alala..
.
At sa pag-uusap ng tatlo, ay bumaba ng bahay si Marielle…
.
Marielle : Pa, ma, i-open nio po yong TV, nasa TV po si kuya..
.
Elena : ano?
.
Dali dali naman binuksan ni Arman ang TV, at ibinabalita nga ang pangyayari kay Ariel, at kasalukuyang pinabalabas ang pag-interview kay Ariel..naalala ni Ariel na malalaman at malalaman din pala ng mama niya kahit ilihim niya ito, dahil nasa balita siya..
.
Elena : My God anak, paano na lang kung napuruhan ka ng mga bumaril sayo..anak mag-resign ka na sa trabaho mo, hindi mo naman na kailangang kumita ng pera jan sa propesyon mo na yan eh.madami naman tayong ibang negosyo, yun na lang ang atupagin mo..
Ariel : Ma, hindi lang naman sa perang suswelduhin ang hangad ko dito, kundi sa nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong, malaki ang awa ng Diyos ma hindi niya ako pababayaan.
Arman : mabuti pa anak magbakasyon ka muna, umuwi ka muna sa Asyenda..doon ka muna, tamang tama, summer, marami kang pwedeng pag-libangan don, malapit na ang anihin ang palayan natin. At malapit na din ang pagbuburas ng mga mangga at calamansi, at ang mga pinya, kaya marami kang mapaglilibangan doon, pati na ang pangangabayo, at isa pa malapit na ang fiesta sa ating Nayon, kaya hindi ka magsisisi kapag umuwi ka sa atin..at para na din makita mo uli ang mga kababata mo doon na mga kapitbahay natin at mga dati mong kaklase ng nasa elementarya ka pa..at lalo na si Mary Ann..
.
Napangiti si Ariel sa suhestion ng papa niya, bakit nga ba hindi. Siguro oras na para bumalik siya sa bayang sinilangan niya..nasasabik na nga din siya, dahil matagal na panahon na hindi siya nauuwi.
.
Ariel : hayaan nio po at uuwi ako sa atin..
.
Elena : mabuti pa nga, at saka mag-hanap ka na nga anak ng mapapangasawa mo, at baka sakaling kapag nagkaroon ka ng pamilya ay magkaroon ka ng takot para sa sarili mo..
Arman : oo nga naman anak, aba, hindi kami bumabata, gusto namin hanggat malakas kami ay makapag-alaga kami ng mga apo namin, kung ang kapatid mo ang hihintanyin namin ay uugod ugod na kami nun, kapag nagkaroon kami ng apo sa kapatid mo..
Ariel : opo, dadating din po ako sa punto na yun..kaya po hintay-hintay lang po ah, huwag kayong mainip..(nakangiti niyang sabi)
.
Parang may pagkasabik siya sa isiping uuwi siya sa asyenda, dahil makikita na uli niya ang kanyang kababatang si Mary Ann na sa tagal na panahon ay di pa rin niya ito nakalimutan na tulad din ni Mary Ann..ginawa pa nga ni Mary Ann na inspirasyon si Ariel sa pag-aaral, dahil gusto din ni Mary Ann na may mai-pagmamalaki din siya dito, at kaya ng matapos na ang trabaho sa eskwelahan, ay nagpasya na ding umuwi ang magkaibigan dahil sumapit na ang bakasyon…at samantalang si Ariel naman ay nag-file na ng leave dahil uuwi muna siya sa kanyang bayang sinilangan..Sabay na umuwi ang magkaibigang Mary Ann at Carmela, habang sakay sila ng bus ay nagkukwentuhan ang mga ito.
.
Carmela : grabe, ang saya sa pakiramdam, bakasyon na naman.
Mary Ann : oo nga, nakakamiss sa atin ano, namimis ko na ang ilog.
Carmela : ang ilog!! Talaga lang ha, baka naman si—-
Mary Ann : ayan ka na naman, nakakamiss naman talagang maligo sa ilog ah, lalo na ngayon mainit ang panahon, sarap magbabad..
Carmela : sabagay tama ka, sige minsan maligo tayo sa ilog ha, mag-picnic tayo..
Mary Ann : sige ba..sagot mo yong kanin at ulam, at ako naman sa Merienda natin!!
Carmela : sige..
.
