1

Freedivers… not free to Love


Report

”Excited na ako!!” I texted my friend and dive buddy, Christian, the day of our trip. Magkikita kmi ng 8pm sa BGC para sabay bumaye at imeet ung van ng mga dive coaches namin. Pupunta kmi ng Apo Reef! We signed up on our first freediving lesson back in July and then ininvite na kami ng mga coaches namin na sumama sa kanila sa lakad na eto. So ngayon, busy ako nag papack ng mga kailangan namin sa camp and sa diving kasi 3 days kaming andun.
Hindi lang dahil sa diving ako na eexcite. First out of town trip namin toh ni Chris na kami lang at walang kasama na mountaineer friends. Naging magkaibigan kami ni Christ nung 2015 nung sumama ako sa mountaineering group nila for my first climb in Mt. Pulag. We have always been friends as I was dating people on and off back then. However, the past few months, mas naging close kami ni Chris. Nagsimula yun sa mga secrets na we shared to each other, tapos napalakas pa nung nayaya nya ako mag gym nung June and nung nagsimula kaming mag dive together nung July. Nung huli naming dive trip kasama mga friends namin, nalasing kami pareho. Nakatulog ako pero umamin siya sa friend ko na si Mark, na may gusto sya sa akin. Knwento un sa akin ni Mark the next day. Akala ko noon, ako lang yung may crush sa kanya nun. May itsura kasi si Chris, matipuno, mabait at maasikaso. Mahirap wag mag fall sa kanya. Pinipigilan ko lang kasi kaibigan ko siya. And for so many reasons…
Pero eto nga, natuloy na ang lakad namin. Excited ako sa trip namin pero mas excited ako na kasama siya. Iba yung kaligayahan naming dalawa habang ngddive together. Dalawa lang kami pero parang solo namin ang buong mundo pag asa ilalim ng dagat. Di alam ni Chris na sinabi sa akin ni Mark mga sinabi nya. Di rin na nya maalala lahat un kasi nalasing talaga kaming lahat. Di ko alam kung ano ineexpect ko sa trip na toh. Gusto ko lang magenjoy. Bahala na.
“Dito na ako. San ka na?” Text ni Chris sa akin.
“Stoplight na. Wait lang.” reply ko. Pagkapark ko, nakita ko na kagad si Chris palapit sa car ko.
“Halika na, ako na magbubuhat niyan.” Sabay turo sa backpack ko.
“Nyek, magaan lang naman toh. Ikaw na nga nagdala ng tent eh. Kaya ko toh. Porket tagal ko ng di naakyat ng bundok, isip mo na na di ako strong? Nag ggym kaya toh!” yabang ko sa kanya.
“Hahaha! Ikaw bahala, tutulungan lang naman sana kita.”
“Hahaha, kaya ko na toh. Thanks!” sabay ngiti.
Bakit ba ang sweet mo sa akin? Magkaibigan tayo, huy! Wag mo akong pakiligin, sabi ko sa sarili ko. Ilang lingo ko na iniisip kung pano ba toh. Kasi alam ko na may gusto sya sa akin, at ako naman sa kanya. Kaso hindi pwedeng maging kami. Panigurado, masisira ung friendship namin. Ayaw ko siya mawala.
“Oy, bakit ang tahamik mo? Anong problema? May nakalimutan k aba?” tanong ni Chris
“Ay, wala. Iniisip ko nga kung may nakalimutan ako. Parang wala naman. Nagtext na ba sina coach?” palusot ko.
“Oo, malapit na daw sila. Dun tayo sa Mcdo maghihintay.”
“Good evening! Ready to go?” sabi ni Coach Richard pag hinto ng van.
“Yes! Let’s go na!”
“Oh, dun na kayong dalawa sa likod ng driver at puno na sila sa likod. Guys, si Chris and Clara nga pala. Tropa natin mga yan.”
“Good evening po…”
Eto na simula ng mahabang biyahe naming papuntang Apo Reef. Mga siyam na oras lang naman ung byahe. Buti na lang, may mga baon akong snacks.
