1

Hiding the Billionaire’s Daughter CHAPTER 29


Report

Nagising si Fatima na wala na sa kanyang tabi si Tyler. Araw naman ng linggo kaya nagtataka siya kung pumasok ba ito sa kompanya, gusto niya ay lagi itong kasama. Lumabas siya ng kwarto. Rinig niya na agad ang asaran sa living room. Umaga palang ay nagkakatuwaan na sa Mansyon.
“What the hell is he doing here?” boses iyon ni Trisha.Naiinis kasi ito kung bakit nasa Mansyon nila ang binatang si Cedric. Napangiti nalang siya dahil siguradong magkakadevelopan ang dalawang ito.
“Trisha ang bibig mo. Di ka namin pinalaking ganyan. At empleyado rin siya sa kompanya. One of our best engineers.”
“Kung makareact ka naman ate parang nililigawan ka na. Chill ka lang ang aga aga pa ehh.Yari ka kay ate Fatima bestfriend niya yan.” hilig talaga ni Troy na asarin ang nakakatandang kapatid.
“Napadaan lang naman po ako para makausap si Fatima. May pinapasabi po kasi si Tita Fe kung bakit di siya nakapunta ng birthday ni Faith.” paliwanag ni Cedric sa mga ito.
“Yun naman pala ehh baka kasi may magselos di ba Kuya Tyler? Ay andyan pala si ate ehh.Ate Fatima goodmorning. Umaga palang ang ganda mo na talaga.”sabi ni Troy ng makita siya nito na nakababa na ng hagdan. Agad na lumapit si Tyler sa kanya at inakbayan siya.
” Wag mo kong bolahin Troy!si Faith pala? ”
“Tulog pa Iha” ang Tita Clara niya na ang sumagot.Ang asawa nito naman ang nasa kompanya at ito muna ang nag-aasikaso.Tumango nalang siya.
“Trish ang aga aga nagtataray ka na naman. Nakakabawas yan ng ganda sige ka. Diba Cedric? At siya na pala ako ba talaga ang pinunta mo dito? Sisilay ka lang ehh.” kaya mamamatay matay sa tawa si Troy, si Tyler naman ay napangiti. Ang mukha naman no Trisha ay mamula mula na. Pero nagkunwari pa rin itong naiinis.
“Iho sumabay ka na sa min na magbreakfast. Masarap akong magluto.Diba Trish?” tumingin lang si Cedric kay Trisha saka ngumiti.
“Mom!” angil nito.
“Wag na po. I have also works to do. Pupunta pa po ako sa kompanya niyo.” magalang na sagot ni Cedric sa ginang. Nakayakap lang si Tyler sa kanya at nakikinig sila sa usapan.
“Wag kang aalis bro! Pag umalis ka Di ka na makakabalik dito sige ka.”
“Stay man, wag mong alalahanin yang brat kung kapatid. Faith will be happy to see you.” hindi niya inaasahan na sasabihin yon ni Tyler.
“Dito ka na magbreakfast. Kunyari pa ehh. Yung isa naman diyan gustong gusto ,ayaw pang umamin.” kantyaw pa niya kay Cedric.
“Invited ka na rin sa kasal nila bro. Ikaw best man tas si ate Trish maid of honor. Tas kayo na isusunod na ikakasal. Swerte naman.” gatong pa ni Troy.Agad na lumapit dito si Trish at kinutusan ito.
“Pikon ka ate!”
“Ano palang nagustuhan mo sa kapatid ko?” tanong ni Tyler kay Cedric. Kaya agad na umangil si Trisha.
“Kuya!di niya ko gusto!”
“Are you sure of that?”
“I just like her” walang alinlangang sagot ni Cedric. Dahilan para matahimik ang lahat. Biruan nauwi sa aminan. Miski si Trisha ay natahimik at walang masabi.
“Woah! Kilig na yan si Ate Trish ! HAHAHA sabihin ko to kay dad.” tawa ni Troy. Ang daddy kasi ng mga ito ay may pagkastrikto lalo na kay Trisha.Ayaw na may mga lalaking lumalapit dito dahil nag-iisang babaeng anak pero dahil kilala si Cedric. Siyempre tanggap agad.
” Bagay na Bagay sila”bulong niya kay Tyler.
“Just like us? ”
“Oo parang tayo.” sabi niya at hinalikan ito ng smack sa labi.
“Double wedding na ba toh?” kantyaw ni Troy.
“Gago! Hindi pa kami lang ang ikakasal.” sabi ni Tyler pero tinawanan lang ito ni Troy at ni Cedric.
“Ano pong nangyayari? May nag-aaway po ba?” si Faith na kabababa lang.
“Goodmorning Faithy!” agad na lumapit si Trish dito para makaiwas sa usapan.
“Ninong Cedric! Andito ka po!” agad itong niyakap ni Faith.
“Alam mo ba kung bakit nandito siya Faith? Hulaan mo dali!”
“Shut up Troy! Wag mong idamay sa kalokohan mo ang anak ko!” sabi niya.
“Bawal galitin ang buntis. Itigil mo na ang kalokohan mo Troy. Gutom lang...


