0

EVERYDAY I LOVE YOU


Report

Shara magkita tayo…
Sent from Messenger
Napalipat siya ng higa nang mabasa ang message. Bakit kaya? Oras ngayon ng pagtulog niya kahit umaga dahil panggabi talaga ang trabaho niya sa isang 24/7 na fast food chain. Nawala ang antok niya. Hindi naman siguro ito mag-aaksaya ng oras para lang makipagkita kung wala lang. Agad siyang bumangon at nagpalit lang ng pants, maayos naman kasi ang pang-itaas niyang t-shirt. Dali-daling niyang tinakbo ang papuntang lrt station na malapit lang inuupahang bahay. Alam naman niya kung saan pupuntahan si Morico.
Tok.Tok.
Nakangiting nagbukas ng pinto si Morico. Alam niya agad na di siya bibiguin ni Shara.
“Mahal…” sabay nilang bati.
“Anong nakain mo at–” sinakop agad ni Morico ang natitirang espasyo para yakapin si Shara. “Miss na miss kita. Dito ka na matulog.”
Tila nakikiliti si Shara sa pakiusap nito kaya gumuhit ang kakaibang ngiti.
“Gusto mo ba iyon?”
Nagbitaw sila sa isa’t isa. Napalunok pa si Shara nang tumunog ang lock ng pinto at saka sa nakakalokong ngiti ni Morico.
“Let’s hide under my blanket until midnight.” mahinang bulong nito sa dalaga.
Pakiramdam ni Shara ay namumula siya. Mainit. Nakakapaso ang bawat minuto. Napakagat-labi pa siya nang maisip ang kahulugan niyon.
Napaatras si Shara habang humahakbang naman papalapit si Morico hanggang madama na ng likod niya ang pintuan na kanina lang ay alam niyang sinarado ng kasintahan.
“Mahal, stay where you are!” pikit-matang banta ni Shara.
“Paano kung ayaw ko?” nanunuksong tanong ni Morico.
Nag-isip ng alibi si Shara pero ayaw gumana ng utak niya sa ganitong sitwasyon kasabay ang isang alaala kung paano nagsimula ang lahat sa kanila ng kasintahan.
3 years ago….
Guadalupe MRT Station.
“Ay miss next train ka na lang nagmamadali kasi ako,” pakiusap ng binata sa dalaga. Isa na lang talaga kasi ang kakasya. Walang nakuhang sagot si Morico kaya nag-isip pa siya ng idadahilan.
“Miss pakiusap naman, iinom na ng gatas ‘yong anak ko at siguradong umiiyak na ‘yon,” maling palusot pero hiling ni Morico na sana ay gumana. Muli lang siyang tinitigan ng dalaga habang pareho na silang nakahawak sa pinto ng tren. Sila na lang ang hinihintay kaya di pa ito nagsasara. Nagbubulungan na nga ang mga tao sa loob.
”Miss maawa ka naman, naghihintay na talaga ang mag-ina ko at saka mas kasya ako sa loob,”
Tama naman si Morico kasi sa kapayatan niya kaysa sa dalagang medyo malaki ang katawan sa kanya.
Dito na nagsalita si Shara. “Ikaw na. Sige na, basta wag mo lang ipagduldulan na payat ka,” mahina ngunit halatang naiinis.
“Thank you, Miss.” sa tuwa ni Morico ay nagnakaw pa siya ng halik sa pisngi nito sabay yakap. Late na talaga siya sa pupuntahan, hindi dahil pamilyado na kundi dahil isa rin siyang empleyado na may masungit na boss.
Natatawa si Shara nang maalala iyon. Lagi naman talaga silang nagkakasabay sumakay ng tren kaya lang iyon lang ang first time na mangyari ang kausapin siya ng binata.
Napabalik siya sa realidad na maramdamang nabuhat na siya ni Morico at hiniga sa nakalatag na kutson.
“Kapag sinimulan ko, hindi na ako hihinto,” nakangiting sabi ni Morico.
“Tulad ba ito kung paano mo ako napasagot?” tanong ni Shara.
Tumango ang binata at tumabi na sa kanya ng higa. Ninamnam nila ang bawat minuto na may ngiti at pananabik.
“Bakit hindi pa kayo magpakasal?” tanong ng tiyahin ni Morico nang maabutan silang magkasama ni Shara. “Nakarating din sa akin ang usapan na dito na natutulog ‘yang nobya mo,”
Hindi nakaimik ang dalawa.
“Wala naman po kaming ginagawang masama,” pagtatanggol ni Shara.
“Naku, ako hindi hadlang sa inyo pero ayokong may masabi ang mga amiga ko at saka ikaw Morico bago mo ibahay si Shara, dapat may basbas na ng pari, malay ko ba kung anong ginagawa ninyo pag kayong dalawa lang,”
Nagkatinginan ang magkasintahan. Tatlong araw na silang magkasama at hindi talaga maiiwasang lumampas sa limitasyon at nitong nakaraang gabi lang ay may namagitan na talaga sa kanila.
“Umuwi ka na muna, hija. Marami pang panahon. Kung date ay date muna, pero kung gusto nang magsama ay pagplanuhan nang mabuti, ayoko ng ganito na basta lang.”
Tumayo na si Shara at nagpaalam nang uuwi. Pagkalabas niya, dito na nagsalita ng kung anu-ano ang tiyahin ni Morico.
“My god! Ano bang nakita mo sa babaeng iyon? Sa totoo lang, ayaw kita sa kanya. Bukod sa wala...


