0

HIS OBSESSION


Report

HIS OBSESSION”
PROLOGUE
“Saan na ba tayo? I guess we are lost in this woods,” sabi ko at pinagpatuloy ang pagtabig sa mga dahong nakaharang sa dadaanan namin.
“I guess? Bat pa ba kase nasira ‘yung kotse natin,” maktol ni Daphne at napakamot sa ulo niya. Kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat niya dahil nasa unahan siya.
“Just continue walking. We need to find a place to stay,” sabi naman ni Dale.
Medyo gumagabi na rin kaya kailangan na naming madaliin ang paghahanap ng matutuluyan.
I wiped my sweat. Kanina pa kami lakad ng lakad kaya sumasakit na rin ang paa ko. We don’t even know kung tama ba ‘tong tinatahak namin.
“Are you okay?” Napatingin ako sa nagsalita. I saw Hexus, kahit kailan talaga ang gwapo nito. His messy hair touches the wind.
Ilang sandali pa bago ako sumagot. “Yeah, medyo masakit lang paa ko.” Nakangiti kong sagot at pinipilit pa ring maglakad.
Napahawak ako sa balikat ni Hexus ng bigla niya na...


lang hinawakan ang paa ko.
“Saan dito ang masakit?” Nakatingala niyang tanong sakin dahil nakaluhod siya. Napaiwas muna ako ng tingin bago tumikhim.
“Yung kanan,” napatango tango siya at hinilot agad ito. I felt awkwardness.
“Its done. Still hurts?” Umiling ako bilang sagot. Parang ayaw magsalita ng bibig ko.
“Let’s go then baka maiwan nila tayo,” sumunod ako sa kaniya. Gosh I forgot to thank him.
“Teka Hexus, sandali. Hintay,” sigaw ko dahil ang bilis niyang maglakad. Balak niya bang iwanan ako?
Tinakbo ko na ang daan at hindi inalala ang paa kong medyo masakit pa.
“Hexus thank y—,” magpapasalamat na sana ako sa kaniya kaso napansin kong tumigil sila at parang may tinititigan.
Napakunot noo ako at inalam ang tinititigan nila.
I saw a gate, an old gate. Kinakalawang na rin ito.
“I think we already find a place to stay,” Trixie said. Tinitigan ko pa ito ng mabuti na parang sinusuri ang kabuuan.
May napansin akong nakaukit dito kaya binasa ko.
“Death University.”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.