“Gusto mo?” alok ko kay Chris ng adobong mani. Favorite pulutan naming yan pag nagddive trips kami. Kumuha siya at nag thank you.
“Bakit di ka muna matulog?” tanong ni Chris
“Excited ako masyado”
“Hahaha! Matulog ka na para bukas may energy ka mag dive. Di mo dinala ung neck pillow mo sa kotse noh?”
“Oo, ang bulky eh.”
“Dito ka na lang sa bag ko humiga, or sandal ka na lang sa akin. Basta wag ka maghihilik ah.”
“Nyek! Haha salamat. Pero later na, di pa talaga ako antok.”
Takte, bakit siya ganito? Happy din kaya sya na magkasama kami for the first time na walang kasamang mga kaibigan namin? Never siyang ganito sa akin…
Napatulala na lang ako at nagisip ng ilang oras, di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat niya. Naalipungatan na lang ako nung pinatong ni Chris ung jacket niya sa akin kasi ang lamig ko at sa akin nakatapat ung aircon.
Bumulong ako…”thank you…”
“Tulog ka pa…” ani niya.
After ng ilang oras, dumating na din kami sa Apo Island. Mga halos 2pm na un pero kahit anong pagod namin sa byaheng magdamag, sobra pa rin ang energy namin.
“Guys, set up camp na!” utos ng coach namin.
“Chris, tulungan na kita.”
“Wag na, gamay na gamay ko na toh. Wala pang 15 minutes, naka pitch na tong tent natin. Tignan mo. Relax ka lang jan.”
Omg, this is it. First time din naming magkakasama sa tent. Iniisip din ba niya iniisip ko? I can’t make the first move though, it has to be him. Mababaliw ata ako kakaisip ng first night namin together. I don’t know what to expect.
In a few minutes, naka pitch na ung tent namin. Pinauna na nya ako magpalit kasi gusto na magswimming ng lahat. Suot ko naman na ung two piece ko so inayos ko lang gamit ko sa loob ng tent and lumabas ng naka shorts and top lang.
“Nakana, effective ang gym ah?” sabi ni Chris pagkakita sa akin
“Oo nga, salamat at nagpa enganyo ako mag gym. Kahit papaano, nabawasan bilbil ko! Hahaha!”
Dala mga fins, masks and snorkel namin, ng swim and dive kami malapit lang sa shore. Grabe, ang ganda talaga dito! Parang El Nido lang, pero mas konti ang tao! Bukas, pupunta kami sa may ship wreck and mag ddive ng mas malalim. Sobrang excited ko.
Nung malapit na mag sunset, nag yaya na ung iba bumalik sa beach. By then, may mga ilan ilan na kming kilala sa mga kasama nmin. Umupo kami sa may buhangin at pinanood ung sunset. Nag take ng pictures para maipost pag balik namin sa Batangas. Walang ka signal signal dito. Pero okay lang. Si Chris lang naman lagi kong ka text. And andito siya, kasama ko nanonood ng napaka romantic na sunset. Pareho lang kaming tahimik nakaupo magkatabi.
“Uy, di ka ba giginawin niyan? Asan na ung towel mo?”
“Sarong dala ko. Ako na kukuha. Yaan ko munang matuyo ako ng kusa.”
“Hay nko, lalamigin ka niyan. Kunin na natin. Magdidinner na din naman” sabay aya sa akin pabalik sa tent niya.
“Sige na nga. Makapag anlaw na din.”
After ng isang oras, bumalik na kmi sa grupo para mag dinner. Pagkatapos kumain, nagsimula na ung socials. Nagpakilala kaming lahat and then nagsimula na ang mga kwentuhan. Nung makatagal tagal ay medyo nagiging tipsy na ang lahat. Di na nahihiya ung mga tao na makipagkwentuhan.
“May tanong kami sa inyo…” biglang sambit ni Coach Richard
“Ano un, coach?” sagot ko
“Kayo ba?” tanong niya, sabay kunchaw...


