1

HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 21


Report

( PAUL SANTIBAN )
______________
Oras na ng uwian at magka sabay na lumabas sina Elma at Sherin, nakita nila ang grupo nina Amanda sa may hindi kalayuan at hindi naka ligtas sa kaniyang paningin kung paano tignan ng masama ng babae ang kaniyang kaibigan. Ngunit ng mapansin ng babae na naka tingin siya rito ay kaagad itong napalitan ng Takot. At mabilis na yumuko.
Hindi niya alam kung bakit ang ibang kaklase niya lalo na ang mga Boys , na nuon ay nag papa-pansin sa kaniya ,at ngayo’y nag tataka siya Kung bakit yumuyuko ang iba sa kaniya.
“Oo narinig konga rin ang sinabi ni miss Stepani, sinabi niyang asawa raw ni Paul Santiban ang bagong Transperi ”
“Akala ko girlfriend lang ni Papa Paul. Sayang ”
” kung ganon siya asawa ng Mafia boss .. Nako lagot na , diba inaway yun ni Amanda ? ”
“Akala ko talaga hindi yun nag tatagalog. Pilipina rin pala. ”
Iilan lang yan sa mga nariRinig ni Sherin sa kanilang pag lalakad ni Elma kaya napa hinto siya at hinarap ang kaniyang kaibigan.
“Elma ano yung Mafia boss ? Ngayon kulang ata yun narinig? ” kunot nuong tanong niya sa kaibigan.
“Emmp Mafia Boss ? Sa pag kakaalam ko yan yung mga taong kinatatakutan. At marami ring kalaban Pero di ako sure ha. Bakit pala? ” sagot naman ni Elma
” ah narinig kulang sa mga bulungan ng mga kaklase natin. Saka kanina kopa napapanisn bakit lahat ng nakakasalubong natin. Maging ang, mga kaklase natin kanina ay palaging naka Yuko at hindi ako pinapansin. Hindi katulad nung unang pasok natin ang daming namamansin. “. Pag tataka niya
” pansin ko nga. Ang weird nga eh. Tssk hayaan mo nanga . Tara samahan mo ako sa 7/11 may bibilhin lang ako. ” ani ni Elma.
” huh? Pero susunduin ako ni Paul ”
” saglit lang naman tayo heler , Besty ang lapit lapit lang oh. ,saka may bantay ka naman . Sabihin mo dyan sa Dalawa na sabihan nila si Paul mo para dika hanapin. ” ani ng kaniyang kaibigan kaya binalingan niya ang dalawang bantay.
” Piter pwede paki tawagan si Paul. Sabihin mong pupunta lang kami ni Elma sa 7/11 at dumito lang kayo. Mabilis lang naman kami. Dyan lang oh napaka lapit lang ” ani ni Sherin sabay turo sa Gawi ng 7/11 , hindi naman kalayuan at natatanaw lang.
” sige tatawagan namin si Boss miss Sherin pero. Hayaan niyo kaming sundan namin kayo. Yun ang mahigpit na pinag bibilin ni Boss. Kami po ang malalagot ” sagot ng isang bantay.
Nagka tingin muna sina Elma at Sherin ,tumango naman ang kaibigan kaya wala siyang nagawa kundi pasamahin na lang ang dalawa
Tinawagan muna ng bantay si paul para ipasabing pupunta sila ng 7/11 , pumayag naman ito at sinabing paalis palang papunta rito upang sunduin siya.
Hindi paman sila nakakalabas ng Gate , ng may isang kulay puting van na huminto , kasabay ng pag labas ng limang armadong lalake ,at mabilis ang mga itong pinaputukan ang dalawang bantay niya , ang isa ay tinamaan sa binti at dibdib si piter naman ay sa balikat at Binti maging si Elma ay tinamaan rin sa balikat , habang si sherin naman ay mabilis nilapitan ng Tatlong armado at may kinuha ang isang lalake sa bulsa nitong isang panyo at mabilis na itinakip sa ilong ni Sherin dahilan upang mawalan ng malay ang dalaga.

Naka rating na ng 7/11 si paul upang sunduin na si Sherin. Duon na siya dumeretso dahil yun ang sinabi ng bantay ng dalaga. Ngunit pag pasok palang niya ay wala siyang nakitang Sherin or Elma maging ang dalawang bantay ay wala rin. Kinuha niya ang kaniyang phone upang tawagan si Piter ngunit nag Riring lang at walang sumasagot kaya kinabahan na siya. mabilis niyang tinakbo ang kaniyang Kotse. At Tinungo niya ang School ngunit malayo palang ay natatanaw na niya ang mga nag kuKumpulang mga Tao , meron rin mga Pulis kaya napa kunot nuo siya. At hindi na niya naipark ng maayos ang kaniyang sasakiyan. Bumaba siya ng kaniyang kotse at lumapit sa mga ito. Kaagad naman siya nakilala ng mga Pulis kaya nag bigay galang ang mga ito.
“anong ng yare dito ” tanong niya sa isang pulis.
” Sir may kidnapping na ng yare dito. Ayun sa mga naka kita ay dinukot ng mga armado ang isang estudyante sakay ng isang puting van . at ang mga kasamahan ng biktima ay...


