0

Embracing The Darkness Kabanata 3


Report

Embracing The Darkness
Kabanata 3
Hapon na ng magising ako, langya aga pa sobra. Wala kasi akong ginawa kagabi kundi icomfort si Maalindog pero hindi naman sa nagrereklamo ako ha. Lumabas muna ko ng munti kong tirahan dala ang aking pitaka. Pumunta ako sa bakery sa isang kantuhan lang.
“Pabili nga po ng dalawang spanish bread at tatlong pandicoco.” sabi ko sa tindera. Ang init sobra, kahit hapon na tirik pa ang araw. “Ay padagdag na din po ng isang mango juice at isang yelo Ate Gina.” nakangiti kong dagdag.
“Kainitan ngayon ano Kendra? Kumusta ka naman iha?” mabait nitong pangungumusta. Kendra ang totoo kong pangalan, syempre hindi naman lahat ng tao dito alam ang pangalan ko sa bar. Tanging iilan lang na nakapasok na sa pingatatrabahuhan ko tulad nila Bert.
“Ayos naman Te single pa din. Kayod pa din kayod para mabuhay.” biro ka pa.
“Haha. Bakit naman? Bulag yata ang mga binata dito sa atin ah. Sa ganda mong babaeng iyan, wala pang nagkakamali?”
“Naku Ate Gina, I know right. Pero syempre naman Te, may nagkakamali kaso mga tambay at manginginom. Ayoko naman na ako pa bubuhay sa jojowain ko, hindi iyon nakakaganda. Tsaka Te, nangangarap din naman ako ng lalaking mag-aahon sa akin dito, wala naman sa plano kong dito na forever. Haha.”
“Ay tunay ka Kendra, magaling iyong mamimili ka. Mamaya adik pa kabagsakan mo, ay huwag.” Nagpaalam na ko matapos ang chikahan namin. Uhaw na uhaw na ako kaya nagmamadali na kong umuwi. Nabigla ako ng madatnan ko sa labas ng maliit kong gate si Matamis at Maalindog?
“Anyare girls?”
“Ah eh Masarap may hihingin kasi kaming pabor sayo kung okay lang sana?” nangangalumatang sabi ni Matamis. Mukhang wala pa silang tulog, nagpapalakihan sila ng eye bags e.
“O, siya kayo’y pumasok muna at magtitimpla muna ako ng juice. Sobrang init sa loob tayo mag-usap.” Pinapasok ko naman sila agad at pinaupo matapos ay itinapat ko sa kanila ang elecric fan agad namang humilata si Matamis. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para ihanda ang binili ko. Dala ang tasty at mayo na stock ko pati na ang binili kong tinapay at tinimplang juice sa maliit lamesa sa maliit ko din na salas.
“O inom at kain muna kayo bago tayo mag-usap. Natulog ba kayo? Mukha kayong puyat na puyat ah.” sabi ko pa sa kanila habang sinasalinan ang mga baso nila. Kumuha naman si Matamis ng tasty at pinalamanan iyon pati si Maalindog ay inabotan niya at mukhang nahihiya pa.