kang matinong trabaho baka malosyang lang siya nang maaga dahil sa kunsumisyon. Nasabi mo na bang tanggal ka na sa kompanya ng Uncle mo?”
Naalarma si Morico. “Huwag auntie, ayokong magbago ang tingin niya sa akin. Please…”
Napailing ang tiyahin. “Makipaghiwalay ka na sa kanya. Hindi niya deserve ang tulad mo.”
Natatakot ang binata pero may punto ang tiyahin. Marami siyang ginawang pagkukunwari para magustuhan lang ng babaeng iniibig. Nagkunwaring maykaya ngunit ang totoo walang-wala talaga siya.
Lahat nang iyon ay narinig ni Shara dahil hindi pa naman siya nakakalayo. Gustuhin man magalit ngunit isinantabi na lang. Umuwi siya hindi sa boarding house kundi sa totoong bahay niya.
“Ma, nandito na ako.”
Nabitawan ng ina niya ang kubyertos at saka napatayo.
“I’m glad you’re back anak,” yakap na salubong ni Wana.
“Bumisita lang ako Ma, pero babalik din ako sa boarding house.”
Nalungkot bigla ang ina niya. “Hindi naman kita pinipigil magbanat ng buto anak pero ang gusto ko sana dito ka na mamalagi, ikaw na ang mamahala ng bakery natin, sayang ang tinapos mo.”
Napangiti si Shara. “Babalik lang ako nang tuluyan dito pag ok na kayo ni papa.”
Napailing si Wana. “Hindi ko alam anak, hindi na yata siya mapapatawad. Puro sakit lang ng ulo ang dinulot niya sa akin mula nang makasal kami.”
Alam iyon ni Shara. Hindi lingid sa kanya ang madalas ng pagtatalo ng magulang, tungkol sa pera, utang at pagiging sugarol ng ama kaya ngayon wala na itong karapatang tumuntong sa bahay nila.
“Ma, give him another chance. Mabait naman si Papa.”
Umiling si Wana. “Hindi pa ngayon anak.”
Mabigat ang loob na tumayo ang dalaga.
“I have to go.”
Pinigil siya ng ina. “Don’t make things complicated anak. Huwag ka naman ganyan. Intindihin mo sana ako. Galit na galit lang ako sa Papa mo.”
Umalis pa rin si Shara. Nagwala siya pagdating sa boarding house.
“A-anak, bakit?” alalang tanong ng Papa niya.
“Pa, ang tigas ng puso ni .ama. Pa, please magbati na kayo.”
Hinagod ni Hanz ang likod ng anak. “Saka na anak, saka na. Hayaan muna nating kumalma ang Mama mo. Buong buhay niya puro kasinungalingan, at dinadagan ko pa iyon nang magkakilala kami, napaniwala ko siyang matino akong tao, pero nasaktan ko siya.”
Nagpunas ng luha si Shara. Masakit nga naman ang maloko tulad ng nalaman niyang nagpapanggap lang na mayaman si Morico.
“Pa, promise me na maaayos ninyo ito.”
“MAY sasabihin ako,” sabay nilang bigkas at nagkatinginan. Nasa ilalim sila ng maliit na waiting shed at isang linggong di rin nagkita. Umiwas na kasi ang dalaga at ngayon lang niya pinaunlakan ang nobyo para sagutin na ang mga katanungan nito sa chat kung bakit biglang di na siya nagparamdam.
“Namimiss kitang makasabay sa tren,” pag-amin ni Morico.
Umiwas ng tingin ang dalaga. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na Morico, masyado akong busy sa bakery.”
Yumuko si Morico. Nasasaktan siyang hindi na ang tawagan nila ang nabanggit ng nobya. Malamig na ang pakikitungo nito.
“Sorry kung nagsinungaling ako sa estado ng buhay ko. Isa lang ang sigurado ako miss na miss ko na ang dating tayo. May trabaho na nga pala ako ngayon, ‘yong tama lang sa tinapos ko. Kung mapapadaan sa tinatayong building malapit sa bakery ninyo, nandoon ako bilang construction worker.”
Hindi kumibo si Shara kaya tumayo na ang binata.
“Sana mapatawad mo ako .ahal, pasensiya na masyado kayong mayaman para pangarapin ng tulad kong dukha lamang. Hindi ko bahay iyong tinitirhan ko, sa tiyahin ko iyon, wala talaga akong kotse, sa tiyohin ko iyon, ‘yong magagarang damit sa pinsan ko lang iyon.”
Naiiyak na si Shara pero di pa rin niya sinusulyapan ang lalaki.
“Pero marunong akong magluto, masipag ako at mahal na mahal ka.”
Dito na tumayo si Shara, namumula na ang mata sa pagpigil ng luha.
“Mahal…” ang parang batang sambit ni Shara na humawak na kamay ni Morico na nagtataka.
“Pinapatawad na kita.”
Lumapad ang ngiti ni Morico at inilabas ang headset na nakatago sa bulsa, ikinabit iyon sa selpon tapos nag-play ng isang kanta ang binata at sabay nilang pinakinggan.
“Sinasabi ng song na ito kung gaano kita kamahal…” masuyong sabi ng binata.
“Everyday I love you…”
Yumakap sila sa isa’t isa at hindi na pinansin kung pagtinginan man ng mga taong dumadaan. Kahit anong estado ng buhay kapag tinamaan nga naman, walang makakahadlang.

The End.

@she_losa


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.