At makalipas ng mga oras, nagkahiwalay na ang magkaibigan, si Mary Ann ay nakarating na sa bahay nila, pagpasok niya ng bakuran ay nabungaran ni Mary Ann ang 3 taong gulang na bata.
.
Mary Ann : Annabelle, andito na si tita.
Annabelle : tita!!(yumakap sa tita)
Evelyn : Mary Ann, buti at dumating ka na, miss na miss ka na ng bata na yan!!
Mary Ann : halata nga ate, higpit ng yakap eh..sila nanay at tatay nga pala ate, nasan sila?
Evelyn : nasa bukid, nagpipitas ng calamansi, nagpaharvest na si señor Arman eh…
Mary Ann : naroon din ba ang kuya?
Evelyn : oo, halika na sa loob at kumain ka na, mukhang madami kang dala ah..anak, huwag ka ng magpakilik kay tita mo, napagod naman si tita mo sa byahe!
Mar Ann : okay lang ate, namiss ko din itong cute na ito eh..
Annabelle : tita may pasalubong po ikaw sa akin?
Mary Ann : syempre naman baby madami!!
Annabelle : yehey may pasalubong si tita sa akin.
Mary Ann : ibibigay ko lang sayo yun sa isang kundisyon, pakis muna si tita..
.
Sabik na sabik si Mary Ann sa pamangkin dahil bihira lang siyang mauwi, tuwang tuwa ang mga magulang ni Mary Ann ng madatnan nila si Mary Ann, pati ang kuya niya ay tuwang tuwa ng makita siya..
.
Andres : anak nandito ka na pala, mabuti at nakanuwi ka na din.
Mary Ann : opo tay, nag-uumpisahan na po pala ang anihan?
Andres : oo anak..
Marissa : tamang tama anak sa makalawa may kasiyahang magaganap sa may plaza, may binigay na imbitasyon si Kapitan, may pasayaw sa mga kadalagahan at kabinataan..
Mary Ann : naku nay, ayaw ko pong dumalo doon.
Marissa : anak. Kasali ka sa programa eh ikaw daw ang mananalangin..nakakahiya naman kung hindi ka dadalo..
Andres : oo nga anak, minsan lang naman yun.
Benjie : bunso, bakit hindi ka nagpasabi, na uuwi ka, di sana nakapa-ngisda ako sa sapa kanina.
Mary Ann : bukas nalang kuya.mangisda ka, nasasabik na akong mag-ulam ng mga isdang tabang.
Benjie : sige bukas, manghuhuli ako ng isda.
.
Sumapit ang gabi, si Mary Ann ay hindi makatulog, alas 10 na ng gabi ng mga oras na yun, kaya lumabas muna siya ng bahay, at nagpahangin sa labas..
.
Andres : Anak, bakit gising kapa?
Mary Ann : hindi po ako makatulog tay.
Andres : maalinsangan ba sa kwarto mo?sira kasi yong isang electricfan natin, yong pamangkin mo naman hindi makatulog kung walang electricfan, hayaan mo anak at bukas ipapagawa ko yong isang electricfan..
Mary Ann : hindi naman po tay masyadong maalinsangan, may pagkakataon po talaga na hindi ako agad dalawin ng antok, magpapahangin lang po ako sa labas tatay, at baka sakaling maya-maya ay antukin na ako..
Andres : o sige anak, may duyan diyan sa labas.pero kapag nakaramdam ka na ng antok pumasok ka na din ha, at baka makatulog ka naman dito sa labas,..
Mary Ann : opo tay..
.
Nahiga nga si Mary Ann sa duyan na Ratan, mula sa pagkakahiga niya ay tanaw niya ang mga bituin sa kalangitan at ang maliwanag na buwan. Sa mga sandaling iyon ay naaalala na naman ang kababatang si Ariel, tinatanong niya sa isip niya kung magkikita pa kaya sila ng kababata, na buong buhay niya ay hindi naalis sa isip ang kaibigan, naiiyak iyak pa siya kapag talagang sobrang nasasabik na siya, at pati na yata ang puso niya ay nasasabik na sa kaibigan, dahil sa araw-araw ay laman ng isip at ng puso niya ay si Ariel, mukhang umiibig siya sa kababatang si Ariel…At samantalang sa mga oras na iyon si Ariel naman ay hindi din makatulog..
