0

GIVING MY DAUGHTER TO HER DEMON FATHER


Report

WARNING: Grammatically errors Ahead
“What are you thinking, babe?”
“Ha?” Wala sa sariling sagot ko. Hindi namalayang napapatulala nalang sa gwapo niyang mukha habang paulit-ulit na tinatanong ko ang sarili ko.
Should I tell him that I am an Angel?
Ilang gabi naring bumabagabag sa utak ko ang suhestiyon na ‘yon. It’s our 5th Anniversary today, and thinking about my biggest secret bothered me to tell him.
Pero….labag ‘yon sa batas ng kalangitan.
Napahinga nalang ako ng malalim. Sa isip ko, pakiramdam ko niloloko ko ang taong mahal ko dahil tinatago ko sa kaniya ang kalahati ng katauhan ko. Iniisip din na kung sabihin ko man iyon sa kaniya, matatanggap niya kaya ako?
“Is there a problem, babe?”
May bahid ng pag-aalala ang gwapo niyang mukha. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya dahil sa lakas ng dating niya.
I always love to stare at his handsome face.
Sidreal is my 5 year boyfriend. Labag rin sa batas ng kalangitan bilang Anghel na mahulog sa isang tao habang may misyon na nakaatang sa’yo, but.. I couldn’t help it.
Paano ko naman mapipigilan ‘yon kung ganito siya ka-sweet sa’kin?
I managed myself to smiled at him. “Nothing, babe.”
Mas pinalapad ko pa ang ngiti sa kaniya and then he sighed at relief and smiled back at me.
Tumikhim ako saka tumingin sa kaniya. “Ahm.. Babe? Would you want to sleep with me in my condo?”
Halata ang pag-aalinlangan sa mga mata niya sa ‘di ko malamang dahilan. But still, he agreed.
Sidreal is a kind of man na sweet, gentleman and a caring boyfriend. He didn’t let other girls to touch or talk to him because he knows, hindi ko ‘yon magugustuhan. Gano’n niya ako kamahal at ganoon niya pinapahalagahan ang nararamdaman ko.
Oh, how lucky I am.
Minsan naiisip ko din na…what if he’s an Angel too? Based on our names here on Earth, my name, ‘Athena’ are known as a name of a Goddess. Also, a name ‘Sidreal’ is a name for an Angel.
Kung pareho ba kaming Anghel…papayagan na kaya kami ni God na magmahalan?
Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa relasyon na pinasok ko. What if…God founds out the truth? Would he mad?
As a disciple of God, it’s our responsibilities to obey the God’s will, and accept every mission assigned for us because he’s doing all of this for them. Sobra ko ‘ring hinahangaan ang Diyos dahil mahal na mahal niya ang mga tao kahit na ang ilan sa kanila ay nakakalimutan na siya.
But suddenly, I feel saddened.
Paano nalang kung malaman niyang… ang isang Anghel na pinadala sa mundo ng mga tao para sa isang misyon ay nahulog sa isang tao. I’m pretty sure God won’t like it. Nasisiguro kong makakaramdam siya ng disappointment sa’kin dahil nilabag ko ang isa sa mga batas ng kalangitan.
I am Athena, Angel of Ethereal. God sent me here for a mission. And that mission is to find and kill the Demon who’s urging people to do bad things using his evil power.
Hindi ko mahagilap kung nasaan siya. Mahirap hanapin ang mga demonyo lalo na’t minsan ay nag-aanyong tao sila. Tulad naming mga anghel, kaya rin naming mag-anyong tao dito sa lupa.
About him, yes. It’s a he. Lalaki siya na kinakailangan ng mawala bago pa lumala ang lahat.
But how on Earth can I find him?
I remembered when God messaged me through my mind. He said:
“Huwag kang papalinlang sa mga taong nakakausap— nakakasama mo. Dahil maaaring malapit lang sa’yo ang mission mo, at may posibilidad na masaktan lang ang puso mo.”
Pero si Sidreal lang naman ang lagi kong kasama. Imposible naman ata na siya ang hinahanap ko.
But on the other side, God would never lie to anyone.
So, where should I find him?

“BABE, THAT’S too much.” Awat sa’kin ni Sidreal nang agawin niya ang alak na hawak ko. I pouted and looked at him cutely like a kid.
“Nope,” Iling niya na para bang nakuha ang tingin ko. “Hindi mo ‘ko madadaan sa pa cute-cute mo. Hindi ka naman umiinom dati ah? Tama na ‘to.”
Mas lalo naman akong napanguso saka nagbaba ng tingin. I feel hopeless, and a mess. Hindi ko na alam, parang sasabog na ang utak ko sa dami ng iniisip ko. My mission, the demon, and of course, the man that I love.
‘Paano ba kami magiging masaya ng walang hahadlang?’
