0

Fated Hearts CHAPTER SIX


Report

KUYA BRUNO, makikigamit sana ako. May available pa ba?” tanong ni Rhodel. Pagmamay-ari kasi ng pamilya nito ang isang computer shop sa lugar. Naisipan niyang i-check ang e-mail kung sakaling may nag-e-mail sa kanya. His friends and even his loyal best friend, Clark, never knew about his little rebellion at iyon ang kauna-unahang pagkakataong hindi siya nag-open up sa kaibigan. Wala lang talagang pagkakataon si Rhodel na magpaliwanag sa mga ito. The day he knew about his predicament was the same day he decided to leave. Alam niyang naguguluhan ang mga kaibigan, lalo na si Clark, not that he was intending to tell him yet. He just wanted to see if he had any e-mail.
Matapos ibigay ni Kuya Bruno ang available na computer ay agad niyang binuksan ang e-mail. At hindi siya nagkakamali, nag-e-mail si Clark and it was dated a week ago. Feeling curios, he opened it.
πŸ“² CLARK :
Bro, hindi ko alam kung nag-o-open ka pa ng e-mail at this point but I want you to know that your dad’s mad. And your mom’s hysterical. Wherever you are, I pray you’re doing fine.
For a moment, Rhodel just blinked at the screen. Hindi niya alam kung magre-reply sa matalik na kaibigan o hindi. He trusted Clark, no doubt about that. They had known each other since they were kids because they both grew up in the same neighborhood. At magkapitbahay lang din sila. Clark was like a brother to him at ganoon din ito sa kanya.
Kaya walang pag-aalinlangan siyang nag-reply.
πŸ“² RHODEL :
Bro, I’m doing fine. Don’t worry about me. I’m sorry kung umalis ako bigla. But please don’t tell mom and dad about us exchanging e-mails. I don’t want them to know that you’ve been contacting me. At salamat na rin sa pag-alala. Babalik din ako, bro, but not now.
After reading his own reply, he hit the Send button. He did not expect him to reply instantly but when he refreshed the page, he immediately saw Clark’s reply. Agad niyang binuksan ang message.
πŸ“² CLARK :
Thank God, you’re online! Don’t worry, bro, my mouth is closed. I won’t say a word. I know why you left. Your mom told my mom and she told me. Geez, that sucks. Kung ako ang nasa kalagayan mo, gagawin ko rin siguro ang ginawa mo. It’s a good thing my parents didn’t set me up. Whew!
Rhodel immediately typed his reply.
πŸ“² RHODEL :
Wag kang pakasiguro, bro, malay mo may sinet up na sina Tito at Tita para sayo. Paggising mo bukas, mabibigla ka na lang. LOL.
Natatawa siya sa sariling reply. He had to admit he was enjoying where this conversation was heading. Exchanging e-mails with his best friend put his heart at ease.
πŸ“² CLARK:
Shut up. Geez. Pero kung ganon, lalayas din ako. I wanna be where you are. Pagdadamayan natin to, bro. LOL. Ipagluluksa natin pareho ang ating kapalaran.
Natawa si Rhodel at magre-reply sana nang sumulpot sa kanyang isip si Cris. Hinding-hindi niya hahayaang makilala ni Clark ang dalaga. Sabihin nang makasarili siya pero hindi niya gusto ang ideya. Iisipin pa nga lang niya ay parang kinakain na siya ng pagkadismaya.
πŸ“² RHODEL :
Yikes! No. Go find another place. I don’t want a troublemaker putting me in danger.
He sent it, stifling his laughter as he waited for his friend’s reply. Nai-imagine niya ang mukha ng kaibigan habang binabasa ang reply.
πŸ“² CLARK :
Bastard! LOL.
Hindi napigilan ni Rhodel na tumawa. Muli siyang nag-reply, sinabi na kailangan na niyang mag-log out. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kaibigan. He honestly felt good after that light conversation with his best friend.
❀️❀️❀️❀️❀️❀️❀️❀️❀️❀️
NARAMDAMAN ni Cris ang pagsiko ni Helen sa kanya at nang lumingon siya sa kaibigan ay nakanguso ito sa pintuan. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap nang sundan ng tingin ang inginuso nito. Rhodel leisurely entered the coffee shop, grabbing the attention of every girl in the room. Kabilang na siya.
