2

hindi na babalik pa ang dating tayo


Report

November 06, 2017 ng may magchat sa’kin. Tawagin nalang natin siya sa pangalang “Pat”. Gwapo, matangkad, maputi, mabait at seloso. Ito yung unang araw na nakilala ko siya ng husto. ” husto” talaga kasi EX siya ng BESTFRIEND ko. Ohhh ddiibbaa?. Angsweet niya pala. Pero iniisip ko, sa isang buwan na naging sila ng kaibigan ko. Bakit di niya nagagawang ilabas mga sweet words niya sa kanya. Malalaman din natin. Soo eto na nga. Buong araw kaming magkachat. Hanggang sa humaba haba na nga paskwekwentuhan namin through chat. Nagngingitian na kami sa school. Then, it’s Monday habang nagrereview kami sa journalist. Dumating mga barkada niyang tatlong babae. Tinawag ako. Kinakabahan ako that time. Kasi di kami close ng mga nun. Pinakiusapan nila akong sagutin ko na daw si Pat. Hanggang sa nasagot ko sa kanila na pag-iisipan ko muna. Soo ayun umalis na. Fassttt forward tayo. November13,2017 ng maging kami. Sinagot ko na siya. Mali man na EX siya nga KAIBIGAN ko. Pero no choice. Mahal ko na siya ihh.. Tsaka sinabi rin niyang ginamit lamang daw niya yung bestfriend ko para mapalapit sa’kin. Anggggaling. Hahaha. Kaya pala di niya magawang maging sweet sa bestfriend ko nung sila pa. Sooo eto na.. December 16,2017 ng maghiwalay kami. Dahil sa di maintindihan na dahilan. December22, 2017 ng magkabalikan kami. Mas naging sweet na siya. Mas nagkasunduan na kami. Nagtagal kami ng 7 months. August18, 2018 nung magdecide akong maghiwalay nalang kami....


Kasi nabalitaan kong nanliligaw daw siya sa isa sa mga tatlong babae na nakiusap sa’kin nun. Ayun nga nakipaghiwalay ako. Di ko pa hinintay yung reply niya. Blinock ko na. Kasi masakit ih. Sana tumakbo nalang siya palayo. Di yun pabagal-bagal. Fasstt forward. Isang barkada ni Pat yung nanliligaw sakin. Matagal ko na siyang crush. Opening nun nung last year. Gwapo siya. Tapos maporma yung motor. Mahilig din kasi ako sa mga motor. Hanggang sa natanong ko sa kanya kung bakit ngayon lang siya manligaw sa’kin. Kung bakit ilang beses akong sinaktan ni Pat. Ngayon lang kung kailan durog na durog na ako. Sinagot naman niya ng maayos. Dahil daw andaming nanliligaw sa’kin nung opening last year. Baka daw siya yung mareject ko. So kami parin hanggang ngayon. Pero si Pat nagchachat padin sa’kin. Nagreply siya sa myday ko na maganda daw ako. Nagreply din ako ng ” yan nga pala yung pinagpalit mo sa sarili mong bestfriend “. Hanggang sa gusto daw niyang makipagbalikan. Pero ayoko na ih. Ako kasi pag once na iniyakan ko na yung isang tao. Ayoko na ulit na maging parte pa siya ng buhay ko. Goodbye sayo ex. Pakasaya kayo ng bago mo.

Matuto kayong magbigay ng halaga sa mga taong mas pinipili na mag-stay o makasama ka. And kung magmahal ka man. Mahal lang hindi mahal na mahal. Para kung nasaktan ka. Masakit lang. Hindi masakit na masakit.

*sana magustuhan niyo*


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.