1

First love


Report

Hi ako si Sarah 17 years old. Noong Bata pa ako pinag-tatawanan ko lang ang mga pinsan ko na umiiyak dahil sa pag-ibig na hindi ko alam na mararanasan ko rin. Grade 7 ako non first day of school 14 years old ako nang makilala ko siya ‘di siya ka-gwapuhan medyo may kaliitan din unang beses palang nang cnmakita ko siya mayroon na agad akong ibang naramdaman. Una akong lumapit sa kanya at tinanong ang pangalan nya hangang sa kami ay naging mag kaibigan. Masaya Naman nung una lagi nga kaming napag kakamalang mag bf/gf dahil sa sobrang lambing namin sa isa’t Isa. Minsan Kasi sinusubuan nya ako ng Kung anung kinakain nya, Pupulbuhan ko siya, hahawakan nya ako sa kamay habang sabay kaming naglalakad. Hanggang sa umamin ako sa kanya.
-Flashback-
“Hoy Banto! ba’t Ang tagal mo? kanina pa Kita hinihintay”. Tanong ko sa kanya.
” Eh namiss mo lang ako “.
Bigla akong nag seryoso
Hinila ko siya palapit sakin pingmasdan ko Ang mukha nyang perpekto para sa akin Yung mata nya ilong, labi..
“Oo namiss Kita dahil Mahal kita. Mahal na mahal”.napapaluha na ako nang oras na iyon.
Nakatingin lang sya sakin at kinakabahan ako sa titig nya. “Mahal mo rin ba ako ?”. Lakas loob Kung tanong sa kanya kinakabahan ako sobra pigil ko luha ko na pumatak...


. Yumuko sya at tinanggal ang kamay ko sa balikat nya . “Sorry Hindi Kita Mahal sinubukan kitang mahalin pero Wala talaga”.sa narinig ko tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko niyakap ko sobrang sakit sa puso Ang sakit 😭😭 “Siguro Hindi pa ngayon Kasi mga bata pa tayo Banto diba? Aasa pa din mag hihintay ako” bulong ko sa kanya sa At saka sya hinalikan sa labi Alam ko nagulat sya first kiss nya yon eh.” I love you” huling salita ko saka ako umalis at tumakbo papalayo sa kanya habang umiiyak.
Sa mga sumunod na araw di na kami nag pansinan sa school lagi narin akong tulala may mga araw na sinubukan ko syang kausapin pero umiiwas sya. minsan nahuhuli ako nila mama at papa na umiiyak pag tinatanong nila ako Ang sinasagot ko lang ay.. ” Nakakaiyak kasi ma Yung binabasa ko Wattpad”.
Pati pag aaral ko naapektuhan .Sumabay pa Ang problema sa pera ng Pamilya ko hanggang sa dumating sa point na napatigil ako sa pag aaral at napilitang magtrabaho sa malayo sa Pamilya ko . At hanggang ngayon Hindi parin ako nakaka move on at umaasa parin. Na balang araw mag kikita ulit kami at sasabihin nya Rin sa akin na Mahal nya Rin ako. Mag hihintay ako kahit gano katagal da sya Ang first love ko.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.