Uminom muna si Matamis bago nagsalita, “Wala nga kaming tulog kakapunta sa mga katrabaho natin. Sa inuupahan ko sana patutuloyin itong si Marie Belle kaso bukod sa nandoon ang adik kong boyfriend, lumuwas pa ang kaniyang dalawang kapatid at sa amin muna maninirahan habang naghahanap ng trabaho. Alam mo namang ang liit lang ng apartment ko kaya pinuntahan ko ang ibang kasamahan natin para magbaka sakali kung maaring doon muna si Marie kaso wala. May mga problema din sila sa tirahan nila, iyong iba madami din sila sa inuupahan nila, iyong iba naman problema sa bayad ng renta at iyong ibang hindi ko naman kaclose puro palusot at mukhang ayaw lang.” namomroblemang paliwanag ni Matamis at bumuntong hininga pa. Napatingin naman ako kay Maalindog na nakayuko habang hawak ang baso niyang may juice. Napansin ko din ang may kalakihang sako bag na may zipper sa tabi ni Maalindog, probinsyana talaga.
“Oh hindi ba siya binigyan ni Madam? Malaki ang kita nitong si Maalindog kagabi ah?” tanong ko pa. Limang lalaki ba naman tapos nagperform pa siya kagabi kung saan inulan siya ng pera.
“Binigyan naman niya ako Ate. Pambudget. Iyon lang budget ang iaabot nya sa akin palagi para daw makabayad agad ako.” Si Maalindog na ang sumagot.
“Oo Masarap, malaki nga kinita. Inabutan lang naman ba ng 600 si Marie. Jusko saan aabot iyon dito sa Maynila, kulang na kulang pa. Tapos eto pa inalok niya si Marie na sa bar manirahan sa umaga at maglatag na lang daw pero syempre may bayad. Aba baka hindi na makaahon ang batang ito, sa laki ng ineteres. 50,000 daw ang inutang ng bruhang ina pa nitong si Marie. Walang awa.” umiiling na sabi pa ni Matamis. Maging ako ay naawa na kay Maalindog, grabe naman iyong Nanay niya. Siya kaya ang magbanat ng buto pati si Madam na sobrang barat ay ang sarap palunokin ng barya.
“So ang pabor na hihingiin niyo ay kung puwedeng dito muna si Maalindog?” hula ko.
Napayuko sila parehas at mukhang parehas ding nahihiya. Tumango sila matapos ay lumuluha na naman si Maalindog. Jeske ay buti at hindi nauubosan ng luha ang batang ito. Kaya naman tumikhim ako kaya inangat nila ang mga mukha nilang kabado. At tumatangong nginitian ko sila. Nanlaki ang mata ni Matamis habang humagulhol na si baby girl.
“Walang problema. Hangga’t kaya ko keri lang tsaka sinu-sino pa ba ang magtutulongan? Tumahan ka na baby girl at hindi ka na sa lansangan pupulotin. Haha.” pampapagaan ko ng loob kay Maalindog. Pati nga si Matamis umiiyak na din.
“Maraming salamat Ate. Maraming salamat talaga, hindi ko alam ang gagawin ko kanina eh. Maraming salamat po talaga sa inyo mga Ate. Kaya lang wala akong maibabayad sa renta dito. Pero ibibigay ko na lang iyong mga binibigay sa akin ni Madam sa iyo.”
“Welcome. Huwag na itabi mo na lang muna iyan. Tsaka ka na bumawi kapag nakaluwag luwag ka na. Tsaka anong renta? Sariling bahay ko naman ito kaya hindi na kita sisingilin ng renta.”
“Salamat Masarap ha, hindi ko din alam gagawin ko kanina kay Marie buti na lang talaga nandyan ka.” nakangiti ding pasasalamat ni Matamis.
“Oh sya tama na ang dramahan natin, nakakawala ng ganda. Ikain na lang natin, ‘wag na kayong mahiya.” natawa na lang din kami. Natapos ang meryenda naming puro pasasalamat ang sinasabi nila sa akin. Dalawa naman ang...


