0

Fated Hearts CHAPTER FOUR


Report

Fated Hearts ❤️
❣️ CHAPTER FOUR ❣️
DALAWANG linggo na ang nakalilipas mula nang makitira si Rhodel sa bahay ni Cris. Surprisingly, she got used to his presence. Hindi rin naman pabigat ang binata dahil tumutulong naman ito sa gawaing bahay. Araw-araw din siyang sinusundo sa trabaho at minsan naman ay inihahatid siya sa umaga. Ayaw mang aminin ni Cris ngunit she honestly felt safe whenever she was with him. And no, she was never going to tell him that. Baka lumaki pa ang ulo ni Rhodel at tuksuhin siya.
Nang umagang iyon, paggising ni Cris ay dumeretso siya sa banyo upang maligo. Hindi siya nagising agad nang tumunog ang alarm clock kanina kaya napabalikwas siya sa kama. She overslept for another ten minutes and panic struck her. She immediately rushed towards the bathroom. Rhodel was nowhere to be found so she guessed he was still in his room, probably snoring.
Dali-dali siyang nag-shower, planning to just spend five minutes inside. That was when the door suddenly opened and a groggy Rhodel appeard, yawning and rubbing his eyes. Blood rushed her cheeks and she let out an ear-splitting scream. Dahil sa lakas ng kanyang tili, nagising bigla si Rhodel. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
Cris snatched the towel to cover her nakedness. “Damn you! Don’t you know how to knock?!” She glared at him. Kung nakamamatay lang ang titig, siguradong duguan na si Rhodel at wala nang buhay.
“Malay ko bang nandito ka sa loob?” depensa ni Rhodel. Worse, she saw his eyes twinkling with hidden laughter. (Jerk! 🙄😠)
“Bukas ang gripo, hindi mo ba narinig ang lagaslas ng tubig?!”
“Hey, kakagising ko lang. I’m only half-aware of what’s happening around me. And besides, it’s your fault. You didn’t lock the damn door!”
She was sure as hell her face was beet-red. Gusto niyang matunaw sa kinatatayuan. Oh sige, baka nga hindi talaga niya nai-lock ang pinto dahil sa pagmamadali. Pero dapat ay kumatok muna ito.
Bago pa man siya mag-hysteria, Rhodel spoke. “But don’t worry, wala akong nakita,” sabi nito, pero iba naman ang sinasabi ng mga mata. Dammit!
Pinukol ni Cris ng matalim na tingin ang binata. “You’d better not see anything! Dahil talagang papatayin Kita!”
Rhodel moved back, both hands raised in the air na para bang isang kriminal na nahuli ng mga pulis. She almost let out a sigh of relief but then she saw the corner of his lips curve upward as he closed the door in front of him.
(Diyos ko! Kunin niyo na po ako!)
Gustong iuntog ni Cris ang ulo sa semento. Kay aga-aga ay iyon agad ang bubungad sa kanya ——- isang kahihiyan! She wanted to crawl inside a hole and die. This was too much. No one had ever seen her naked. Well, her parents were the exception, of course. The fact that Rhodel, a complete stranger, was the first one to see her naked was just too embarrassing for her. She knew he saw something, she could tell from the look in his eyes.
(Argh! Damn it!)
Dahil nga hindi niya alam kung paano pa haharap sa binata, hindi na niya ito hinintay pa at umalis na ng bahay patungo sa trabaho.
💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞
EIGHT-THIRTY na ng gabi nang makauwi si Cris. Pagod na pagod na siya at gusto nang matulog. Tahimik siyang naghikab at inilibot ang tingin sa paligid. Obviously, hinahanap ng kanyang mga mata si Rhodel.
“Mukhang masama na ito, ah,” anas niya sarili. “Nasanay na ako sa kakasundo niya. Buwisit talaga.”
“Ows, talaga?”
Napapitlag si Cris nang may biglang nagsalita sa likuran. Nalingunan niya si Rhodel na may hawak pang stick ng proben.
“Gusto mo?”
“Palagi ka bang kumakain niyan?” sa halip ay tanong niya. Parang hindi pa kasi nagsi-sink in sa utak niya na ang tanong ito ay kumakain ng street foods. Hello, mayaman kaya ang kumag na ito.
“Ang tagal mo kasi, eh. Kaya ginutom ako sa kakahintay.”
