0

Hipa


Report

Hello, ako po si Angelica dating ofw sa taiwan, honestly noong una di ko talaga type yung future husband ko ngayon,..marami akong ka chat da taiwan nasa ibat ibang bansa sila may qatar, saudi, pinas, at taiwan, sa lahat ng ka chat ko siya lang talaga ang naiba kasi di ko siya kilala..nagkakilala kami sa isang post sa facebook ng isang admin, actually nakalimutan ko na ang page nayon, ang nakalagay doon kasi mag comment ang mga babae with their age at mag like ang mga lalaki sa comment ng babae..kaya noon ng comment ako kun ilang taon ako noon, 26 ako noon..tapos yun nga nag like siya sa post, at first parang wala lang sa akin kasi nga may mga ka chat ako noon. Cguro na kwestyon niyo kung bakit marami akong ka chat, dahil sa broken hearted ako, na blind ako ng dati kong ex akala ko kami na..ang sakit2x talaga nun pero syempre strong ako kinakaya ko kasi nga nasa ibang bansa ako baka ano pa mangyari sa akin, iniisip ko nalang pamilya ko na nagangailangan sa akin dahil bago ako nag abroad nasunugan kami kaya napilitan akong mag abroad, wla talaga akong balak nun. At yun nga, ginawa ko lahat pero una, binuhos ko lahat ng luha ko cguro mga isang buwan๐Ÿ˜…, tapos nagpa ganda ako gumala sa taiwan. Pero bakit ganun parang hindi ko pa rin siya nakalimutan, ..isang araw may nag chat sa akin kakilala ko bali school mate ko siya at kaklase pa ng ex, nag chat kami noon mga ilang araw, nag call pa siya nun, pero parang wla eh tapos may isa nanaman nasa saudi pero pinoy pa rin, wla pa rin parang naalala ko pa rin ex ko, tapos chef sa pinas lang hiya cjef siya sa 5 star hotel sa cebu friend siya ng kaklase ko or siya yung mentor ata of main chef sa kanila tapos may anak at asawa na pala pero di pa kasal, umiwas ako syempre baka mapano pa ako hindi naman ako desperadang babae, hnaggang yun nga may isang post na groups na mag comment ang mga girl at mag like ang mga boys, natawa pa nga ako kasi may nag comment ng 65 ata yun๐Ÿ˜…, buti pa si nanay ang lakas ng loob…Yun na nga..itong partner ko medyo masungit, (kala mo gwapo)๐Ÿ˜…, Yung una parang wla lang sa akin na nag comment siya tas parang na intriga ako nung nakita ko na yung profile niya sa fb,..kaya yun ina add ko siya sa fb, ako pa talaga nag add๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…, hay naku akala mo talaga gwapong gwapo eh minsan di pinapansin yung mga chat simply lang yung mga sagot, okay mga ganun lang kaya parang nagka interest ako,..may 1 time di siya nag chat sa akin mga 1 week po talaga medyo nainis ako..sabi ko ang suplado at sungit naman nito..sabi ko pag 1 week ka nag reply or chat sa akin e delete na tlaga kita sa mga messenger ko..kaya hindi ko na yun iniisip kasi nga may iba din akong ka chat..landi pero friend lang talaga yung feeling ko sa kanila, yung ka chat ko na pinoy rin na nasa taiwan, medyo naka close ko siya…nagpalitan kami ng mga picture kung saan siya at saan ako, pero parang friend lang sa akin pero sa kanya parang iba na kasi nga nagpalitan na kami ng mga picture nagtatawagan hindi naman ako manhid na di ko alam na may gusto siya pero wla talaga sa akin, hanggang sa 1 week na palugit ko na ibinigay sa ka chat ko na suplado which is future husband ko na ngayon, biglang nag chat, nag chat siya sa huling araw, at ang araw na yun ay kung kailan uuwi ang friend ko ng pinas dahil buntis siya, nag post lang naman ako sa fb na prank na uuwi na...