Napalunok si Cris. Parang bigla yatang nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa pagtingin ni Rhodel sa kanya. Parang sa paningin nito ay siya lang ang babae roon at hindi na napapansin ang iba pang tao.
“Hi,” bati ni Rhodel na may ngiting makakapag-palambot ng mga tuhod ng lahat ng babae.
Napalunok na naman siya habang unti-unting sumandal sa counter sa likuran. “A-anong ginagawa mo rito?”
Sa totoo lang, ayaw niyang naroon si Rhodel dahil nadi-distract siya kapag nakikita ito, not to mention, her colleagues were obviously ogling him.
“Wala lang. I just want some coffee,” sabi nitong kaswal na nagkibit-balikat.
“Eh, di bumili ka na lang sana ng instant coffee sa tindahan nina Kuya Borj,” sabi niya sa mahinang tinig. Gusto niyang ito lang ang makarinig sa kanilang usapan.
Tumawa si Rhodel. “Bakit? Bawal ba akong pumunta at bumili rito? I didn’t know I’m not allowed to set foot in here.”
Luminga si Cris at nakitang nakikinig ang mga katrabaho na may ngiti pa sa mga labi. Obviously Rhodel was not aware of their audience. Oh, baka alam nito pero wala lang talagang pakialam?
“Rhodel, halika nga rito.” Hinila niya ang binata patungo sa pinto.
“Hey, ano bang problema?” Humarap ito sa kanya. Malapit na sana sila sa pinto ngunit huminto ito. “May nagawa ba akong masama?” The worried look on his face made her feel like a total mean girl.
Kinagat ni Cris ang ibabang labi. “P-pasensiya na, Rhodel. Pero kasi….. ayokong nandito ka,” halos pabulong na sabi niya.
“Bakit naman?”
She looked at him while squirming, unable to hide her discomfort. Ramdam pa kasi niya ang mga matang nakatuon sa kanila, hindi lang sa mga kasamahan ngunit pati na rin sa mga customer.
“Sinabi ko na, diba? Isa kang malaking distraction hindi lang sa akin kundi pati na rin sa mga kasamahan ko sa trabaho.”
“Me? A distraction? Bakit naman ——oh, wait, did you just say that I’m a distraction to you, too?” Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Rhodel.
Napalunok siya at napakurap. “S-sinabi ko ba yon?”
Lumuwang ang pagkakangisi nito. “Yes, you did.”
“Uhm…….” Gusto niyang bumuka ang lupa at lamunin siya. Ngunit hindi iyon nangyari.
“My, my, my…..” He looked like he was trying not to laugh. Damn it.
Naramdaman ni Cris ang pag-iinit ng mga pisngi at huli na para maitago pa iyon. Base sa lalong pagluwang ng pagkakangisi ni Rhodel, tiyak na nakita rin nito ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
(Buwisit! Nag-e-enjoy pa talaga siya!)
“Whatever! Umalis ka na nga!” asik niya na pilit itinatago ang hiya sa pamamagitan ng pagsusungit.
It always worked for her. Rhodel laughed some more as she pushed him away.
“Wait! Let me buy coffee first, please.” Parang nagsusumamo ang mga mata ng binata kaya ibinaba niya ang mga kamay mula sa dibdib nito.
“Bilisan mo,” aniyang may bahid pa rin ng inis.
Pinisil pa nang magaan ni Rhodel ang kanyang pisngi bago naglakad patungo sa counter. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya bahagya siyang napaigtad sa pagdadaiti ng kanilang mga balat. Tila nakuryente siya sa simpleng pagdampi ng kamay ng binata sa kanyang pisngi. Not only that, she also had annoying butterflies in her stomach and she wanted to punch herself, all of a sudden.
Umiling si Cris at kinalma ang sarili. Nang makahuma ay naglakad siya palapit kay Rhodel. Gusto niyang makasigurong walang sasabihing kalokohan ang binata sa kanyang mga kasamahan kung sakaling magtanong ang mga ito. Sana lang din ay hindi magtanong ang mga kasamahan tungkol sa kanila. Ipinagpasalamat niya dahil hindi naman nagtanong ang mga ito pero kitang-kita niya sa mukha ng mga kasama ang pigil na pagtawa. They all looked amused.
(Great. Now, I’m a living joke) lihim na himutok niya.
Bumili ng caramel frappe si Rhodel para sa sarili at pumihit sa kanya nang may kontentong ekspresyon sa mukha. Tinignan niya ito nang masama. Her eyes were practically screaming (you may go now). Kinindatan siya ni Rhodel habang sumisipsip sa frappe nito.
