0

HINAHABOL AKO’T PINAG–AAGAWAN


Report

HINAHABOL AKO’T PINAG–AAGAWAN”
Ako nga pala si June. Sobrang gwapo’t ang lakas ng dating sa mga tao lalo na sa mga mahihina.
Tulad mo!
Ayeee‚ bet mo din ako ano?!
“June! June!”
Sigaw ni aling bebang habang tumatakbo upang ako’y maabutan niya.
Hayts! Nakita na naman ako ng matandang ’to!
Arrggh!
Hindi ako lumingon sakaniya kahit naririnig kong tinatawag niya ako.
“Uyy‚ June!”
“Sa wakas nagkita din tayo!”
Bungad sa akin ni Jino. Ang kaibigan kong bakla.
“A–Ah‚ hmm…Anong ginagawa mo rito Jino?”
Tanong kong nauutal dahil sa gulat. Bigla kasi siyang lumantad sa harap ko.
“June! Hay salamat at naabutan din kitang bata ka”
Ani ni aling bebang habang habol ang kaniyang hininga.
“Oh? June‚ ikaw ba ’yan?”
Saad naman ng magandang dalaga at ngumiti lamang ako.
Lagot na!
“Hoy‚ June! Kahapon pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala sa kalsada nagkakalat!”
Mataray na sabi sa akin ni Gemma.
Ano nang gagawin ko?!
Help me!
Grabe ganito ba ako kagwapo?!
Waaah!
“June‚ sino ang mga ’to?”
“Tila atang may kailangan din sila gaya ko”
Wika ni Jino habang masama ang tingin sa akin.
Hala! Nagseselos ba itong bakla na ito?!
Grabe selp! Ang gwapo mo talaga! Pati lalaki nahuhulog na sa ’yo!
Akmang sasagot ako ng nagsalita si Gemma.
“Ako muna ang kakausap kay June”
“No! Ako muna!”
“Ang matandang ’to! Tsk‚ ako muna ang kakausap kay June!”
“Hoy‚ bakla! Pumapatol ako sa lalaking bakla ha! Baka akala mo!”
“May bakla bang babae ha? Kung maka–lalaki naman...


’to!”
Habang nagtatalo sila. Unti–unti na akong lumayo sakanila.
Akmang tatakbo na sana ako ng bigla na lamang akong tinawag ni aling bebang.
“June!”
Napalingon ako’t tumakbo na ako ng tuluyan at hinahabol naman nila ako.
“Bumalik ka rito June!”
“Hoy lalaki! Huwag kang tumakbo!”
“Walang hiya ka‚ June! ’Wag kang tumakbo!”
“Bumalik ka rito!”
“Tumigil ka‚ June!”
Hindi ko sila pinansin at tumakbo lang ako ng tumakbo.
Arrggh!
Hindi ba napapagod ang mga ’to?!
Palingon–lingon ako sa likod ko upang makita sila ng bigla na lamang akong nabangga sa malaking poste.
“Buti nga sayong lalaki ka!”
Dinig kong sabi Gemma.
“Walang hiya ka‚ pinagod mo pa ako. Arrgh!”
Saad naman ni Jino.
“Ikaw…humanda ka sa akin!”
Wika naman ng magandang dalaga at hinila ang buhok ko.
“A–Aray! Ano ba!”
“Bakit niyo ba ako hinahabol ha?”
“Hindi ko kayo gusto!”
“Sa pogi kong ’to? Papatol sa mga pagmumukha niyo?!”
“Tigilan niyo na ako‚ wala kayong mapapala sa akin!”
Namewang sila’t masama ang tingin sa akin.
“Ang kapal mo naman! Hindi kita hinahabol dahil sa itsura mo! Hinahabol kita dahil sa utang mo!”
“Magbayad ka na! Or else! I–papakulong kitang hinayupak ka!”
“Ang lakas mong mangutang tapos hindi ka magbabayad!”
“Pinahabol mo pa talaga akong lalaki ka! Magbayad ka na ng utang mo!”
Saad nila’t isa–isa nila akong sinabunutan na walang kalaban–laban.
Dahil sa wala akong pambayad sakanila. Sa kulungan ako’y bumagsak.
Akala ko kagwapuhan ko ang habol nila!
Iyon pala! Utang ko!
Waaaah!
Ayaw ko nang mangutang!
End—★


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.