“Eh, sinabi ko bang sunduin mo ko?”
“Geez, can’t you, at least, be thankful?”
She wrinkled her nose and started walking. Nagmamadaling umagapay si Rhodel sa kanya. Dahil doon, nagbanggaan ang kanilang mga braso. Cris shivered again na para bang isang malaking yelo ang humaplos sa kanyang balat.
“Feeling cold? Ah, I should’ve brought a jacket with me.” Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
Napalunok si Cris. A sudden feeling of embarrassment rushed within her upon remembering what happened this morning. Naaalala kaya iyon ng binata?
“What?” tanong ni Rhodel, may bahid ng amusement sa mga mata.
(Oh, shit. Naaalala nga niya.)
Binilisan niya ang paglalakad. Pero agad nahagip ng binata ang kanyang braso. She flinched at the contact. Bakit ba ganoon na lang ang kanyang reaksiyon? Goodness!
“May ginawa ba akong masama?” tanong ni Rhodel habang hawak pa rin ang kanyang braso.
The longer he held her arm, the more her heart was doing somersaults. When he finally let go, she almost sighed in relief.
“W-wala,” sagot ni Cris. Ni hindi siya makatingin sa mga mata nito. (Argh! Nakakainis naman to!)
“Wait, don’t tell me tungkol ito sa nangyari kanina?”
She would forever be grateful kung sana lang ay bumuka ang lupa at lamunin siya nang mga oras na iyon. Kaso nga lang, hindi bumuka ang lupa. Bagkus ay lumapit pa nang husto si Rhodel sa kanya.
“Look, it was an accident, okay? I admit, may kasalanan ako dahil hindi ako kumatok. But hey, you’re also to blame. Hindi mo kasi ni-lock yung pinto.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. Tila sumusukong itinaas ni Rhodel ang dalawang kamay. Pero may punto naman ito. Hindi niya sinigurong naka-lock ang pinto kaya iyon nangyari.
“All I’m saying is, we should forget about it, okay? I just don’t want to feel awkward around you nor do I want you to feel awkward around me. Come on, Cris, let’s just forget it happened. Tutal, wala naman talaga akong nakita. My eyes were closed the whole time.”
She wrinkled her nose. The “my eyes were closed the whole time” part was unnecessary because she knew it was not true. Oh, well.
“Fine. Kalimutan na natin yung nangyari at wag nang pag-usapan pa. Promise?”
“I promise.”
“Promise mo rin na kakatok ka muna mula ngayon.”
“Yes, I promise. As long you promise to lock the door.”
“Bibili ako ng dalawang padlock. Isa sa loob ng banyo at isa sa kwarto ko,” sabi niya at nagsimula nang maglakad.
Tumawa ito. “Suit yourself.”
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
“GUSTO kita, Rhodel. May sense of humor ka,” sabi ni Kuya Borj.
Rhodel was drinking with Cris protective neighbors. Sa totoo lang ay nakakatakot ang mga ito. Sa laki ba naman ng mga katawan, sino ang hindi matatakot. Ngunit napagtanto niya na mababait naman pala ang mga kapitbahay ni Cris. Tama siya ng hinala na despite sa scary appearance ay may tinatago ring kabutihan ang mga ito.
“Pare, bakla ka ba? Bakit gusto mo si Rhodel?” tanong ni Kuya Indong matapos lumagok ng alak.
“Gago! Gusto ko siya dahil palabiro siya, bugok!”
Tumawa si Rhodel nang hampasin ni Kuya Borj ang ulo ni Kuya Indong.
“Hoy, wag nga kayong magbasagan ng ulo sa harap ni Rhodel. Nakakahiya naman sa kanya,” sabi ni Kuya Bruno, isa rin sa mga barkada nila. “Pagpasensiyahan mo na sila, Rhodel. Mga engot kasi ang mga iyan.”
“Oh, ito pang baso para sayo, Rhodel,” Inabot ni Kuya Borj sa kanya ang isang baso.
Kinuha niya iyon mula sa kamay nito at nilagok. He must admit,...


he didn’t usually go out and drink. Just occasionally. Mahirap kasing makipag-inuman sa barkada kapag may strict na mga magulang.
“Rhodel, sagutin mo nga kami nang deretso. Nililigawan mo ba ang Cris namin?”
