0

HE IS MY FIRST LOVE CHAPTER FIVE


Report

🌺🌺🌺🌺CHAPTER FIVE🌺🌺🌺🌺
Nagulat ang mga magulang ni Giuseppe nang dumating sila nang araw na iyon sa farm. Si mang Guiller ang sumalubong sa mga magulang niya samantalang si Aling Cecilia naman ang lumapit sa kanya.
“Hija narito ba kayo dahil sa mga nangyari?” Alalang tanong ni Aling Cecilia sa kanya.
“Hindi po, bumisita lang sila at isinama ako. Wala silang alam kaya huwag n’yo na rin hong sabihin sa kanila ang mga nangyari,” tugon niya.
Nang maihatid sila sa resthouse ni Mang Guiller ay agad na nagyaya ang daddy niya upang magtungo sa farm at bisitahin ang mga trabahador.
“Pupunta kami ng mommy mo sa farm, sasama ka ba?” tanong ni Jake sa anak.
“Dito na lang ho ako Daddy nakakapagod ang biyahe, magpapahinga na lang ho ako, kayo na lang po ni Mommy,” tugon niya sa ama.
Minabuti ni Cathrina Agatha na magpaiwan na lang sa resthouse. Ang totoo iniiwasan niya si Giuseppe na makita at makaharap man lang.
Hindi pa lubusang nakakaalis ang mommy at daddy niya nang may mag-doorbell sa pinto. Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. Si Giuseppe ang bumungad sa kanya. My god! Hindi pa rin nawala ang kagandahang lalaki ng nasa harap niya. Ito pa rin ang lalaking minamahal at hinahangaan niya.
“Bakit ka nandito?” Kunut-noong tanong niya rito. Pilit niyang ibinabalik ang nararamdamang galit sa lalaki.
“Cathrina mag-usap tayo.”
“Wala tayong dapat pag-usapan, umalis ka na! Tapos na ang pagpapakagaga ko sa iyo. Diba sabi ko sa’yo ayaw na kitang makita,” akmang isasara niya ang pinto pero pinigilan iyon ng binata.
Pumasok ito kahit pinipigilan niya.
“I said get out! Ayaw kong makipag-usap sa’yo at ayaw kitang makita, naiintindihan mo ba?” naiirita niyang tanong. Sariwa pa rin sa isip niya ang sakit na idinulot ng pakikipagbalikan nito kay Mercy.
Sa halip na tugunin siya nito ay bigla siyang nitong hinapit at niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito. Tila biglang nanlambot ang tuhod niya.
“I’m sorry,” bulong nito.
Itinulak niya ang lalaki.
“Ngayon ka pa ngso-sorry nasaktan na ako. I hate you Giuseppe! Sana Hindi na lang kita nakilala,” naiyak na si Cathrina Agatha sa sama ng loob na nararamdaman.
“Cathrina makinig ka sa akin, mahal kita!” Seryosong wika ni Giuseppe.
Sinampal ni Cathrina Agatha ang lalaki dahil sa sinabi nito.
“Sinungaling ka! Hindi mo ako minahal. Kung mahal mo ako sana noon mo pa sinabi iyan, noong hindi pa kayo nagkakabalikan ng nobya mo.” May kapaitang wika Cathrina sa lalaki.
“Cathrina maniwala ka, ang totoo…”
“Stop! Enough!” Putol ni Cathrina Agatha sa sinasabi ng lalaki.
Hindi naman malaman ni Giuseppe kung paano siya magpapaliwanag sa dalagita para paniwalaan nito ang sinasabi niya.
Hindi naman inasahan ni Cathrina ang sumunod na ginawa ng lalaki. Muli siyang niyakap ng lalaki at siniil ng halik sa labi. Tinangka niya itong itulak pero mahigpit ang yakap nito.
Iyon ang tagpong nadatnan ng mommy at daddy niya. Nagulat ang mag-asawa. Namumula sa kahihiyan si Cathrina nang bitawan ni Giuseppe.
Isang suntok ang dumapo sa kaliwang panga ni Giuseppe. Galit na galit si Jake. Hindi naman siya lumaban sa galit na ama ng dalagita.
“Daddy please,” umiiyak na awat ni Cathrina sa ama.
“Giuseppe pinagtiwalaan ka namin,” pinilit ni Jake na timpiin ang galit at pakalmahain ang sarili.
“Sir, Ma’am patawarin n’yo po ako mahal ko po ang anak n’yo. Pananagutan ko po iyong mga nangyari sa amin habang nagbabakasyon siya dito,” wika ni Giuseppe.
“Ano? May nangyari na sa inyo ng anak ko?” Hindi naman makapaniwala si Xieley.
Nagtatakang napatingin si Cathrina sa lalaki dahil sa kasinungalingan nito. Nais niyang tutulan ang nais iparating ng lalaki sa mga magulang.
“Dapat lang na pakasalan mo siya! Hindi ako papayag na hindi mo siya panagutan,” mariing wika...


