5

I was controlled by a Mafia boss Chapter One


Report

☆Chapter One: This Time☆
°°°°°°°°°°°°°
Third POV:
Sa mundo ng mga Mafia may nakaupo sa trono na tinatawag nilang ‘My Lord’.
“My lord may nag tapang tapangan na naman na kumalaban sa atin”, sabi ng isang lalaki. Pero tiningnan lang sya ng malamig ng kanilang pinuno.
“Kill them” cold na sabi ng kanilang lord.
“Opo my lord”, sabi ng isa pang lalaki.
Ang kanilang pinuno ay walang paki alam dahil alam niyang kayang kaya ng mga tauhan nya na patayin sila.
Hindi nya sasayangin ang oras nya sa walang kwenta at mahihinang kalaban.
Habang ang mga kaibigan nya ay tamihik lang sa gilid dahil ayaw nila uminit na naman ang ulo ng kanilang pinuno.
Ang kanilang pinuno ay pinakatatakutan at makapangyarihang tao sa buong mundo wala siyang sinasanto mapalalaki o mapababae man yan.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sa kabilang dako…..
May isang babae na mahimbing na tutulog sa kanyang kwarto, wari mo’y isang angel at inosenteng na tutulog.
Minulat nya ang kanyang mata na mapungay na kulay brown at may long lashes.
Tumayo sya sa kanyang higaan. Sa tindig nito ay akakalain mong isang manika na naglalakad. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang beywang, ang ilong na pointed nose at ang kanyang labi na masarap halikan. Ang porselana na balat na parang ayaw mong magasgasan o masagutan. Halatang alagang alaga ito.
Dumiretsyo sya sa kanyang CR para Gawin ang kanyang daily routine. Pagkalabas nya ng kanyang CR at ang pagkadating ng kanyang tatay tatayan na may dala ng pagkain.
“Ija kamain ka na”, sabi ng kanyang Butler. Tumango lang ang babae sa kanya dahil hindi sya nakikipag usap kahit kanino pero minsan sinasagot nya ang kanyang Butler.
Lumabas na ang kanyang Butler kaya kumain na sya, Hindi na sya lumalabas ng kanyang kwarto Simula nong nangyari sa kanya. Lagi lang sya sa kanyang kwarto dahil utos na din ng kanyang magulang, wala syang ginagawa sa kwarto kundi ang magsulat, magbasa at matulog sa kanyang kwarto.
17 years old na sya pero di pa nya nakakapag-aral sa tunay na iskwelahan, matalino syang bata pero natatakot ang kanyang magulang na baka mapahamak sa labas kahit na gustuhin nilang ipasyal ito sa magagandang lugar.
Magkaiba ang kanilang tirahan, kahit ganon ay dumadalaw parin ang kanyang magulang sa kanya.
Nag matapos syang kumain ay inilapag nya na lang sa isang gilid ang kanyang pinagkainan at gumuhid ng kung ano ano sa kanyang sketch book at pagkatapos ay nagbabasa ng mga aralin na inaaral na katulad sa school.
Pagkatapos nyang mag aral ay natulog ulit sya.
Sakabilang Banda………
“Hon di kaya ito na ang panahon para lumabas naman ang anak natin”, sabi ng ginang sa kanyang asawa.
“Pero–” naputol ang sasabihin ng kanyang asawa ng nagsalita ulit ang ginang.
“Oo, alam ko hon pero nakaraan na yun, di ba? Ito ang tamang panahon para sumaya naman ang anak natin sa labas, Hindi yung nakakulong sya sa kanyang kwarto habang buhay”, sabi ng ginang.
“Sa tingin ko nga hon..”, nakangiting sabi ng kanyang asawa.
“Pero, kapag lalabas sya dapat may kasama sya para naman kapag may nangyari sa ating anak ay mayroon syang tagapagligtas”, dugtong pa nito.
“Thank you hon”, at hinalikan sa pisngi ang kanyang asawa.
“Dapat magbonding tayo sa paglabas nya, ipapasyal natin sya kasama tayo”, nakangiting sabi ng ginang.
“Ok, pero kailangan...


