0

Destined to each other


Report

Hi,ako nga pla si jenn, isa akong ilokana, taga la union po ako. Napadpad po ako dito sa zamboanga noong ako’y mag 18 yrs. Old oa lamang. Kinuha po ako ng tito ko, kapatid ng aking mama, para paaralin. Working student po ako kasi sa amin, at pinili ko na lamang na sumama sa tito ko para makatikim naman kahit papaano ng marangyang buhay. So eto na nga, nakarating na kami sa zamboanga, sabi ng tito ko, tatawagan lang daw niya si “ian” para makapaghanda na siya ng hapunan namin. Pamangkin siya ng asawa ng tito ko. ex-wife pala kasi late ko naa nalaman na hiwalay na sila ng asawa kasi wala namang kwinento ng tito ko doon sa amin about sa family niya. Nakauwi na kami sa bahay ni tito, at nakita ko na si ian., Gwapo, matangkad,maputi at mahiyain. Siya lng pla ang naiwan dto sa bahay ni tito, mula noong umalis sila, hinatid kasi ni tito ung pamilya niya sa manila, pupunta kasi sila sa ibang bansa. Matanda skin ng ilang buwan si ian kaya kuya ang tawag ko sa kanya. Unang kita ko pa lng sa kanya, may naramdaman na talga akong kakaiba. Pero binalewala ko lng iyon at hindi ko na pinansin ung feeling na iyon. Lumipas ang ilang araw na hohome sick na ako, kasi tatlo lng kami sa bahay ni tito, minsan kami lng ni kuya. Lalo na nung nagpaalam si kuya na uuwi muna sakanilang probinsya. Nalungkot ako dahil ako na lng lagi ang mag isa sa bahay, palgi kasi duty si tito,. Umiiyak n lng ako na tila nagsisi dahil hindi ganito yung napicture ko eh, nung kinakausap ako ni tito, para dito na lng ako mag aral,. May kasama dto sa bahay, ang gagawin lng is mag aral lng ng mabuti,. Parang iba, parag kinuha ako para may makasama siya sa bahay niya at may mag asikaso sa bahay niya. Ang lungkot ko talga, nasabi ko pa dati na sana hindi na lng ako sumama na nagtiis n lng basta kasama ang pamilya ko. Ayon n nga, malapit na ang pasukan, at bumalik si kuya dto sa bahay, hindi ko maintindihan pero biglang sumaya ang puso ko,. Pinagpatuloy ko yung kurso ko na kinuha doon sa amin, which is yung HRM. Kaht na back to first year ulit ako kasi hindi magkatugma ung mga description sa mga subject. Pero may accredited naman. Si kuya nag nautical siya, pina aral din siya ng tita niya, ung kapatid ng asawa ng tito ko ang nagpaaral sa kanya,. Before pala siya nag aral ng college ay nag tesda muna si kuya at ang tito ko ang nag insist para daw may kasama ako. Lagi akong naiinis kay kuya dahil sobra siyang protective, ung tipong aalis ka lng na naka short, ang dami dami ng sinasabi o kaya naman late ka lng maka uwi, ang dami dami ng kinukuda,. Lalo na nung sabay na kaming nag aaral sa kolehiyo. Kahit na sa school kami, bantay lahat ng kilos,. Para kaming aso’t pusa. Pero thankful ako kay kuya dahil kapag hindi naibibigay ng tito ko ang mga kailangan ko sa school, nandiyan si kuya. Ang hirap kasi humingi sa tito ko eh ang dami dami pang sinasabi bagi magbigay. Kaya minsan nakakahiya magsabi kung ano ang mga kailangan mo. Hirap din ako sa baon kasi naka budget na lahat eh, kaya if may cooking kami, minsan nakikihati na lng ako sa mga kaibigan ko. Hindi naging madali ang buhay ko dito, parang control lahat. Parang feeling ko naging kasambhay ako sa tito ko like ikaw lahat ng gawaing bahay, ung tipong hindi ka maka hindi kapag uutusan ka kahit pagod kana, pero tiniis ko lahat. Hangang sa naging sandalan ko na si kuya pero ewan ko ba naag iba ang timpla ng pakikitungo ko sa kanya simula nung binigyan niya ako ng buko juice. Hahaha, parang ginayuma ako eh, bumait na ako sa kanya hindi ko na nga inaaway hehehe, lahat
