0

Her Greatest Downfall CHAPTER 6


Report

Gulat ako ng makitang si Adam ang lumundag pababa ng puno. Kinakabahang nagpagpag ako ng puwetan at nagbabalak na sana akong umalis ng pigilan niya ako sa braso ko.
“Rats really tend to run away even they’re already caught. Ituloy mo. Interesado pa kong marinig ang mga sasabihin mo.” Nakangiti ngunit may dilim akong nababanaag sa mga mata niya. Oo inaamin ko kinakabahan na ako at unti-unti ng tinatablan ng takot.
“Uuwi na ako.” Ang tangi kong nasabi sa lalaki na mahigpit pa din ang pagkakahawak sa akin.
“You’re not going anywhere young lady. Ulitin mo lahat ng mga sinabi mo. Ah right Hudas ako, fuckboy. At anong inaasahan mo hahayaan na lang kita matapos ng mga sinabi mo behind my back? Ah mali nasa taas nga pala ko ng puno. Step mom, kailangan mong magbayad and I don’t take no as an answer.” Ani ni Adam at ibinulong sa tainga ko ang huling sinabi niya na nagpatindig balahibo sa akin.
“A-Anong klaseng bayad? Wala akong malaking halagang pera.” Kabado kong tanong. Nawala bigla lahat ng inipon kong tapang baka mamaya kasi patayin na lang ako ni Adam at basta na lang itapon kung saan.
“No. Hindi ko kailangan ng pera mo.”
“E-Eh ano?” Kabado ko pa ding tanong sa lalaking lumapit na sa akin at bigla akong hinapit sa beywang.
“This. This is for mentioning my balls.” Ani ni Adam sabay sakop sa mga labi ko. Agad nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang nangyayari. Pilit akong kumakawala at pilit kong itinikom ang bibig ko ngunit wala akong nagawa ng pwersahang ipinasok ni Adam ang dila niya sa bibig ko. At nanghina din ang mga tuhod ko ng sakupin din ng isang palad niya ang ibabaw ng dibdib ko.
Bago pa ko tuluyang madala sa init ng katawan ay kinagat ko ang dila ni Adam at napahiyaw naman ang binata sa sakit na napapamura pa.
“Iyan ay para sa paglapastangan sa pangalawang ina mo.” Mariing sabi ko bago ko kinuha ang tali ni Mimon at nagmamadaling umalis na.
Ang lakas pa din ng pintig ng puso ko. Hindi ko inasahan na gagawin iyon sa akin ni Adam kahit na bukas sa kaniyang kaalaman na ako ay asawa na ng Daddy niya. Tsaka anong sasabihin ni Greg kapag nalaman niya ito. Hindi. Hindi maaari. Tiyak kong magiging malaking gulo kapag nagkataon. Basta ko na lang inabot kay Mang Toning ang tali ni Mimon bago napagpasyahang balikan si Adam na nakaupo na sa kinapupwestuhan ko kanina at nakapikit ngunit nagmulat din ang binata ng marinig ang yabag ko.
“What? Gusto mo ng ituloy? Pakipot ka lang pala eh. Come here.” Ani ni Adam na nakangisi na sa akin.
“Hindi ako bumalik para makipaglokohan sa iyo. Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa iyon?” Seryoso kong tanong.
“For the payment?”
“Ha! Bayad dahil sa mga sinabi ko? Bakit anong problema sa mga sinabi ko, nasaktan ka kasi lahat iyon totoo? Kumusta naman ang mga maling akusasyong sinabi mo sa akin kagabi?” Gigil kong sabi, hindi na ko nakapagpigil pa. Nakangising tumayo naman si Adam at lumapit sa akin.
“Maling akusasyon? Alin iyong pera lang ang habol mo kay Dad o mas magaling ako kay Dad?” Nakangising tanong ni Adam na mas nagpagalit sa akin to the point na nakalimutan ko ang takot na naramdaman ko kanina. Hindi ako nagdalawang isip na sampalin si Adam sa pangalawang pagkakataon.
Sobra na.
Ngunit hindi ko din inasahan ang muling pagsakop sa labi ko ni Adam. Marahas ang paraan niya ng paghalik. Halos malasahan ko na ang...