kwarto dito, iyong isa ay ang dating silid ng magulang ko at ang isa pa ay siyang kasalukuyan kong inookupa. Doon ko pinatuloy sa kwarto ng magulang ko si Maalindog, binigyan ko siya ng bagong labang bedsheet, punda at kumot. Malinis naman doon kaya lang wala halos laman kundi kama at salamin. Matapos ay umidlip muna sila Maalindog at Matamis dahil na din sa kulang sila tulog. Dito ko na pinatulog si Matamis para diretso na lang kami mamaya sa trabaho na agad naman niyang sinangayunan, pahihiramin ko na lang muna siya ng susuotin mamaya.
Magdidilim na at abala ako sa pagpiprito ng itlog at tilapya na binili ko sa labasan para sa amin.
“Ate salamat talaga, dapat ginising niyo na lang po ako para makapagluto.”
“Oh gising ka na pala Maalindog, okay lang naman. At alam kung puyat kayo ano ka ba.”
“Pero nakakahiya po kaya tutulong po ako sa gawaing bahay o kahit ako na lang po gumawa lahat ng makabayad naman po ako sa kabutihan niyo sa akin.”
“Hahaha. Hay nako baby girl tigilan mo ako at ‘di ako tulad ni Madam. Tulong tayo, hindi lang ikaw. Hindi kita pinatira dito para gawing yaya. Okay? Kaya maligo ka na at patapos na ako dito pagkatapos mo ay ako naman.” Sumunod naman siya agad matapos ay ako naman ang naligo. Pinagising ko na din si Matamis kay Maalindog. Kumain kami nagkukwentuhan at tawanan, nagprisentang maghugas si Maalindog kaya hinayaaan ko na. Habang nagsusuklay sa harap ng tukador sa kwarto ko napansin ko ang maraming tabletas na naiwan dito ni Maharot, katrabaho at bestfriend ko na nakaleave. Madalas kasi itong magsleep over dito, ngayon ay busy sa vacation niya with his sugar daddy. Nakajackpot si gaga, at parati pang may sustento. Iyon nga tabletas para ‘di magbuntis, naalala ko kasi si Maalindog. Kaya dinala ko ang isang banig at nilagay sa bag. Magkakasama kaming umalis sa bahay ko hanggang pumasok sa bar. Maaga pa kaya halos puro katrabaho pa lamang namin ang naabotan namin.
“Ahmm..Maalindog baby girl, eto oh in case na ano.” sabay abot ko ng gamot sa kaniyaa. Nagugulohan nitong tinanggap iyon sa akin. Lumapit din ang mga kasamahan ko para makiusyuso sa inabot kong gamot.
“Ay uminom ka na niyan agad bakla. Mukhang mapapalaban ka mamaya.” Biglang sabi ni Malambot.
“Para saan po ito?”
“Marie gusto mo bang mabuntis? Kailangan iyan lalo na at bata ka pa. Tapos dahil na din sa utang mo kay Madam ‘di ka noon pakakawalan at papa-abort ka lang ng papa-abort kaya super need mo iyan buti at inalala ka ni Masarap.” sabi dito ni Matamis. Gulat na naiiyak na nagugulohan itong nakatingin sa amin kaya naman pinaliwanag ito ng assistant ni Madam. Andito kasi si Cherry at chumichika sa amin.
“Maalindog, gamot iyan para hindi ka magbuntis. Syempre papasukan ng talong ang tahong kaya posible kang mabuntis. Hindi mo naman siguro gugustohing mabuntis ng mga lalaking iyon. At hindi ka din makakaalis hanggat hindi ka pa bayad ng utang kay Madam. Kaya kapag nabuntis ka, ipapalaglag mo lang din kasi nga kailangan mo pang magtrabaho dito. At nakakalosyang iyon, wala kang anak pero magmumukha kang may ilang dosenang anak kahit na ang totoo may mga magiging anak ka sana dapat kaso na-abort lang. Hindi ka naman pwedeng magtrabaho ng buntis hindi ba? Kaya uminom ka na lang at delikado din naman ang abort abort na iyan.” mahabang paliwanag ni bakla na nagpalaki ng mata ni Maalindog.
“Ibig sabihin magpapagamit ako? Hindi puwedeng lasingin ko na lang o ano.” nangingilid muli ang luha nito.
“Tulad nitong si Masarap? Madiskarte iyan at veterans na. Tsaka puwede silang mamili eh. Iyon ang kaibahan kasi hawak ka ni Madam. Siya ang nagdedecide ng lalaki para sayo, paano kung matapat sa iyo, ayaw uminom, at gusto na agad na jugjogan? Mga ganoong situation girl ay walang takas, kasi pupwersahin ka nila lalo na kung fully paid na.” sagot ni Cherry. Well tama kasi, pwede kaming tumanggi sa “extra service o sex”. Pero ‘pag table table si Madam or costumer namimili.
“Ha? Pwede silang mamili ng sasamahan sa lamesa?” tanong ng nagugulohan na si Maalindog. Umiling naman kami.
“Hindi syempre Maalindog. Ibig kong sabihin sa sex, pwede silang umayaw kung ayaw nila ng serbisyong makatas.” sagot muli ni Cherry.
Nagbihis na kami at nagsiayos na. Kahit ang lumuluhang si Maalindog ay nagbihis na at nagpatulong magpamake up sa amin. Sa day off tuturuan ko itong magmake up. Naging abala na din kami nung sumunod na mga oras, ilang lalaki din ang sinamahan ko sa kwarto sa taas. Pero siyempre mga nilasing ko, kalimitan kasi ay mga matatandang mayaman costumer ko. Minamasahe ko pa nga ang iba para makatulog. Mataas ang presyo ko sa serbisyong makatas o kunwareng sex, kaya malaki ang kinikita sa akin ni Madam. Hindi ko namalayan na mag-uumaga na. Nauna na kong umuwi kay Maalindog, may duplicate na naman siya. Wala kasi siya sa bar sabi ay tinake home daw, medyo may eskandalo pa nga daw na nangyari at ayaw ni Maalindog sumama umiiyak pa daw ito kaso walang nagawa ng ipabuhat na sa bouncer. Wala akong ka-ide ideya sa mga naganap. Hindi kasi rinig sa taas ang ingay sa baba pinasadya iyon para dito sa taas. Sabagay wala din naman akong magagawa kung sakali kaya nagalala man ay hindi ko na din namalayan ang pagpikit ng mata ko sa sobrang pagod.
A/N: Gusto ko po sanang malaman ang opinyon nyo sa story na ito. Kung boring ba or okay lang or kung anuman. Pasensya na kung puro kay Maalindog but part po ito ng story at buhay na meron sila. Please be patient. Makilala niyo den po ang leading man ni nyahahahaha. Inagahan ko na den po ang updated at baka may mga mommies na nag-aabang na abala pa naman sa pagluluto at pagaaruga ng mga junakis nila..Enjoy reading💕


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.