nagkwekwento kami sa mga napag daanan namin sa buhay, pareho kaming lumaki sa hirap. Pero kung tutuusin mas mahirap pa yung sitwasyon nila keysa sa amin. Naging mas close p kami noon ni kuya noong ako ang naging tulay para maging sila ng kaibigan ko. Nagkaroon din ako ng nobyo noon at nalaman ni kuya. Sobra siyang nagalit at ewan ko ba para siyang nagseselos. Isang gabi kami lng dalawa ni kuya sa bahay, at nag inom siya, eh hindi naman siya umiinom kaya madali lng siya nalasing. Nakakatawa nga eh kasi ang daldal niya, nasabi niya tuloy na may gusto daw siya sa akin. Pero pinipigilan niya kasi nasa iisang bubong lang kami, pero nasasaktan na daw siya kapag may kasama akong iba or may manliligaw sa akin. Nabigla ako sa mga sinabi niya at tila may kaunting saya sa puso ko dahil gusto ako ng aking kuya. Hahaha..crush ko din namn siya pero iniisip ko din na hindi pwede dahil iisang bubong lang kami. Lumipas ang araw, parang iniiwasan na ako ni kuya, hindi ko na lng din siya kinibo dahil tuon ako dti sa thesis namin..nakita ko din si kuya na parang meron na din siya nililigawan, ok namn sakin un pero bigla ako nakaramdam ng kirot. Sana magkaiba na lng kami ng bahay. Wala noon si kuya dahil mero silang training, napagpasiyahan ko na sumama sa mga kaibigan ko mag outing. Ok na rin un para makapagpahinga kunti,. Hindi ko alam na doon pala kami pupunta sa beach...


ng mga navy. May kaibigan kasi ako na papa niya navy. Kaya pwd lbg kami doon sa naval beach. Nagreservist kasi si kuya kaya siya nagtraining. Masaya kami nagbobonding ng mga kaibigan ko, at medyo madilim na nung nakauwi kami. Sakto pag uwi ko, nandoon na rin si kuya sa bahay. Wala siyang imik hangang sa nasa kusina ako, bigla na lamang niya ako hinalikan, sabi niya hindi na daw niya kaya para na daw sasabog ang dibdib niya. Mahal na mahal daw niya ako. Sabi ko pag isipan ko muna. Handa namn daw siyang mag antay. October 23, pinagpasyahan ko na sagutin si kuya. Bahala na, sundin ko n lng ang puso ko. Naging kami ni kuya, siyempre nilihim namin iyon kay tito,. Naging sandalan ko siya sa mga problema ko lalo nat siya lng namang ang nakakaintindi sa amga pinagdadaanan ko dahil alam niya at kitang kita namn niya ito. Naging mapusok kaming dalawa hangang sa nagbunga nga ito. Buntis ako nung 3rd yr college pa lng ako. At mag liamng buwan na noong sinabi namin ito kay tito. Oo lahat tinanggap namin ang consequences ng aming ginawa, tinanggap namin ang galit ni tito. Hindi din ako pinabayaan ni ian, hangang sa nanganak ako. Lahat siya ang nag asikaso. Natigil ako sa pag school dahil ayaw na akong paaralin pa ni tito, hindi na din niya ako kinikibo, like noon pa man din, kakausaoin lng ako pag may kailangan siya,or may iuutos ni kamustahin nga hindi nga ngayon pa kaya. Doon pa rin namn kmi nakitira sa bahay niya hanggang sa sasampa na si ian sa barko para mag apprentice. Naiwan ako mag isa at dahil first time mom nga ay dumaan ako sa depression. Palgi ako umiiyak, wala akong masabihan ng problema ko, hindi din nakakatulong ung palaging pagsumbat sayi ng tito mo sa mga nagawa niya sayo. Pag umiiyak si baby pinapabayaan ko na lng, like windang talga. Hangang sa pumasyal kami