7

First Boyfriend


Report

Hi ako nga pala si Jc ❤ Babaeng boyish manamit, di katangkaran at karamihan ay puro tigyawat ang aking mukha. Ikukuwento ko sa inyo ang kwento ko. Isa ako babaeng weirdo kung tawagin, nakasalamin ako malalaki ang damit ko at mahaba ang palda ko kahit mahaba ang palda ko may medyas pa din ako pero mahaba pa din to hanggang tuhod ko. Pag makita mo ako baka matatawag nyo sa akin at isang manang pumorma. Grade 9 na ako sa pasukan at bagong transfer ako sa school na papasukan ko. No boyfriend since birth ako at ayaw ko talaga mag boyfriend kasi may usapan kami ng tita ko at dapat matupad ko yun. Habang naglalakad ako mag isa, para pumunta sa next subject namin may nakita akong 3 magkakaibigan sa dulo dalawang lalaki at isang babae. Isang lalaki doon ay kapansin pansin sa porma nya na akala mo’y koreano. Sobra ito makatingin akala mo mangangain. Dahil focus ko ay pag aaral ko di ko na lang ito pinansin at natuloy na lang ako mag lakad baka isa na naman siguro yun sa mang lalait sa pananamit ko. Ilang buwan ang lumipas ganun pa din naglalakad mag isa at nilalait na badoy pomorma. Isang araw malapit na ang intrams namin may cheerdance daw kami. So nagtry ako mag sali, di naman kami magsusuot ng nakapalda tamang jogging pants at T-shirt lang. Nagpapractice kami ng rolling para sa cheerdance, nang lumapit sa akin ang lalaking grabe makatingin sa akin nung naglalakad ako.
Sya: marunong kana?
Ako:huh? Opo marunong na.
At umalis na lang sya bigla. Di ko alam kung suplado ba o masungit bastat pareho na lang. Naging crush ko ang lalaki na yun, inalam ko ang pangalan nya at di ako nabigo na laman ko nga. Crush din kasi sya ng kaibigan ko at kwento nun nagkakatext daw sila. Yung time na maglalaro na kami sa intrams nagsali din ako ng laro. Kahit ganito ako may sport din ako at volleyball iyon. At sinuswerte nakuha ako para maglaban sa municipal meet. Nagpapractice kami ng volleyball ni crush na ang pangalan nya na nalaman ko ay LJ to be honest ang gwapo nya sobra. Simpleng damit lang nadadala nya. Nung pumunta kami sa...


lugar kung saan doon kami maglalaban, madami akong kabuangang ginawa. Dahil nga alam ng kaibigan ko na crush ko si lj binigay nya number nun sa akin. At dahil dakilang crush ko sya or I say Patay na patay ako sa kanya, nagload ako para tawagan sya. Pag tawag ko nun niliitan ko ang boses ko para di nya mahalata. Di ko expect na pupunta sya sa lugar kung saan ako tatago kaya ang ginawa ko tumakbo ako at pinatay ko ang tawag ko sa kanya. Makulit akong babae kaya di ako nagtitigil na tawagan sya, tumigil lang ako nung minura nya na ako dahil sa kabuangan ko.
Ako: di ko na sya crush ang sama sama nya ( sabay suntok sa unan)
Kaibigan ko: ano ba ginawa nya kaya ganyan ka.
Ako: minura nya ako sa tawag bastat di ko na sya crush bwesit sya.
Kaibigan ko : hahahahaha

Nanalo kami sa volleyball at champion kami. Nung pag uwi ko nag text ako sa Lalaki na yun at nagpakilala.

Ako: huy
Sya: sino to?
Ako: si jane
Sya: sinong Jane?
Ako: anquillano.
Sya: ay si mang aawit ( yan ang tawag nya sa akin kasi may nakalagay sa damit ko na mang aawit)
Ako: kilala mo pala ako
Sya: oo naman ta musta?
Ako:OK lang

At nag kakatext kami nun.
Isang araw nabalitaan ko na lang na nag break na sila ng gf nya. At classmate ko yun dati. Di ko expect na magtatanung sya at manliligaw. Dahil wala pa ako karanasan sa pagrerelasyon, inaway ko sya. Balita ko kasi na uso sa school namin na pustahan. Na kapag pinagpustahan ka nila nq ligawan at napasagot ka magkakapera sila. Pero Mali ang naisip ko. Sabi nya di daw sya naglalaro ng pustahan. Binigyan ko sya ng chance. At naging kami nga November 05, 2014 . Palagi kami nag aaway at palagi ako nakikipagbreak dahil, sa ex nya. Masyado akong selosa. Di ko expect na lalaking famous sa school ay manliligaw sa akin at kahit sya ang 1St bf ko tumagal kami ng halos 1 year and 7 months. Dahil sa katangahan ko at paghihinala ko doon nasira ang relasyon namin. At napagod sya kakaintindi sa akin.


7 Comments

  1. Sana huwag mo siyang husgahan mahal kana nga niya pinakawalan mo PA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.