0

Forbidden Love (Book 4)


Report

Forbidden Love (Book 4)

Chapter 1

“My heart and head are fighting. And my head is saying no.. But my stupid heart won’t listen.. And it won’t let you go”
.
Hawak ni Aliah ang highschool picture nila ni Mateo kung saan gumanap sila sa papel na Romeo and Juliet sa isang stage play nila sa eskwelahan.. Ntatawa siya ng maalala niya ang first kiss nila ni Mateo at iyon ay dahil sa stage play nila.. Hindi nmn dapat totoo ang halik ngunit natapilok siya kya nglapat ang kanilang mga labi.. …..

At doon nagsimula ang bawal na pag ibig…

Naluluha siya habang inaalala ang lahat ng nangyari sa buhay niya noon.

Flashback:

“Mommy, ang kulit ni Mateo.. Ayaw isoli ang barbie doll ko.. Ginawa niyang target sa baril niya… Kunin mo mommy please… Naiinis na tlga ako sa kanya…” sabi ng limang taong gulang na si Aliah sa mommy Sam niya…

Nilapitan ni Sam ang batang si Mateo at pinagsabihan ito…

“Mateo, hindi mo dapat inaagawan ng laruan si Aliah,at hindi mo dapat pinapaiyak.. Ikaw ang lalaki kaya dapat poprotektahan mo siya ok? At higit sa lahat dapat mahalin mo siya”….
.
Mahalin mo siya…
Mahalin mo siya…
Mahalin mo siya…
.
.
Tuwing summer ay pumupunta ang mag anak nina Sam at Gelo kina Eman pra doon mg bakasyon.. Mahilig sa beach si Sam at ganoon din si Aliah na anak nito. Giliw na giliw silang maglaro sa dalampasigan.. Ngunit ang mag pinsan na Aliah at Mateo… Hindi palaging mgkasundo.. Sa tuwing ngkikita ang mga ito ay nag aaway lamang sila.. Mula pgkabata ay ganoon na sila hanggang maisipan ng kanilang mga magulang na pglapitin ang mga ito pra na rin mgkasundo na sila…

Dahil sa wala palaging nkakasama ang mama ni Tin ay naisipan nilang doon na lamang manatili at malapit lamang ito sa tirahan nina Sam..

Mas ok na rin ito pra mgka bonding ang dalawang bata at hindi na sila muling mag away pa…

Ng mgsimula ng silang pumasok ay mgkasabay lamang sila dahil buwan lamang ang tanda ni Aliah kay Mateo…

Magkaklase sila mula elementarya hanggang high school.. Parehong nangunguna sa klase dahil masisipag mag aral ang mga ito.. Hanggang mag high school sila ay ibat ibang awards ang nakukuha nila. Mahilig sa sports at extra curricular activities… Nagkasundo na rin ang mg pinsan at naging super close pa nilang dalawa hanggang sa nauwi sa mas malalim pang pagtingin sa isat isa…
..

“Lord,please mali po ito please….. ” pabalik balik sa kanyang kwarto ang dalagitang si Aliah matapos ang kanilang stage play at nakauwi na sa knila..

Hindi nila inakala na sila ang mag cha champion sa play na iyon.

Hawak niya ang mga labi niya habang nakapikit at pailing iling pa ito..

Matapos ng halik na iyon ay may prang kung anong pakiramdam ang umusbong sa buong pagkatao niya…. At lalo sa puso niya…

Pero mali… Maling mali kung ano man ang nararamdaman niyang iyon… Hindi maaari at kahit saan dumaan,isa itong kasalanan…

Ibinagsak ni Aliah ang kanyang katawan sa kama.. Nakagat niya ang kanyang mga labi sabay pikit ng mariin at buntong bininga…

“makatulog na nga lang.. Bukas alam ko wala na tong strange feelings na ito…”… At ipinikit na niya ang kanyang mga mata saka nakatulog na rin…

.

Sa tahanan nmn nina Mateo… Pinapagalitan siya ng kanyang amang si Eman…

“pinayagan kita dahil alam kong isa lamang itong stage play… Pero hindi mo sinabing may ganoong eksena pla…! Oo play lang yan pero, my god…...