Her heart did a couple of somersaults. She fought the urge to gasp and put her hand on her chest.(Jusko! Ba’t ba ako kinikilig sa kumag na to?)
“See you tonight, sugar,” pahabol pa nito at dinig na dinig niya ang pagsinghap ng mga katrabaho. Damn it. Kailangan pa ba talagang sabihin iyon? May pa sugar-sugar pa itong nalalaman!
She was now giving him death glares. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro ay naliligo na si Rhodel sa sariling dugo.
With an amused grin on his lips, he chuckled before he turned away and headed for the door. Nang tuluyan nang makaalis ang binata ay nakahinga na siya nang maluwag.
“Hindi ko sasagutin ang mga tanong niyo,” agad na sabi niya nang bumaling sa mga katrabaho. Kung sana lang ay may Eject button patungong planet Mars sa counter, she would be very grateful.
πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜
PAGKATAPOS magsimba at magsindi ng kandila sa memorial wall ay nagyaya si Rhodel na mamasyal muna. Siniguro ng binata kay Cris na ito ang magbabayad ng pamasahe, pati na rin sa pagkaing gusto nilang kainin. Sa mall sila pumunta at doon na rin nananghalian. Pagkatapos ay naglibot-libot na. Nagyaya si Rhodel na manood ng sine pero tumanggi siya. Pinaalalahanan niya ang binata na magtipid.
“Sa arcade na lang tayo,” suhestiyon nito.
Bago pa man makasagot ay hinila na siya ng binata patungo sa arcade. Gusto niyang bawiin ang kamay na hawak ni Rhodel ngunit hindi niya magawa. Her stomach fluttered like a bag of butterflies once again. Naisip tuloy niya kung ganoon din kaya ang nararamdaman ng binata.
“Here’s the deal, paramihan tayo ng tickets——–”
“That’s not fair!” agad na putol niya. “Sigurado namang mas marami kang makukuha, eh.”
Tumawa si Rhodel ngunit hindi na rin nagpumilit pa. Pagkatapos bumili ng tokens ay nagsimula na silang maglaro. Una nilang nilaro ang Whack-a-Mole.
“Ang dali...


naman niyan. Wala bang mas mahirap-hirap?” mayabang na tanong ni Cris.
Natawa si Rhodel. “Relax, were just getting started. Warm up pa lang to, okay?”
Nahihiyang nginitian niya ang binata. Sunod nilang sinubukan ang House of the Dead. May mga pagkakataong nagugulat siya sa zombies na bigla na lang susulpot at tatawa lang si Rhodel sa kanyang reaksiyon. Mukhang tuwang-tuwa talaga ito habang pinagmamasdan siya. Hindi tuloy niya mapigilang mag-init ang kanyang mukha.
“Try mo kaya ang Dance Dance Revolution,” mayamaya ay suhestiyon ni Rhodel.
Nanlaki ang mga mata ni Cris. “Ayoko nga!”
“Bakit? I want to see you dance,” nakangising sabi nito.
“Kaya nga ayoko, eh!” sikmat niya.
Rhodel laughed and ran his fingers through his hair. “Why?”
“Sumasayaw lang ako kapag naliligo o nasa loob ng bahay. Hindi sa harap ng maraming tao. So don’t push your luck, okay?” Pinaningkitan niya ito ng mga mata kung sakaling magpumilit pa.
Tumawa lang si Rhodel. “Okay, fine. I won’t force you to do it,” sabi nito na ikinatuwa niya.
Mayamaya ay ang car racing naman ang kanilang nilaro. They tried to outdo each other in order to show the other who was better. In the end Cris did okay, sometimes crashing her virtual car, but Rhodel did far better than she did. She had a feeling Rhodel would be a smooth driver in real life.
He whistled. “Damn, I won. Wala bang mas mahirap na game dito?” Isang ngiti ng tagumpay ang puminit sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya. He looked so proud, she wanted to smack his head.
Kinunot ni Cris ang ilong. “Well, bakit hindi mo subukan ang Claw Crane? Kung talagang magaling ka, subukan mo yon. Kapag nakuha mo ang gusto kong stuffed toy, may reward ka mula sa akin,” hamon niya.
Naghahamon ding tumaas ang isang kilay ni Rhodel. “And what reward is that?”
