0

FELT LOVE IN HIS ARMS Chapter 6


Report

Sumunod ako kay Tristan para kumuha ng Jersey.
“ops! Jan ka lang!” si Tristan ng papasok na kami sa kuwarto n’ya, nagtaas ako ng kilay.
“Sus! May tinatago ka ano!” sinilip ko pa ang loob pero pilit nya talagang tinatakman gamit ang sarili niya. Nang makahanap ng tiempo ay padabog n’yang isinara ang pintuan. Napatawa Ako ng magisa roon.
“Stop it, Sabrina!” Rinig ko pa ang sigaw nya galing sa loob.
Natahimik ako ng mapansin si Rasmuz na papapunta rito.
Iniwas ko ang paningin ko. Nakatingin na lang sa baba.
“ Si Tristan? Ready na ‘yung gagamitin” aniya, itinuro ko lang ang loob ng pinto.
Kinatok nya iyon.
“Heto na Sab, sandali!” Pagkasabi nya noon ay lumabas sya Dala dala ang itim na jersey.
“Ohh bro? Ready na?” Usal n’ya ng mapansing naroon si Rasmuz. Tinanguan lang sya ng kausap nya.
Humarap sya sa akin at ipinakita nya ang jersey na hawak nya!
“malaki sa akin ‘yan!” sigaw ko agad ng mabuklat ang jersey. Nagkamot sya sa batok.
“Yan na ang pinakamaliit! Wag ka ng mapili!” Saad nya, napipilitan ay hinablot ko ang jersey at nagpunta sa kuwarto ko para magbihis.
Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin! Mukha akong jologs! Naging bistida ang dapat t-shirt lang! Tapos ‘yung short lampas na sa tuhod ko! Inipit ko na lang sa isa ang buhok ko at lumabas na.
Nadatnan ko sila sa likod. May half court kasi kami roon, good for friendly game.
Nagtaas sila ng kilay! Mas lalong napabusangot ang mukha ko.
Binalingan ko si Rasmuz at napansin ang nagbabadyang mga ngiti sa labi n’ya.
Tinignan ko rin si Tristan, s’ya ang Hindi na maitago ang tawa!
“HAHAHAHA! Ang pangit mo Sab!” Sigaw n’ya ng Hindi na maitago ang tuwa! Ano ba ‘yan! Ibinato ko sa kan’ya ang librong nakita sa may table!
“Woah! May sign ‘yan ng fav author ko!” Agad n’yang nilapitan ang Libro at niyakap! Mahal na Mahal ang Libro hah!
“Bro tara na” inaya na s’ya ni Rasmuz kaya sumunod na lang din ako sa kanila.
“Turuan ko muna si Sab” Ani Tristan, iniabot n’ya sa akin ang bola.
“Anong gagawin ko? Shoot?” Umiling s’ya sa sinabi ko.
“Dribble mo muna atsaka mo ishoot” sinunod ko ang sinabi n’ya. Palya talaga! Ang hirap naman! Masyadong mataas ang ring!
Tinignan ko si Tristan, tinatawanan na n’ya ako.
“Ano ba?! Tuturuan mo ba ako o Hindi?!” Mas lalo s’yang humalakhak dahil sa sinabi ko. Tsk!
“Subukan mo ulit! Tansyahin mo kasi!” Saad n’ya, sinubukan ko lang ng sinubukan. Matapos ang limang shot, bumaling ako sa kan’ya.
“Oh ano?!” Tanong ko.
“Ang hirap mo naman turuan!” Aniya naiirita na sa akin.
“Eh Sino ba ang nag ayang mag laro?!” Tumawa na ako dahil iritang irita na ang mukha n’ya! Nakakunot na ang noo!
“Isa pa, subukan mo ulit” lumapit na s’ya sa akin at inayos ang pagtira ko.
Shinoot ko na iyon at muntik nang mashoot!
“Sayang!” Sigaw ko kasabay ng pagbagsak ng bola.
“Tristan, someone’s calling you” si Lola lumapit sa Amin para iabot ang telepono n’ya.
Sumenyas s’ya sa Amin at lumayo para sagutin ang tawag.
Nagkatinginan kami ni Rasmuz, pero Wala ni isang nagtangkang magsalita sa Amin.
Hinanda ko na lamang ang mga kamay ko para sa pagtira.
“You’re doing it in the wrong way” si Rasmuz, nakalapit na pala s’ya sa akin.
Iniayos n’ya ang kamay ko, pero Wala akong makuha sa mga sinasabi n’ya. Nawala yata ako sa sarili.