ni Jake.
Dahil sa kasinungalingan ni Giuseppe kinausap ng parents niya ang parents ng lalaki para sa kanilang engagement. Dahil doon ganoon na lang ang galit niya sa lalaki. Oo nga at noon ay pinangarap niyang makasal sila ni Giuseppe pero iba na ngayon ang sitwasyon nila.
“Nakita mo na ang kasinungalingang sinabi mo kina mommy at daddy?” Bulyaw niya sa lalaki.
“Ginawa ko iyon para patunayan sa iyo na mahal talaga kita at handa kitang pakasalan,” tugon nito.
“Hindi ako naniniwala,” nailing na wika ni Cathrina.
“Maniwala ka naman sa akin, nang araw na umalis ka nasaktan ako noon. Hindi mo alam, noon din nakipaghiwalay ako kay Mercy. Noon pa man minahal na kita hindi ko lang matanggap sa sarili ko dahil natatakot ako na hindi tanggapin ng pamilya mo. Nahihirapan din ako sa tuwing makikita kong nahihirapan ka,” buong katapatang amin ni Giuseppe.
Napatingin si Cathrina sa lalaki nang iabot nito ang isang maliit na kahon. Kinuha niya iyon at binuksan. Nakita niya roon ang lahat ng alahas na itinapon niya sa iba’t ibang direksyon ng farm.
“Hinanap ko ang lahat ng iyan para sa’yo. Patawarin mo na ako.”
Sa halip na magpasalamat ay ibinato niya sa lalaki ang kahon. Tumama iyon sa dibdib ni Giuseppe.
“Ngayon mo pa ako minahal, ngayong lubusan mo na akong sinaktan,” may hinanakit na wika ng dalagita.
Humakbang palapit sa kanya si Giuseppe.
“Huwag kang lumapit sa akin!”
Batid ni Giuseppe na malaki ang kasalanan niya sa dalagita. Hindi rin siya nito talaga pakikinggan sa lahat ng sasabihin niya.
Nabigla si Cathrina nang bigla siyang akayin ni Giuseppe at isakay sa kotse. Si Giuseppe ang nagmaneho noon. Inialis niya sa farm ang dalagita.
“Saan mo ba ako dadalhin? Kotse pa namin ang ginamit mo!”
Hindi tumugon ang binata. Patuloy lang sa pagmamaneho.
“Ano ba! Pwedi Mr. Giuseppe Montes huwag mong ubusin ang pasensiya ko,” mariing wika ni Cathrina.
Biglang kinabig ni Giuseppe ang manibela at inihinto ang kotse sa tabi ng daan. Nauntog pa si Cathrina dahil sa biglang paghinto noon.
“Aray ano ba!” lalo siyang namula sa galit. “Bubukulan mo ba ako?”
Seryosong humarap sa kanya ang binata at tinitigan niya. Biglang kumabog ang dibdib niya nang kumilos ang ulo ng lalaki palapit sa kanya.
“Pwedi ba lumayo ka ng kaunti,” mahina at halos pabulong niyang wika.
Sa halip na sundin siya nito ay lumapat ang labi nito sa mga labi niya. Hindi niya kayang itanggi na sa kabila ng galit ay mahal pa rin niya ito. Naramdaman niya ang pagpisil ng binata sa kaliwa niyang dibdib. Noon lang niya namalayan na naroon na pala ang palad nito.
Sa gulat ay bigla niya itong naitulak pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay hinapit siya nito upang lalo pa silang magkalapit.
“Giuseppe…”
“Tell me you still love me,” anas nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.
Nalilito na si Cathrina sa sensasyong dulot ng ginagawa ni Giuseppe. Noon niya naramdaman ang pagbaba ng sandalan ng kotse at ang bigat ng lalaki. Kinabahan siya batid niyang hindi lang simpleng halik ang nais nitong mangyari.
“Giuseppe please nasa kotse tayo hindi ka ba makapaghihintay na makasal tayo?” nanginginig na tanong niya.
Napatigil si Giuseppe sa ginagawa dahil sa narinig.
“Oo na mahal pa rin kita,” amin ni Cathrina.
Napangiti ang binata sa sinabing iyon ng dalagita.
Isa pang mabining halik ang muling ipinagkaloob ni Giuseppe sa babaeng nakatakda niyang iharap sa altar. Hindi na rin nagsinungaling pa si Cathrina Agatha sa tunay na nararamdaman.
After ng graduation ni Cathrina Agatha sa Australia sa kursong AB Photography ay ikinasal sina ni Giuseppe. Sa farm sila nagpasyang bumuo ng pamilya kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.
🌺🌺🌺🌺🌺T H E E N D🌺🌺🌺🌺🌺
Thank you for reading😘❤


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.