0

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 8


Report

HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 8
Kapapasok lang ni Keziah sa opisina ng boss Drake niya. Inagahan niya talaga ang pasok.Ewan niya ba gusto niya lang na maaga at isa pa baka madami itong ipatrabaho sa kanya. Mabuti na yung handa.
“Good morning bo—Drake” bati niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya at nakatingin sa dala niyang lalagyan. Nagbake kasi siya ng cake noong gabi pero di niya naubos kaya binaon niya na lang sa opisina tutal di pa naman siya nag-uumagahan.Siyempre may dala dala rin siyang dalawa ng mainit kape Well naalala niya si boss Drake niya and diba acting girlfriend siya nito.
“Ano yang dala mo?” nakakunot noong tanong nito sa kanya.
“Umagahan, di pa ako nag-uumagahan ehh” pangangatwiran niya.
“Sayo lang yan?” tanong ulit nito sa kanya.
“Siyempre” sagot niya dito.
“OK” walang ganang sagot nito sa kanya.Mukhang masama ang gising nito.
“Oyy joke lang share tayo noh kaya ko bang ubusin itong isang tupperware ng cake at dalawang kape napakaseryoso mo naman” asik niya dito, narinig niya naman ang mahina nitong tawa.
“Hindi maganda ang gising ko dahil tumawag sakin si mommy kanina kanilang lang” pagkukuwento nito sa kanya. Akala niya naman pino problema na nito ang global warming, ang kahirapan, overpopulation, corruption, yun pala tumawag lang ang mommy nito.
“Parang yun lang, mabuti nga tumawag mommy sayo baka namimiss ka na” sabi niya dito.
“Yeah your right, miss niya na daw ako kaya gusto niya na aking umuwi sa mansion namin that will never happen” sabi ng boss Drake niya kay Keziah.
“Bakit ba ayaw mo sa inyo? Wala naman tita mo dun ahh. Miss ka na nung tao bakit di mo pagbigyan eto naman di mo ba mahal mommy mo?”napatitig naman ito sa kanya. Nakakatunaw na titig char!
” Kapag umuwi ba ako dun magiging masaya ka? “di niya alam kung ano ba ang tinatanong nito sa kanya.
” Alam mo wala akong kinalaman sa pag-uwi mo sa inyo? Bakit kailan mo pa ng opinyon ko? Ano to acting boyfriend and girlfriend na naman? “natawa na naman ito dahil sa sinabi niya.
” Well I’m just asking your opinion “sabi nito at inabot ang tupperware namay lamang cake.
” Oyy wag mong uubusin yan sabi ko share tayo “di siya nito pinansin binuksan nito ang tupperware at kinuha ang tinidor na nakalagay din sa lalagyan.
” Ang sarap ha, San mo to binili? “gustong kutusan NI Keziah ang boss niya dahil sa sinabi nito. Binake niya yun, hindi binili.
” Alam mo nagbago na isip ko hindi na tayo share, hindi ko kasi binili yan ginawa ko yan Binake ko yan “halata naman sa mukha ng boss niya ang pagkagulat.
” Really? “tanong nito sa kanya.
” Oo walang halong joke, maniwala ka man o hindi. Ewan ko ba gusto kitang bigyan. Mama ko nga at papa ko di ko binibigyan kapag nagbabake ako sinasarili ko lang. Tapos sasabihin mo binili ko yan. Ouch naman!!! “kunyari ay nagdamdam siya.
Di na siya pinansin nito. Sinimulan na nitong kainin ang cake na gawa niya.
” Sabi ko wag mo ubusin, “pero halos maubos na nito ang cake. Wala na siyang almusal.
” Ang sarap mo palang magbake”sabi nito sa kanya.
“Oo kaya naubos mo na!!! Aaaaaaa! Wala na akong umagahan!! Kainis ka Drake!!! Ohh ito yung kape mo!!!” nilagay niya sa table nito ang kape at dinala niya ang sa kanya.
“Where are you going?” tanong nito sa kanya.
“Sa Mars sama ka?” asik niya dito.
“I’m serious Allyson San ka pupunta?” Bakit parang ang sarap sa tainga kapag ito ang ang nagsasabi ng second name nya.
“Maghahanap ng pwedeng kainin, sayo na yan mauubos na ehh.!!!” usal niya dito. Pero tinawanan lang siya.
Lumabas siya ng opisina ng boss niya pero napabalik din siya sa loob dahil nakita niya ang tita nito na naglalakad papunta sa opisina ng boss Drake...