natin taposin ang mga Gawain sa business at tawagin mo nalang ang kanyang Butler para ihatid ang magandang balita.”, sabi naman ng asawa nito. Naikinatango naman ng kanyang asawa nito.
Tinawagan naman ng ginang ang tagabantay sa kanyang anak.
Cring* cring*–
“[ Hello po ma’am]” sabi ng nasa kabilang linya
“Where’s my daughter?” Tanong ng ginang sa kanya.
“[Nasa kanyang kwarto po ma’am natulog po ulit]” sabi ng Butler.
“Ok, if she woke up just tell her that we will go out and Bonding outside”, nakangiting sabi ng ginang.
“[Talaga po ma’am!? Sigurado po akong matutuwa po sya]”, natutuwang sabi ng Butler dahil sa wakas makakalabas na ang kanyang alaga.
“Hahaha yeah and tell her that mommy and daddy loves her”, sabi ng ginang.
“[Sige po ma’am. Wait po ma’am kailan po ba yan ma’am para ihatid ko po sya sa inyo ]”, tanong ng butler.
“Sa Saturday at 8 AM.”, pagkatapos nyang sabihin ay binaba ng ginang ang telepono at dumiretsyo sa kanyang asawa at Sabay silang umalis papuntang office nila.
°°°°°°°°°°°°°
Butler POV:
Kakatawag lang sa akin ni ma’am na lalabas silang magkapamilya. Sobrang saya ko dahil pwede nang makalabas ang alaga ko dahil naging anak na ang Turing ko sa kanya. Simula noong nanilbihan ako dito di ko syang nakikitang lumabas ng bahay, 8 years old palang sya noon pero mailap na sya mga tao.
Di ko alam kung bakit sya nagkaganyan, ang alam ko lang ay may nakaraan daw sya na hindi pwedeng sabihin sa iba.
Umakyat ako sa taas kung gising na ba sya. Lagi na lang kasi itong tulog, di nagsasawa.
(Knock! knock! knock!)
“Ija, gising ka ba?”, Tanong ko dito sa labas.
“Opo”, malambing na sabi nya sa loob. Binuksan ko Naman ang pinto, nakita ko naman syang humihikab mukhang kakagising lang.
“Pasensya na kung nagising kita”, hingi kong pasensya pero na nginitian nya lang ako ng maliit. Pinatong ko naman ang kamay ko sa ulo nya at hinimas ito.
“Sabi ng mommy mo lalabas daw kayo sa sabado”, sabi ko at tinanggal ang kamay. Napatingin naman sya sa akin na nanlalaki ang mga mata. Ang cute ng batang toh.
“Huh? Why po? Ayaw ko po sa labas maraming monster doon”, sabi nito. Nginitian ko lang sya.
“Walang monster sa labas ija, diba sabi mo sa akin big girl ka na. Dapat matapang ka kung inaalala mo yung nakaraan mo, itapon mo na yun kasi matagal na yun ija. Nandito naman ang parents mo para bantayan ka at ako din”, sabi ko sa kanya.
“Pero…. pano kung–” di ko sya pinatapos.
“Past is past di mo na dapat balikan yun. Nagdadalaga ka na ija, Walang patutunguhan ang buhay mo kung nandito kalang sa kwarto mo habang buhay. Wag mo pairalin ang negatibo sa isip. Ok? At sabi pala ng mommy mo love ka daw nila ng daddy mo” sabi ko ulit. Nagulat ako dahil sa biglaan nyang pagyakap sa akin.
“Thank you tatay, you always here beside me.”, Umalis Naman sya sa pagkakayakap sa akin.
“Basta po, you come with us ah”, sabi nya nakangite minsan lang sya ngumite pero ngayon napadalas na ah. Tumango ako sa kanya kaya tumayo ako dahil alam kong matutulog ulit ito nakasanayan na nyang matulog. Lumabas ako ng kanyang kwarto at bumaba na.


5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.