‘Yon lang naman ang nasa isip ko. Paano ba ‘to masusulosyonan? Dapat ko ba siyang ipaglaban? O isuko nalang dahil hindi talaga kami pwede?
“Care to tell me what’s going on?” Pukaw niya sa atensyon ko. There’s a worry on his tone. I can’t help but to smile at him.
Hinawakan niya ang kamay ko at bigla akong napaatras! Gulat din siyang napatingin sa’kin na para bang nagtataka at sinasabing normal lang naman ‘yon kaya bakit ako nagulat pa?
It’s not that I am planning to avoid him. But… I feel something on my body when he touched me! Hindi ko alam kung epekto ba ‘yon ng alak, or baliw lang talaga ang katawan ko para magreact ng gano’n na para ba akong nag-iinit samantalang humawak lang siya sa kamay ko.
Papikit-pikit na akong napatingin sa kaniya, naliliyo na dahil sa kalasingan. Bakas pa din ang pagtataka niya sa mukha.
Bumaba naman ang paningin ko sa labi niya at sa ‘di malamang kadahilanan, parang gusto kong sunggaban ang labing ‘yon.
Why do I have to feel this? Is this the effect of alchoholic drinks?
Kaya siguro maraming tao ang nawawala sa tamang landas. Because of the liqour that can heated up your body.
Alam kong mali ang ginagawa ko, isa akong Anghel, pero uminom ako ng alak na pwedeng makasama sa kalusugan ng isang tao. Napailing-iling nalang ako sa sarili.
Looks like I’m having my sins. God would really punish me for being this instead of working my mission.
Kaya bago pa ako mawala sa sarili, sinubukan kong tumayo para pumunta na sa kwarto. Nang bigla ay nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa hita at napahawak sa batok niya.
Biglang bumagal ang paligid ng matuon ang mga mata ko sa mata niya. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay malapit ko na siyang mahalikan.
Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa dibdib ko pabalik sa labi ko. Pigil ko ang paghinga ng marahas dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
He’s looking at me intently and I can see that he’s controling his self to touch me. While staring at his eyes, I can see his desire flashed through mine.
Imbes na matakot, nakaramdam pa ako ng init dahil sa nakita kong ‘yon.
Oh, God! Please! Forgive me!
Sa ngayon palang ay gusto ko nang mangumpisal. But I couldn’t help myself. Magkaiba ang desisyon ng utak at katawan ko. Gusto na ng utak kong huminto pero mas nanaig ang kagustuhan ng katawan ko.
Until suddenly, I lost all of my thoughts when he start kissing me softly and push me lay down on the sofa.
Until I found myself making love with him.
***After 10 months***
HABANG NAKAHIGA dito sa kama ay napapatulala nalang ako sa kisame na blanko ang isip. I just keep staring on it.
After an almost 10 months, I finally give birth to our child. I didn’t tell anyone about this, especially to God. Pero kahit hindi ko sabihin, alam kong alam na niya ang kasalanang nagawa ko.
And after that ‘night’ happened, bigla nalang nawala si Sidreal. Saktong sakto naman iyon sa araw na mas lalong lumala ang ginagawang kasamaan ng demonyong hinahanap ko.
And I found it weird.
Hindi ako nalungkot o hindi ko din siya hinanap. Sa halip ay hinihintay ko ang pagbalik niya dahil alam kong babalik siya, at hindi maipaliwanag ang tuwa sa puso ko kapag naiisip na masabi ko sa kaniyang may bunga na ang pagmamahalan namin.
Alam kong mali…maling-mali. Pero ginusto ko ‘to at dapat ko ‘tong panindigan.
“A-Ahm.. Athena…”
I gazed at Laihlah when I saw her entered my room and looks bothered about something that makes me frowned.
Lailah is my bestfriend, and she’s an Angel too like me. Alam na niya rin ang mga kasalanang nagawa ko and being Lailah, sinuportahan niya pa ako imbes na isumbong kay God. Tinulungan niya rin akong ipanganak ang anak ko dahil hindi ako pwede magpaanak sa tao, lalo na’t ang magiging histura ng anak ko ay isang Anghel rin katulad ko.
Wala sa sariling napangiti ako.
I already have my own Angel… baby Angel—
“Y-Yung baby mo Athena—”
“What happened to my baby?” Agad akong nabalisa dahil halata naman sa mukha ni Lailah na may problema!
No! No! Not my baby!
“W-Wala namang nangyaring masama sa kaniya, p-pero kasi..”
Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas ro’n. Nasa baba ang paningin niya na parang nag-iisip kung itutuloy pa ba ang sasabihin.
“Lailah?” Nagtataka na ako at kahit papa’no ay nabawasan ang pag-aalala ko. Pero hindi pa...


