1

Faith, Hope & Love


Report

Faith, Hope & Love for me & my loving husband..

Noon lagi kong tinatanong sa Diyos bakit ako laging nasasaktan.  Ano bang kasalanan ko?  Bakit nya ako binuhay sa mundong ito na puro pasakit. Maraming pagsubok na di ko na alam kong paano ko sya nalampasan basta lagi lang akong nanalangin sa Kanya kung bakit ako. Kung maaari bigyan nya ako ng lakas at pag-unawa sa lahat ng bagay.  Bigyan nya ako ng dahilan bakit kailangan ako pa.  Salamat Panginoon ko dahil hindi mo ako pinabayaan. Kahit ilang beses kitang tinalikuran dahil sa galit, poot at sakit na naramdaman ko. Lagi kong hinihiling sa Kanya noon na sana magka-Amnesia ako kagaya ng mga napapanood ko sa tv. Upang di ko na maalala ang mga sakit dulot ng kahapon. Na magkakaroon ako ng bagong alaala. Isang magandang alala na puro saya. Pero sa tagal ng panahon natanggap ko din sa sarili ko na di kailangan kalimutan ang masakit na alaala. Dahil dito pinatibay at pinalakas ako sa laban ng buhay. At hindi ko kailangan magka-Amnesia dahil sa mga masasayang alaala na syang binabalikan para mawala ang poot at galit sa puso.  Nalulungkot ako sa ibang tao at naiiyak sa mga kwento at minsan sa mga napapanood ko tungkol sa mga alaala ng kahapon. Ang saya ko dahil naging makulay ang mundo ko.  Nadapa man ng paulit-ulit at nasaktan ng paulit-ulit –  bumangon sa pagkadapa,  tinanggap ang sakit at nagparaya para lumaya.  Maging masaya sa lahat ng alaala. Pero di ko akalain na sa akin mangyayare. Emotional ako lagi sa mga kwento at napapanood ko. Pero sana Lord sa bulong hininga ko maalala ko man lang ang taong nagmahal sa akin ng sobra. Humihingi ako sa kanya ng patawad dahil sa tigas ng ulo ko.


/> Di ko maalala kung kilan.  Kung kilan ko sya natutunang mahalin. Ang naaalala ko lang lagi na ilang beses ko syang pinagtabuyan noon. Pero bumabalik pa rin sya sa akin. Sabi nya “di natutusakyang puso kung sino ang mamahalin nito”,  sabi pa nya “age doesn’t matter”,  “wala sa tagal ng panahon ang pagsasama kung di talaga kayo ang para sa isa’t isa” at sabi pa “kung mahal mo ang isang tao, mamahalin mo ito kahit ano pa sya tatanggapin mo, di mo kailangan baguhin”.  Mga salitang lagi kong naaalala kapag naaalala ko sya. Mga salitang unti-unti nawawala sa memorya ko. Ang masakit pa Lord ang noon gusto ko mawala ang alala ko sa nakaraan dahil lagi akong nasasaktan. Pero natanggap ko na simula ng minahal ko sya na di ko maalala kung kilan, at di ko maintindihan ngayon kung bakit kailangan mawala ang alaala ko sa kasalukuyan at bumabalik ako sa nakaraan. Ang sakit dahil nga sa tv ko lang napapanood ang mga kwento alzhiemer. Wala ba talagang gamot para dito? Ayokong saktan ang taong walang ginawa kundi ang palaging nasa tabi ko. Ang taong namahal sa akin ng sobra at nagbigay lakas sa lahat ng bagay para tanggapin ko ang mga pagsubok sa buhay. Kahit nasa malayo sya lagi pa rin ako ang inaalala nya.  At ako?  Heto, nasasaktan dahil di ko sya maalala at bumabalik sa panahon kung saan gusto kung magpakamatay dahil sa mga pagsubok na di ko makaya.

Sinulat ko ito ngayon kahit na sumasakit ang ulo ko dahil ito ang nilalaman ng puso’t isip ko.  Lagi kong dinadasal na sana sa tuwing paggising ko maalala ko pa rin sya.  Na sana huwag akong magising sa nakaraan. Sana nasa kasalukuyan pa rin ako. Naghihintay at mayroon syang babalikan.

3

One Comment

  1. Masyado kang bilanggo sa nakaraan mo kaya dimo kayang harapin ang kasalukuyan mo..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.