0

Falling Inlove


Report

Ako si Pretty_shy tawagin ninyo na lang akong shy napakamahiyain kung babae 17 years old na ako.

Never akong nagkaroon ng bf as in NBSB sabi ng friend ko pwede na daw akong maging NBSB President ng club tsk… kasi isa sa dahilan strict ang parent ko at ayaw ko pa talaga nahihiya ako hindi ko pa yata kaya wala akong time sa bf bf na yan pero sa totoo lang wala naman ang nagtangkang nangligaw sa akin. Hindi naman ako pangit, at hindi naman pangit yung ugali ko hindi talaga honest too promise!

Hindi ko inexpect na magkakaroon ako ng isang kaibingan na lalake as in close na close. First time in mylife na nagkaroon ako ng isang kaibingang lalake except sa kuya ko, pinsan ko at sa mga bading matagal ko yang pinapangarap in 17 years may kaibingan na rin akong totoong lalake nakakataw man.

Itago na lang natin siya sa pangalang J close friend at ang kaibingan ko si Yana close kami tatlo friend ko in fact crush niya si J.

kaibingan ko Si Yana, best friend ko matagal na 4 years friendship na kami parang kambal na nga kami sabi ng mga tao hindi kami naghihiwalay napaka-strong ng friendship namin.

May gusto si Yana kay J sinu’surportahan ko siya .

Dumating sa puntong nagtanong si Yana sa akin na gusto ko rin ba si J. Sabi ko “hindi noh never sayo yun”

“Weehhh.. bakit ang laki ng ngiti mo kapag kausap mo si J huh” sabi ni Yana sa akin.

“Yana naman natural lang naman yun sa akin kapag may kausap basta hindi ko siya crush sayo nga si J”

“Ok, pero Shy ok lang naman sa akin na parehas tayo ng gusto crush lang naman” sabi ni Yana sa akin.

“Hahaaaa… Yana wag ka ngang ganyan gusto mo magkaribal tayo No way ayaw ko ...


crush nga lang pero wag na! Crush mo yun.” tangi ko.

Totoo naman hindi ko gusto si J as a friend lang talaga.

Napaka cute niya ngumiti, napaka labing niya, napaka caring niya sa amin ni Yana.

Pinipisil niya ang pisngi ko. Gumingiti siya sa akin na katitig at kahit kumakain ako.

Hindi ko namalayan na papalapit na ako kay J nahuhulog na yata ako pero dumating sa punto na nalaman niyang gusto siya ni Yana.

Ang alam ng iba na ako ang may gusto kay J kaya pala napatanong si Yana sa akin noon kung totoo ba ito.

Isang araw nalaman namin ni Yana na nag walwal daw si J dahil sa isang babae.

Ang alam ng iba ako ang dahilan at noon punto kakagaling niya sa tulog at sabay kami noon naglakad.

“Umiyak kaba J” tanong ng isang kaibingan namin

“Oo pina-iyak kasi ako nito” sabi niya at tinuro ako.

Tumawa na lang kami ni Yana sa Joke niya ako pa talaga.

ok lng naman kay Yana na ang alam ng lahat na ako ang may gusto kay Si J pero atleast si J alam niya ang totoo na siya talaga.

Hindi ko siya type pero masaya ang puso ko kapag nakikita ko siya.

Hindi ko alam kung gusto ko siya gusto pa naman siya ng bestfriend ko.

Alam ko deep inside nasaksaktan Si Yana.

Pero sabi niya kahit di ko sabihin ayaw niya na kay J kakalimutan na daw namin yang J na yan

kahit bumabalik ang feelings niya kay J haggang friend na lang daw kasi nalaman niya na iba ang gusto niya.

Pero hindi ako yun.

Isang babaeng kilala namin pinaka hate pa talaga namin ni Yana ang nagustuhan niya.

Pero sa huli kami yung nasaktan dalawa dahil kapag nasaktan ang bestfriend ko pati na rin ako naa apektuhan tsk…. Gusto daw niyang bumawi pero Pinaasa lang kami. PAASA TALAGA!

Bye J!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.