2

ikaw ang mahal ko


Report

Hi everyone, itago niyo nalang ako sa pangalang ella
Once upon a time, noong nasa baitang siyam ako nagkagusto ako sa kaklase kong si charlou..pero hindi niya alam na gusto ko siya, at alam niyo wala ni isa sa kaibigan ko ang nakakaalam na gusto kp siya..pero isang araw pinuntahan ako ng kaibigan ko sa bahay namin at sinabi niya sa akin na samahan ko daw siya sa bahay nang isa ko pang kaibigan para kunin yung cellphone niya..ayon pumayag naman ako at nang makarating kami dun at nakuha na namin ang cellphone biglang sinabi ng isa kong kaibigan na magkaalaman tayo ng mga crush..ayon sumang ayon nalang din ako hanggang sa nalaman nila na crush ko si alam niyo na..isang araw papunta na ako nang paaralan at pumasok na sa loob at umupo, nang magsimula ang klase namin tumabi si charlou sa bakanteng upuan na nasa tabi ko..ayun kaya noong nakita ng mga kaibigan ko inasar ako..ako naman parang bombang sasabog sa kilig..

Matapos nun, palaging nakikita na sa akin siya tumatabi kapag may klase o walang klase..eh nung minsan nga nag aasaran kaming dalawa at may kaklase namin na nakapansin sinabihan ba naman kaming mag on ba raw kami..syempre no sagot niya sa kaklase ko at minsan nga sumasandal pa siya sa leeg ko kaya abot langit ang tuwa ko..

At alam niyo ba na itong crush kong ito palagi akong inaasar at pinagtitripan..minsan nga kong makatitig parang kakain ng tao at alam niyo ba kinikilig ako sa mga sinsabi niya..na wag niyong pagtripan yang gf ko, tapos kinukurot niya yung pisngi ko..pero...


sa lahat nang yon wala siyang kaalam alam na gusto ko siya..

Isang araw kasama ko yung iba ko pang kaibigan papunta kami sa bahay ko kasi nga doon sila manananghalian..yun pagdating namin doon nagkwentuhan kami hanggang maitanong isa kong kaibigan sa akin na sino ba raw yung crush ko…bigla ba naman akong sumagot nang …..syempre you know na, tapos sinabi niya ano bang nagustuban mo sa kaniya..sabi ko may itsura, matalino, yung piloka niyang maganda, tsaka maputi, tsaka gaya ko lang din na mapayat..

Hanggang sa nakarating sa kanya ang balita na crush ko siya..dahil sa kaibigan ko na sinabihan ko noon sa bahay namin, kasi nga magkapitbahay lang silang dalawa at relatives pa..hayyysst..

Kaya nun hindi na niya ako pinapansin..minsan nga sinasabi ko sa sarili ko..na ang bobo ko bakit ko pa kasi sinabi sa iba, eh alam ko naman na yun lang yung nagpapasaya sakin nawala pa kasi hindi na namamansin..tanga ko noh…

Pero paminsan minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya..pero tadhana na ang may gawa ano pa ba ang magagawa ko..kundi maghintay nang taong karapat dapat talaga sa akin…pero honestly hinding hindi kita kakalimutan mananatili kalang sa puso’t isipan ko..

Always remember girls kung may crush kayo sulohin niyo nalang wag niyo nang ipagkalat kasi yon lang yung makakapagpasaya sayo eh mawawala pa dahil lang sa mga traydor na kaibigan..joke..pero kahit galit ako sa bestfriend ko mahal ko yun kasi nga bago pa dumating si crush siya nayong umaakay sa akin sa tuwing may problema at pinagdadaanan ako..😁😁😁

THE END..HOPE YOU LIKE IT..😎😎😎


2 Comments

  1. ang ganda ng kwen to te parang ako may crus ako at si jee ayaw ko ng ituloy yung pangalan nya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.