0

HIS FIRST LOVE


Report

HIS FIRST LOVE”
written by—Solene Terpischore
—take time to read this
“Mahal!” pagtawag ko kay Ken habang busy ito sa kaniyang ginagawa.
“Mahal!” ikalawang tawag ko at humanap naman ito sa akin.
“Gusto ko kapag ikakasal ka, dito mo dapat gagawin sa simbahan na’to.”
“Bakit naman ako lang, dapat tayo! kapag ikakasal tayo dito na’tin gaganapin.” wika nya habang hinahagpos ang aking mukha ng dahan-dahan.
“Mahal mangako ka na tutuparin mo ’yang pangako mo ah!” hinawakan nya naman ang kamay ko at itinapat sa dibdib nya.
“Pangako Feyre mahal ko.” tugon naman nito sa akin at ako ay napa-ngiti na lamang.
________________
Nandito ako ngayon sa simbahan kung saan tahimik na nakamasid sa kasal ng aking taong iniibig.
Oo, ikakasal na sya ngunit hindi na ako ang kanyang kapareha.
Minamasdan ko ang kanyang dahan-dahang paglalakad papunta sa may harap ng altar, ’yan ang lalaking mahal ko, sambit ko na lamang sa utak ko habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko.
Lahat naman ay napatingin ng biglang tumugtog ang isang awitin, at biglang pagbukas ng pinto, kasabay nitong pumasok ang aking kakambal na si Arielle.
Kahit masakit sa aking kalooban ay pinakita...


ko sa kanyang okay lang sa akin na maging kanyang maid of honor.
Sya ang unang minahal ni Ken na hindi ko akalaing mahal parin niya hanggang ngayon.
Naghiwalay sila sapagkat umalis ang kapatid ko mas pinili nya ang mag-aral sa USA, dahil sa nakuha nyang scholarship.
Naiwan si Ken at ako ang tumulong sa kanya kung paano umahon ulit. At ngayon mag-isa lang ako na tutulungan ang sarili ko kung paano babangon muli, sapagkat ginusto ko ito.
Hindi ko na napigilan ang luha ko habang patuloy na minamasdan ang lalaking mahal ko na ikakasal sa kapatid ko.
Pumayag akong magpagamit sa kanya kahit alam kung masasaktan ako sa dulo. Kaya nasabi ko ang mga salitang ’yon sa kanya noon ay dahil alam ko na, no’ng mga oras na ’yon mas iniisip n’ya ang kapatid ko kumpara sa akin.
Hindi ko na nakayanan at mabilis akong tumakbo palayo sa simbahan, ayoko mang sirain ang kasal nya ngunit hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay unti-unting sinasak-sak ako.
Kahit ganon hangad ko parin ang kaligayahan nilang dalawa. Marahil dito na nagtatapos ang aming istorya, masakit mang tanggapin ngunit ito ang nakatakdang wakas.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.