din ako makalma dahil sa nababalisa niyang hitsura.
Napabuntong hininga siya saka lumabas ng kwarto. Susundan ko na sana siya nang bigla ay pumasok siya sa kwarto hawak ang anak ko na nakabalot sa puting lampin.
Hindi ko pa man nakikita ay pakiramdam ko tumataba na ang puso ko sa tuwa. Dahan-dahang ibinaba ni Lailah ang braso niya para igiya sa’kin ang anak ko. At nang mailagay na sa mga braso ko ang anak ko…
Natigilan ako ng makita ko ang anak ko!
Oh, God…
SHE’S FROM THE HELL!
Agad ay sunod sunod na namalisbis ang luha sa mga mata ko.
My baby.. she’s not an Angel like me. She’s… s-she’s a… she’s a Demon.
Parang binibiyak sa sakit ang puso ko at nanginginig ang mga kamay ko kahit pa walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Napatutop nalang ako sa sariling bibig para iwasan ang sarili na maghumiyaw sa sakit.
Hindi ko akalain na ganito pala ‘yon kasakit.
Hindi ako nasasaktan dahil sa nakitang demonyo ang anak ko. Nasasaktan ako… dahil ang taong mahal ko, niloko lang pala ako.
But here I am, thinking to confess the true me because I thought I was lying to him, hiding my true being, but look.. He’s a good liar too!
Gusto kong magmura pero pinigilan ko ang sarili dahil hindi ako pinalaki ng ganoon ng amang Maykapal. Gusto kong magalit, gustong gusto ko, pero ni minsan, hindi ko naranasang magalit. Hindi ko naranasang masaktan, dahil nakatira ako sa kalangitan, pinprotektahan ang kaharian ng Panginoon.
Ngayon, alam ko na kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ng mga tao, kaya pala ang iba sa kanila ay pinipili nalang patayin ang sarili. Dahil pakiramdam nila, patay na sila sa sakit na nararamdaman nila sa puso nila.
Tinuyo ko ang luha sa mga mata ko at napabaling sa anak ko. Hindi ko din namalayang wala na si Lailah sa kwarto pero hindi ko na ‘yon binigyan pa ng pansin.
Kung titingnan, hindi siya normal na sanggol kapag panganak sa tao. She has this very dark color and a little horns on her head. She also have a long tail. Pero kahit gano’n, nakuha niya pa din ang ilang pagkakapareho ko sa mukha.
Napangiti naman ako ng bahagya. Tanggap ko kahit anong anyo pa siya, ang hindi ko lang matanggap—
Nawala lahat ng nasa isip ko ng bigla ay may sumulpot sa harap ko gamit ang itim na usok saka doon lumitaw ang isang imahe.
Hindi na ako magugulat kung may gano’n siyang kakayahan.
“Give me my daughter.”
Nadagdagan na naman ang sakit sa puso ko nang marinig ang boses na ‘yon. It’s not the voice he used to me before when he was happy with me. It’s a very cold voice.
Umangat ang tingin ko sa kaniya. Nangilid naman agad ang luha ko ng makita kung paano niya ako tingnan. Na para bang wala akong kwenta sa kaniya. Na para bang wala kaming pinagsamahan sa loob ng halos limang taon.
Walang emosyon ang mukha niya. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko habang nakatingin sa kaniya pero hindi siya doon natinag, dahil ang kilala kong Sidreal, palaging may pag-aalala na nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako sa suot niya. He has this black aura that suits on him what he really are. That reminds me that he’s not a mortal. Pero hindi parin ‘yon nakakabawas sa kagwapuhan na meron siya na palagi kong hinahangaan sa kaniya.
Then, suddenly, God’s voice flashed on my mind.
“Huwag kang papalinlang sa mga taong nakakausap— nakakasama mo. Dahil maaaring malapit lang sa’yo ang misyon mo, at may posibilidad na masaktan lang ang puso mo.”
A lone tear slid down to my cheeks. Nagsisi na ako kung bakit hindi ko pinakinggan ang payo ng Panginoon sa’kin. Sa lahat ng bagay rito sa mundo, siya ang nakakaalam ng lahat kaya bakit ba hindi ko siya pinakinggan?
Kaya pala mas lumala ang kasamaan ng demonyo noog nawala siya.
Dahil siya mismo ang gumagawa ng mga kasamaang ‘yon.
Natawa naman ako ng walang buhay saka bumaling sa kaniya. “I didn’t expect this. You are my mission.”
Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Blangko lang ‘yon pero nanatili lang siyang nakatingin sa’kin.
Bumaba ang tingin ko sa anak ko na mahimbing na natutulog na para bang kampante na siya sa bisig ko. I can’t help but to smile. Hindi ko alam na ganito pala kasarap magkaroon ng isang anak.
