0

Facebook


Report

2017 nung mahilig talaga ako mag facebook halos parang dun ko nalang inilalaan oras ko lalo na kapag breaktime sa pinapasukan ko pahinga eh.. imbis na matulog gagawin ko facebook kase yun lang naman talaga pag lilibangan ko mag chachat sa mga friends pero mga busy naman sa mga jowa nila o boyfriend nila . and then na gulat ako na may nag chat sa akin sabi nya ” HI ” sagot ko naman ” HELLO ” at ayun na nga ang yugto nang pagkilala namin sa isa’t – isa . Umabot na sa punto na mag kita na personal talaga namang ang pogi nya matangkad maputi at mabalbon una syempre may hiyaan paktor pa kami tapos nun. hinatid nya na ko sa labas namin at yun halos arae araw kami magkachat kahit dipa kami . Pag may time lalabas kami tapos libre nya ko pagkain nuod cine at mag videoke favorite namin kainan mcdo tapos lalagyan namin yung kanin namin nang maraming...


gravy para mas masarap kumain parang sabae lang . Then lumipas na ang ilang week ” AUGUST 10/2017 ” official na maging kami masaya kase kami na ganun parin aayain nya ko lumabas kain street food at kung saan saan pang kainan at syrmpre sa mcdo nag swimming din kami yung moment na kami lang dalawa kase mas masaya . At hanggang sa nag bunga pagmamahalan namin dalawa ” OCTOBER 10 ” preggy na ko sa 1st baby namin masaya na may halong takot kase di pa alam nang mga parents namin yun pero di nag tagal nalaman pinaalam narin namin kase hindi naman namin maitatago na yun . At hanggang ngayon 2021 kami parin nang partner ko 4years na kami nagsasama at may bago na naman blessings sa amin ang aming baby girl 5months old baby . Marami mang pagsubok ang pinag daanan namin masaya ako kase hanggang ngayon matatag parin kami at nandun parin ang pagbibigayan at pagmamahalan .


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.