0

Hindi titigil


Report

Hi Crush,

Ako nga pala si Vee.
Isang simpleng babae.
Oo, simple lang kaya nga hindi mo ako mapansin eh.
Hindi mo ako mapansin kahit na magkaklase lang naman tayo.

Kumbaga sa damit, ako yung napakaluma na at simple, pero SYA… sya yung bago na hindi nakakauta sa paningin at magarbo.
Kung sa artista, sya yung sikat at bida… Ako yung extra.
Sya yung tipong nakaputi kayong lahat at sya yung nakapula, pansin na pansin diba???

Oras na mabasa mo ito,
Pero siguro hindi mo ito mababasa.
Hindi kasi ikaw yung tipo ng taong magbabasa ng ganito.
Kadalasan kasi ikaw yung taong walang pakialam sa mundo. Tipong parang may sarili kang mundo.
Kilala mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko diba???

Nakakatawa lang kasi, akala ko matutuwa ako oras na malaman ko ito…………...


Siguro naaalala mo pa yung araw na ito, January 7, 2017. Birthday ng taong gusto mo.
Hindi ikaw yung tipo ng lalaking mag eeffort.
But you did.
Balloons??? Heart shape chocolate???

Ang sweet mo pala.

Pero hindi ikaw ang gusto nya.
Yes, hindi ikaw.
At sinabi nya mismo yun sa harap ng maraming tao.

Ito din yung araw na akala ko magiging masaya ako.
Kasi diba? Hindi ka nya gusto? Malabo na na maging kayo.
Pero hindi ei, kasi doble yung sakit na naramdaman ko nong mga oras na yon.
Doble.

Mas masakit pala yung makita kang umiyak mismo sa harapan nya, sa harapan ng maraming tao.

Pero hindi ka tumigil na patunayan na mahal mo tlga sya. At hindi rin ako tumigil na mahalin ka kahit may mahal kang iba.

…Vee


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.