0

Forget me Not


Report

‘Clarissa ikaw na ang susunod..’ pabulong na sabi ng matangkad na bakla sa akin. Tila nagsilbi itong isang hudyat sa paparating na panganib na nakatakda kong harapin ng mga sandaling iyon.
Nag uunahan ang pagkabog ng aking dibdib nang oras na hinawakan ng binabaeng giya ang aking maliit na braso patungo sa isang madilim na silid at walang sabi sabing itinulak ako papasok at mabilis na ipininid ang pintuang nara sa harapan ko.
Maliban sa labis na nerbyos , isang malamyos na malamig na hangin na nagmumula sa airconditioner ang syang nagpanginig bigla ng aking kalamnan, at gawa na rin ng kakapiranggot na telang nakatakip sa aking katawan kung kayat tagos hanggang buto ang naging dulot nitong lamig sa akin.
Kusa tuloy akong napayakap ng aking sarili.
Dyusko.. bigyan nyu po ako mg lakas ng loob para malagpasan ito..
Paulit ulit kong dinadasal habang patuloy na lumilipas ang sandali sa madilim na bahaging iyon ng silid.
Maya maya pay dumating na nga oras na pinangangambahan ko.
Mga boses ng mga lalaki ang naringgan kong lumapit sa kabilang panig ng pinto.
Sadyang...


napaatras ang mga paa ko nang matamaan ng aking mga mata ang ilang aninong lumusot sa pinaka siwang ng ibabang bahagi ng pintuan.
‘Pare you will definitely like this!’ Sigaw ng isang lalaki na tila lango na sa alak.
‘Tigilan nyo ako.. please.. l dont have time for this.. ‘ sabi pa ng isa.
‘Hahaha.. ano ka ba brad.. pagkatapos ng kasal mo hinding hindi mo nararanasan to .. kaya kung ako sayo.. itodo mo na ang gabing ito!!’ Another distinct voice of a man was heard.
At pagkatapos ay halos sabay sabay na nagtawanan ang mga ito.
Sandali pay para silang cheering squad na isinigaw ang pangalan ng lalaking nakatakdang sumalang sa isang palabas na inilaan nila para rito.
‘Go brian! Go brian! Go brian!
Patuloy nila.
Nakakabinging kantyawan at halakhakan ang pumailanlang sa kabuuan ng silid na iyon na lalong nagpasidhi sa kabang naghahari ngaun sa aking katauhan..
Napakislot ako nang lumagitik ang doorknob at pumihit ito ng dahan dahan.
Mariing ipinikit ko ang aking mga mata.
Ito na nga..
Humanda ka..
Mag uumpisa na ang palabas Clarissa..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.