0

Eng’g drawing


Report

Hi. Ako nga pala si Psy . Simple at masayahin. Galing ako sa simpleng pamilya at nag aaral ako sa probensya. Dito ko nakilala ang taong Mahal ko.
Diko malimutan ang araw na iyon , nang dahil lang sa drawing na pinakita ng kaklase Namin Doon ko Siya Nakita at napansin. Sa katunayan mag kaklase kami at same rin ang Kurso namin, civil engineering. Unang Kita ko nalang sa kanya namangha na ako sa akin nyang Ganda. Morena matangos ang ilong at simple lang, Siya Kasi Yung Babae na Hindi mahilig Mangalore sa mukha. Simula nong araw na iyon naka gusto na ako kanya pero diko masabi Kasi kahit mag kaklase kami Di Niya ako kilala. Kaya no choice ako kundi mag nakaw tingin nalang.
Sa panahon ding yon may nagkagusto rin Sakin may kumunikasyon kami sa isat isa pero Di rin nagtagal na wala rin. Naging magkasintahan Sila ng isa kung kaibigan , pero okey lang naman mabait naman Yung kaibigan ko. Nag fucos nalang ako sa pag aaral , Pako na’t may inspirasyon ako sa loob ng classroom namin. Lumipas ang using taon nag ka ninyo Siya , masakit Mang isipin na Yung pinangarap Kong Babae may pag aari ng iba. Pero masaya ako para sa kanya, Kasi naging masaya at inaalagaan din siya ng taong Mahal Niya, pero Di Sila nag tagal nag hiwalay din. Mismong lalaki ang nakipaghiwalay sa kanya, ang masaklap trinaydor Pa sya nang matalik nyang kaibigan. Nagkagusto Yung best friend nya sa kanyang nubyo. Masaklap Pa don pinangalandakan Pa ng kaibigan nya na gusting gusto nya ang lalaki nag kataon ding masakit ang papa Niya. Gusto ko siyang lapitan habang tanaw ko sa malayo na lumuluha siya mag isa. Pero nanaig ang pagiging mahiyain ko. Oo Tama kayo torpe akong Tao. Lumipas ang isang taon naging magkaibigan kami.. lima kami sa grupo at sya lang ang prinsesa namin at Doon ko nakilala siya ng husto. Subrang bait Niya , mapagbigay siya sa kapwa at paminsanminsan mas inuuna nya ang ibang Tao kumpara sa sarili Niya. Kahit paminsay inaabuso na siya, magalang siya at parati nyang sinusunod ang magalang niya. Dahil sa katangian nyang ganyan mas lalo ko siyang minahal, pero mas nahirapan ako kung Pano ko Sabihin Kasi tkot akong magbago ang pakikitungo niya sa Oras na malaman nya ang nararamdaman ko sa kanya at maapektuhan ang pagkakaibigan namin at lalayuan niya ako. Ilang buwan rin nag ka nobyo sya ulit...


, talagang nawalan na ako ng pag asa, nag desisyon akong kalumutan sya pero ang hirap. Nasakanya na lahat ng katangian ng gusto kung Babae pero gago ako dahil sa Hindi ko manlang kayang subukan na Sabihin ang nararamdaman ko. Lumayo layo ako pero kahit Anong layo ko , babalik at babalik parin ako sa kanya Kasi magkatabi kami ng upuan eh at dinadaldal niya ko. I lang buwan rin ang lumipas komontak saakin ang ex ko nong highschool palang , oo may ex ako pero naging kami sa Panamagitn ng txt. Nag usap kami tungkol sa Amin nuon lahat2 kun bbaga closure at nakipagbalikan sya saakin. I lang Gabi koring pinagisipan ang desisyon ko pero sa huli pinili koparrin ang taong Mahal ko. Lumipas uli aang ilang buwan nag hiwalay Sila ng nobyo niya sa kadahilanang binabastos sya kahit may maraming Tao ang naka tingin, paminsan rin daw Bina blackmail. Gusto rin daw ng lalaki na gawin ang bagay na Gawain ng mag Asawa parati siyang pinipilit nito at palagi nyang tinatanggihan ,Hanggang sa Dina niya kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay sa tkot na mangyari ang gusto nong lalaki. Diko maintindihan naramdaman ko , masaya ako na malungkot. Masaya akong nag hiwalay Sila dahil Alam Kong nailigtas nya ang sarili Niya sa ganong klaseng lalaki pero malungkot din ako Kasi nasasaktan naman siya. Dumating ang pasko , bagong taon at bakasyon , ganon parin ang setwasyon ko minahal ko sya ng Patago. Alam n pala ng iba Pa naming kaibigan ang nararamdaman ko kaya pati Sila tudo payo na subukan ko lang busted man o Hindi basta’t sinubukan ko ng sagayon wala akong pagsisisihan. October non nakapagisip ako , kahit hiyang hiya ako kinapalan ko ng maigiang mukha ko. Sinabi ko sa kanya lahat lahat ng nararamdaman ko , sa isip ko kahit Anong mangyari tatanggapin ko wala akong dapat ikalungkot dahil nagpakatotoo lng ako sa pagmamahal ko sa kanya Di nagtagal naging kami rin , grabe ang saya sa haba ng paghihintay ko may patutunguhan rin pala. Ngayon graduate n kami sa college at sabay namin abutin lahat ng pangarap namin sa Buhay. Kaya sa lahat ng lalaki na may minahal n Patago wagkayo mawalan ng pag asa , dahil dadating rin ang tamang oras para sainyung dalawa. Subukan mulang at kahit Anong mangyari tanggapin mo ng buong puso kun ano man ang magiging desisyon niya ng sa gayon wala Kang pagsisihan sa huli.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.