.
Elena : Anak, di ka ba makatulog?
Ariel : hindi nga po ma!
Elena : naninibago ka ba?
Ariel : hindi naman ma!! Parang nasabik lang ako dito satin, ang tagal na panahon din na hindi ako nauwe dito..
Elena : oo nga anak, halos 13 years kang hindi nauwe dito..
Ariel : opo nga ma, kaya susulitin ko ang bakasyon ko dito..
Elena : ilang buwan ba ang bakasyon mo anak?
Ariel : isang buwan ma..
Elena : isang buwan lang!!
Ariel : opo ma..
Elena : anak ang bilis naman..
Ariel : ma alam mo naman na may obligasyon akong dapat gampanan..
Elena : naku, pambihirang obligasyun yan. Mas priority mo na ang iba kesa sa amin na pamilya mo..
Ariel : ma, ayan na naman po tayo, magdadramahan nanaman po tayo..
Elena : anak, nag-aalala lang ako sa trabaho mo..
Ariel : ma, hindi po ako pababayaan ng Diyos, lagi naman po niya akong ginagabayan..
Elena : pero hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala, lalo na at may gustong pumatay sayo..
.
Niyakap at nilambing ni Ariel ang mama niya, at kinumbinsi nito na ipanatag ang kalooban dahil walang magyayaring masama sa kanya, at hanggang sa pumasok na ang mama niya sa kwarto at siya naman ay nagtungo sa terrace upang lumanghap ng sariwang hangin, at mula sa may terrace sa taas ng bahay nila ay nakatanaw din sa liwanag ng buwan at sa mga nagkikislapang mga bituin, napakasarap ng kanyang pakiramdam dahil nakabalik na siya sa kanyang bayan sinilangan, nagiginhawahan sa mga nalalanghap na sariwang hangin, na wari’y napaka-tiwasay ng buhay, na walang inaalalang panganib sa kanyang buhay..at lumipas ang oras ay nakaramdam ng antok si Ariel kaya pumasok na sa kwarto niya, napakatagal na panahon na hindi siya nakatulog sa kwarto niyang iyon, madami ng nabago sa kwarto, mas maganda na ito ngayon, kesa noon, dahil pina-renovate ng mga magulang niya ang kanilang bahay, at hanggang sa lumipas ang magdamag, naging masarap ang tulog ni Ariel kaya mataas na ang sikat ng araw ay nakatulog pa din siya, at samantalang si Mary Ann ay nakatulog siya sa duyan na pinaghigaan niya, mabuti na lang at maagang nagigising ang mga magulang, nakita siyang nakatulog sa duyan, at agad na siyang ginising ng mga ito, hindi na siya natulog pang muli, dahil umaga na noon, kaya napagpasyahan niyang mag-jogging, nagpapawis siya ng husto dahil matagal din siyang hindi nakakapag-jogging, napahinto si Mary Ann sa tapat ng bahay nila Ariel, nahiling pa niya na sana daw ay nasa loob lang niyon si Ariel, naalala na naman niya ang mga kabataan nila ni Ariel na nagkakarera sila ng takbuhan nito, natatawa na lang siya sa isip niya dahil mas mabilis siyang tumakbo kay Ariel, dahil yong takbo niya ay pang-marathon, at bigla siyang nalungkot dahil doon, kaya nagpatuloy na lang siya sa pag-jojogging, at samantalang si Ariel naman ay nagising na ng mga oras na iyon at pagkabangon ay tinungo niya ang bintana para hawiin ang kurtina, ng mahawi ang kurtina ay nasilaw pa siya sa araw, at hanggang sa napagtuunan niya ng pansin ang babaeng nag-jojogging sa may kalsada, parang may kung anong pakiramdam ang dumaloy sa kanyang puso, nagtatanong sa sarili kung sino kaya ang babaeng nag-jojogging sa may kalsada, na kahit malayo ay alam niyang maganda ito, nagpadagdag na atraksiyon ang mahabang buhok na nakatali na humahampas sa likod nito habang tumatakbo, at idagdag ang magandang hubog ng katawan.. nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso ang binata.
.
ITUTULOY…
Salamat po sa mga nagbabasa ng story ko.♥️


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.