0

Hidden Wife of the CEO CHAPTER 4.2


Report

“Dad, kung mararapatin nyo po, ano mang balak na pagpapatanggal ng mana Kay Russel ay sana wag nyo ng ituloy” sabi ko
napalingon silang dalawa sakin sa kinauupuan namin ni Russel
“Iha, anong ibig mong sabihin? na ayos lang sa iyo na hindi ka kilalanin ng anak ko?”
“Dad, matagal ko na po talagang gustong sabihin to sa inyo kaso hindi ako naglakas ng loob . Patawad pero gusto ko na pong makipaghiwalay sa anak ninyo. Hindi ko po kailangan ng mana ninyo. Babalik na po ako sa pagiging simple at malayo sa marangyang buhay. Kaya paki usap patawarin nyo ko. Hindi ko na po kayang mag away pa kayo ng dahil lang sa pagkakasunduan nyo ng papa ko noon.”
“Iha, hindi to maaari, ito ay matagal na napagkasunduan namin ng iyong ama, hindi nako makakahanap pa ng babaeng mapapangasawa ng anak ko na kasing bait mo. Edukada ka at matalino. Higit sa lahat ikaw yung katangiang nararapat lang na bahagi ng aming pamilya.”
“Dad! I’m so sorry buo napo ang desisyon ko . At sayo Russel I’m sorry too...


, pareho nating hindi gusto ang isa’t isa kaya wala na tayong dapat na ibang gawin kundi ang palayain ang isa’t isa . Wag na po nating patagalin pa ang sitwasyon .Malaya kanang pakasalan si Alyanna hindi ba yan ang gusto mo? Sa tingin ko po kailangan ko ng tapusin ang ano mang ugnayan sa inyo. Aalis na po ako ng matiwasay sa mansyon”
Hindi na nakapagsalita pa si Russel .
“Ericka, mahirap para sakin ang desisyon mong yan”
“Ako rin naman po sobrang bait nyo sakin Dad. Patawad kung nadismaya ko po kayo.”
“Sige, kung paghihirap lang pala ang naidulot namin ng ama mo at ng anak ko . Hindi na kita pipigilan pa. ”
Halos gusto ko ng maiyak sa saya at sa wakas makakatakas nako sa poder ni Russel.
“Sa isang kodisyon iha”
“Po?”
“Maaari bang wag kanang mag resign sa trabaho mo? bibigyan pa kita ng full security kung talagang ayaw mo nang makakalapit pa anak ko sayo”
“Iyan po ay malaking utang na loob kopo dad.”
Umalis na si Russel sa office pagkatapos nun.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.