sa barko, sinabi ko lahat kay ian at napagpasiyahan niya iuwi kami sa kanilang lugar. Umalis kami sa bahay ng tito ko at umuwi kami sa sibugay, lugar nila ian. Ok naman ang pamilya niya. Mababait sila, mabait sila sakin at si baby ang kanilang unang apo. Bumalik na si ian sa barko at naiwan kmi doon. Pagkalipas ng apat na buwan nagoasiyahan namin ni ian na luluwas ako pabalik ng cuidad para magtrabaho. Iniwan namin ang anak namin sa mga lola niya. Hangang sa pinabalik ulit ako ni tito sa bahay niya, dahil darating daw ang pamilya niya galing canada sa desyembre. Natanggap din ako sa isang hotel at doon na ako nagtrabaho. Naisipan ko na bumalik ulit sa pag aaral dahil isang taon na lang at gragradaute na rin ako. Nakuha din si ian sa barko at nagkaroon siya doon ng trabaho. Dumating na ang pamilya ni tito at pti na rin ung mga kamag anak ng asawa ni tito galing sa sibugay. Masaya ako dahil makakasama ko ulit ang anak ko, hindi ko inaasahan na sa pag uwi sana nila ay magkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mama ni ian. Na naging sanhi din ng aming away ni ian. Nagalit ako dahil hindi niya pinakinggan ang panig ko, na ang panig lng ng kapatid niya ang pinakinggan niya. Hanggang sa kinausap ko ang mama niya at naging ok ang lahat. Ang hirap pala kapag wala kang kakampi,kahit ang tito mo wala doon paraan lng sana ipagtanggol ka pero wala. Lagi din kasi siyang wala sa bahay niya kahit andun ang pamilya niya. Kasi nga hiwalay na sila. Fast forward: kinuha namin ulit ang anak namin at huminto ako sa pagtratrabaho, at pinaaral ako ni ian. Nakapagtapos ako at sobrang saya ko noon. Maganda ang naging takbo ng buhay namin hangang sa pinaalis na kami ni tito, mabuti na rin at nakabili kami ng lupa at saktong nagpapatayo na kami ng bahay namin. Pinalayas kami dahil siguro ayaw ni tito na nakikita na masya at ok kmi ni ian. Kasi nga dati halos isumpa kami noon eh, na kesyo hindi daw kmi magtatagumpay, kaai parehas daw kming tanga. Ang dami naming tinanaggap na masasakit na salita galing sa kanya. Madami rin dati ang hadlang sa relasyon namin, isa na rin jan ung tita niya, ung asawa ng tito ko, dahil magkakaroon nanaman daw ng ugnayan nila ni tito dahil pamangkin niya ako, at ung tita niya sobrang mabunganga. Kesyo ganyan daw nung nabuntis ako, bakit ko daw hinayaan na mangligaw at bakit daw sinagot ko siya. Ai ewan ko lahat ata hadlang. Pero hindi kami nagpatinag nanaig ang pagmamahalan namin sa isat isa. Nagkaroon kmi ng bahay at masayang pamilya lalo na nung nadagdagan pa ito. Nung lumipat kami ng bahay ay sakto din na malapit na ako manganak. Masayng masaya ako. Pero siyempre walang perpektong relasyon, nagkaroon kmi ng hidwaan ni ian, dahil natuto siyang mangbabae. At muntik na akong hindi bumalik sa kanya noong umuwi ako sa amin, pero inisip ko ang kapakanan ng mga anak ko. Nahkabalikan ulit kami at nadagdagan na naman ng isa pa. Hangang ngayon ay kami parin at nagpakasal na rin kami sa wakas. Masaya na kmi ngayon kasama ang tatlo namim tres marias, hehehe. Masasabi kong tinadhana kaming dalawa dahil mula luzon ay napadpad ako dto sa mindanao para makilala ang taong napangasawa ko. Marami man kaming pinagdaanan pero andto parin kaming dalawa, at masaya. Pinagtagpo sa hindi tamang panahon pero binuo ito pagmamahal ng walang panahon ang nakahadlang.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.