/> “Sabrina are you listening?” Aniya na nag pabalik sa ulirat ko.
“Huh? Ano ‘yon?” Tanong ko, Hindi pa nakakabawi sa pagkakagulat.
Ramdam ko ang braso n’yang nakadikit sa mga braso ko, Hindi ko s’ya nilingon dahil panigurado mang hihina ako.
“Try, shoot it” lumayo na s’ya sa akin, itinuon ko naman ang pansin sa bolang hawak.
“Yes!” Napatalon pa ako ng nashoot ko iyon! Tinignan ko s’ya at nakitang sinasabayan n’ya ang pag ngiti ko.
“Told you” saad n’yang muli, nag thumbs up ako sa kan’ya at sinubukan ulit iyon ishoot.
Nakatatlong shot yata ako at pumasok ‘yon lahat, sunod sunod!
“Angas!” Rinig ko na si Tristan palapit sa amin habang pumapalakpak.
“Iba talaga pag si Mr. Salmodavar na ang gumalaw” ngingisi ngisi ito sa akin. Iniwas ko ang aking tingin dahil panigurado sing pula ko na ang kamatis ngayon.
“Stop it bro” narinig ko rin ang bahagyang pagtawa ni Rasmuz.
“Let the game begin!” Si Tristan naman ang nagsalita.
Magkasama kami ni Tristan, kalaro namin si Rasmuz.
“Ipasa mo sa akin Sab!” Kumaway si Tristan sa likod ni Rasmuz habang hawak hawak ko ang bola. Ipinasako iyon sa kan’ya at nakuha n’ya nga, pero hindi pa naishoshoot ay naagaw na ni Rasmuz.
“Dito!” Si Tristan muli ng nasa akin ang bola. Ibinigay ko nga sa kan’ya pero palya pa rin dahil naagaw muli ni Rasmuz. Ang daya naman! Nakadalawa na s’ya!
“Sa akin!” Sigaw ni Tristan pero hindi ko na s’ya pinansin at ako na ang lumapit sa ring para ishoot!
Bulls eye! Naishoot ko!
Kumindat ako kay Tristan na ngayon ay namamangha na sa akin.
“Hina mo naman Tris! Hindi ka makashoot!” Pang aasar ko, tumawa naman si Rasmuz sa likod ko.
“Lugi ah, pinapascore ka ni Rasmuz pero ako Hindi” nagkamot pa s’ya ng ilong. Dahil sa sinabi n’ya ay unti unting nawala ang pagtawa ko.
“Last! Kung sino makashoot sa MVP!” Sigaw ni Tristan na nasa Kanan ni Rasmuz.
Nakay Tristan ang bola at ipinasa n’ya ito sa akin! Anong gagawin ko?! Natataranta ay tumakbo agad ako sa court at ishinoot!
“Daya traveling!” Sigaw ni Tristan sa malayo.
“Sus! Hindi ka lang makashoot eh!” Sigaw ko.
“Ayaw mo non, Tayo panalo!” Dagdag ko pa. Tumawa na lang s’ya sa akin, sinabayan din iyon ng bahagyang pag tawa ni Rasmuz.
“Magmeryenda na kayo!” Si Lola, may hawak hawak pang dimpo at nasa tabi n’ya naman ang lalagyan ng mga tubig.
Agad akong lumapit doon.
“Pawis na pawis ka na Hija” Saad ni Lola, kung hindi n’ya iyon sinabi ay hindi ko na mapapansin ang itsura ko.
“Salamat la” aniya ko ng makuha na ang towel, agad ko iyong ipinunas sa mukha ko at braso.
“You all done?” Si Daddy nasa pinto sa likod.
“Opo Tito” si Tristan ang sumagot.
“We’ll have a business meeting tomorrow, kasama ang lola n’yo. Maiiwan kayo ritong dalawa Sabrina at Tristan” si papa.
“Hindi ba p’wedeng sumama Dy?” Umiling agad s’ya sa akin bilang sagot, napanguso naman ako. Gusto ko ng lumibot.
“Tito aalis rin ako bukas eh, may kukunin po kami sa school ni Rasmuz” si Tristan, ano?! Eh anong gagawin ko rito?!
“Ano?! Sama na lang ako sainyo Dy!” Busangot na ang mukha ko.
“Kila Tristan ka na lang sumama, you’ll get bored in the meeting.” Pinal na ang tono ng pananalita ni Daddy kaya Wala akong ibang nagawa kundi tumango.
To be continued…
__________________
Maraming salamat po sa pagbabasa at magandang gabi


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.