0

Hindi pa pala siya nakaka move on sa ex niya


Report

Hindi pa pala siya nakaka move on sa ex niya
“Please pick up the phone babe.” kanina ko pa tinatawagan ang boyfriend kong si Paul pero hindi siya sumasagot.
Maski ang mga text ko ay hindi niya pinapansin. Nag aalala na ako sa kaniya ng sobra baka kung ano ng nangyari sa kaniya
Biglang bumukas ang pinto ng aming kwarto at iniluwa noon ang boyfriend kong lasing na lasing. Tila nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang ligtas.
“Babe, hmm. I love you.” tumayo ako at lumapit sa kaniya para alalayan siya papuntang kama.
Inihiga ko siya doon atsaka hinubadan siya ng damit. Sandali kong tinitigan ang mukha niya, at ng di makapag pigil ay pinaglandas ko ang kamay ko sa kilay niya papunta sa mata niya.
“Alicia.” napatigil ako sa ginagawa at tumitig sa kaniya.
Mabilis...


ang tibok ng aking puso, ang aking mga labi ay bahagyang nakaawang. Nagulat ako sa pangalan na binanggit niya, pangalan iyon ng ex niya, ng first love niya.
“A-alicia b-babe, i-i love you. B-balik ka na. M-miss na miss na kita, i-i love you so much babe.” napakurap kurap ako sa aking narinig
Tila hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito sa kaniya ngayon. Napatakip ako sa aking bibig para hindi mag likha ng ingay, tumayo ako at lumayo sa kaniya.
Hindi pa pala siya nakakamove on sa ex niya. Napangiti ako habang umiiyak, si Alicia pa din pala ang mahal niya. Tumingala ako para mapigilan ang pag daloy ng luha sa mata ko pero tuloy tuloy pa din ito sa pag agos.
Hindi pa pala niya nakakalimutan ang nararamdaman niya sa first love niya.
_____
๐Ÿ@skyzapanta.14


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.