niya.
” Bakit ka bumalik? Hindi ko naman inubos. Nasarapan lang ako sa cake na Binake mo. Next time bake for me. I will pay you” sabi nito sa kanya.
“Wag na sabihin mo lang pwede libre, malakas ka sakin ehh, pero may problema!!!” napasigaw na siya. Ang mukha naman ng boss niya ay nagtataka.
“What’s wrong Allyson?” kunot noong tanong nito sa kanya.
“Drake andiyan yung tita mong kabet ni Lucifer dahil sa kasamaan ng ugali, at first cousin ni Satanas!!! Papunta dito” bigla namang nagbago ang mukha ng boss niya. Naging parang galit ang mukha nito.
“What??? Anong gagawin niya dito? The fuck!!!” asik ni Ng boss Drake niya.
“Baka makita niya ako” giit niya naman dito.
“So what kung makita ka niya?” ganti naman nito sa kanya. Hindi na alam ni Keziah ang gagawin.
“Edi malalaman niya”
“Na ano???” tanong ni boss Drake niya sa kanya.
“Na nagpapanggap tayo!!!” ganti niya dito.
“No she will not!!! Well alam ko na bkit siya Pumunta dito maghahanap na naman yan ng gulo. I bet ikaw ang pupuntiryahin niya so maghanda ka” di alam ni Keziah kung ano ba ang sinabi ni Drake sa kanya.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok ang impakta este tita ng boss niya.
“Good morning Iho” bati nito sa boss niya.
“There’s no good in the morning lalo na kung naandito ka sa kompanya ko!!!” sagot nito sa tita nito.
“Don’t ever shout at me, I’m still your aunt” asik naman ng tita nito.
“Alam nating dalawa na kahit kailan di ka naging mabuting tiyahin sakin and your a witch your using my mom against me pero you must sorry for that dahil di mo mabibilog ang ulo ng mommy ko!!!” di niya na alam ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Ohh Allyson naandito ka pala sa kompanya ng pamangkin ko what a perfect girlfriend huh pero bakit napakapangsecretary attire ka?” di niya alam ang isasagot dito.
“Wag mong insultuhin ang girlfriend ko Tita Minerva!!!” sigaw ng boss Drake niya sa tita nito.
“Did I insult her?”di niya na napigilan ang sarili na magsalita.
“Ehh ano naman po kung Secretary rin ako ng boyfriend ko? Do you have any problem with that?” sabi niya sa bruhang tiyahin nito.
“Yahh dahil baka kaya naging boyfriend mo siya ay dahil imbes na gawin ang trabaho mo ang boss mo ang tinrabaho mo” narinig niya naman ang isang bagay na nabasag.
“Don’t insult her!!!” sigaw ng boss niya sa tiyahin nito.
“I’m just saying my opinion!!!” asik naman ng tiyahin nito.
“Hindi po ako katulad ng Iniisip niyo!!! Kaya wag niyo po akong insultuhin!!! And you know what kayo po ang kainsuinsulto dahil hilig niyo ang manira ng tao. You have a beautiful face but a bad attitude!!! At dahil sinabihan niyo ako nun ng golddigger baka kayo yun at kayo rin ang bitch!!! Don’t you ever insult me in front of boyfriend or in front of anyone!!! I don’t care kung tiyahin kayo ni Drake!!! You may now leave my boyfriend’s company!!! Your not welcome here!!! Asik ni Keziah sa tiyahin ni Drake na bruha.
“At sino ka? Para paalisin ako?” sabi naman ng tita ng boss Drake niya sa kanya.
Kita niya ang galit sa mga mata ni Drake.” She’s my girlfriend!!! So now Tita Minera leave my company!!! Bago pa kita ipakaladkad sa guards at ipaalam ko ito kay mommy!!!!” sigaw nito sa tiyahin. Iba pala ito magalit.
” Hindi pa tayo tapos!!! “sigaw ng tiyahin nito bago lumabas ng pintuan at pasalampak na isinarado ito.
” Allyson are you okay?” tanong nito sa kanya.
” Okay lang ako”sabi niya kay Drake at ngumiti.pero nabigla siya ng bigla siya nitong yakapin.
“I will not let anyone hurt you again” sabi nito sa kanya. Kaya di niya alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Di alam ni Keziah pero what just happened?


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.