Ngumiti siya nang matamis. “Ikaw ang bahala kung anong gusto mo. Handa akong ipusta ang pera ko. Alam ko namang hindi ka mananalo.”
Iniisip pa lang, parang gusto nang mag-victory dance ni Cris sa harap ng binata. Mukhang madali ang Claw Crane pero madalang lang ang nananalo roon. Posible namang manalo, kaya lang ay kailangan talaga ng tiyaga.
“Ha! Don’t be too sure, honey. If I win, you’d better be prepared.” Nakataas ang isang sulok ng mga labi ni Rhodel habang papalapit sa naturang laro.
Binelatan niya ang binata habang nakasunod dito. (Matalo ka sana!)
“Alin ba dito ang gusto mong kunin ko?” tanong nito.
Based on her experience, mas mahirap kunin ang mga laruang nasa likuran.
“Gusto ko non, yung puting teddy bear 🧸 na nasa likuran,” nakangising sabi ni Cris.
Mayamaya pa’y naghulog na ng token si Rhodel at naghintay. Habang nanonood ay malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Now she felt silly for challenging him. Pero wala nang atrasan.
“Oh, God, please huwag mo sanang hayaang manalo ang kumag na to.”
Lumingon si Rhodel sa kanya. “Did you say something?”
Napakurap si Cris. “H-ha?”
Hindi na siya nakaisip ng palusot dahil nagsimula nang gumalaw ang mechanical claw. Agad na napunta roon ang atensiyon ng binata. Halos hindi humihinga si Cris habang pinanonood ang pagkuha ni Rhodel sa stuffed toy. At nang tuluyan na nitong makuha ang laruan ay parang gusto niyang mabaliw.
Ngunit sa kalagitnaan ay nabitiwan ng claw ang laruan.
“Yes!” bulalas ni Cris.
Napatingin sa kanya ang ibang tao. They might think she was some kind of a lunatic dahil parang masaya pa siyang hindi nakuha ang stuffed toy.
“Not so fast, babe. Remember I still have tokens,” nakangising sabi ni Rhodel.
Napasinghap siya. Oh, no! She watched in horror as Rhodel put in another token. Pagkatapos ay nagsimulang muli. Napatili siya at natawa naman ang binata. It was as if he could sense he was going to win.
At ganoon nga ang nangyari. Nakuha ni Rhodel ang laruan. Napapikit si Cris, hindi niya matanggap na natalo siya sa pustahan.
“Well, well, well….”
Pagdilat niya ay maluwang ang pagkakangiti ni Rhodel. Iwinawasiwas pa nito ang stuffed toy sa harap niya.
“Buwisit!” usal ni Cris.
Muling tumawa si Rhodel.
“Sige, fine. You win.” Marahas niyang kinuha ang stuffed toy at naglakad palayo. Parang gusto tuloy niyang sunugin ang walanghiyang machine na iyon. “What do you want as a reward?” tanong niya nang humarap sa binata. Ngising-ngisi pa rin ito.
“Hmmmm, well, let me see….”
“Shoes? T-shirt? or Jeans? Oh, please, wag yong mahal. Maawa ka sa bulsa ko, Rhodel.” Kinakabahang kinagat niya ang ibabang labi. Baka kasi ang gusto nitong ipabili sa kanya ay nakakabutas ng bulsa.
Umiling ito. “No, none of those.”
“Eh, ano? Foods?”
“Hindi rin.”
“Eh, ano?”
Sa halip na sumagot ay tinawid ni Rhodel ang pagitan nilang dalawa at yumuko sa kanya. At bago pa man niya malaman ang gagawin ng binata ay dumampi na ang mga labi nito sa kanya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya nagawang mag-react pa. Mabilis lamang ang halik na iyon ngunit bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ni Cris na nanulay sa kanyang buong katawan. Ni hindi niya makuhang gumalaw pagkatapos niyon. Nanlalaki ang mga matang nakatulala lamang siya kay Rhodel habang ang binata ay nakangiti lang. Marahan siyang tumikhim nang maramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi.
“Come on, let’s try that one,” sabi ni Rhodel, saka hinawakan siya sa kamay.
Hindi pa nga nakakahuma si Cris sa ginawa nito ay hinila na siya nito sa kung saan. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Damn. That kiss was totally random. Hindi talaga niya inaasahan iyon.
“Here, put this on.”