tinamaan rin kaya mabilis ng naisugod sa Hospital ” sagot ng isang pulis.
Napa hilot naman sa Nuo si Paul dahil sa sinabi ng pulis sa kaniya . , mag tatanong Pa sana si Paul ng may biglang tumapik sa braso niya. Kaya napa lingon siya rito.
“Stepen ? “. Sambit niya ng makilala niya ito.
“Yes ninong , si Sherin po, siya po ang dinukot, ang dalawang bantay naman at si elma ay nasa Hospital na dahil tinamaan sila , tatawagan sana kita kaso wala ka palang number saakin kaya si ninong Paulo nalang ang tinawagan ko. ” sabi ng binatilyo.
“Sh*t ” lihim na napapamura si paul
at kinuha ang kaniyang phone upang tawagan si Marco.
“Marco e ready mo ang grupo. Maging ang mga Gamit ” sabi niya sa kausap. Hindi naniya hinintay maka sagot si Marco at pinatay na ang tawag. Pagka tapos ay siya namang pag vibrate ng kaniyang phone at nakita niyang tumatawag si Paulo. Kaya kaagad niya itong sinagot.
πŸ“ž kuya? Nasaan ka? Si Sherin —
“I know, sumunod nalang kayo , mauuna na kami ” sagot niya at pinatay na kaagad ang tawag.
Muli niyang binuksan ang gps ng kaniyang phone at nilocate ang kinaroroonan ni Sherin pagka tapos ay ipinasa niya ang location kay Paulo .
Ang Relo ni Sherin maging ang Hikaw nito ay nilagyan ni Paul ng Tracker with camera kaya lahat ng nang yayare sa dalaga ay nakikita niya kung saan ito naka Harap.

Nagising si Sherin dahil sa may kung sinong tumatapik sa kaniyang Pisngi kaya dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mata. Pag mulat palang niya ay isang matandang lalake ang kaniyang nakita. Kung titignan ito ay nasa Edad na 60 plus na
Kunot nuo niyang sinalubong ng tingin ang matandang lalake. At tatayo na sana siya ng bigla siyang matumba , duon niya napag tantong naka Tali pala siya sa isang upuan na gawa sa Kahoy.
Maging ang kaniyang dalawang paa ay naka Tali rin.
” aaaaargh sino ka? ! anong kailangan niyo saakin? Bakit ako nandito? ” sigaw niya sa matanda
” napaka ganda mo naman , kaya naman pala baliw na baliw sayo ang dalawang lalakeng yun . ” ani ni Gustavo sabay himas sa makinis na pisngi ni Sherin.
“anong pinag sasabi mo. ? Sino kaba? anong kailangan mo saakin? Hindi ako mayaman kaya wala kang mapapala saakin. ” sigaw ni Sherin kaya tinawanan na lamang siya ng matanda.
“Ikaw ang magiging alas ko para sa mga Santiban .baka mamaya ay nandito na sila para iligtas ka. Pero bago mang yare yun. Pakikinabangan muna kita. Hahahaha”. Sagot ni Gustavo at tumawa ito ng mala dem*nyo
“H*yop ka. Pakawalan mo ako dito ” sigaw ni Sherin kaya malakas siyang sinampal ni Gustavo dahilan para mawalan nanaman siya ng Malay.
“Napaka ingay mong bata ka. Ang sakit mo sa Tenga ” sabi ni Gustavo at hinimas himas nanaman ang mukha ng dalaga.
“Emmmp napaka bango mo at napaka kinis mo ” bulong ni Gustavo sa walang Malay na dalaga
“Sisiguraduhin Kong malamig ka ng bangkay pag dating ng mga taga pag ligtas mo . Tignan kolang kung hindi mabaliw ang isang Santiban ” naka ngising sabi ni Gustavo at tumayo na.
“Bantayan niyo ito mabuti . Pag yan naka takas tatanggalan ko kayo ng ulo isa isa. “Sabi ni Gustavo sa mga tauhan .

“Bosing bad news! ” humahangos na sabi ng isang tauhan ni Jeppy na inutusan niyang mag bantay rin kay Sherin sa malayo.
“Ano?! ” kunot nuong baling ni Jeppy sa tauhan habang sumisinghot singhot ng Sy*bu ”
“Bosing kinidnap ng mga tauhan ni Senior Gustavo si Miss Ganda. ” pag babalita ng tauhan kaya napa tayo kaagad si Jeppy.
“What?! D*mn that oldman ” sambit niya at kaagad na kinuha ang kaniyang phone para tawagan si Gustavo . Ngunit hindi ito sumasagot kaya mas lalong ng gagalaiti sa Galit Si Jeppy.
“Aaargh !! papatayin ko talaga ang matandang yun pag may ng yareng masama sa Queen ko ”
“ihanda mo ang mga tauhan. Kailangan tayo ang unang maka kuha kay Sherin kailangan maunahan natin ang mga santiban. ” utos ni Jeppy sa Tauhan na kaagad naman sinunod nito.
//to be continue……
*********
Matatapos na kaya ang kasamahan ni Gustavo.?
Malalaman na kaya ni Jeppy ang katotohanan sa pagka matay ng kaniyang tunay na ama?
Sino kaya ang makaka pag ligtas kay Sherin sa kamay ni Gustavo?
ABANGAN sa Next Chapter 22 ng HIS HEARTLESS LOVE πŸ’• THANKYOU PO . β€οΈπŸ€—


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.