tila kalawang marahil dulot ng pagdurugo ng labi ko o ng dila ng binata na kinagat ko kanina. Manlaban man ako wala akong magawa lalo na at mahigpit ang pagkakayapos niya sa katawan ko. Napaungol ako ng gumapang ang kamay niya sa may likod ko papunta sa may puwetan ko. Ramdam ko na ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko pero patuloy pa din si Adam sa pagiging agresibo niya.
Kung kagabi ay ininsulto niya ko ngayon pakiramdam ko ay inapakapakan niya ang buong pagkatao ko. Ilang sandali ay tumigil din ang binata at nakita ko ang gulat sa mata niya ng makita niya ang mga luha ko. Pinunasan ko ang mga luha ko bago walang salitang tumalikod. Para saan pang kausapin ko siya tungkol sa problema niya sa akin. Wala na akong nakikitang dahilan pa. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi kami kailanman magkakasundo. Ramdam ko ang pamamanhid at hapdi ng labi ko na isang patunay na totoong nangyari ang lahat at hindi guni-guni ko lang.
Sa ganitong pagkakataon nangungulila ako sa dating buhay ko kung saan malaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko ng walang kumokontrol na kahit sino. Payak man ang pamumuhay namin ay sagana naman sa saya at pagmamahal. Mag-aalas tres pa lamang pala kaya napagpasiyahan kong pumunta ng kusina at abalahin ang sarili.
“Manang Pasing may rekado po ba tayo para sa bilo-bilo?” Tanong ko kay Manang na agad inilabas ang mga rekado.
“Bakit Donya Miyaka gusto niyo po ba ng bilo-bilo? Kung nais niyo po ay gigisingin ko ang tagapagluto para maipagluto kayo.” Sagot ni Manang Pasing na pinigilan ko naman agad.
“Marunong po ako Manang huwag po kayong mag-alala.” Nakangiting ani ko bago isinuot ang floral na apron na kulay rosas.
“Pero Donya—”
“Akong bahala Manang. Ako naman ang magluluto at saka kung hindi niyo po naitatanong specialty ko po ito. Wala pang taong nakatikim ng luto ko ang hindi ito nagustuhan.” Masayang kwento bago nagsisimula na. Wala namang nagawa sila Manang Pasing at ibang katulong kung hindi ang panoorin ako habang masayang nagkukwento sa kanila ng pagbebenta ko noon ng mga luto ko.
Tinulungan naman nila akong magbilog at maghiwa ng saging at kamote habang nakasalang ang sago. Tawanan kami ng tawanan dahil sa kwelang pagbabahagi ni Manang Pasing noong kabataan niya at unang pag-ibig din ni Manang. Wala palang asawa at anak si Manang kaya dito na din niya napiling tumanda.
Halos dalawang oras yata mahigit ang ginugol namin sa pagluluto at sa wakas ay tapos na din. Humalimuyak sa kusina ang pandan na inilagay ko. Sumandok ako ng kaunti at hinipan ito para sana tikman ng biglang may humila ng kamay ko. Si Adam na ngayon ay hawak na kamay ko na may sandok at inilapit ang sandok papunta sa kaniyang labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at alam kong hindi ito dahil sa takot o galit. Nakapikit na tinikman ni Adam ang luto ko at dinilaan pa niya ang ibaba ng kaniyang labi. Halos silaban ako ng apoy ng mapatingin sa labi ng binata na mamula-mula ito at parang namamaga pa na kaninang lumastangan sa labi ko. Sigurado akong ganoon din ang kinahinatnan ng labi ko o mas malala pa. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko ng maalala ang nangyari kanina. Nanginginig na ang kamay ko habang hawak pa rin ni Adam ito.
“Hmmm…it’s tasty like your…” Ani ni Adam sabay tingin sa mga labi ko.
To be continued…
Enjoy reading😊 This update is for and dedicated to Ms. Daisy Lausa, cheer up Madam🥰


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.