Muntik nang maibuga ni Rhodel ang iniinom dahil sa biglang tanong ni Kuya Indong. Tinapik-tapik naman ni Kuya Bruno ang likod niya sa paraang pakiramdam niya ay maaalis ang kanyang mga baga.
“Bakit niyo po naitanong yan?” tanong niya nang makahuma.
“Wala lang. Naisip lang namin.”
“Wag mo sanang masamain, Rhodel, ha? Yang Cris kasi namin, mahal na mahal namin yan. Ayaw namin siyang nasasaktan. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw naming masaktan uli siya,” sabi ni Kuya Borj.
“Hindi ko alam kung nasabi na niya sayo pero ulila na si Cris,” singit ni Kuya Indong na ikinabigla niya.
Ulila? Pero ang sabi ni Cris ay umalis lang sandali ang mga magulang nito at babalik din.
“Namatay ang mga magulang niya nong nanalanta ang bagyong Sendong dito sa amin.”
Rhodel could not move a muscle as he started at the serious look on their faces. Nag-flashback sa kanyang isip noong nagsimba sila ni Cris at tinanong niya ang dalaga tungkol sa Sendong Memorial Wall. He remembered how her voice slightly wavered as she replied. He could almost sense Cris hesitancy to answer him at that moment. Whenever he asked her about her parents whereabouts, she would suddenly grow uncomfortable. Halos magtatatlong taon na ang nakalilipas ngunit bakas pa rin sa mukha ni Cris ang sakit.
“Nakita mismo ni Cris kung paano inanod ng tubig ang mga magulang niya. Nahawakan pa niya ang kamay ng mga ito bago sila inanod. Nakaligtas si Cris dahil nakahawak siya sa steel pole ng billboard sign pero hindi nakaligtas ang mga magulang niya. Mula non, palagi niyang hinihintay ang mga magulang niya. Umaasa pa siyang babalik sila,” pagkukwento ni Kuya Indong.
“Minsan noon, naalala ko, pumupunta siya sa dalampasigan at nakatanaw lang sa dagat. Para bang hinihintay niya ang kanyang mga magulang na umahon mula sa dagat o di kaya’y ihahatid ng isang bangka,” sabi ni Kuya Bruno.
Rhodel felt his heart being ripped into two.
“Napakabait ng mga magulang ni Cris. Ipinangako naming poprotektahan namin ang kanilang unica hija. Hindi namin siya pababayaan,” dagdag ni Kuya Borj.
“Ikaw, Rhodel, kahit na kaibigan ang turing namin sayo, oras na may gagawin kang masama kay Cris, hindi kami magdadalawang-isip na bugbugin ka,” babala ni Kuya Bruno.
Rhodel smiled reassuringly and nodded his head in full understanding. Ilang beses na rin niyang narinig iyon mula kay Cris at hindi siya natatakot. Ni minsan kasi ay hindi pumasok sa kanyang isip na pagsamantalahan ang dalaga. Wala man ang tatlong siga na kapitbahay nito, hindi pa rin niya maisip gawan ng masama ang babaeng nagpatira sa kanya sa bahay nito. Cris trusted him enough to let him stay.
“Trust me, hinding-hindi ko sasaktan si Cris. That’s the last thing I would do.”
Ngumiti ang tatlo sa kanya. “Aasahan namin yan.”
💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌
ALALANG-ALALA si Cris. Hindi dahil nag-iisa siyang umuwi ngayon kundi dahil hindi siya sinundo ni Rhodel. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaligtaan nitong sunduin siya. Sana naman ay walang nangyaring masama sa binata. She quickly got out of the tricycle. Para na siyang baliw, alam niya iyon. Ngunit hindi lang talaga niya mapigilan na mag-alala. Baka naman kasi sinundo talaga siya ni Rhodel ngunit may makasalubong lang na mga masasamang-tao sa daan.
(Wag ka ngang mag-isip nang masama, Merry Cris!) kastigo niya sa sarili.
“Oh, Cris. Nandito ka na pala,” bati ni Kuya Borj nang makita siya sa labas ng tindahan nito.
Itatanong sana niya kung nakita nito si Rhodel nang mahagip ng kanyang mga mata ang binata. Nakahinga siya nang maluwag. Nakikipag-inuman pala ang binata kasama ang mga siga niyang kapitbahay kaya hindi siya nasundo. Matutuwa sana siya kung hindi lang ito lasing.
“Kuya naman! Ba’t niyo pinabayaang malasing yang si Rhodel?” reklamo niyang napapadyak pa.