ng mga kasama nmin
“Hindi po. Magkaibigan lang po kami.” Nahihiya kong sagot
“Eh bakit ang close niyo? At lagi talaga kayong magkasama. Naka ilang dives din kayo na magkasama. Tapos pati sa DRT sale magkasama kayo. And now, kayong dalawa lang ulit ang andito?” sabi niya
“Eh coach, wala kasi kaming mayayang iba sa mountaineer friends namin eh. So aun, kaming dalawa naging dive buddy. Di ba sabi niyo, number one rule, never dive alone?”
“Oo nga naman. Wala lang. Para kasing may something sa inyo. Hahaha!”
Di ako makatingin nun kay Chris. Di ko din tuloy makita kung anong reaction ng mukha niya. Tahimik lang siya iniinom ung shot niya. Tumahimik din muna ako sandali at tinuloy ung paginom ko. Maya maya, sumali na ulit ako sa kwentuhan at tawanan. Si Chris din. Pero nararamdaman ko na ung tama ng alak.
“Coach, una na ako. Medyo tinatamaan na ako e. Baka umikot tiyan ko niyan bukas pagdive.” paalam ko.
“Ano ba yan?! Ang aga pa kaya!”
“Haha! Sorry na, bawi ako bukas. Good night guys!” sabay lakad papunta sa tent ni Chris
“Coach, alalayan ko lang. Mukhang may tama na si Clara, eh” narinig kong paalam ni Chris sabay habol sa akin.
“Uy, okay ka lang?”
“Yep. Ayaw ko lang malasing kaya nagpaalam na ako.”
“Ako din eh. Buti nagpaalam ka na, nakahanap ako ng excuse na umexit. Tutulog ka na talaga?”
“I think so. Ikaw ba?”
“Di pa ako antok talaga. Pwede ba tayo magusap? Pagod ka na ba?”
“Ha? Pagod na pero usap lang naman di ba? Dun na tayo sa tent para pag bumagsak na ako sa antok, di ako sa buhangin makakatulog. Haha!” biro ko.
So umupo kami sa loob ng tent nya, nakalabas ang mga paa sa buhangin.
“Dive buddy….” bulong niya sa sarili magkatapos ng ilang minutong katahimikan.
“Ha?”
“Dive buddy mo lang ba talaga ako?” tanong niya sabay tingin sa mata ko. Natigilan ako.
“Oo, hindi ba? Gym buddy din kita. Virtual gym buddy di ba? Haha”
“Magkaibigan lang tayo?”
“Um… ano pa nga ba, Chris?” sabay yuko and tingin sa mga paa ko sa buhangin
“Parang hindi eh. Ganyan ka ba talaga ka manhid?”
“Di ako manhid….” Di pa rin ako makatingin sa kanya
Kinuha niya ung mukha ko at iniharap sa mukha niya. “Di lang tayo magkaibigan…” bulong niya sabay dahan dahan niyang hinalikan mga labi ko… Pumikit ako. Parang tumigil yung mundo. Ayaw ko magisip. Aminado ako, ilang beses ko tong inimagine. Ang sarap niyang humalik. Gumanti na din ako ng halik. At mya mya pa ay randam ko na na yakap na ako ng mga braso niya. Yung mga kamay ko ay dahan dahang napunta sa buhok nya, marahan kong hinaplos. Di ko namalayan, napahiga na kami sa loob ng tent. Tumigil siya sa paghalik.
“Okay ka lang?” tanong niya
“Okay lang. Chris….”
“Ayaw mo ba sa akin?” tanong niya
“Hindi sa ganun… Ano tong ginagawa natin?”
“Masaya ako na kasama ka, Clara. Di ko din ineexpect eh. Puro tayo asaran. Pero the past few months, super nag enjoy ako na kasama ka. Di mo ba napapansin yun?”
“Ganun din naman ako, Chris. Kaso magkaibigan tayo…”
“Wala naming masama dun.”
“Ayaw kitang mawala…” sabi ko
“Sa palagay mo ba gusto kitang mawala sa buhay ko? Ayaw ko din naman.”
“Baka na mimisinterpret lang natin toh kasi nga lagi tayong magkasama. Ayaw kong magka problema tayo. Gusto ko lang maging masaya tayo.”
“Ako din. I’m still trying to figure this out. Pero happy ako na kasama kita dito ngayon.” Sabay halik sa noo ko.
“Ako din…” sabay yakap sa kanya.
Tahimik ung gabi. Tapos na inuman nung mga kasama namin. Nadala na din ako ng antok. Siguro kasi I feel contented na kayakap ko si Chris habang natutulog. Di rin sya bumibitaw sa akin at paminsan minsan, ay hahalik sa noo or buhok ko. Pumikit ako ulit at nangarap na sana di matapos tong panaginip ko…