ako pero ang totoo talaga eh yung friend ko ang uuwi, ang mokong bigla ba namang nag chat sa akin na uuwi ka na pala?, nagtayuan mga balahibo ko noon kasi sabi ko lagpas na ba 1 week or hindi tiningnan ko yung date kung kailan last chat ko sa kanya, at yun pang last day na plaโ˜บ๐Ÿ˜…, kaya pagkauwi na ng friend ko nag chat na kami sa bahay or dorm namin sa taiwan, at doon ko nalaman kung bakit di siya naka chat, may sakit pala siya na tuberculosis nakkahawa daw po, halos di na siya makahinga paglumakad siya ng malayo..ilang hakbang lang daw sa hagdanan kinakapos na siya ng hininga, at doon medyo naawa ako, napaisip ako baka kailangan to ng kausap wla pa akong feeling sa kanya noon naawa lang po talaga ako..hanggang sa nag chat na kami lage, sabi niya sa akin kulit ko daw kasi chat ako ng chat sa kanya naiinis daw siya minsan๐Ÿ˜…, pero nung nagkasakit siya at nakita niya post ko na akala niya ay uuwi na ako nag chat ng pasalubong daw๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…, siya pa may galit ganda ko kaya๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…..ang oayat niya po talaga noon larang matanda na..kaya medyo naawa po talaga ako..hanggang sa isang araw parang medyo gumaan na loob ko sa kanya, nag story oa siya sa nkaraan niya po..apat pk naging ex niya at puro broken hearted siya, yung isa nakita niya na maykasamang iba, yung iba wla di na nagpakita sa kanya yung last talaga medyo nasaktan siya..live in niya po yun 6 years , pinaghiwalay sila ng lolo ng babae, mayaman po kasi at ayaw daw po sa kanya, gustong ipaglaban siya ng babae pero ayaw niya niya raw yung ayaw sa kanya yung mga parents kaya nagoaubaya siya..doon inom siya ng inom everyday at yusi daw gala ng gala(kahit payat na)..hanggang sa bigla niyang tinigil na bagok cguro ulo pero mga ilang months yun nga nagkasakit siya..jay yun yung story niya. Nung narinig ko to na appreciate ko kasi po wla papo kami noon ha di pa kami pero ang open na niya sa akin, cguro pag maysakit talaga emosyonal na at gusto na ipagsabi sa iba yung mga naranasan nila..kaya nag open din akk sa nakaraan ko, siya yung nagsabi sa akin na tiwala lang daw ako at mawawala daw yung sakit, pareho pala kami 1 year ng broken hearted๐Ÿ˜…, kaya nahulog po loob ko sa kanya hanggang sa nanligaw siya sa akin, sa fb at sinagot ko siya mga isang buwan lang sa fb din, nung nalaman ng ka chat ko sa taiwan oarang nanlumo siya pero kino congratulate naman niya ako, yung iba di ko na chinat na kasi nga ayoko magloko kasi loyal naman talaga sadya lang talaga naloko ako๐Ÿ™, at yun nga pinapatatag ko loob niya n makayanan niya lahat ng nangyari sa kanya kasi nga po kala ko po talaga hindi siya ma okay, at hito na po ikakasal na po at hoping magkakaroon na ng baby..ang dami po naming time na parang gusto ko ng sumuko kasi di naman talaga maiiwasan at may mga away talaga, at oo nga pala sinagot ko siya hindi dahil gusto ko na talaga siya..sinagot ko siya kasi naawa ako sa kanya, baka kasi pag diko sinagot eh baka dina ma lift up yung utak niya dahil sa mga nangyari sa kanya baka paghinaan siya nang loob pero unti unti nahulig na talaga loob ko sa kanya, kaya nung nagbakasyon ako sa pinas yun yung firts time na nagkuta kami at umuwi kamj ng cebu taga cebu po kasj akk pala..at untj unti din siyng lumakas na oo at nGing okay na. .
Sana yung story ko ay nagbigay ng inspirasyon po sa mga nagbabasa nito, may pag ibig po sa facebook bsta totoo lang po kayo at hindi pakitang tao..Maraming salamat po

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.