Bago pa man niya ma-realize ang lahat, may isinuot si Rhodel sa kanya na parang strap at kinuha ang teddy bear mula sa kanyang kamay. Noon lang niya napagtantong nasa harap sila ng Guitar Hero game machine.
“H-ha? H-hindi ko kayang laruin to. Hindi ko alam kung paano,” sabi niyang bahagyang nag-panic.
Ngumisi si Rhodel. “Don’t worry, this is easy.”
Sumimangot siya. “Para sayo, easy lang. Hindi kaya ako marunong maggitara.”
“Just try it once. Come on, it’ll be fun.”
Pinaikot niya ang mga mata, saka bumuntong-hininga. “Fine. Eh, paano ba to?”
“See those little colored circles on the screen? They correspond to the colored buttons on the guitar. You have to press down on the button and strum at the same time. Para ka lang namang nagpe-play ng regular guitar. It’s that simple.”
“Pero mukhang hindi ko pa rin kaya.”
“Kaya mo yan. I’ll pick the easiest song for you.” He smiled at her reassuringly.
Nakagat ni Cris ang ibabang labi nang tumalikod si Rhodel at maghulog ng token sa machine.
“Basta kung palpak to, wag mo akong sisihin, ha?”
Cris felt nervous as she waited. All of a sudden, the game started and she began to press the buttons and strum like mad. Napasigaw siya, alam kasi niyang magmumukha na siyang epic fail dahil hindi man lang magawang pindutin ang tamang button.
“Blue! Yellow! Ack——Red! Oh, come on, Cris!”
“Sabi mo, easy lang to! Bakit ang hirap!?” asik niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa screen. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang sinuklay ni Rhodel ng mga daliri ang buhok dahil sa frustration. Bago pa man matapos ang kanta ay bigla na lang itong lumapit sa kanyang likuran.
“Move your hand,” sabi nito na tinapik ang kamay niya paalis sa guitar neck. Awtomatiko niyang inalis ang kamay. “I’ll pass the color buttons and you strum, okay?” sabi nitong hindi inaalis ang mga mata sa screen.
The sudden closeness caught her off-guard. Her back was against his chest and she was still for a moment. Napalunok siya. Nawala ang kanyang atensiyon sa nilalaro, at napunta kay Rhodel. Her throat suddenly went dry, not to mention her heart started doing a series of somersaults inside her ribcage.
“Strum, Cris, or else we’ll lose the game,” sabi nito na malapit sa kanyang tainga. Oh, baka naman imahinasyon lang niya iyon dahil sa closeness nilang dalawa?
Kumurap si Cris, pilit na ibinabalik ang huwisyo sa laro. She strummed along to the song even though she was not quite sure if she was doing it right.
“Good, you’re doing it right,” sabi ni Rhodel at hindi niya napigilang mapangiti. Ang mababang score kanina na nakatatak sa screen ay mataas na ngayon. It was all thanks to Rhodel. He saved her. Kung hindi dahil sa binata ay talagang magmumukha siyang tanga.
Nang matapos na ang kanta ay nakahinga nang maluwag si Cris.
Natawa si Rhodel. “Whew! That was one hell of an epic fail.”
“Shut up. Kung hindi mo lang kasi sana ako pinilit ———”
“Hey, I saved you back there,” sabi nito habang naglalakad na sila palayo. “At isa pa, we really looked like a couple a while ago. Nakita mo ba kung gaano kaaliw yong matanda habang nanonood sa atin?”
Part of her wanted to smile like an idiot, but another part of her wanted to crawl into a hole and die.
“Shut up,” sa halip ay anas niya habang pinipigilan ang sarili na huwag mamula.
Rhodel laughed. “Cris naman, eh. You’re such a wet blanket.”
“Oh, my goodness, wait! Naiwan si Roddy!” tili niya at walang sabi-sabing bumalik sa Guitar Hero game machine kung saan itinapon ni Rhodel ang teddy bear bago siya tinulungan kanina. Mabuti na lang at nandoon pa ang teddy bear. Kinuha niya iyon at bumalik kay Rhodel. “Bakit?” tanong niya nang mapansing nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin sa kanya.
“Did you just call that teddy bear ‘Roddy’ ?”
“Oo. As if naman, ipapangalan ko to sayo.”
Sure, magkasing tunog lang ng pangalan, but it was still not his name. She looked at him and caught him grinning. He looked pleased, so she squinted.
“It’s Roddy. Not Rhodel. Get over it,” sabi niya na tinawanan lang nito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.