Anak .. Hindi tama ung ginawa mo… Mg pinsan kayo… “….

“dad,ilang beses ko bang sasabihin na aksidente nga lang yun db,,,hindi namin yun ginusto.. At wala tlga sa script na totoong hahalikan ko siya.. Kya please lng… Tama na dad ang pgsesermon…”… Nakukulitan na si Mateo sa ama dahil paulit ulit ito sa pagsesermon sa kanya…

Pumasok na siya ng kwarto at padabog na isinara ang pinto… Nkasandal lamang siya sa pintuan ng kwarto niya habang hawak pa rin ang doorknob pagalikod gamit ang kanang kamay niya. Napatingala siya at naihawak ang kaliwang kamay sa mga labi niya…

“Aliah,,, bkit sayo ko pa na experience ang first kiss ko…!”….

Isang matandang lalaki kasi ang lumapit kay Mateo noong pauwi siya sa bahay galing eskwelahan mga isang linggo pa lamang ang nakakaraan… Hinawakan nito ang palad ni Mateo saka sinabi nito sa kanya na kung sinong magiging unang halik nito ay siya ring mamahalin ng binatilyo habambuhay… Ngunit hindi daw magiging madali pra sa knila ang mg ibigan.. Madaming pagsubok na magiging sanhi ng kanilang pagkakalayo.. Mga taong tututol sa pgmamahalan nila at halos itakwil na sila ng buong daigdig… Ngunit sinabi rin ng matanda na kahit anong mangyari ay huwag silang susuko at mas mahalin pa nila ang isat isa dahil ang totoong pagmamahal at may kapalit na ligaya…

“bkit ba kasi nakikinig ako sa matandang iyon.. Bka ginu goodtime niya lang ako… At si Aliah? Imposible nmn ata dabil pinsan ko siya, second cousin to be exact… Makatulog na nga lang..” sabay damba niya sa kanyang kama at hanggang sa makatulog na rin siya….

Matapos ang play na iyon ay bumalik nmn sa normal ang lahat na animoy wala lng sa knila ang nangyari.. As in normal thing lang kumbaga at no feelings involved…
.
Yan ang pilit sinasabi ng mga bibig nila at pilit ipinapakita ng mga kilos nila…. Pero

Ang pusong hindi humihinto sa pgkabog sa tuwing mgkakalapit sila…. Ito ang hindi marunong mgsinungaling…
.
Nadadaya man nila ang mga sarili nila pero ang puso nila na may sariling isip… Hinding hindi nila ito madadaya o maloloko kahit kailanman….

..

“Mateo ,bkit ba ang bilis mong maglakad? Napapagod na ako anu ba?”… Sabi ni Aliah na halos patakbo na sa pagsunod kay Mateo…

“sino bang may sabing sumabay ka pa sa akin? Pwede ka nmn mgsakay na lang… Alam mo nmn ang daan siguro pag uwi..” naiiritang sabi ni Mateo…

Susunduin sana niya si Aliah sa classroom nito ng makita niya itong may kausap na lalaki at naka akbay pa si Aliah sa balikat ng lalaki… Hindi niya maintindihan pero ung puso niya biglang kumabog at ang buong katawan niya prang sinisilaban at gusto niyang ihawin ng buhay ang lalaking kausap ni Aliah.

Nakita siya ni Aliah kya lumabas na ito ng classroom at sumunod sa kanya.

“dba pinuntahan mo ako sa classroom pra sunduin? Eto nga db lumabas na ako pra sabay na tayo… Ano bang problemA mo? Sabay naman palagi tayo ah..” pilit na inuunahan ni Aliah sa paglalakad itong si Mateo…

Napahinto si Mateo sabay harap kay Aliah…

“kasi ikaw,ang bagal bagal mong kumilos,palagi tayong late pumasok dahil sa kabagalan mo.. Kya simula bukas hindi na tayo magsasabay sa pagpasok”…. Hinawakan pa niya ang noo ni Aliah gamit ang isang daliri nito sabay iniwan si Aliah sa gitna ng daan…

Simula ng araw na iyon ay hindi na sila nagsasabay sa pagpasok at pag uwi sa kanila…
.
End of flashback.
.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.