yan. Tara na.” yaya ng ginang sa kanila.
“Welcome to the family na daw!” sabi pa ni Troy kay Cedric.
“Shunga! Ligaw muna. Wag kang mag-alala Cedric sasagutin ka niyan agad.” kaya ang mukha ni Trisha ay Di na naman maipinta.
“Sure talaga ako kamukha ni ate Fatima ang baby .” inirapan niya lang ito.Pero natutuwa siya sa narinig.
“No kamukha ko po ang baby, diba mommy?” ngumiti muna siya kay Faith bago sinagot ang tanong nito.
“Oo naman”
“Of course even if it is a boy or a girl” sabi naman ni Tyler.
“Kambal ba ate?” agad niyang binato ng unan si Troy. Puro kalokohan. Tumingin siya kay Trisha nakaiwas ito ng tingin kay Cedric. Nagkakailangan pa ata ang dalawa.
“Lola-Mami ano pong niluto niyo?”
“Paborito mo siyempre”
“Yey!!!” tuwang tuwa ito. Pagkatapos non ay nagpuntahan na sila sa hapag-kainan at sabay sabay na kumain. Gaya ng dati sa gitna nila ni Tyler af si Faith. Si Trisha ay katapat naman ng bangkuan si Cedric. Habang si Troy ay katabi nito.
“Mom how long is the preparation for the wedding?para kasing Di na makapag-antay si Kuya.”
“Well mabilis lang. Lalo na kung tutulong kayong lahat. Kaunti na lang ang aayusin. At siyempre kailangan madaliin na mamaya magbago pa isip ng bride. Kidding.” bawi ng ginang.
“I’m willing to help mom just tell me what can I do. Anything for ate Fatima and Kuya.”si Trisha.
“Ako din mom tutulong ako. Promise walang kalokohan.” si Troy.
“Ako po pwede ako maghelp?” sabi ni Faith.Kaya napangiti naman sila. Pinapabilis na siguro ang pag-aayos sa kasal. Habang Di pa lumalaki ang tiyan niya.
“Oo naman baby”
“Ninong Cedric tulungan niyo din po si Tita Trish.”si Trish naman ay muntik ng masamid kaya agad itong inabutan ni Cedric ng tubig na agad naman nitong ininom.
” Takaw mo kasi ate. “nang-asar pa talaga ang loko.
“Trisha pinapapunta ka ng daddy mo sa kompanya sumabay ka na kay Cedric.”
“Sumabay ka na sa kanya Trish di ako pupunta sa kompanya its family time.” sabi ni Tyler sa kapatid kaya napangiti nalang siya. Napagtulungan na naman.
“Do I have a choice?”
“Siyempre wala.” sagot niya naman sa tanong nito.
“Omy ate Fatima Pati ikaw? Pinagtutulungan niyo ko.”tumingin lang siya kay Tyron at nakangisi lang ito. Mukhang tuwang tuwa na naaasar ang kapatid.
” Wife pasamahin natin si Faith sa company”bulong nito sa kanya. Mukhang may pinaplano ito halata naman. Dahil sa tuwing may gagawin sila laying istorbo ang anak nila.
” Ano? May iniisip ka na naman ha? “pagtataray niya dito.
“Kidding.” sabi nito at mahinang tumawa.
“I love you”matamis niyang sabi dito.
“I love you more.Later okay kapag wala ang anak natin.” at sumupil ang pilyo ngiti sa labi nito. Hindi na siya makapag-intay na ikasal sila sa simbahan. Sa harap ng diyos at sa harap ng mga mahal nila sa buhay. At sobrang lapit na non.
A/N:Hello po sa inyo👋sa mga writers po dito wag mo po tayo mawalan ng gana magsulat, wag po tayo magpaapekto sa mga bashers natural lang po na may mga bashers pero dapat po di na sila pinapansin, magsulat lang po tayo ng mga story wag po mawalan ng pag-asa kasi kapg sumuko po tayo parang pinatunayan na rin po natin na mahina tayo at talo tayo ng mga bashers. Ate Grace Narral Sison ituloy niyo lang po ang pagsusulat niyo marami pong mga readers na naghihintay sa update niyo at mga loyal readers sayang namna po ang mga stories na sinulat niyo at minahal nila. Di rin po kasi alam ng Ilang readers ang hirap at puyat ng mga writer para lang po may mabasa sila ng libre. Katulad ko po isa po high-school student minsan po nalalate na ako ng pass sa mga assignments ko para lang po makapag update. Wag mo po kayo sumuko laban lang. Ang pighati po ng is ang writer ay pighati ng lahat ng writers laban lang po ate @Grace Narral Sison.isang pamilya po tayo❤️❣️no hate just love 💝💖be proud to be prt of LSPBO and love you all readers💕mahal ko kayo you’re my inspiration mwahh❣️


One Comment

  1. Please deleted po ito walang pahintulot po ang LSPBO po dito sa mga nakaw na story po at hindi sila kapartner ng pinoy love story, huwag ninyong isangkot ang Lspbo sa mga ganitong site kasi wala din silang alam sa mga nagnanakaw ng story at they find them para maiwasan na ang pagnanakaw, at sa nagmensahe dito kung sino ka man sana ineng huwag mong isangkot ang Lspbo dito alam na ba nila ang ginagawa ninyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.