1

Hanggang kailan kita makakalimutan


Report

Ako nga pala si darling taga davao city. 36 years old . 16 pa lang ako ng makilala ko si Ralph april 5 l,1997 sya nmn ay 19 years old. sya ang una kng naging boyfriend minahal ng sobra. Inalagaan ang relasyon s mura kng edad umabot ng isang taon ang relasyon namin naging masaya kmi minsan hinde maiiwasan ung away o tampuhan. Pero kailan man hinde kami pinaghiwalay sa pagkakataon iyon..pero., dumating Yong araw n hnd ko inaasahan . Nagsakit si Ralph. Hinde malaman ng doctor kong anung sakit sa tiyan dahil lahat n ng hospital pinuntahan n. Mula private hanggang public n hospital sa davao city.hanggang may naka pag sabi n baka nakulam raw. Hinde ko alam kong totoo yong kulam o hinde. Basta ang alam ko lang may nararandaman sya na masakit sa tiyan nya pag itoy umaatake. Dahil nga s nagdadalawang isip ako kng totoo ba talaga ang kulam? Totoo kaya? Un ang lagi nasa isip ko. Sumama ako sa kanya kasama ang mga magulang nya kong saan albolaryo sya dalhin. Pero,lahat na lang ganun ang sabi. Kinulam daw sya ng isang babae na nagkagusto sa kanya. Ang alam ko may na kwento sya sa akin na may isang babae nakilala sya. Sa lugar kong saan dumayo sila sa lugar ng tagum city 2hours ang byahe mula davao city ang sa pagkakaalam ko. dahil naimbintahan ng isa nyang kasamahan sa sayaw n hip-hop dancer..ilan buwan syang ginamot hanggang sa gumaling sya tas babalik n nmn. lagi akong kasakasama s kanya kulang na lang dalhin ko ang mga damit ko sa bahay nila para dun n tumira. makita lang sya Makasama,dumating iyong punto na pinapagalitan n ako ng mga magulang ko dahil napapabayaan ko na ang pag aaral ko. Pero, hinde ko sila pinakinggan bagkus sinasagot ko sila ng pabalang. Pakiramdam ko hinde nila ako naintindihan, yong sakit ba na nararamdaman ko n alam kng wla naman sugat. Pero panorama tumatagos at akoy nahihirapan. Minsan nasabi ko sa Dios ako na lang sana. Akin na lang sakit nya., ako na lang yong pahirapan nya. Pero hinde ko sinasabi kay Ralph n ganun n ang situation sa bahay namin. Pag nagpupunta ako s bahay nila pilit kong pinapakita sa kanya na masaya ako n hinde ako nahihirapan.pilit kong nilalabanan ung luha ko na wag pumatak sa mga mata ko pag kasama ko sya. One week hinde ko sya nadalaw dahil dumating araw na nahihilo at nasusuka n ako hnggang s nilagnat ako kaya nagpahinga ako ng 1week s bahay. Dahil nga hinde pa uso ang cellphone nong panahon na iyon.,kaya hinde ko alam kong ano na ang lagay niya. Hnggang sa may pumunta sa bahay pinsan nya na kapitbahay lang din namin. Nsa hospital daw si Ralph one week n raw. pero ilalabas na din nung araw n iyon october 25,1998 . At ng gabi n iyon pumunta...


ako s bahay ng lola niya kasi dun sya diniritso pag kagaling s hospital. Kahit hinde ako pinayagan ng mga magulang ko umalis parin ako. Dahil nakalabas n nga sya ng hospital magaling n sya. Pag kadating sa bahay ng lola niya. Andun ung mga kaibgan niya mga kasama niya s hip-hop dancer. S gate pa lang sinalubong na ako ng kaibgan niya nung makita ako. Hinde ako pumasok agad dahil pinaharangan pala ako ng mama niya sa kaibgan niya. Pero habang papalapit n ako ng pinto. Naririnig ko ang sabi ng mama niya. ” nandito si darling. Si darling. Oo si darling nandito.” At ng pumasok na nga ako.. Hinde ko mapigilan ang hinde pag iyak.. Oo hinde niya ako kilala. Ni mukha ko hinde niya maalala. Ang alam niya sa akin iyong pag iyak ko na hinde ko na mapigilan at humahagulhol na pala ako..hanggang sinabi lang niya n ” wag kang umiyak. Kasabay pag punas niya sa luha ko. Sya naman kinuha ko ang mga kamay niya..habang hawak hawak ko ang mga kamay niya nasbi ko. Namimis na kita ng sobra. kaya paggaling ka. Nakakatitig lang sya sa akin sa tagal ng titig na iyon saka na lang niya ako naalala sabing mahal na mahal kita sabay halik niya sa mga kamay ko..hangang s nilapitan ako ng mama niya binulongan n huwag ko raw pakita n umiiyak ako..kaya nag punta ako ng cr para punasan yong luha ko. At pagkalabas ko sabi niya ako daw ang magiinom ng gamot niya n pakulong hinde ko alam kong ano iyon basta ang alam ko gamot n may dahon. Habang pinapainom ko sya ng gamot nakikipaglaro sya s akin. At ng napainom ko n sya. Nagpaalam ako s knya n kailangan ko umuwi ng bahay at babalik ako bukas. Dahil nagaalala sila mama at papa.ayaw niya ako payagan gusto niya dun ako sa tabi niya. Wag daw ako umalis natatakot daw sya n baka hinde nku bumalik. Pangako ko babalik ako kahit ano mangyari.pagkadating ko ng bahay.kinausap ako ng mama at papa ko. Kng anung address at bibisitahin nila si Ralph. Kaya mama ko lang ang nag punta. kinabukasan alas 10 ng umaga nasa cr at naliligo ako para puntahan siya. Nang may biglang kumatok matalik kng kaibgan “Ling..Ling.. Sabi ko “bakit?Ling..Ling.. “hayan n lalabas n at patapos n. Nang pag bukas ko ng pinto..nakita ko n s mukha at iyong luha s mga mata niya n nagpapahiwatig n wla n. Parang akong tinakloban ng langit at lupa . Yong pakiramdam n may bumagsak s ulonan ko. Yong sakit n nararamdaman ko n hinde ko maipaliwag nung araw n araw iyon..sana hinde na lang ako umalis nong gabi n iyon. Sana hinde ako tumalikod s knya ng gabi n iyon. Sana hinde ako kaagad nakasakay ng taxi nung gabi n iyon. Sana nakinig ako s knya s Viking n iyon n wag akong umalis..sana..sana. Sana langg.


One Comment

  1. Ate grave yung esturya mo amf ate siguro wag mung sisihin yung sarili mo baka time na para kinuha ni lord yung buhay niya ate ah makakalimut karin sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.