0

I WAS REALLY DEEPLY MADLY INLOVED WITH HIM

Report

I WAS REALLY DEEPLY MADLY INLOVED WITH HIM…
I can’t believe myself ‘na gumagawa ako ng mga istorya para mapansin lang ng isang lalaking hindi man lang nakikita ang halaga ko. Alam ko kasing imposibleng mangyari ito, pero heto ako!
Heto ako at sumusulat para sa kanya!
Sumusulat para sa isang lalaking ‘hindi man lang alam na nag-e-exist ako sa buhay niya…
Paulit-ulit na lang ang mga tagpong ito at kahit ilang ulit ko pang-balikang alalahanin ang lahat—napakasariwa pa rin itong naglalagi sa isipan ko na para bang kahapon lang ang nagdaan, kahit apat na taon na akong naghihintay at patuloy pa ring nagmamahal.
Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang ibaling sa iba at ilaan na lang ito sa lalaking maaari rin akong mahalin. Yung lalaking pwede akong suklian ng pagmamahal. Pero wala ‘eh!
Wala akong mahanap na iba pang-sagot kundi—dahil mahal ko siya…
Sobrang mahal na mahal ko siya…
Mahal na mahal!
Yung ultimo handa akong masaktan at walang paki-alam kahit durog na...


durog na akong umaasa sa isang pangyayaring imposible…
Nandoon pa rin ako at pinanghahawakan yung mga pag-asang:
” Baka pwedeng maging kami…”
” Baka mapansin niya rin ako at makilala…”
” Baka nire-ready lang siya ni Tadhana kaya natagalan at nais nitong maging handa siya para sa isang katulad ko…”
” Baka busy pa sa studies niya kaya hindi niya ako napapansin…”
Haysstttt!!!
Ang hirap!
Kahit pagod na pagod na ako kakahintay ‘eh narito pa rin ako at patuloy na naghihintay sa isang suntok sa buwang kahilingan…
Kung pwede lang sana kitang piliting kilalain ako!
Kung pwede lang sana kitang utusang balingan ako kahit sulyap lang!
Kung pwede lang sana kitang sabihang mahalin rin ako!
Matagal ko na sanang nagawa yan.
Matagal na sana…
Bakit kasi ganun?!
Ako yung narito at handang gawin lahat upang hindi ka masaktan pero nasa tao ka naman na ‘mahal mo nga pero sinasaktan ka lang at sinasayang…
Arrghhhhhhhhh!!!
Putang-in*ng pag-ibig ‘to!!!!!
Sinapol ako sa lalaking Hindi man lang ako kilala—ISANG MALAKING PUNYAWAAAAAA!!!!!!!!


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.