0

Her Last Mission


Report

Genre: Romcom/Action
#RBP: Please do rbp para hindi po makalat thanks.
Author: JQMstories
Note: New writer ho ako dito hope you’ll like my first story thanks.
PROLOGUE,
Nandito ako sa isang madilim na eskinita. May riot daw na mangyayare dito kaya makikisali na ako, bored ako eh.
“Baket nandito ka Chea? Umuwi ka na, t’yak mayayari ka nanaman kay tita Sally.”
Napalingon naman ako sa gawing kanan ko. Tss. Nakita pala ako nang pinsan kong basagulero, si Kevin.
“Ano ka ba? Psh, okay lang yon. Nabobored kase ako tapos nangangati ang kamao ko, naghahanap nang mapaglalandingan.”
Nakangiti kong sagot sa kanya. Ginulo naman nya ang buhok ko at bahagyang napatawa.
“Loko ka talaga eh ‘no.”
Nakangiti ngunit pailing iling namang sagot nya.
“Ayan na sila!”
Nang marinig namin ang sigaw ng isang kasamahan nila Kevin ay lumapit na kaming dalawa para harapin ang mga mukhang adik sa kantong mga makakalaban namin.
“Oh Kevin? Nagdala ka pa talaga ng chicks ah. Pero baket ganyan ‘yang chick mo? Ang panget HAHAHAHA.”
Sigaw ng lalaking nasa pinakaunahan. Sya ata ang LEADER nila.
Napasinghap naman ako ng hangin at pasimpleng pinapakalma ang sarili ko.
“Siraulo ‘to ah. Akala mo kung sinong gwapo, mukha namang garapata ng aso. Psh.”
Mahinang sabi ko. Napalingon naman ako sa gilid ko nang may marinig akong bungisngis.
“Hshshshs Loko ka Chea.”
Bahagya naman akong napabusangot at maya maya’y napangiti rin. Narinig pala ng loko.
Sayang at ilang kilometro pa ang layo nila kaya hindi nila narinig.
“HAHAHA hindi lang basta bastang panget ‘yan Wilfred.”
Sigaw pabalik ni Kevin kay Wilfred.
Sinamaan ko naman...


sya ng tingin nang sabihin nya yon. ‘aba loko ‘to ah.’
“HAHAHA nakakatawa ka talaga Kevin Salas dati ka bang clown? HAHAHA.”
“Siguro, eh ikaw? Dati ka bang garapata?mukha ka daw kasing garapata sabi nitong chick ko.”
“Aba loko yan ah! Talagang ginagalit nyo ‘ko!”
Nanggagalaiting sagot nung Wilfred.
Napailing nalang ako sa usapan nila. Anong klaseng harapan ‘to? Mag-aasaran nalang ba sila? Psh.
“Hoy! ano pa bang hinihintay natin, pasko? Ang dami mong dada garapatang kinulang sa dugo, Psh.”
Singit ko bigla sa usapan nila. Tss. Napakatagal, masyado nang nangangati ang kamao ko.
Kita ko naman sa mukha nung Wilfred na nainsulto sya sa sinabi ko. Tss. Wala akong pakealam kahit pa sugurin nya ako agad-agad. Base sa katawan nyang parang posporo ang payat para pa syang kuba sa sobrang tangkad kaya madadalian lang akong bali-baliin ang buto nyang kinulang sa sustansya.
“Psh, Makasabi ka saken na panget eh mukha ka ngang natuyot na kawayan. Siguraduhin mong Gwapo ka bago mo ko sabihan na panget dahil kulang pa ang salitang panget sayo.”
Dagdag ko pa. Nagtawanan naman ang mga kasamahan ni Kevin at nangunguna naman sa lakas ng tawa ay mismong si Kevin. Narinig ko rin ang bungisngisan ng mga kasamahan nya. Sininghalan nya ito nang tingin kaya tumigil ang mga ito.
“Ha! Ang yabang mong babae ka. Tignan natin ang galing mo!”
Bigla naman nyang sinenyasan ang mga kasama nya para sumugod. Umayos na muna ako nang tayo at pinatunog ang mga kamay at leeg ko.
“Let the battle begin, baby.”
Mahina ngunit rinig na rinig kong sabi ni Kevin. Nakangiti akong napailing.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.