0

HIS UNWANTED WIFE CHAPTER 2


Report

HIS UNWANTED WIFE
CHAPTER 2🌼
Kinabukasan, Nagising ako ng maaga at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos, nag handa na ng mga pwede kong lutuin.
Habang nag hahanda at naghihintay na matapos ang aking ginagawa, napagpasyahan ko munang pumanhik sa taas upang tignan ang aking asawa.
Akmang pipihitin ko na ang pintuan ng bigla nalang itong bumukas at sa aking pag kagitla , agad Kung inihanda ang dala-dala kong sandok upang ipampalo at sa diinaasahang pangyayari napukpok ko ang braso ng aking asawa at yun ay labis nyang ikinagalit at agaran akong sinakal.
Nakaramdam ako ng kaba at labis ang aking takot sapagkat patuloy na humihigpit ang kanyang hawak sa...


aking leeg dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos.
Tanging mahinang paghinga kona lamang at walang tigil sa pagluha’t pag hikbi ang aking nagawa habang nakatigtig sa mata nyang puno ng poot at galit na animo’y nagliliyab at,
sinusubukan kong tanggalin ang kanyang kamay sa aking leeg dahil pakiramdam ko’y ako ay makakapusan na ng hininga ngunit , sadyang sukdulan ang pagkamuhi’t suklam nya sakin dahil habang patagal ng patagal, mas lalong humihigpit ng humihigpit ang kanyang pagkakasakal sa akin.
Huli na ng pakawalan nya ang aking leeg pagkat sabay nun ang pagtigil ng aking paghinga, at naramdaman ko ang unti unting pag bagsak ng aking katawan.
Mamamatay naba ako?.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.