“Give her to m—”
“Kailan mo pa alam? Kailan mo pa alam na Anghel ako, at magkasalungat ang pagkatao natin?”
Imbes na sagutin siya, iba ang sinabi ko. Nakita ko ang pagbaba niya ng tingin na para bang may iniiwasan siyang makita sa’kin.
Akala ko hindi na siya sasagot kaya naman napahinto ako ng magsalita siya. “Hindi ko talaga alam no’ng una. I just heard from our Lord that your God sent an Angel here to bring me back to hell.”
Then, he stared at me. “I knew it’s you. That night, while we’re making love… I see your marks. A sign that you’re an Angel. Alam ko ang gano’ng marka dahil dati rin akong nagkaroon no’n.”
‘Yon pala ang dahilan kaya siya lumayo sa’kin.
Pero gulat akong napatingin sa kaniya! “Y-You’re an Angel before?” Mahina kong tanong. Tumango naman siya at pakiramdam ko natulos ako sa kinauupuan.
Ilang sandali pa kaming nanahimik. Nang bigla ay magsalita siya. He laughed bitterly.
“Isn’t it funny? My Lord sent me here to kill you and your God sent you here to bring me back to hell. But instead of doing those missions,” Tiningnan naman niya ako sa mata saka nagpatuloy. “We fall inlove to each other without knowing our true personality. Without knowing that.. I’m a Demon and you’re an Angel.”
Ramdam ko ang sarili kong nasaktan. Napababa nalang ako ng tingin nang maramdamang tutulo na naman ang luha ko. Ayaw kong makita niya akong gano’n kaya naman tahimik akong umiyak.
I stilled when I felt a soft hand wiping my tears. Hindi ko man lang namalayang malapit na siya sa’kin.
“Don’t cry. Your tears are too precious for a Demon like me.” Hindi ko alam ang mararamdaman. Mas lalo akong nasasaktan ng makita na andiyan pa din siya… ang Sidreal na maalalahanin na minahal ko.
“I’m sorry, babe. But I have to bring our daughter in my world because she belongs there. Pangako, iingatan ko siya para sa’yo.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
“Name her Selena.”
“Athena.. Selena..” And then he smiled. “Sure babe. I will.”
Looks like my Sidreal is back.
With that thought, I smiled before pulling him closer to me and kissed him softly.
He immediately kissed me back. Tumigil lang kami ng maubusan na kami ng hininga. And then we look at each other eyes.
I can see pain in his eyes. “We can’t stay like this forever.” Mahina niyang sabi at ramdam ko ang lungkot ro’n. Napahinga nalang ako ng malalim.
“Sana naging tao nalang tayo..” Mahina at may lungkot kong sabi. Ngunit ngumiti ako agad ng maalala ang magaganda naming memories habang magkasama.
“Hindi pa din ako nagsisising minahal kita.” May bahid nang ngiti kong sabi. Hinaplos naman niya ang buhok ko.
“Me too. But after this, we’re not able to see each other anymore.” He said with a saddened face. “I’ll face my consequences.”
Nanlamig ang buo kong katawan nanlg may maisip. Narinig ko noon na kapag nahulog ang isang demonyo sa Anghel, malala ang magiging parusa ng demonyo na lumabag sa batas.
Mukhang napansin ni Sidreal ang pag-aalala ko kaya inunahan na niya ako. “Don’t worry about me babe. Kaya ko ang sarili ko.” Then he kissed me on my forehead. “We have to go.”
Kahit nahihirapan, ibinigay ko si Selena kay Sidreal. Tumulo naman ang luha ko sa anak ko saka ko siya hinalikan sa noo.
“Take care always baby, huh? Your mommy loves you so much.” Even I am in pain, I smiled at her who still innocently asleep. Then I face Sidreal and kissed his forehead too, and claimed his lips again, and again.
“I love you, My Angel.” He sweetly said.
“I love you too, My sweet Demon.” Then we smiled to each other. And while carrying our daughter, they immediately gone used by dark power of Sidreal.
Huminga ako ng malalim at napatitig sa kawalan. Pagbalik ko sa kalangitan, natural na may parusang nag-aabang sa’kin. Dahil bukod sa hindi ko natupad ang misyon ko, lumabag pa ako sa batas na ako mismo ang namamahala.
Anghel ako ng kalangitan. Nasisiguro kong mapapatawan ako ng mabigat na parusa.
Pero wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na kahit kailan, hindi ko na makikita pa ang lalaking minahal ko, maging ang anak ko.
It hurts like hell…..
To think that we’re never meant to be.
Ang Anghel at Demonyo ay itinuring na magkalaban,
Na kahit kailan ay hindi plinano ng tadhana na sila ay magmahalan.
In short…
Angels and Demons are never meant to be.
✍️: @janessCious | Janess Manunulat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.