“Cris!” Biglang tumayo si Rhodel na para bang ngayon lang naalalang susunduin pa pala siya. Ngunit sa pagtayo ay muntik na itong matumba. Salamat kay Kuya Bruno at hindi tuluyang lumagapak ang mukha nito sa semento.
“Pasensiya-i lang mi, Inday Cris. Nakalimutan man gud namo. Na-enjoy naman gud kami,” sabi ni Kuya Indong na halatang lasing na rin base sa pananalita nitong halo ang Bisaya at Tagalog.
“Don’t worry. I’m not drunk,” sabi ni Rhodel na halos hindi na marunong maglakad.
Pinaikot ni Cris ang mga mata. “Yeah, right. Halika nga dito. Umuwi na tayo,” sabi niya, sabay hablot sa T-shirt ng binata. Muntik na uling matumba si Rhodel ngunit nahawakan niya ito. She groaned at his heavy weight. “Umayos ka nga!”
He grinned sheepishly. “It’s your fault. You pulled me.”
“Naku, patay. Nagsasalita na siya ng Ingles. Iuwi mo na yan, Cris, bago pa dumugo ang mga pango naming ilong dito,” sabi ni Kuya Bruno at humalakhak naman ang dalawa nitong kaibigan.
“Wag na rin kayong uminom, Kuya. Tama na yan,” sabi niya sa mga ito habang inilalagay ang isang braso ni Rhodel sa kanyang balikat.
“Okay, okay, titigil na kami ——-”
“Unsa? Sige pa tayo!” putol ni Kuya Borj kay Kuya Bruno. Si Kuya Bruno lang yata ang hindi pa masyadong lasing sa apat.
“Kuya Borj, gusto mo bang kalbuhin kita ngayon din?” banta ni Cris.
“Ay, dili man, Inday Cris.” Kuya Borj smiled sheepishly. “Sige, tama na ito. Bukas napud,” sabi nito at sumang-ayon naman ang dalawang kasama na bukas na ipagpapatuloy ang inuman. Nang magtayuan na ang mga lalaki ay umuwi na rin sila ni Rhodel. Nasa tapat lang ng bahay ni Cris ang bahay ni Kuya Borj at alam niyang hindi siya nito susuwayin.
Nang tuluyang maipasok si Rhodel sa kuwarto ay nakahinga nang maluwag si Cris. She was panting as if she just ran a marathon. Ang bigat kasi ng binata. Talagang lasing na nga ito dahil halos hindi na marunong maglakad. Ibinagsak na lang niya si Rhodel sa kama dahil sa sobrang bigat.
“Sa susunod kasi wag kang magpapakalasing ———— Ay! Anak ng hipon!” bulalas niya nang bigla itong bumangon mula sa kama at sumuka sa sahig. Agad-agad siyang kumuha ng basahan. Kumuha rin siya ng T-shirt sa cabinet nito. “Hubarin mo ang T-shirt mo, Rhodel. Magbihis ka. Basa na ng pawis yang T-shirt mo.”
He groggily looked at her as he took the shirt from her hand. Lumabas muna ng kuwarto si Cris upang ilagay ang basahan sa labas. Pagbalik niya ay nakabihis na si Rhodel at muling nakahiga sa kama at nakapikit. She was worried he might suffocate because he just puked moments ago. She instantly performed the Bacchus maneuver so he will not choke on his vomit. She raised his right arm above his head and gently rolled him on his side. Then she tucked his other hand under his cheek to help maintain head tilt and raise his face off the bed so he could breathe. Nang makitang magiging okay na ang binata ay dahan-dahan siyang bumaba ng kama.
“Cris…….” ungol ni Rhodel habang mananatiling nakapikit. Napahinto siya. “I’m so sorry……”
Hindi niya alam kung bakit nagso-sorry ang binata. Siguro ay dahil nakokonsiyensiya ito na hindi siya nasundo. Hindi niya napigilang mapangiti. Hindi naman talaga siya galit dahil hindi siya nasundo. Ang totoo, nag-alala pa nga siya sa binata.
Napatingin si Cris sa mukha nito and for the umpteenth time, she admired his good looks. Hinding-hindi niya iyon ikakaila sa sarili. Gwapo naman talaga si Rhodel, eh.
“Goodnight, Rhodel,” nakangiting bulong niya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.