“Good morning…” bulong ni Chris.
Namulat ung mata ko at kita kong gising na siya.
“Antok pa?” sabay halik sa ulo ko. Di pala talaga ako nanaginip.
“Medyo. Anong oras na ba?”
“5:30am na. Lika, bangon ka na, panoorin natin ung sunrise.”
“Ay oo nga, wait lang, magsusuklay lang ako.”
“Ano ka ba? Maganda ka na, di mo na kailangan magsuklay. Lika na or else, wala kang mapopost sa Instagram” sabay kuha ng kamay ko at halos kaladkarin ako palabas ng tent.
“Chris, wait! Ano ba? Hahaha!”
“Hahaha! Sorry na, lika na kasi, mahal…”
“Huy, anong mahal! Wag ka masanay ng ganyan…”
“Bakit hindi? E mahal kita…” sabay yakap sa akin…
“Patay tayo diyan, Chris…. Pano na lang…”
“Wag mo muna isipin yun… Lika na?” sabay hawak sa kamay ko. Naglakad kami pupunta sa silangang parte ng isla, magka holding hands. Walang ibang sumunod sa amin. Mukhang napasarap ng inom mga kasama nmin at tulog pa ang lahat. Nung nakita na namin ung sunrise, umupo kami sa buhangin. Nakayakap ako sa mga tuhod nya. Siya naman tong hinahaplos buhok ko. Nag take ako ng mga pictures. Tahimik lang siya. Sabay sabi…
“Di ka ba naniniwala?”
“Naniniwala saan?”
“Na mahal kita….”
“Chris…..”
Inilapit niya mukha niya sa mukha ko sabaya halik sa labi ko… tatlong masasarap na halik…
“Chris… kala ko ba we will figure this out muna?”
“What is there to figure out?”
“Us? Our friendship? Our friends? Si Fatima…”
“Clara, alam mo namang di ako masaya kay Fatima…”
“Chris, alam ko un. Pero you guys are still together. I can’t be a third party. I can’t ruin your family…”
“Di kami kasal.”
“Still. Sa kanila ka nakatira. You guys are together. That alone complicates things. Ako lang ang kawawa dito. I want you to figure it out first. I want us to enjoy our time here. Pero after this, when we go back, you have to promise me, whatever happens, that we will still be friends. I don’t want to lose you.”
“I promise. I don’t want to lose you. I know what to do… Wag mo ko iiwanan ha? Aayusin ko muna tong sa amin ni Fatima.”
“Okay….” Sa isip isip ko, madami pang ibang issues apart from Fatima. Pano mga kaibigan namin? Trabaho ko? Mga anak niya… mga anak ko… Although kilala na kmi ng mga anak namin, iniisip ko ung bunso ni Chris and ni Fatima, si Jennifer. Pag naghiwalay ung mommy and daddy niya, kawawa naman ung bata… Hindi talaga pwede. Bago kami umuwi, I have to tell him. I don’t even know if it’s worth it. If I love him. Baka dala lang ng adrenaline and endorphins yung mga nararamdaman namin right now.
Tahimik kaming bumalik sa camp. By then, may mga gising na. Bumitiw muna ako kay Chris and nag kunwaring magaayos ng gamit para sa dive namin. Mya mya pa ay tinawag na kmi for breakfast.
“O, kamusta naman ang tulog nyo? Mukhang glowing ka, Clara ah?”
“Ha? Etong si coach, kung ano ano sinasabi? Tan lang yan. Hahaha!”
“Eh bakit si Chris, ang laki ng ngiti? Anong nangyari kagabi ha?”
Feeling ko nag bblush ako kahit morena ako. Ganun ba ka obvious?
“Coach, wala naman. Grabe ka sa amin! Mapapahamak kami niyan eh!”
“Joke lang. Ikaw naman, di na mabiro. Lika na, kain na kayo.”
To be continued…

2

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.